by Ponse
************Saturday 10:00am*************Halos manlamig ang buong katawan ni Arthur habang nakatayo siya sa harap ng Altar ng Manila Cathedral at hinihintay niyang mag Bridal March na si Katrina sa Isle. Kahit na buong-buo ang Decision ni Arthur last night na kausapin Today ang kanilang Company President at sabihin nitong aatras na siya sa Kasal nila ni Katrina ay hindi nito nagawa dahil parang iba ang Aura ng kanilang Company President nang makita niya ito kanina nang dumating ito sa Manila Cathedral bago magsimula ang Ceremony.
Kagabi pa'y malakas ang loob ni Arthur kaya lang nang makita niyang nakabusangot at mukhang Badtrip na Badtrip ang pagmumukha ng kanilang Company President ay para siyang asong nabahag ang buntot. Hindi maipaliwanang ni Arthur ang kaba't takot na gumapang sa buo niyang katawan na straight na pumasok sa kaniyang dibdib nang tinignan siya ng seryoso ng kanilang President.
Matindi pa din ang kabog ng puso ni Arthur dahil alam niya sa kaniyang sarili na isang panloloko sa kanilang President ang kaniyang pagpapaKasal kay Katrina at ito ay isang malaking panloloko kay Jenny at lalong-lalo na sa kaniyang sarili pero wala na talaga siyang magagawa kung hindi lunukin at tanggapin ang lahat-lahat ng Consequences sa ginawa niya kay Katrina.
Tinignan ni Arthur si Jenny at nakita niyang masayang-masaya naman ito na katabi ang mga Flower Girls. Hindi niya talaga akalain na mismong si Katrina pa ang magsasabi na gusto niyang maging Bridesmaid si Jenny. Malaki din ang ipinagtaka ni Arthur kung bakit nag-iba ang ugali ni Katrina at naging magkasundo sila ni Jenny.
Naiinis talaga si Arthur sa kaniyang sarili dahil pakiramdam niya'y itinapon niya ang chance kanina na sabihin sa kanilang President na ayaw na niyang pakasalan si Katrina. Hindi niya maiwasan at that moment na iCompare ulit ang mga pwedeng mangyari in case na maging asawa niya si Katrina or kung hindi niya ito pakakasalan.
Mas madaming magiging Perks kapag naging Wife niya si Katrina at habang nakatingin siya kay Jenny ay para bang unti-unti niyang naiisip na ang gagawin niya'y para sa kaniyang daughter. Si Jenny na lamang ang inisip ni Arthur sa mga sandaling iyon para lumakas ang loob niya dahil that time ay gusto na niyang sumigaw at pakiramdan niyang para na siyang bibitayin at that Moment.
"Everything will be fine Art." Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para bang narinig niyang binulungan siya ng kaniyang Late wife na si Liz na siyang ikinagulat niya. Napakagat ng sariling lips si Arthur ng mga sandaling iyon at napapikit.
Hindi makapaniwala talaga si Arthur at nagtanong pa siya sa kaniyang sarili kung guni-guni lang ba ito or naalala lang niya ang kaniyang Dream kagabi pero kahit na ayaw niyang gawin na paniwalaan ang kaniyang Dream ay talaga namang parang bata si Arthur that time na umasa't kumapit sa sinabing iyon ng kaniyang Late Wife.
"Lord kayo na pong bahala." Ang nabulong lang ni Arthur sa kaniyang sarili kasabay ng pag-ipon ng mga luha sa kaniyang dalawang mata.
Hindi makasigaw or makapagWala si Arthur kaya hindi na niya mapigilan ang pagtulo ng kaniyang luha dahil dito na lang lumabas ang pagkaStress ni Arthur at that moment. Hindi naiwasang mapatingin ni Arthur sa Pari at napatingin din naman ito sa kaniya. Binigyan ng Pari si Arthur ng isang Peaceful and Calming Smile at tinunguhan. Sinuklian naman ni Arthur ng isang matipid na smile si Father.
Suminghot si Arthur ng papatulong sipon niya at para bang lalo pa siyang naStress dahil ang akala ng Pari ay tears of Joy ang pumapatak sa kaniyang mga mata. Mabilis na kinuha ni Arthur ang kaniyang Hanky sa Back Pocket ng kaniyang Slacks at kaagad na pinunasan niya ang kaniyang mga luha.
"Pare, Congrats!" Ang mahinang bulong ng kaniyang Officemate na siyang BestMan sa kaniyang Wedding. Pati rin ito ay inaakalang naiiyak sa tuwa si Arthur.
"Konting tiis na lang Dre. Ayan na ang Bride mo." Ang sinunod na masayang ibinulong ng Bestman kay Arthur na ikinatigil naman nito sa pagpupunas ng kaniyang mga luha.
Kasabay ng pagtingin ni Arthur sa Entrance ng Church ay ang biglang pagtugtog ng 'Here Comes The Bride' na music na pumuno sa apat na sulok ng Manila Cathedral. Lahat ng mga taong nasa loob ng Church ay nakatingin kina Katrina na nasa gitna ng kaniyang Mommy and Daddy. Nakatakip ng Veil ang kaniyang mukha at talaga namang kapansin-pansin na mamahalin ang suot nitong Wedding Gown at gayundin naman ang suot ng kaniyang Parents. Lahat ay naghihintay sa pagMarch nina Katrina papuntang altar.
1 minute...
2 minutes...
3 minutes...
Hindi maiwasang magtaka ang iba kung bakit hindi pa naglalakad sina Katrina kahit na tumutugtog na ang Music. Tinignang maigi ni Arthur sina Katrina dahil kahit siya'y nagtaka din kung bakit hindi pa sila nagmaMarch. Nanlamig ang buong katawan ni Arthur nang mapansin niya ang nakabusangot na mukha ng kanilang President. Kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha nito kahit na nasa malayo ito. Hindi alam ni Arthur kung anong dahilan pero biglang lalo pang lumakas ang kabang nararamdaman niya sa kaniyang dibdib.
Dahil nakatingin nga ang lahat nang tao kina Katrina ay kitang-kita nila na ang unang gumalaw sa tatlo ay ang Company President at laking gulat nila nang bumitaw si Katrina sa braso nito. Ngumiti na lamang ang Company President sa mga nakatingin sa kanila pero halatang-halata ang pagkainis sa mukha nito.
"We already talked kagabi Darling." Ang saway ng Daddy ni Katrina.
"Daddy Please." Ang nagmamakaawang sagot naman ni Katrina sa kaniyang Daddy.
"Mommy Please." Ang sunod na sinabi ni Katrina sabay tingin niya sa kaniyang Mommy para humingi ng tulong and Back-Up.
"I know the feeling Darling. You're just nervous." Ang pagpapalakas ng loob ng Mommy ni Katrina sa kaniyang Daughter.
Kagabi kasi ay naglakas loob si Katrina na kausapin ang kaniyang Parents at sinabing kinakabahan siya sa pagpapaKasal niya kay Arthur at sinabi niya kung pupuwedeng ipagpaliban ang muna ang Wedding at nagRequest si Katrina na Next Year na lang ito gawin. Hindi niya sinabi ang totoo na ayaw niyang magpakasal kay Arthur. Inakala ng kaniyang Parents that Katrina's just having Cold Feet.
"Sige na huwag ka nang maarte. Mahiya ka sa mga tao!" Ang biglaang naiinis na naibulalas ng Daddy ni Katrina na ikinagulat naman ng Mag-Ina. Now lang kasi nagsalita ng ganoon ang Company President.
"Halika na!" Ang sunod na sinabi ng Company President kay Katrina sabay hawak niya sa kamay ng kaniyang daughter at hila para makapagMarch na sa Isle and habang naglalakad silang tatlo ay continue pa din ang discussion nila.
"Daddy I don't want to be Married." Ang pilit ulit ni Katrina.
"Huwag ka nang maingay. Please lang naman Kat. Kawawa naman si Arthur!" Ang galit na sagot naman ng Daddy ni Katrina.
Galit na ang Daddy ni Katrina pero nakaSmile pa din ito sa mga tao. Tahimik lang ang Mommy ni Katrina at nakaSmile din ito sa mga tao. Kinakabahan ang Mommy ni Katrina at that moment dahil baka mangyari ulit sa harap ng maraming tao ang nangyari last evening Between Katrina and sa kaniyang Daddy. Nang hindi nasunod ang gusto kagabi ni Katrina na ipagpaliban muna ang Kasal ay nagTantrum to the Maximum Level ito hanggang sa napikon ang Daddy nito't nasigawan si Katrina pero patuloy pa din sa pagtaTantrum si Katrina hanggang kaninang umaga at ngayon nga'y nagsisimula na naman ito.
"May edad ka na Darling. Why don't you settle down na! Sana sinabi mo yan noon pa at kung kailan naman na Wedding mo na eh saka ka mag-iinarte." Ang galit na galit na sinabi naman ng Daddy ni Katrina. Nawala na ang pagkaCool nito dahil sa pagkaBratinella ng kaniyang Daughter.
"Daddy Please! Mommy!" Ang sinagot naman muli ni Katrina. Hinding-hindi ito magpapatalo.
"Nagsisisi na ako't iniSpoiled ka namin!" Ang sagot ulit ng Company President.
"Daddy Please." Ang awat naman ng Wife ng Company President sa kaniyang husband. Medyo malakas na kasi magsalita ang kaniyang Husband at si Karina nama'y parang sinasadya ang malakas niyang pagSinghot ng Sipon. Umiiyak na ito kanina pa habang nasa sasakyan sila papuntang Church.
Gustong himatayin ni Arthur habang papalapit na sina Katrina sa kinatatayuan niya. Hindi na siya natatakot sa pagpapaKasal niya kay Katrina pero natatakot siya ng bigtime ngayon sa hitsura ng kanilang Company President at nang nakalapit na ang tatlo kay Arthur ay talagang nagLevel up ang kaba sa dibdib ni Arthur nang tinignan siya ng masama ng Daddy ni Katrina.
"Ikaw nang bahala dyan!" Ang galit na sinabi ng Company President kay Arthur na ikinagulat naman ng lahat at lalong-lalo na si Arthur. Hindi na naiwasan ng Daddy ni Katrina ang malakasan nito ang boses dahil sa sobrang pagkaBadtrip nito sa kaniyang Spoiled Brat na Daughter.
"DADDY PLEASE!" Ang sinabi naman ni Katrina. Malakas na din ang boses nito na siyang lalo namang ikinagulat ulit ng lahat ng tao.
"I DON'T WANT TO!" Ang isinunod ulit ni Katrina.
Natigilan ang Daddy ni Katrina dahil sa ginawa ng kaniyang Daughter. Ang Mommy naman nito'y napapikit at nanliit dahil sa hiya sa mga tao. Aminado naman siyang talagang iniSpoiled nila si Katrina simula pagkabata't talaga namang sunod sa layaw ito at kapag hindi nasunod ang gusto ni Katrina'y nagtaTantrum ito at wala silang magawa kungdi'y sundin na lang ang gusto ng kanilang kaisa-isang Daughter para lang magtigil na ito sa pagtaTantrum.
"DADDY! DO YOU LOVE ME BA?" Ang next na malakas at paiyak na sinabi ni Katrina sa kaniyang Daddy.
Wala nang pakiaAlam si Katrina sa mga tao at talagang magpapakaBratinela na siya. Wala namang maisagot ang Daddy ni Katrina at tinignan nalang nito ang mga tahimik na mga tao sa loob ng Church at pagkatapos ay tinignan ng President ang Priest na magkaKasal kina Katrina and Arthur. Binigyan lang ng isang malumanay na Smile ng Pari ito na siya namang ikinakunot ng noo ng Company President.
Ang hindi alam ng Company President ay pinuntahan ni Katrina ang Pari kahapon after Lunch at kinausap. Nagtapat at sinabi ni Katrina ang lahat-lahat kay Father at naghingi ito ng tulong at Payo. Close kasi si Katrina at si Fatheri. Ito ang nagBinyag sa kaniya, nagKumpil at kapag may Occassion at nagpapaMass sa kanilang Company ay mismong si Katrina ang nakikipagCoordinate kay Father at sumusundo dito. Ang tanging sinabi at ipinayo lamang ni Father kay Katrina kahapon ay 'If God's Willing.' Kahit hindi naSatisfied si Katrina sa sinabi ni Father ay pinanghawakan niya iyon hanggang ngayon.
"FATHER!" Ang sunod na malakas na sinabi ni Katrina sabay tinggin niya sa Pari na tahimik lang na nakatayo sa Altar. Nagbigay ulit ito ng isang Heart Warming Smile.
"DARLING NAMAN! HUWAG KA NANG PASAWAY!" Ang naibulalas ng Daddy ni Katrina sa kaniyang Daughter. Hindi na rin nito mapigilan ang kaniyang sobrang pagkainis.
"MAHIYA KA NAMAN SA MGA TAO AT KAY ART! ANO KA BA?!" Ang sunod-sunod na sinabi ng Company President. Wala na itong pakialam sa mga tao.
"I DON'T CARE! MAINTINDIHAN MO SANA AKO ART!" Ang malakas na sagot naman ni Katrina sabay Hug niya sa natulalang si Arthur.
"DI BA ARTHUR HINDI KA NAMAN MAGDEDEMANDA PAG NAGBACK-OUT AKO SA KASAL NATIN! NAIINTINDIHAN MO NAMAN AKO DIBA?" Ang pagpapatuloy ng nagtaTantrum na si Katrina.
Hindi inilaglag ni Katrina si Arthur sa kaniyang Daddy at talagang itutuon ni Katrina ang lahat ng Blame sa kaniyang sarili sa hindi niya pagpapaKasal kay Arthur. Napangiwi si Arthur dahil walang pasabing naramdaman niya ang mahahahabang kuko ni Katrina na bumaon sa kaniyang balikat at likod.
"SUMAGOT KA NAMAN ART! NAIINTINDIHAN MO NAMAN AKO DIBA?!" Ang ulit ni Katrina kay Arthur nang hindi nagsalita si Arthur. Lalong napangiwi si Arthur at napapikit ng mariin dahil lalo pang bumaon ang mga kuko ni Katrina sa kaniya.
"ANYARE?!" Ang malakas na nasambit ni Deborah na siyang ikinatigil naman ng lahat. Napatingin sina Arthur sa puwesto ni Deborah at pati na din ang lahat ng mga tao sa loob. Sinundan nila kung saan nakatingin si Deborah. Nakatingin ito sa Entrance ng Church.
Biglang nabuhayan ng loob si Katrina nang makita niyang nakatayo si Dodong sa Entrance ng Church. Kahit na nakasuot ito ng Khaki na Slacks at White na Polo ay napakaGwapo at Machong-macho nito ngayon sa Paningin ni Katrina. Lalong umiyak ng malakas si Katrina.
Ganundin ang Reaction ni Arthur nang makita niya si Dodong at katabi nito si Matthew. Fresh na fresh ang hitsura ni Matthew. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Arthur sa mga sandaling iyon. Habang pabaling-baling na tinitignan niya si Katrina't Dodong.
"DADDY PLEASE!!!!" Ang pakiusap ulit ni Katrina sa kaniyang Daddy.
Pinagpawisan ng malamig ang kanilang Company President dahil at that moment ay naintindihan niya kung bakit nagwaWating ang kaniyang Daughter.
"Lord bahala na po kayo. Sorry po at naging sinungaling ako. Lord Please. Help me." Ang dasal ni Katrina sa kaniyang isip.
"SIYA PO ANG LOVE KO!" Ang malakas na sambit ni Katrina sabay turo niya kay Dodong na ikinagulat naman ng lahat.
"It's now or never." Ang sambit naman ni Arthur sa kaniyang sarili para samantalihin at sunggaban niya ang Chance.
Mabilis niyang hinawakan si Katrina sa dalawang balikat nito at iniharap niya ito sa kaniya. Itinaas ni Arthur ang Veil ni Katrina at medyo napaAtras pa si Arthur nang makita niya ang pagmumukha ni Katrina. Namamaga at namumula ang mga mata ni Katrina at ang maskara nito'y nagkalat na sa dalawang pisngi nito dahil sa walang tigil na pagluha ni Katrina. Pulang-pulang din ang ilong nito at nanlalaki ang dalawang butas dahil na din sa pag-iyak nito. Magsasalita na sana si Arthur kaya lang ay naunahan siya ni Katrina.
"Alam ko namang patay na patay ka sa akin pero I'm so sorry. May iba na akong mahal. Makakakita ka din ng taong para sa iyo. Please Arthur!" Ang Plea ni Katrina kay Arthur na ikinaSmile naman ng isa.
"Ang ganda mo talaga Katrina!" Ang Sarcastic na sagot naman ni Arthur sabay bigay niya ng isang malalim na Kiss sa namumulang labi ni Katrina. Medyo nalasahan pa ni Arthur ang makapal na lipstick ni Katrina.
"Mahal na mahal kita at kung saan ka mas Happy eh I'll support you." Ang masayang sambit ni Arthur sabay yakap niya ng mahigpit kay Katrina and After that ay tumingin silang dalawa sa Company President. Nakatingin pa din ang Daddy ni Katrina kay Dodong. Narinig niya ang sinabi ni Arthur sa kaniyang Daughter.
"Daddy. Please." Ang pagtawag ng pansin ni Katrina sa kaniyang Daddy at paghingi ng Pity.
NagSigh lang ang Daddy ni Katrina at biglang naramDaman niya ang Exhaustion sa kaniyang katawan dahil sa pagiging pasaway ni Katrina simula kagabi. Malumanay namang nilapitan siya ng kaniyang Wife at kumapit to sa kaniyang isang braso. NagSigh ulit ang Company President bago nagSalita.
"Okay lang sa akin Arthur na magDemanda ka pero ito lang ang sasabihin ko sa iyo. Haharapin kita sa Court for the sake of my Daughter." Ang sambit ng kanilang Company President sabay bigay ng isang talunang smile. Tinignan niya ang kaniyang Daughter at tahimik na tumungo bilang senyales ng pagpayag nito sa Wish ng kaniyang One And Only Daughter. NapaSmile sina Katrina't Arthur sa nakita nila sa Company President at pakiramdam nilang dalawa'y nakaJackpot sila sa MegaLotto.
"I LOVE YOU SO MUCH DADDY! YOU'RE THE BEST DADDY IN THE WHOLE WORLD!" Ang hindi napigilang Outburst ni Katrina sabay yakap niya sa kaniyang Daddy and Mommy . Pagkatapos na yakapin ni Katrina ang kaniyang Parents ay si Arthur naman ang yumakap sa kanila. Hindi ito napigilan ni Arthur dahil sa sobra niyang tuwa sa mga sandaling iyon. Feeling ni Arthur kasi'y nakaiwas siya sa isang kapahamakan.
"I Assure you that you're daughter will be a one hell of a President!" Ang ibinulong ni Arthur sa tainga ng Daddy ni Katrina nang niyakap niya ito.
"FATHER YOU SAID NA PWEDENG TO FOLLOW NA LANG ANG MGA PAPERS DIBA?" Ang biglang sinabi ni Katrina sa Pari. NagSmile lang ulit si Father. Planado na ni kasi ni Katrina ang lahat-lahat simula pa kahapon. Bigla namang kinabahan ang Daddy ni Katrina sa sinabi ng Anak.
"Wait lang Darling. What do you mean?" Ang nauutal na tanong ng Company President.
"Sayang ang gastos ng Company sa Wedding!" Ang sambit naman ni Katrina habang sineseyasan nito ang kaniyang make-up artist para iRetouch ulit siya. Walang maisagot naman ang Daddy ni Katrina.
"COME HERE DONG!" Ang Bratinelang pagtawag ni Katrina kay Dodong. NaGets kaagad ni Arthur ang gustong mangyari ni Katrina at nagmamadali niyang pinuntahan si Dodong sa Entrance ng Church.
"Puntahan mo na please." Ang pakiusap ni Arthur kay Dodong habang hinuhubad niya ang suot niyang Coat na siyang isinuot niya kay Dodong. Binigyan ni Arthur si Dodong ng Tap sa dalawa nitong shoulders sabay tulak niya papunta sa harapan ng Altar.
"Subukan mo lang paiyakin ang anak ko't ipapapatay kita!" Ang hindi mapigilang Warning ng Daddy ni Katrina kay Dodong nang makalapit na ito sa kanilang puwesto. Give Up na talaga ang Company President sa pagkaBrat ng kaniyang Daughter.
"Don't mind Daddy at mahal na mahal lang niya ako." Ang counter naman ni Katrina kay Dodong.
"Don't worry Daddy! Mahal na mahal ako ni Dodong. I'm in good hands. Promise!" Ang sunod na Proud naman na sinabi ni Katrina sa kaniyang Daddy. Tumungo lang si Dodong at talagang shock pa din ito sa mabilis na pangyayari. Ganiyan kapulidong magPlano't magTrabaho si Katrina dahil manang-mana siya sa kaniyang Daddy.
**********************************
Habang nasa kalagitnaan ng Ceremony ng Wedding nina Katrina and Dodong ay tinabihan ng Daddy ni Matthew ang Company President at nagPaumanhin ito sa nangyari at sinabing Driver nila si Dodong at Clueless sila kung paano nagkaroon ng Connection ito kay Katrina.
Hindi naman minasama ng Company President na isang Driver lang si Dodong dahil nakita't naalala ng Company President ang kaniyang Past kay Dodong. Nagsimula lang kasi sa mababang Position ang Daddy ni Katrina noon bago niya makilala ang Mommy ni Katrina at kahit na hindi payag ang Parents ng Mommy ni Katrina sa pagpapaKasal nila ay ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan hanggang sa maging Okay na ang lahat-lahat. Lalong naging kampante naman ang Company President at bumalik na muli ang Good Nature nito nang sinabi ng Daddy ni Matthew na mabait naman si Dodong and mapagkakatiwalaan.
Sina Arthur naman and Matthew ay magkatabi sa upuan at habang nasa kalagitnaan ng Ceremony ay nakangiti ng wagas na wagas ang dalawa. Sometimes ay iniuuntog-untog ni Arthur ang kaniyang legs sa legs ni Matthew para magpapansin. Gustuhin man ni Arthur na hawakan ang hands ni Matthew ay nagpipigil ito at naging Satisfied na lamang siya sa pag-akbay-akbay kay Matthew and sometimes sa pagpisil-pisil niya sa shoulders nito. Nasuntok ni Matthew ang hita ni Arthur nang mainis ito dahil hindi siya makapagConcentrate sa pakikinig ng Ceremony. Hindi talaga mapigilan ni Arthur na pangGigilan si Matthew that time dahil talaga namang napakaHappy niya.
Ganundin naman ang nararmdaman ni Matthew pero kahit na gusto niyang magtatalon sa tuwa'y nagpakaBehave siya sa kaniyang upuan at talagang ninanamnam niya ang bawat sandali ng pagiging pasaway at makulit ni Arthur. Kunyari lang ay naiinis siya sa ginagawa ni Arthur pero Deep inside ay Wagas ang kaniyang nararamdamang kaligayahan.
"You may now kiss the Bride." Ang sinabi ni Father kay Dodong bilang pagtatapos ng Wedding ceremony.
"Pwede po bang may sabihin lang po ako kay Kat Father." Ang nahihiyang paalam ni Dodong kay Father na ikinaCurious naman ng lahat lalong-lalo na si Katrina.
"Sige iho." Ang malumanay na sagot naman ni Father. Halos natahimik ang lahat nang itinapat ng sakristan ang Microphone kay Dodong.
"Mahal na mahal kita Babes." Ang pangbungad ni Dodong na siyang ikinaSmile ng lahat. Babes kasi ang tawagan nila ni Katrina. Napakagat si Matthew ng sariling lips at talaga namang para siyang nangilabot sa kilig na nararamdaman niya with Arthur at sa sinabi ng kanilang Driver.
"I love you too Babes." Ang sweet na reply naman ni Katrina. Kung kanina'y nanliliit sa hiya ang Parents ni Katrina nung nagtaTantrum ito'y mas lalo na ngayon dahil now lang nila nakitang umaasta ng ganyan ang kanilang One And Only Daughter. Ganundin ang reaction ng mga kaOfficemate ni Katrina dahil ang alam talaga nila ay napakaHigh Class nito.
"Dalawang pagkakataon lang kita gustong makasama sa buhay ko Babes." Ang sunod na sinabi ni Dodong na nagpaCurious pang lalo sa lahat.
"Ano naman yun Babes?" Ang malanding reply naman ni Katrina na on Cue.
"NOW AND FOREVER!" Ang banat ni Dodong na ikinaNgilo ng lahat. Hindi nila ineExpect na magpiPickUp line itong si Dodong na talaga namang ikinaSurprise ng mga karamihang HighClass sa Society na Guest.
"Inggit naman ako!" Ang hindi maiwasang sambit naman ni Arthur kay Matthew na lalong ikinaSmile ni Matthew.
"ME TOO BABES!" Ang kilig na kilig na Outburst ni Katrina. Siya na mismo ang nagtaas ng Veil niya at nagKiss kay Dodong na talaga namang pinalakpakan ng lahat. Lahat ay affected sa PickUp line ni Dodong at kitang-kita nila kung gaano kasaya si Katrina kay Dodong.
Ang mga Cheesy Pick Up lines ni Dodong sa kaniyang mga Text Message kay Katrina ang naging dahilan kung bakit na inLove ng Bigtime si Katrina sa kaniya. Dahil napakaHighClass nga ni Katrina't wala itong clue sa mga pick-up lines kaya naman nabigla't bumaligtad ang mundo nito nang maglakas ng loob si Dodong at magpadala sa Text ng unang pick up line sa kaniya na 'Keypad ka ba? Type na type kasi kita.' At doon na nagsimulang magpalitan sila ng text message hanggang sa naging malalim na at naging totoo ang kanilang pagbibiruan sa text message.
Naging 100% ang pagiging InLove nila sa bawat isa nang One Time ay nagpaDrive at nagpasama si Katrina sa pagshoShopping kay Dodong noong DayOff nito at laking gulat ni Katrina nang pagkatapos nilang magMerienda ay inabot ni Dodong sa kaniya ang isang Bar ng Magnum Ice Cream.
Walang masabi si Katrina sa pinakitang Gesture at pagiging Gentleman sa kaniya ni Dodong habang masaya silang kumakain ng Ice Cream. Tinanong ni Katrina kung bakit Cornetto lang ang binili at kinakain ni Dodong at hindi Magnum na katulad ng ibinili nito sa kaniya pero ang sagot lang ni Dodong kay Katrina ay 'Especial ka kasi.' At hindi na napigilan ni Karina na iHug si Dodong dahil Touch na touch siya sa ginawa ni Dodong sa kaniya dahil kahit na napakaPricey ng Magnum Ice Cream ay binili pa din ito ni Dodong para sa kaniya. That time din ay sinabihan ni Katrina si Dodong ng 'I Love You' at nag 'I Love You Too' naman si Dodong at doon naging Official ang pagkakaroon nila ng Mutual Understanding sa isa't-isa.
Halos magpalakpakan sa tuwa ang mga kaOfficemate ni Katrina nang magMarch na sila palabas ni Dodong sa Church dahil tuwang-tuwa sila na makitang nagpaKatotoo ang Daughter ng kanilang Company President at nang mapatapat sina Dodong and Katrina sa Isle kung saan nakaupo sina Arthur at Matthew ay hindi naiwasang magsalubong ang mga Smiling Eyes nina Katrina't Arthur.
Nawala ang masayang expression sa mukha ni Karina at napalitan ito ng isang matinding Shocking Expression nang makita niyang nakaSmile and Very Happy sina Arthur and Matthew. Napansin kasi ni Katrina na wagas ang ngiti ng dalawa at naka-akbay pa si Arthur kay Matthew. Mabilis namang inalis ni Arthur ang pagkakaAkbay niya kay Matthew nang makita niyang Nakatingin si Katrina. Gumuhit ang isang napakaSweet at wagas na ngiti sa mga labi ni Katrina at hindi nito napigilang lapitan si Arthur.
"Thank You." Ang sambit ni Katrina kay Arthur habang yakap-yakap niya ito.
"Pareho tayong Winner!" Ang sunod na panunukso ni Katrina kay Arthur. Nahihiyang nagSmile na lang si Arthur kay Katrina dahil alam niya na nabuking na ni Katrina ang Something niya with Matthew.
"Congratz!" Ang sinabi naman ni Matthew kina Katrina and Dodong. Kinindatan ng pagkaLandi-landi naman ni Katrina si Matthew na naAppreciate naman ng isa. Pare-pareho silang Wagas ang Kaligayahan sa mga Sandaling iyon.
"You need some explaining to do Son." Ang nakaSmile namang sinabi ng Daddy ni Matthew sa anak nang makakuha ito ng Chance na makausap si Matthew after the Wedding Ceremony.
"TITO MATT!!!!! AMISHU!!!!" Ang masayang tili naman ni Jennifer nang makita niya ang kaniyang Tito Matt. Kinarga ni Matthew si Jennifer at mahigpit na niyakap niya ito at talaga din namang masayang-masaya siya to see Jenny again.
"Nice to meet you po." Ang ninenerbyos na sambit naman ni Arthur sa Parents ni Matthew habang nakikipagShakeHands sa mga ito at talaga namang Idol na Idol ni Arthur sa kaniyang Industry ang Parents ni Matthew.
NagSigh si Matthew habang papalabas na sila sa Church. That Moment ay nagDecide na si Matthewna pagdating nila sa Reception ay He will Come Clean sa kaniyang Parents about sa pagwoWork niya as a Tutor ni Jenny. Si Arthur ang NagDrive ng Sasakyan nina Matthew at kasama nila sa Car sina Jenny ang Deborah habang sina Dodong and Katrina nama'y sakay-sakay sa Bridal Car papuntang Reception.
******************At The Reception**************
Hindi makapaniwala talaga ang Parents ni Matthew sa sinabi sa kanila ni Matthew at sa kuwento nito kung paano nakilala ni Dodong si Katrina. Naging Comfy naman si Arthur sa pakikipag-usap niya sa Parents ni Matthew dahil ang akala talaga niya ay mga Snob ito pero napakaDown to Earth ng mga ito.
Sa Reception din nagAnnounce Ang Daddy ni Katrina ng kaniyang Retirement at ipinapasa na niya sa kaniyang Daughter ang kaniyang Position bilang Company President. NagPromise naman si Arthur sa Parents ni Katrina at sa lahat ng mga Bisita na gagawin niya ang lahat-lahat para iBack up si Katrina.
Alam ni Arthur na hindi na kailangan ni Katrina ng back dahil napatunayan na ni Katrina kay Arthur kung paano siya magtrabaho. Malaki talaga ang ipinapasalamat ni Arthur kay Katrina. Kung hindi kasi naglakas ng loob si Katrina na magpakaTotoo ay hindi masasagip ang kanilang mga muntikan ng mabasurang Relationship.
Kinausap at nagpaAlam na din that time si Arthur sa Daddy ni Katrina at sinabihan ito na after makaPagSettleDown na si Katrina sa Office ay magreResign na siya. Kahit na ayaw ng kanilang President sa suggestion ni Arthur ay napapayag na din ito dahil nagkunwari si Arthur na masakit na nakikita niyang palagi si Katrina sa Office dahil hindi niya ito nakatuluyan.
Hindi maipaliwanag at maidescribe nina Matthew and Arthur kung gaano sila kasaya nang makapagkasunduan nilang itutuloy nila ng Secret ang kanilang relationship. That time din ay nagSuggest si Matthew sa kaniyang Parents na ampunin si Arthur sa kanilang bubuksang Company sa Canada dahil talaga namang mas kampante siya kapag kasama niya sa pagmaManage ng Company si Arthur.
Without any hesitation nama'y nagAgree ang Parents ni Matthew sa suggestion ng kanilang One And Only Son. Hindi naiwasang Interviewhin ng Parents ni Matthew si Arthur habang nasa Reception sila at nakatulong din ang Daddy ni Katrina kay Arthur nang sinabi nito sa Parents ni Matthew that Arthur is One of the best sa kanilang Company.
Halos sumakit na ang mukha ni Arthur sa kakaSmile dahil sa nangyari ng araw na iyon. Peaceful na peaceful siya habang tinitignan niyang isinasayaw ni Matthew si Jenny sa Dance Floor. Kasama sina Dodong and Katrina, ang Parents ni Katrina and ang Parents ni Matthew at ang iba pang mga couples from the Guest.
NagSigh si Arthur sa mga sandaling iyon at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Hindi niya maipaliwanag ang Bliss na nagsasayaw sa kaniyang puso at pakiramdam niya'y para siyang nasa Heaven sa mga sandaling iyon.
"Everything will be fine." Ang pag-ulit na sinambit ni Arthur sa mga katagang sinabi sa kaniya ni Liz sa Dream.
"Thank you po Lord. Thank you Mommy." Ang sinabi na lamang ni Arthur mula sa kaniyang puso.
**********************After 4 weeks*********************
"Ang Promise mo ha?" Ang parang batang sambit ni Arthur kay Matthew habang nakatayo sila sa Entrance ng Departure Area ng NAIA. Si Arthur na ang naghatid kay Matthew sa Airport. Hindi nakasama sina Deborah and Jenny dahil may Pasok sa school.
"Oo naman. Ikaw pa. Mas Yami magCoffee sa Canada." Ang nakaSmile na reply naman ni Matthew kay Arthur. Lumabas ang dimples ni Matthew sa dalawang Pisngi nito. Since after the Wedding nina Katrina'y nagStay ulit si Matthew sa house nina Arthur hanggang sa time ng flight niya papuntang Canada.
NagPromise si Matthew kay Arthur na magiing 'All The Way' ang kanilang 'Coffee' session pagmagkasama na sila sa Canada together with Jenny. Kahit na gusto din na pagbigyan ni Matthew ang wish ni Arthur na more than just a 'Coffee' ang iServe niya ay hindi niya ito ginawa as a respect for Arthur's late wife na si Liz na naintindihan naman ni Arthur.
"I'll Call you when I get there." Ang sabi ni Matthew kay Arthur.
"Problema mo?" Ang hindi maiwasang pagtatanong ni Matthew kay Arthur nang makita niyang nakabusangot ang mukha nito.
"Gusto kong magCoffee kasi." Ang nakaSmile na paglalambing ni Arthur kay Matthew.
NapaSmile na din si Matthew at tumingin siya from left to right and walang pasabing bigla niyang binigyan ng isang mabilis na smack sa lips si Arthur na ikinagulat naman ng isa.
"DAYA MO NAMAN!" Ang parang batang reklamo ni Arthur na ikinatawa ni Matthew.
"See you after a month!" Ang masayang sambit ni Matthew kay Arthur. Dahil sa influence ng Family ni Matthew ay naging mabilis ang pagProcess ng mga Papers nina Jenny and Arthur papuntang Canada. Doon na din ipagpapatuloy ni Jenny ang kaniyang Studies. Malaki din ang ikinatuwa ni Deborah dahil pati siya'y nakasama sa Canada.
"Excited na talaga ako. Humanda ka sa akin." Ang pilyong sagot naman ni Arthur kay Matthew.
"Ako din excited na. Ako naman ang magiging Boss mo pagdating doon." Ang pilyong pagbibiro ni Matthew na ikinabusangot muli ng mukha ni Arthur.
"I love you Daddy Art." Ang nahihiya at mahinang pagbawi naman agad ni Matthew kay Arthur.
"Ansabe mo? Di ko narinig." Ang malokong reply naman ni Arthur.
"Sabi ko. I-LOVE-YOU-DADDY-ART!" Ang ulit ni Matthew kay Arthur. InEmphasized niya ang last five words.
"I love you too Tito Matt." Ang reply naman ni Arthur habang nakaSmile ito ng pagkaCute-cute.
Nagsmile lang si Matthew saka tumalikod na siya kay Arthur at pumasok na sa Entrance ng Gate ng Deaprture Area. Hindi maalis ang wagas na smile sa mga lips nina Arthur and Matthew dahil hindi talaga sila makapaniwala sa mga nangyari sa kanilang dalawa simula nang makilala nila ang isa't-isa. Fresh pa din sa kanila ang nakaharap nilang challenge sa kanilang inakalang impossible relationship. Thankful sila't nalagpasan nila yun at ngayon nga'y going strong pa din sila.
Kung hindi pa nagpanggap at pumasok si Matthew bilang Tutor ni Jenny ay hindi nila makikilala ang bawat isa. Noong una'y si Jenny lang talaga ang Priority ni Matthew na matulungan upang makaRecover at mabalik ang dating sigla't saya nito pero ang hindi inakala nina Arthur and Matthew ay magiging Tutor nila ang bawat isa upang maturuan muli nilang ngumiti at maging masigla ang kanilang mga puso.
Sa bawat hakbang nila sa kanilang Relationship ay patuloy pa din silang magiging Tutor sa bawat isa. Ang Relationship nina Daddy Arthur and Tito Matt ay magiging Official once na nasa Canada na sila at doon magsisimula muli sila pero ang kaibahan nga lang ay 100% nilang makakasama ang isa't-isa sa pagharap sa anumang pagsubok na siyang lalo pang magpapatibay sa kanilang pagsasama. Magkasama nilang aalagaan si Jenny at gagabayan and alam nila in Due time ay kailangan nilang iExplain kay Jenny ang lahat-lahat pero sa ngayo'y they will Enjoy muna ang isa't-isa Once na nasa Canada na sila. Nanamnamin nila ang kanilang Relationship na talagang inakala nilang dalawa na wala na talagang Chance.
Ang Relationship na siyang magsisilbing Tutor at magtuturo ng marami pang mga bagay kina Daddy Arthur and Tito Matthew in the Future.

Post a Comment