by PrinceMarvin
Sinarado ko ng malakas ang pintuan ng kwarto at napasandal sa likod. Hindi ko alam kung anong iisipin. Una nalaman ko na si Matt ang may gustong magkasama kami. Hindi ko alam kung maagalit ako sa kanya dahil sinet-up niya to o matutuwa dahil kahit papano gumagaan na ang loob ko sa kanya. Tapos bigla kong marinig siya sa telepono kausap ang isang babae tapos babatiin niya ng ganun? Nalilito ako. Sumasakit ang ulo ko at biglang nag-tubig ang mata ko. Nagseselos ba ako? Naiinis ako sa kanya pero hindi ko siya magawang kainisan ng labis labis. Tuluyan ng lumuha ang mata ko. `Tang ina kaya ayaw ko ng ganito eh.Nagtangka akong kontrahin ang nararamdaman ko. Bakit ako umiiyak e ako na mismo ang nagsabi na ayaw ko sa kanya, na ayaw ko ng ganito. Ano naman sakin kung may karelasyon siya? Hindi gumana. Tuloy tuloy ang luha ko. Matagal din siguro ako sa ganung lagay ng biglang may kumatok sa pinto.
"Kiros?" Tawag ni Matt sakin. Ayaw kong magpakita sa kanya na ganun.
Pinunasan ko ang luha ko at nagpag-pag ng sarili tapos pinilit ngumiti. Tumayo ak sa pagkakaupo at binuksan ang pinto.
"Oh, Matt? Bakit?"
"Anong bakit? Ako dapat yata magtanong sayo niyan! Bakit ka umiiyak?"
"Ah… di ako umiiyak," sabay punay sa mata ko. "Napuwing lang ako."
Inabot ni Matt ang kamay niya sa mukha ko, akmang pupunasan and luha ko. Umatras ako ng hindi niya maabot.
"Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sakin? Kailan mo ba ako pagkakatiwalaan?"
Umalis si Matt at humiga naman ako sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi na ako nakapag-bihis o naligo man lang. Nang nagising ako, nakita ko sa relo na alas dos-y-medya na ng madaling araw. Nagugutom ako kaya bumaba para kumain. Nadaanan ko si Matt na nakahiga sa may sala, ang tv bukas. Nakita kong may natatakpang pagkain sa mesa at binuksan yun. Sardinas.
Kung sa ibang pagkakataon, iisipin kong napaka-sweet at naghanda siya nga sardinas para sakin pero nalala kong bigla ang narinig ko sa telepono kahapon. Kumuha ako ng kanin sa may rice cooker at nagsimulang kumain.
"Ayos ka na ba?" Nabigla ako at napalingon sa kinatatayuan ni Matt. Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpatuloy sa pagkain. "Tumawag ulit si Kelly. Alam mo na pala."
"Ang alin?"
"Alam ko agad na ikaw yun nung makita kita sa kasal. Gustong gusto kitang makilala. Kinausap ako ni Kelly sa reception, nagtanong siya kung papayag akong magbantay ng bahay at sa aso. Sabi ko papayag ako kung kasama kita."
"Ah talaga?" sabi ko na nagkukunwaring walang pakialam. hindi ko makuhang tingnan siya kaya pinagpauloy ko lang ang pagkain. Naglakad siya papunta sa mesa at naupo sa katabing na upuan ko. Hinawakan niya ang bisig ko. "I just want to know you better."
"Bakit? May gusto ka ba sakin?" Sinabi ko sa kanya ng maypagka-sarcastic. "Gusto mo rin ba yung kausap mo sa telepono kanina?"
"Nagseselos ka ba? Is that what this is all about?" Medyo galit ang tono niya. "I was talking to my daughter!" Napatingin ako sa kanya. Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. "And you talked to her mother."
"You didn't tell me you had a daughter." Nag-aasta parin akong hindi interesado at nagpatuloy sa pagkain.
"How can I if you're closing everything on me! You wouldn't let your guard down! Natatakot ka sakin! You don't trust me! I'm just a mistake to you, `di ba yan ang sabi mo kay Kelly?" Tumayo siya at naglakad papalayo pero tumigil at nagsalita.
"I didn't want to think YOU were a mistake. Now I can't help it."
Sinadya kong tumagal sa kusina, ayaw kong maabutan na gising si Matteo sa sala. Hingasan ko ang plato at lahat ng ng makita kong madumi. Nang dumaan ako sa sala para umakyat nakita ko si Matt sa sala, sarado na ang tv at natutulog na siya, nakaakap sa sarili at nilalamig. Walang kumot sa sala, naka-sando lang siya. Dali-dali akong umakyat sa kwarto at kumuha ng kumot. Tinakpan ko siya ng kumot na yun at tipong aakyat na ng narinig ko siyang magpasalamat.
Wala na si Matt ng magising ako ng alas-10. Sa kusina may malamig na french toast. Kinain ko ng malamig ang agahan at pumasok sa opisina. Wala parin si Matt ng makauwi ako ng gabi. Pagkatapos mag-luto at kumain, nanood ako ng tv sa sala, wala parin si Matt, hanggang nagising ako ng alas-dos ng madaling araw. Naisip ko kung nasaan na si Matt ng ganung oras at kung ano na ang nangyari sa kanya. Lumabas ako sa may pool para magpalamig at nakita si Matt na nakahandusay sa may upuan malapit sa pool. Gising si Matt at umiinom galing sa bote, sa baba ng upuan may tatlong bote ng Red Horse na ubos na at meron pang dalawa na hindi bukas. Halatang lasing na si Matt, malakas ang amoy ng alkohol sa kanya.
"Tama na yan," sabi ko sa kanya akmang kukunin ang beer sa kamay.
"I love the way you said that. It almost sounds like you care." sabi ni Matt. Hinayaan nyang kunin ko ang beer sa kamay nya.
"Pumasok ka na sa loob. Malamig dito."
"Another one! Ha! This must be my lucky day!"
"Matt, marami ka ng nainom."
"Why do you care? I mean I'm a mistake, right? Why do you care about your mistakes?"
"Is that what this is about? Kaya ka umiinom dahil sakin?"
"You'd like that, wouldn't you? But rest easy, I'm drinking because I made a mistake, a really bad mistake, the worst mistake I ever made." tumayo si Matt sa harap ko at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Tumingin siya sa mata ko at tumahimik. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Ayaw ko siyang itulak baka matumba sa kalasingan.
"You, Kiros… you're the most beautiful mistake I ever made."
Naglakad si Matt papasok ng bahay at iniwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Hindi ko na pinansin ang lamig kahit naninigas na ang katawan ko na parang nagyeyelo. Hindi ko alam kung hangin ang nagdala nun… o si Matt. Pagkarinig ko ng pagsarado ng pinto saka tumulo ang malakas na luha. Nandyan na naman sila. Ayaw na naman papigil. Sumabay sa pagbuhos ng luha ko ang pagbuhos ng ulan pero hindi ko magalaw ang paa ko para sumilong. Parang napako sa lupa hanggang tuluyan na akong mabasa ng ulan.
Pagka-umaga nagising ako na may lagnat. Sa lahat ba naman kasi ng lugar na pwedeng pagdramahan, dun pa ko sa umuulan. Umuulan pa din sa mga oras na yun. Hindi ako papasok. Nagreklamo ang tiyan ko sa gutom. Mag-aalas 8 pa lang. Sa kusina kumakain si Matt ng oatmeal. Pagkatapos tumingin sakin binalikan ang pagkain niya at nagkunwaring wala ako sa paligid. Nagbuhos ako ng kape sa tasa at umupo sa upuan na katapat ng kinauupuan niya. Wala akong magawa kung hindi titigan siya. Napakaamo ng kanyang mukha. Maliban sa pulang mata, aakalain ko na nasa harap ko ang pinakamagandang nilalang. Biglang kumirot and puso ko at lumakas ang tibok. Sabi ko na nga ba. Mukhang matatalo ako sa pustahan.
"Bakit?" tanong niya sakin. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya.
"Tell me about your daughter," sabi ko sa kanya. Ngumiti din siya.
"Anong gusto mong malaman?"
"Kung anong gusto mong sabihin."
Tumahimik siya ng sandali, nagiisip kung anong sasabihin.
"Her name is Nicole… Nikki. She's 3. Kasama ng mama niya sa Australia. Dun ako tumira dati until two years ago when her mum and I… when her mum and I decided that we have to stop living a lie."
"Anong ibig mong sabihin?"
Tumahimik na naman siya para makapag-isip.
"Hindi ko mahal ang mummy ni Nicole," simula niya, "hindi rin niya ako mahal. Nagsama lang kami para sa bata. Nicole came out of nowhere, unexpectedly. Isang inuman ng magbabarkada, the next thing you know, her parents and my parents have agreed on a wedding. Ayaw naming pumayag. Her name was Celine, she was my bestfriend. Kilala namin ang isa't-isa. Alam ni Celine kung ano ako. At alam naming hindi kasal ang gusto namin. We went to Australia para tumakas sa kasal. We were practically prisoners. Ang bahay, pagkain, lahat bigay lang ng pamilya at mga barkada. Wala akong ginagawa dun. Celine met a new guy and fell in love kaya kailangan ko siyang bigyan ng space. Pumayag akong iwan sa kanya si Nikki with the promise that I will still be recognized as his father. Bumibisita ako dun once in a while and they call me."
Natahimik ako sa pagkukwento niya, akala ko may karugtong pa.
"Yun lang." dagdag niya.
"I'm sure she's a beautiful kid." sabi ko sa kanya.
"I'm her father, of course she's beautiful."
"Yabang…" Ngumiti siya at nawalan ulit kami ng pinaguusapan hanggang tanungin ko siya. "Did you mean what you said yesterday? Do you really think I'm a mistake?"
Tumingin siya ng matagal sakin bago nagsalita. Ulan lang sa labas ang naririnig namin.
"I don't know what to think."
"Because I think I'm in love with you."
Fuck! Sinabi ko ba yun sa kanya o sa isip ko lang? Parang hindi ko na napigilan, bigla na lang lumabas sa bibig ko. Tumahimik siya. Tang ina, sinabi ko nga yun, di ko inisip lang. Ngumiti siya sakin at walang sinabi.
"Pwede ba magsalita ka, para akong gago dito."
"What do you want me to say?"
"I don't know. Maybe you can tell me it's all a mistake. Diba favorite word mo yun? Maybe you can tell me it's just an illusion or something." Wala parin siyang sinabi.
Dinala niya ang pinagkainan sa lababo at hinugasan habang nakatingin lang ako sa kape ko na nangangarap na sana malunod na lang ako dito. Nangyari na ang kinatatakutan ko, ang magmahal. At hindi pa nga nagtatagal nasasaktan na ako agad. `Yun ang isang bagay kaya wala akong hinayaan na lumapit sakin ng ganito. Nabibigyan sila ng pagkakataon para saktan ka.
Hindi ako iiyak, sabi ko sa sarili ko. Kung hindi niya man ako gusto gaya ng pagkagusto ko sa kanya, wala na akong pakialam. Mabuti ng matapos `to bago pa masimulan.
"You're so stupid!" Sabi ko sa sarili ko ng malakas.
"Don't blame yourself. I'm just irrisistable." Putang ina nang-inis pa.
"You think this is a joke? God! Ikaw ang nagsabi sakin na masyado akong matigas, na di kita pinapatuloy," umiiyak na ako sa mga sandaling yun. "Then you take my defenses away, make me fall in love with you so bad and now you're laughing at me? Putang ina, anong tingin mo sakin, ha? Laruan?"
Lumapit ako sa kanya at pinaikot para magkaharap kami. "Look at me! Am I a toy to you, Matt?" Hindi siya nagsalita ng matagal hanggang…
"Are you really in love with me, Kiros?"
"Bingi ka ba?"
"Kiros, mahal mo ba talaga ako?" Hinawakan nya ang pisngi ko. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Lumakas ang buhos ng luha ko. Natakpan ng tubig ang paningin ko. Sunod naramdaman ko na lang ang labi ni Matt sa labi ko. Isang malambot na halik. Niyakap niya ako at bumulong sa tenga.
"I knew I loved you the first time I ever laid eyes on you. I know that sounds crazy but well, I'm crazy. And
I'm crazy in love with you."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Ang korni mo. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko."
Bulong ko sa kanya.
"You know that's not true."
"Yeah… I know."
Niyakap niya ako ng mahigpit na sinuklian ko ng mas mahigpit na yakap. Hindi ako makapaniwalang sa iilang araw pa lang na magkakilala kami, ganito na ang mararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ako nagsisisi. Nawala ang takot ko sa kahit ano. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At alam ko na ngayong gabi, hindi na ako iiyak.
Post a Comment