by Donald L.
Kinausap ko ang aking asawa tungkol dito. Syempre nalungkot siya dahil hindi kami magkakasama sa dalawang okasyon. Pero ok lang din sa kanya, alam naman din niya ang layunin kung bakit kailangan kong magpunta sa Cagayan. Nagdesisyon na rin siya na yaman rin lang na wala ako sa piling nila sa susunod na linggo, magbabakasyon na rin sila sa sa kanilang probinsiya. Pinayagan ko na rin dahil alam kong magiging masaya siya kung makakapiling niya ang kanyang pamilya.Bago ako umalis, ipnaalam ko ang plan okay Bert. Di rin naman niya ako pinigilan pero napakarami niyang bilin. Keso mag ingat dahil sa putik, maraming mikrobyo, magdala ng tubig at maraming safeguard. Nakaktuwa naman talagang mag-alaga itong si Bert. Sa likod ng kanyang uniporme na simbolo ng lakas at pagkamaskulado ay naramdaman ko ang kanyang kahinaan. Sabi ko nga sa kanya nung nag-uusap kami, gusto ko na siyang yakapin kaya lang napakaraming tao sa paligid namin. Halakahakan na lang kami nang malakas.
Dumating nga ako sa Cagayan kasabay ng siyam pang mga kasamahan sa opisina. Isang baranggay ang tinutukan namin at napaka stressful ng trabaho. Magkahalong pisikal at mental ang trabaho dahil kailangan mong mag-isip at tumulong sa pag-organisa ng mga tao. Paglubog ng araw ay required kami na sumali sa debriefing meeting na umaabot hanggang alas dies y media ng gabi. Yung lang ang naging buhay ko sa araw araw. Pagkagising, maligo agad, hanap ng makakainan at diretso na sa temp office. Pagkakauha ng instructions, diretso na sa field, tabaho, meeting at tulog na agad.
“Oo nga eh, mukahang magiging kakaiba itong aking birthday ngayon” sabi ko sa kanya.
“Wag ka na munan matulog, gusto ko marinig ang boses mo pag birthday mo” request niya.
“Di naman ako magbabago ng boses hehe. Tsaka baka pagdudahan ka ng misis mo niyan, gabing gabi na nagtetelebabad ka pa” sabi ko naman.
“Alam ko yun, tsonggo! Gusto ko lang ako unang makakabati sayo. Tsaka tulog na si misis, napagaod dahil nag aerobics daw kanina ditto sa bahay”
“Ah naglalaro pala ang daga ngayon dahil tulog ang pusa” biro ko naman.
Marami pa kaming napag usapan. Nabanggit rin niya na meron siyang pinabibigay para sa akin para sa birthday ko. Ihahatid daw ng kakilala niya ditto sa hotel bukas na lang ng gabi para siguradong matanggap ko. Nagpasamat naman ako sa kanya at sinabing hindi na niya kailangang damihan hehe.
11:59 pm para talaga kaming lovers na may pa count down pa. Tapos binati na niya ako agad ng happy birthday. Sinabi rin niya na nagpapasalamat siya na nagkakilala kami sapagkat mas dinagdakan ko raw ng kulay ang kanyang buhay. (cheesy na naman!) Puro naman din pasalamat ang binigay ko sa kanya.
Ilang minute pa, nag ring ang isa kong phone. Pag tingin ko, si misis.
“Naku, panu yan mapuputol na usapan natin eto na tumatawag na ang pinaka prayoridad hehe. Ayaw din magpahuli” sabi ko kay Matt.
“Ok na ako, basta hintayin mo gift ko bukas ha. Dapat diyan ka talaga sa hotel mo matutulog” si Matt.
“Opo tatay” biniro ko na naman siya. “ basta rin maraming salaamat talaga”
Pagkasagot ko ng isang telepono, nagtanong agad si misis kung bakit natagalan ang sagot ng telepono. Paliwanag ko naman nasa banyo ako at hindi masyadong narining ang ring dahil nakasara ang pinto. Tapos binate na niya ako at iba pang kwentuhan.
Kinabukasan, napakaraming bumati. Pati mga tao sa kumunidad alam rin pala na birthday ko. Napakasaya at napaka init ng aking pakiramdam. Tapos kumain kami ng tanghalian kasama ang ilang mga volunteers An gaming regular na pagkain na hinahatid ng caterer ay panadagdagan ko ng soft drinks at maraming pancit. Naging masaya naman ang aking selebrasyon hindi lang dahil sa dami ng bumati kundi dahil alam kong may naitulong ako kahit papano sa mga survivors ng baha.
Pagdating ko ng hotel, nag shower na ako agad. Tapos hinanda ko ang aking sarili para matulog. Nagkausap na kami ni misis kanina habang naghahapunan ko, sabi niya matutulog daw sila ng maaga ngayon dahil malamig ang panahon. Kaya ang tawag na lang ni Bert ang hinihintay ko. Nag ring ang telepono na para lang sa amin ni Bert. Pagsagot ko, nakarinig ako ng busina ng sasakyan.
“May binili lang ako sa tindahan. Pero kailangan ko lang talaga lumabas para makatawag sayo. Gising pa kasi si misis” sabi ni Bert.
“Papunta na diyan yung pinahahatid ko ng regalo, anong room ka nga?”
“Room 203” sabi ko.
“O sige, tawag na lang ako ulit bukas. Hintayin mo na lang yung padala ko jan, malapit nay un. Happy birthday na lang brod”
“Sige maraming salamat ulit. Good night”
“Panu ka naman nakarating ditto at panu ka nagpaalam sa misis mo?”
“Nung 26 pa lang, nag pa book na ako ng ticket at napaalam ako kay misis na sasamahan ko ang aking kaibigan papunta dito sa Cagayan. Hindi naman mahiram akong paniwalaan dahil marami naman akong kaibigan dito”.
“Di mo alam kung paano mo ako pinaligaya nga ‘brod’” naalala ko yun ang itinawag niya sa aking huling usap namin sa telepono.
“Uy naalala mo hah, naisip ko kasi na rod na ang itawag sayo. Parang masarap pakinggan, at madalas naman din tayong mapagkamalang magkapatid di ba?”
Umalis na ako sa pagkakapatong sa kanyang at hinayaan na siyang tumayo.

Post a Comment