Ang Tutor Part 8

by Ponse

********Saturday 7:30pm********

Hindi umuwi ang mga Maids and Yayas na umAttend sa Birthday Party ni Jenny hanggang hindi nila naililigpit ang mga kalat, nahugasan ang mga ginamit na utensils and talagang iniwan nilang maayos ang house nina Jenny bago sila umalis. Kahit na sinabihan sila nina Matthew na Guest sila at hindi na nila kailangang gawin iyon ay nagInsist pa din sila. Ang Yaya ni Matthew ang nagbigay sa kanila ng mga Take Home na sumobrang food from the Party dahil napakadami talagang nilutong Dishes para sa Birthday Party ni Jenny. Ginastusan talaga ni Matthew ng malaki ang Party ng kaniyang alagang si Jenny.

Thankful si Matthew sa kaniyang Yaya at sa mga naging friends niya from the School of Jenny dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging Successful and Organized ang Birthday Party ni Jenny. Although na masaya si Matthew ay kabadong-kabado siya dahil hindi talaga niya expected na dadating itong si Arthur sa kalagitnaan ng Birthday Party.

Alam ni Matthew na hinding-hindi maniniwala si Arthur sa kaniya na nagkasya ang iniwan nitong P5000.00 sa kaniya na kanilang panggastos sana sa pagpapasyal niya kay Jenny sa Day na nito. Walang maisip na convincing na alibi si Matthew kaya nama'y hindi ito mapakali at iniiwasan talaga niyang makaEncounter niya si Arthur that time.

Pero hindi ikinakaila ni Matthew sa kaniyang sarili na hindi madaling maloloko si Arthur kaya nama'y hindi maiwasan ni Matthew na maImagine ang mga sakaling mangyari after the Party pero napapaSmile din siya sa tuwing makikita niyang napakaHappy ang magDaddy.

Nag-enjoy ng bigtime si Jenny sa hinandang Birthday Party sa kaniya ng kaniyang tito Matt. Just like Jenny ay ganoon din kasaya si Arthur at talaga namang naEnjoy niya ang bawat sandali sa Birthday ng kaniyang daughter na kamuntikan na niyang maMiss. Although bothered si Arthur sa sinabi sa kaniya ng kanilang Company President sa ay unti-unti ng nawala sa isipan niya iyon dahil napalitan na ito ng isang malaking Curiosity for Matthew and ang kaniyang Enjoyment sa Birthday Party.

Hindi mapigilan ni Arthur na mapaSmile kapag nagkakatama ang paningin nila ni Matthew. Halatang-halata ni Arthur na talagang Guilty si Matthew at talaga namang sinasadya niyang pagTripan si Matthew na palaging salubungin ang mga paningin nito which he did really enjoyed a lot.

Sa buong time ng Birthday Party ay sunod-sunod na pumasok sa isipan ni Arthur ang mga mamahaling mga gamit ni Matthew. Mula sa mga original Chuck Taylors nito, Pants, Shirts, Wristwatch hanggang sa latest na iPhone ni Matt ay ngayon lang niya napuna't naalala. Sa ngayon nga ay talaga namang hinding-hindi mapagkakamalang isang Tutor si Matthew dahil sa porma't get up nito ay talagang hindi mapagkakailang hindi ito pipitchugin but isang bigtime na tao. Tiniis ni Arthur na huwag lapitan at kausapin si Matthew at hinintay na lamang niya na matapos na ang Party at makauwi na ang mga guest.

Ngayon nga'y nakaupo si Arthur at tinutulungan niya si Jenny na mag-Open ng Gift habang si Deborah nama'y kinukuhanan sila ng pictures na MagDaddy at nang mabuksan ni Jenny ang lahat ng kaniyang mga gifts ay humikab na ito na siya namang inaabangang talaga ni Arthur.

"Where's Matt? I haven't seen him." Ang sinabi ni Arthur kay Deborah habang pinupulot ni Arthur ang mga napunit na mga gift wrapper na nasa sahig.

"Ansabe mo Sir?" Ang reply naman ni Deborah. Napapikit si Arthur at napailing dahil hindi pa talaga siya sana'y sa bago nilang Maid.

Magsasalita na sana si Arthur ng tagalog nang biglang naalala niya kung bakit Familiar ang boses nitong si Deborah. Bigla niyang naalala niya nang tumawag siya noon sa bahay nina Matthew at ito hinding-hindi siyang magkakamaling isang Maid ang nakasagot. Ganoon din ang pagkakasabi ni Deborah sa phone nang tinanong niya in English kung pwede ba niyang kausapin si Matthew. Napangiti itong si Arthur nang maalala niyang tinawag ni Deborah si Matthew ng 'Sir Matt'.

"Nasaan ang Amo mo?" Ang tanong muli ni Arthur kay Deborah in Tagalog.

"Nasa Kusina po si Sir Matt kasama si Manang." Ang sagot ni Deborah kay Arthur habang tinitignan nito ang mga nakunan niyang images mula sa hawak niyang Digi Cam ni Matthew.

"Ang gandang Camera niyan. Kanino yan?" Ang sunod na tanong naman ni Arthur.

"Kay Sir Matt." Ang sagot ulit ng Clueless na si Deborah at tuloy pa din ito sa pagtingin ng mga images. From a smile ay naging ngisi na ang gumuguhit sa mga lips ni Arthur.

"Iligpit mo na ito tapos samahan mo si Jenny na kwarto niya para makapaglinis at makapagpalit na." Ang sambit ni Arthur kay Deborah na sumunod naman kaagad.

"O Baby, Sleepy ka na ata. Go to bed early na." Ang malambing na sambit naman ni Arthur kay Jenny. Lumapit lang si Jenny kay Arthur at niyakap niya ito.

"Thank You Daddy!" Ang masayang inaantok na sabi ni Jenny kay Arthur nang niyakap niya ito.

"Happy Birthday Jenny." Ang mahinang reply naman ni Arthur kay jenny at talaga namang Thankful siya na nakasama niya ang kaniyang daughter sa special day nito.

NakaSmile na tinitignan ni Arthur sina Jenny and Deborah na naglalakad papunta sa room ni Jenny and after just a few seconds ay tumayong may pilyong ngiti si Arthur sa kaniyang mga labi habang papunta siya sa Kitchen upang iConfront na si Matthew. Akmang papasok na si Arthur sa Kitchen nang biglang nakasalubong niya ang Yaya ni Matthew.

"SUSMARYOSEP!" Ang biglang sambit ng malakas ng Yaya ni Matthew nang makasalubong niya si Arthur. Nagkasabay kasi na lumabas ang Yaya ni Matthew at pumasok itong si Arthur.

"Okay lang po ba kayo?" Ang concern na tanong ni Arthur sa Yaya ni Matthew.

"Ay, O-okay lang ako Sir." Ang nauutal na sambit naman ng Yaya ni Matthew kay Arthur. Naramdaman kaagad ni Arthur ang pagkabalisa ng matandang babae.

"Ako nga po pala si Arthur." Ang pagpapakilala ni Arthur dito.

"Siya ang nanay ko. Kailangan na niyang umuwi at naghihintay na si Kuya Dodong sa labas." Ang biglang singit naman ni Matthew sabay akay niya sa kaniyang Yaya palabas ng kitchen.

"Maaga pa naman. Kumain na ho ba kayo Nay?" Ang sagot naman ni Arthur sabay hawak niya sa Wrist ng Yaya ni Matthew para hilahin papasok ulit sa Kitchen.

"Busog pa siya, kailanang ng umuwi ni Nanay kasi." Ang sabi naman ni Matthew sabay hila din niya sa isang braso ng kaniyang Yaya palabas ng Kitchen. Mas lalong kinabahan ang Yaya ni Matthew sa ginagawa ng dalawa.

"Baka hanapin na kasi si Dodong ng mga Amo niya." Ang dagdag pa ni Matthew.

"Pauwiin mo nalang si Dodong. Tayo nalang ang maghatid sa nanay mo sa kotse ko." Ang aya naman ni Arthur kay Matthew. Nakangiti na si Arthur ng pagkaloko-loko habang naiinis na si Matthew.

"Matagal ko nang gustong makausap ang nanay mo. Ang sarap niya kasing magluto eh." Ang makulit na pagpupumilit ni Arthur. Gusto niyang makausap talaga ang nanay ni Matthew.

"Diba gusto mo na pong umuwi Yaya!" Ang helpless na sinabi ni Matthew sa kaniyang Yaya dahil ayaw talaga niyang makausap ito ni Arthur.

"Kala ko ba Nanay mo si Manang?" Ang biglang tanong ni Arthur kay Matthew. Parang binuhusan ng Ice Cold water sina Matthew at ang Yaya niya sa sinabi ni Arthur. Nanlalaki ang mata ng dalawa haban nakatingin sila sa nakaSmile na si Arthur.

"Sige na Matt. Pauwiin mo na ang pinsan mong si Dodong. Tayo nalang ang maghatid sa Nanay mo." Ang mahinahong sambit ni Arthur kay Matthew at talagang inEmpasized pa ni Arthur ang word na 'Pinsan' sa kaniyang sentence.

Lumagpas ang one minute ng katahimikan bago tinignan ng Yaya ni Matthew ang kaniyang alaga at tinunguhan. NaGets naman ni Matthew ang ibig sabihin ng kaniyang Yaya at kaagad naman niyang binitawan ang kamay nito at tinignan ni Matthew sa mga mata ang kaniyang Yaya.

"Sabihin mo na kay Dodong na mauna na. Ako na ang bahala." Ang mahinahong sinabi kay Matthew ng kaniyang Yaya.

Kahit na nasa tamang edad na si Matthew ay kilalang-kilala ng Yaya nito ang kaniyang alaga. Kitang-kita ng Yaya ni Matthew sa mata ng kaniyang alaga ang pagkatakot at pagkabalisa. Nagtanong kasi si Matthew sa kaniyang Yaya kanina kung mayroon itong naiisip na magandang sabihin kay Arthur para hindi siya mabuking sa pagpapanggap pero wala din namang magandang alibi na maisip ang Yaya ni Matthew kaya nama'y sinabihan niya ang kaniyang alaga na sabihin na lamang ang totoo kay Arthur at talagang hindi siya makakapagsinungaling talaga kay Arthur. Alam ng Yaya ni Matthew na talaga namang naipit sa isang gusot at alanganing situation ang kaniyang alaga at ang tanging makakapagClear ng lahat-lahat ay ang pagsasabi nito ng totoo kay Arthur.

NagInhale and Exhale si Matthew at kaagad namang sinunod niya ang kaniyang Yaya. Bagsak ang dalawang balikat ni Matthew habang naglalakad siyang palabas para sabihan si Dodong na mauna na. Parang bata itong si Matthew na umaasa sa sinabi ng kaniyang Yaya na ito na ang bahala.

"Ako ang Yaya ni Matthew. Tawagin n'yo na lang po akong Manang Rosa." Ang nakangiting pagpapakila ng Yaya ni Matthew kay Arthur habang papaupo sila sa Kitchen Table.

"Huwag n'yo na po akong i'Po'. Gusto n'yo ho ng kape?" Ang reply naman ni Arthur habang inaalalayan niya sa pag-upo ang Yaya ni Matthew.

"Sige iho." Ang sambit naman ng Yaya ni Matthew.

"Alam kong marami kang gustong malaman." Ang dagdag pa ng Yaya ni Matthew kay Arthur na siyang ikinatuwa naman ng isa. Hindi galit si Arthur kay Matthew dahilsa kaniyang feelings para dito. Talagang naCurious lang siya kung sino nga ba talaga ang Tutor ni Jenny.

"Mabait na bata yang si Matt." Ang pagsisimula ng Yaya ni Matthew nang makaupo na sa mesa si Arthur.

Ikinuwento ng Yaya ni Matthew kung ano ang naging buhay ni Matthew noong bata pa ito, ang relationship ni Matthew sa kaniyang Business Tycoons na Parents, Ang pagiging absent ng mga ito sa buhay ni Matthew which Arthur understood. Nalaman din ni Arthur kung ano talaga ang status ng family ni Matthew. Naidagdag pa ng Yaya ni Matthew na nag-Aral ng Business Management ang kaniyang alaga sa US at ito ang hahalili sa Parents nito. Kilala sa line of work ni Arthur ang Family ng Both Parents ni Matthew.

Naimpress si Arthur at humanga siya sa mga naikuwento sa kaniya ng Yaya ni Matthew. Hindi niya napigilang mapaSmile sa tuwing iisipin niya kung ano ang pumasok sa isip or kung ano ang nakain ni Matthew kung bakit ito nagPanggap and pumasok bilang Tutor ni Jenny. Ang akala talaga ni Arthur ay kilalang-kilala na niya si Matthew. Lalong naExcite si Arthur na makausap si Matthew para malaman Straight from him kung ano nga ba ang dahilan. Sakto namang pasok ni Matthew sa Kitchen.

"O, Andito ka na pala Anak. Anak ang tawag ko kay Matt." Ang bati ni Manang Rosa sa kaniyang alaga and ang explain nito kay Arthur nang mapansin niyang nagulat ito nang tawagin niyang 'Anak' si Matthew. Nakayuko lang si Matthew habang nakatayo sa kitchen. Kapansin-pansi pa din ang pangliliit at ang guilt kay Matthew.

"O siya. Baka hinihintay na ako sa bahay." Ang biglang sambit ng Yaya ni Matthew sa dalawa nang mapansin nito ang oras sa wall clock na nasa kitchen.

"Tawagan ko lang Ya si Dodong at baka di pa nakakauwi." Ang sambit ni Matthew sa kaniyang Yaya.

"Nope. Hatid na lang natin siya." Ang kontra naman ni Arthur.

"Huwag na lang. Si Dodong nalang." Ang kontra naman agad ni Matthew.

"Gusto kong makita ang house mo." Ang nakangiting sagot naman ni Arthur kay Matthew. Natigilan namang bigla si Matthew at biglang kinabahan dahil he knows na sinabi na ng kaniyang Yaya ang truth kay Arthur.

"Sige na Anak. Sumunod ka na kay Sir Arthur." Ang singit naman ng Yaya ni Matthew dahil alam ntong hindi papayag si Arthur at para makauwi na din siya. Ilang seconds ding naging silent si Matthew bago siya nag-Agree.

Binilinan muna nila si Deborah at nagpaalam sina Arthur and Matthew na ihahatid na nila si Manang Rosa. Hindi din makatingin ng straigt si Deborah kay Arthur at talaga namang kitang-kita sa kaniya ang pagiging Guilty not knowing na nadulas siya kanina habang kinakausap siya at hinuhuli ni Arthur. NagKiss muna si Arthur sa cheeks ng mahimbing na natutulog na si Jenny bago sila umalis. Exhausted talaga si Jenny dahil sa paPArty sa kaniya ng kaniyang tito Matt.


******************9:00pm*****************


Tahimik lang sa loob ng kotse si Matthew habang masayang nag-uusap sina Arthur at ang kaniyang Yaya. Medyo nanliliit si Matthew sa tuwing may tatanungin si Arthur tungkol sa kaniya at masaya namang sinasagot ito ng kaniyang Yaya. From Arthur's House hanggang sa makarating sa bahay nila ay tahimik lang at magulo ang isipan ni Matthew. Malakas ang Guilt feeling na nararamdaman niya dahil sa pagsisinungaling niya kay Arthur. That time din ay may nabubuong idea sa isipan ni Matthew sa kung anong sasabihin niya kay Arthur because alam na alam niya na pagkahatid nila sa kaniyang Yaya ay kakausapin siya ni Arthur.

"WOW!" Ang malakas na naibulalas ni Arthur nang inihinto niya ang kaniyang kotse sa malaking bahay nina Matthew. "Big Time" Ang biglang pumasok agad sa isip ni Arthur nang makita niyang Seven times na mas malaki ang bahay nina Matthew sa bahay nila.

"Pasok ka muna." Ang masayang pagInvite ng Yaya ni Matthew ay Arthur.

"Asikasuhin mo naman ang bisita mo anak." Ang dagdag pang sinabi ni Manang Rosa kay Matthew na ikinagulat naman ng kaniyang alaga. Natigilan ulit ng ilang seconds si Matthew bago magsalita.

"Pasok ka muna." Ang mahina't nahihiyang sabi ni Matthew kay Arthur.

"Next time na lang." Ang nakaSmile na sagot ni Arthur at talaga namang gusto niyang masolo si Matthew so he can talk to him dahil kanina pa siya atat na ata na magtanong dito.

"Huwag ka nang mahiya. Sige na at pumasok ka na." Ang pagpupumilit ng Yaya ni Matthew kay Arthur. NagDecline ulit si Arthur at wala ng nagawa naman si Manang Rosa kundi pagbilinan silang dalawa ni Matthew.

"Mag-iingat kayo ha. Next time eh dumalaw naman kayo ni Jenny at welcome na welcome kayo dito." Ang masayang pahabol ng Yaya ni Matthew sa kanila habang papasakay na sina Arthur sa Car.

"Looking Forward Po Nay." Ang masayang reply agad ni Arthur na ikinataas naman ng kilay ni Matthew. Isip-isip ni Matthew ay parang close na si Arthur sa kaniyang Yaya.

"Sige po. Ingat din po kayo diyan." Ang paalam ni Arthur sa Yaya ni Matthew at kay Dodong. Si Dodong kasi ang nagbukas ng gate for Manang Rosa. Kumaway na lamang si Matthew sa dalawa habang papandar na ang Car ni Arthur.


****************10:30pm***************


Dahil late na nga'y mabilis na nakauwi sina Arthur and Matthew. Hindi nag-usap ang dalawa on the way at ngayon nga'y itinigil muna ni Arthur ang kaniyang Car sa harapan ng kanilang gate at hindi bumusina. Bababa na sana si Matthew para buksan ang gate nang hinawakan ni Arthur ang kaniyang braso na ikinagulat naman niya.

"Huwag ka munang bumaba. Usap tayo." Ang mahinahong sinabi ni Arthur kay Matthew. Hinintay munang maging at-ease ni Arthur si Matthew sa pagkakaupo at laking gulat ni Arthur ng nagsalita biglang nagsalita ito.

"I can explain Arthur. Este Sir Arthur. Sorry talaga." Ang sunod-sunod na sambit ni Matthew kay Arthur na parang batang nahuling may ginawang kasalanan. Tahimik lang si Arthur.

"Sorry talaga Sir Arthur. Napilitan lang talaga ako." Ang muling sambit ni Matthew kay Arthur nang makita niyang tahimik lang si Arthur na nakatingin sa labas ng windshield.

Lalong naGuilty si Matthew sa kaniyang ginawa. Alam na alam niya ang feeling ng taong niloko ng bigtime based on his own experience with his exBF. Talunang nagSigh si Matthew nang walang ipinakitang Reaction sa kaniya si Arthur. Lumunok siya ng kaniyang laway at nagDecide na gawin na ang kaniyang napagPlanuhan kanina.

"Mag-iimpake na ako. Aalis na ako. Sorry talaga." Ang sinabing muli ni Matthew kay Arthur.

Biglang napatingin si Arthur sa kaniya at nagtama ang kanilang mga paningin. Gustong maiyak na ni Matthew nang makita niya ang sad face ni Arthur especially ang dalawa nitong Sad na mga Eyes. Sinisi ni Matthew ang kaniyang sarili at nagWish siya sa kaniyang sarili na sana'y hindi nalang niya niloko si Arthur.

"Sorry talaga Please." Ang  helpless na sinabi muli ni Matthew.

Sa time na nakasama niya si Arthur bilang Tutor ng daughter nito ay talaga namang nagGrow ang feelings niya dito at lalo pang naging malalim ang kaniyang nararamdaman for Athur nang nagOut si Arthur sa kaniya at nagkaroon sila ng Mutual Understanding sa isa't-isa. Hindi na alam ni Matthew kung mapipigilan niya ang kaniyang mga luha dahil talaga namang sinasaksak na siya ng kaniyang Concience dahil hindi maTake ni Matthew na maHurt niya ang taong mahal niya.

"I don't need your sorry." Ang walang emotion na sinabi ni Arthur kay Matthew. Lalong nagPanic at naPraning si Matthew sa sinabi ni Arthur sa kaniya. Wala pa ding mabasang emotions si Matthew sa face ni Arthur. Walang maisagot si Matthew sa kaniyang kaharap.

"I need you." Ang biglang sinabi ni Arthur kay Matthew.

"Ansabe mo?" Ang gulat na naibulalas ni Matthew sa narinig niya from Arthur.

"Nahawa ka na din ba sa Maid mong si Deborah?" Ang sagot naman ni Arthur and this time ay hindi na nito napigilang mapaSmile dahil sa hitsura ng pagmumukha ni Matthew.

Hinding-hindi makapaniwala talaga si Matthew sa sinabi sa kaniya ni Arthur. Hindi na din napigilan ni Matthew na mapaluha nang makita niyang nakaSmirk si Arthur sa kaniya. Lalo pang tumulo ang luha ni Matthew nang naRealized niyang giniGood time siya ni Arthur.

"I hate you!" Ang naibulalas na lang ni Matthew kay Arthur. Biglang tumawa ng malakas si Arthur.

"Ikaw na nga ang may Atraso eh ikaw pa ang may ganang magalit?" Ang masayang sambit ni Arthur kay Matthew. Nagpupunas na ng kaniyang luha si Matthew. Agad naman siyang niyakap ni Arthur.

"I can forgive you basta ba lagi akong may 'Coffee' from you." Ang malambing na sambit ni Arthur kay Matthew habang umaasa siyang matitikman na naman niya ang sweet coffee taste from the lips of Matthew.

Hindi alam ni Matthew kung matutuwa siya o magagalit or maiiyak. Basta maliwanang pa sa MoonLight na lalong nagLevel Up ang kaniyang feelings towards Arthur. Naramdaman ni Matthew na humigpit ang pagHug sa kaniya ni Arthur na lalong nagpadagdag sa kaniyang nararamdamang moment of Bliss.

"Pwede ba akong mag'Coffee' ngayon?" Ang malambing na tanong ni Arthur kay Matthew. NapaSmile na lang si Matthew nang mapatingin siya sa mga puppy eyes ni Arthur.

Tumungo na lang siya dahil wala talaga siyang maisip na masabi. Sasabihin nalang ni Matthew ang lahat-lahat sa kanilang 'Coffee' Session. Inilapit ni Matthew ang kaniyang face sa face ni Arthur and then pumikit na siya para iServe na niya kay Arthur ang 'Coffee' nito which Arthur gladly take. Wala pang one minute sa pagko'Coffee' si Arthur nang tumunog ang phone nito. Kaagad namang kumalas si Matthew sa kaniyang pagKiss kay Arthur nang marinig nito ang pagRing ng Phone. Kaagad namang sinagot iyon ni Arthur without looking who is calling.

"Hello!" Ang masayang greet ni Arthur to the other line dahil pakiramdam niya'y parang nakaJackpot siya.

"Art. Huwag kang maleLate On Monday. Pinasasabi ni Daddy na kailangang nandoon tayong dalawa sa office by 8:00am Sharp dahil he will announce his Retirement na." Ang naiinis na sinabi ni Katrina from the other line.

"WHAT!?" Ang gulat na sambit ni Arthur sa phone. Napatingin naman si Matthew kay Arthur.

"Magkita tayo ng 7:00am Sharp that day at kailangan nating mag-usap talaga." Ang dagdag pa ni Katrina kay Arthur and without warning ay biglang nakarinig nalang si Arthur ng Deadtone from Katrina's line. Biglang nahimasmasan that time si Arthur nang maalala niya ang napag-usapan nila ng kanilang Company President.



To Be Continued

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.