by Baste31
Sa unang pahina ay may nakaipit na envelope na may lamang liham at ang nakasulat na pamagat ng scrabook ay "Ito ang Aking mga Ala-ala"Binuksan ko ang envelop at binasa ang mga sulat.
Dear Christian,
Patawarin mo ako dahil nagulo ang pamilya nyo dahil sa'kin. Hindi ko sinasadyang bigyan ka ng problema sa mismong araw ng birthday mo kaya imbes na makipagtalo sa Papa mo umalis na lang ako ng bahay nyo. Pasensya ka na dahil hindi kita mapuntahan, nahihiya na kasi ako sa Papa at Mama mo dahil sa kabila ng kabutihang ipinakita nila sa akin at sa pamilya ko wala akong naisukli sa kanila kundi problema. Inisip ko rin kung ipagpapatuloy pa ng Papa mo ang pagpapaaral sa akin.
Isang araw pag-uwi namin ni Nanay galing ospital pumunta ang papa mo sa amin at kinausap ako, ipagpapatuloy daw nya ang pagpapaaral sa akin kung lalayo ako sayo. Hindi ko na gugustohing makapagtapos ng pag-aaral kung kapalit non ay pagsuko ko sa'yo kaya tinanggihan ko ang Papa mo.
Kaya tumigil ako sa pagpasok sa school at sinubukang puntahan at kausapin ka pero pinipigilan ako ng Papa mo at sinabing kung makikipagkita ako sayo ay dadalhin ka nya sa America. Kaya sinulat ko ito at ipinakisuyo kay Paul para ipaalam sa'yo na wag kang susuko at mahal na mahal kita.
-Louie
humagulgol ako sa sulat na yon ni Louie. Mali ang naging disisyon kong pumayag na pumuntang America para matupad ni Louie ang kanyang mga pangarap. Mali ako at hindi ko ipinaglaban ang pagmamahal namin sa isat-isa. Wala na talaga akong nagawang tama! Huhuhu.. Napatingin ako kay Louie, pero wala pa rin itong reaksyon tulala pa rin at nakatingin sa malayo. Pinilit kong tatagan ang sarili at binasa ang kasunod na sulat.
Dear Christian,
Huli na ang lahat ng nalaman ko ang nangyari. Wala ka na at nakalipad na papuntang America. Hindi pala nakarating sa'yo ang sulat ko. Masamang masama ang loob ko sa pag-alis mo, hindi dahil umalis ka kundi dahil hindi kita naipaglaban at hindi man lang nakausap. Pasensya ka na kung ngayon ko lang sasabihin sa'yo ang totoong kalagayan ko. Ang totoo may Alzheimer's disease ako dati pa, hindi ko lang masabi sa'yo dahil kapag magkasama tayo hindi umaatake yung sakit ko. Paminsan minsan ay nawawala yung ala-ala ko at naliligaw ako, hahanapin ako ni Nanay at Lito, bago ko pa nalaman nakita na nila ako.
Noong una hindi ako naniniwal dahil bumabalik naman ang memorya ko pero isang araw nagising na lang akong hindi alam kung nasaan at kung papaano napunta sa lugar na yon. Kaya magmula noon bawat araw na nawawala ang memorya ko at babalik ito isinusulat ko sa scrapbook ang petsa at mga nangyari sa akin na di ko na matandaan. Magmula ng araw na magkakilala tayo hindi na naulit ang pag-atake ng sakit ko pero natakot akong baka isang araw mawala na ng tuluyan ang ala-ala ko at hindi na kita maalala kaya lahat ng mga nangyaring ayaw kong malimutan isinusulat ko na rin sa scrapbook ko. Ginawa ko ito para magsilbing patunay at ala-ala na talagang nagmamahalan tayo sakaling dumating ang araw na hindi ko na makilala kahit ang sarili ko. Sabi ng doctor may posibilidad daw na ang kasiyahan na nararamdaman ko kapag kasama ka ang pumipigil sa sakit ko at wala daw makakapagsabi kung kailan aatake ulit ang sakit ko. Wala pa raw gamot na makakapagpagaling sa sakit ko kaya hindi na ako ganong nagpapadoctor. Hihintayin ko ang pagbabalik mo Christian. At kahit na hindi ko alam kung papano makakarating sayo ang mga sulat ko palagi akong susulat sayo. Mahal na mahal kita. -Louie
Dear Christian,
Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa'yo ang nangyari. Kahit si Paul ay hindi ka rin macontact dahil walang sumasagot sa mga e-mail nya. Patawarin mo ako dahil may nagawa akong kasalanan sa'yo. Buntis si Diane at ako ang ama. Dalawang buwan na syang nagdadalang tao. Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko kay Diane at gusto kong panindigan ang bata. Lilipat na rin kami ng bahay, wala na kasi kaming maipambayad sa renta sa bahay kaya nagdisisyon kami ni Diane na sa Panggasinan na tumira. Malamang pag-uwi mo may anak na kami pero wag na wag mong iisipin na hindi na kita mahal. Ikaw lang naman ang laman ng puso ko. Isa pa hanggang nasa akin ang singsing na bigay mo aasa pa rin ako sa pag-uwi mo. Tingnan mo ang hulihan ng sketchpad ko, nakadikit doon yung lisensya ko. Pinaproffessional ko na tulad ng pangako ko. Heheh.. Umuwi ka na agad hinihintay na kita mahal ko.
-Louie
Lalo akong napaluha sa mga sulat sa akin ni Louie. Tulad ng pinangako nya tinupad nya na kumuha ng lisensya at hintayin ang pagbabalik ko. Binuklat ko ang dulong pahina ng scrapbook ni Louie at doon nakitang nakadikit ang lisensya nya. Nakangiti si Louie sa litrato, parang walang mabigat na problemang dinadala. Hindi iniinda ang sakit na unti-unting kumakain sa ala-ala nya. Sa dulong pahina ng scrapbook ni Louie ay may nakasulat rin. Binasa ko ito dahil wala pa sa dulong page ang mga notes sa scrapbook ni Louie may nakasulat na agad sa likod.
"Natatakot ako na hindi ko na maalala ang kahit na ano. Kahit pangalan ko. Kaya sana kung sakaling hindi na ako makaala-ala ibigay nyo ito kay Christian, sa pinakamamahal ko. Christian mawala man ang ala-ala ko hindi ka naman mawawala sa puso ko. Pakiusap ko lang sana sakaling sa pagbabalik mo at wala na ako ingatan mo si Nanay, Lito, Diane at ang magiging anak namin. Ingatan mo rin ito at ang mga ala-alang nawala na sa isip ko. Ikaw na lang ang mapaghahabilinan ko. Salamat mahal na mahal kita. -Louie Anghelo Antonio Tantoco
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap si Louie ng mahigpit habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata ko. Kahit walang reaksyon si Louie at hindi na alam ang mga nangyayari sinabi ko pa rin sa kanya ang matagal ko ng dapat sabihin.
"Sorry Louie umalis ako!! Sorry hindi kita pinaglaban kay Papa!! Hindi ko alam dati kung ano ang pangarap ko pero ngayon alam ko na! Ikaw lang ang pinapangarap ko, tutuparin ko lahat ng hinihiling mo."
Tutuparin ko lahat gaya ng pagtupad mo sa mga pangako mo. Sabi mo hindi mo ako kakalimutan, heto bumalik na ako, ang pinakamamahal mo! Si Christian! Tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko na parang walang katapusan. Pero hanggang sa huli tumupad pa rin sa pangako si Louie sa akin.
Dahil kahit wala na itong nakikilala, pangalan ko lang ang palagi nyang binabanggit. Ilang araw ang nakalipas pagkagising ko sa bahay nila Nanay Mila hindi na gumising si Louie. Sa lamay nya dumalaw si Paul, Clare at iba sa mga naging classmate nya sa university. Malaki ang galit ko sa parents ko nang dumalaw rin ito sa lamay ni Louie kaya ipinagtabuyan ko sila paalis. Walang araw o gabi na hindi pumasok sa isip ko si Louie.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa mga litrato ko na lang makikita ang maamo nyang mukha. Na kahit kailan hindi ko na mararamdaman pa ang yakap at halik ni Louie. Palagi kong tinitingnan ang scrapbook nya at mga voice at video recording na nakasave sa cellphone nya. At pinapakinggan ang mga paborito nyan kanta na nagpapaalala sa mga masasaya naming pagsasama.
Sinabi ni Louie na magpakatatag ako at kayanin ang lahat ng pagsubok na pagdaraanan namin kaya iyon ang ginawa ko. Ilang buwan makalipas ilibing si Louie, ako ang tumayong ama sa anak nila ni Diane.
Pinakasalan ko na rin si Diane para hindi ito malayo at maalagaan ko ito gaya ng pangako ko kay Louie. Hindi rin naman magtatagal matututunan rin naman namin mahalin ang isat isa dahil hindi naman mahirap mahalin si Diane, mabait ito at maganda pa, isa pa alam nya ang nakaraan namin ni Louie at hindi nya ako hinusgahan dito.
Ang singsing na pagmamay-ari ni Louie ang nagsilbing wedding ring namin, para kahit papaano gagabayan kami ni Louie sa bawat araw ng pagsasama namin ni Diane. Pinagpatuloy ko ang pagpapaaral kay Lito gaya ng gusto ni Louie na makatapos ito. Nagpagawa na rin ako ng bahay sa Panggasinan at dito ko na binuo ang pamilya ko at biniyayaan kami ni Diane ng dalawa pang anak. Si Paul naman ay ikinasal na rin sa bestfriend ni Diane na si Clare .
Dalawa na ang kanilang anak, isang adopted na batang lalake ang panganay nila at isa ay ang bunga ng kanilang pagmamahalan.
Napatawad ko na rin si Papa sa nagawa nya sa akin bago ito bawian ng buhay matapos itong ma-stroke. Nagsisisi sya sa nagawa nya sa amin ni Louie at sinabing sana ay hindi nya kami pinaghiwalay, hindi sana nawala sa kanya ang nag-iisa nyang anak at masaya pa rin ang aming pamilya. Pero totoo nga na nasa huli ang pagsisisi. Ganon rin naman si Mama, napatawad ko na rin sya. At kasama si Nanay Mila, magkatuwang sila sa pag-aalaga sa kanilang mga apo habang ako ang nagpapalakad ng business namin.
Masaya naman ako ngayon sa buhay ko kapiling si Diane at ang aming mga anak. Nawala man si Louie hindi naman sya nawala sa puso ko. At kahit wala na sya tinupad pa rin nya ang pangako nyang magiging maayos rin ang lahat. Gaya ng pagtupad ni Louie sa kanyang mga pangako, iingatan kong mabuti ang pangako ko sa kanya pati na rin ang aking mga ala-ala.
END

Post a Comment