By: Mikejuha
Sa simula palang, dun na rin naka-pwesto ang mga batang nagtitinda ng mga powdered soybeans na tingi-tingi. Yun lang ang paninda nila at kahit papanu, kumukita din naman. Dala-dala ang mga metal containers pumu-pwesto silang nakaupo sa isang kanto naghihintay ng customer. At dahil sa ang pwesto namin ay mejo malamig, paborito nilang lugar ito. “Mga taga Mindanao daw ang mga yan”, sabi ng ate ko. “Sa Mindanao nanggagaling ang soybeans at sila mismo na galing din dun ang nagbebenta”.
Isa sa naging kaibigan ko si Jerry, taga Butuan City. Siguro, kasing-edad ko lang. Mestiso, medium built, matangkad at talagang may hitsura. Kung hindi lang sa mejo gusgusin at lumang mga suot nya, sasabihin mo talagang anak-mayaman dahil sa kinis ng balat lalo na ang mukha. May pagka-blonde ang buhok na mahaba, brown ang mata, matungis ang ilong at may mamumula-mulang labi na perpektong match naman sa mapuputi at pantay na mga ngipin. Kumbaga, flawless. Ang totoo daw, mayaman ang papa nya na half-Spanish ngunit bumagsak ang negosyo at nung mamatay, nabalot na sila sa kahirapan. Kaya imbes na mag-aral, nagbanat na siya ng buto kasama ang nanay at dalawa pa nyang kapatid na babae para makatawid sa pang araw-araw na kailangan.
Sobrang aloof at introvert si Jerry, halos kagaya ko din. Ang kaibahan lang namin ay nakibo ako pag natapakan ang paa pero sya, tapakan mo man ang dalawang paa, hindi pa rin kikibo. Kikibo lang siguro yan kapag nabugbog-sarado na, puno na ng latay ang katawan at magtatanong, “Saan ba ang hospital?” – hehehe. Kumbaga, napakamahiyain at napakabait na bata.
Dahil may hitsura, andaming nagka-crush – bakla, babae. Sa kanya, ang lalaki nababakla at ang tomboy ay naging babae ulit. Ganyan katindi ang ka-torpehan, este, kagwapuhan ni Jerry. Malakas ang appeal ng kumag. Kahit nga mga estudyante dadayo sa pwesto namin para magpa-cute lang sa kanya. At sya mismo ang nililigawan ng babae. Nanjan yung padalhan sya ng love letter, pagkain, card, at kung anu-ano pa. Kaso, napaka-torpe nga. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, talagang patas ang gawa ng Diyos. Yung ibang hindi naman ka-gwapohan, napakalakas ng apog, este, loob pero hetong tao na sobrang guwapo naman, mejo gago, torpe, at heto psychotic pa yata.
Nun ngang unang salta ko pa lang sa tindahan at nakita ko yan, hindi kami nagkikibu-an. Kahit sa harap lang ng tindahan ng bayaw ko sya naka-pwesto at magkaharap lang ang mga inuupuan namin. Kala ko talaga suplado. Tinginan lang kami nyan. Pag nakatingin ako sa kanya, yuyuko sya na kunyari hindi ako napansin. Kung sya naman ang titingin sa akin, syempre, di ko rin sya pinapansin. “Ano ka, hilo? Bakit, gwapo rin naman ako ah? Slight nga lang.” patawa ko sa sarili.
Actually, ako ang nahihirapan sa kalagayan nya na buong maghapong walang kausap, walang gustong kausapin, maliban na lang sa customer. Naka-upo lang, naka-tutok ang mata sa semento habang ang mga nagpapa-cute sa kanya ay parang mga langaw na umaali-aligid... Minsan tumatayo, dudukutin ang pera sa bulsa, bibilangin, tapos isisiksik ulit pabalik sa bulsa at uupo na naman. Minsan tatayo, mag-istretch... Minsan din nakayuko nalang at nag-iisip ng napakalalim na tagos yata sa kabilang kanto ng mundo... Hindi ko din alam kung nagdududa sya kung nagpapa-cute ako sa kanya, o sya ba itong nagpapa-cute sa akin dahil alam nyang inoobserbahan ko sya, hehe. Ang hirap! Mahirap talaga kapatid, pramis. Ako ang nato-torture, eh – hehe. At na-challenge ako dun ha?
Yan ang drama ko pag wala akong ginagawa o walang customer, ang oobserbahan sya. Pag tumayo yan, alam ko na ang gagawin, either magbilang ng kita nya o mag stretch ng buto. Halos basahin ko nga rin ang isip nyan pag nakayuko ng ganyan at mag-isip ng malalim eh... “Magjajakol ako mamya o bukas nalang...?” hehe, di... dala lang ng ka-libugan ko.
Sa katagalan kong obserba sa kanya na-analyze ko na mabait naman yata, mahiyain nga lang. At napansin ko rin na yung biglang kabig ng tingin nya pag nahuli ko ay parang gusto rin nyang makipag-kaibigan sa akin, di lang siguro alam kung paanu (Owww? Ganun? Baka ilusyon lang yan, hehehe). So, umaandar na ang pagkamanyakis, este “delicious-minded” ko. “Kaw ha, playing hard-to-get ka, tingnan natin kung makapalag ka pa dito sa gagawin ko” sabi ko sa sarili.
So, naghanap ako ng paraan. Esep, esep, esep... “Ah, ganito, dadaan ako sa harap nya at ilalaglag ang dala-dala kong panyolitong itim (ehehehe)... Ah, hindi, kumita na yan e. Eto na lang...”
Dahil sa minsan ay dumadaan sya sa corner ng tindahan namin pag pumupunta sa kabilang kanto, inisip ko na abangan nalang ang timing na yun. At isang beses nga, aktong dadaan na sya, dali-dali kong kinuha ang isang kilo ng asukal na naka-pack sa plastic, kunyari di ko sya nakita at binangga, sabay laglag sa asukal, “KA-BLAGGGG!” Sabog syempre ang asukal at nagkalat sa semento. “Shittttt!” sabi kong ganun at tiningnan sya. Kitang-kita ko sa lumaki nyang mga mata ang pagkagulat at takot. Yumuko ako para kunyari linisin ang nagkalat na asukal. Yumuko din sya at nagkasalubong ang mga tingin namin... hinawakan nya ang kamay ko, inamoy ang pabango ko sa katawan. At ang naibulong ko nalang sa kanya ay, “What happens next is up to you...”
Hindi... nagugulo na naman tong kwento ko, eh. Sa commercial ng pabango pala yan. San na nga ba tayo? Ah, dun nga sa pagpulot ko sa mga nagkalat na asukal. Yun, pumutla ang mapupulang labi nya at halos hindi makapagsalita. Hindi na rin ako nagsalita, e syempre kasalanan nya (daw). Maya-maya tinulungan nya akong damputin ang mga asukal na kalat at nangingiming sabi, “Sorry ha, di ko sinasadya eh... bayaran ko na lang...”
“Wag na, ok lang. Pagagalitan lang naman ako ng ate ko nito e, tapos tatanggalan ng allowance sa buong taon o kaya’y di na papasukin ng school.” Sabi ko sa kanyang pa-seryoso. Mejo nanginginig pa rin sya sa takot at binawi ko na lang ang sinabi. “HIndi! Joke lang. Wala yun, tol... Wag kang mag-alala, ok lang to.” Sabay ngiti at offer ng milkshake, este, handshake. “Mike pala ang pangalan ko”
Kahit tulala pa, tinanggap na rin nya ang kamay ko at pilit na ngumiti, “Jerry... Jerry Rodriguez.”
(Itutuloy)
-----------------------------------------------

Post a Comment