My Most Beautiful Mistake Part 2

by PrinceMarvin

"YOU…" Gulat na sabi ni Kelly.

"You slept with Matt?!!!" Hininaan niya ang boses niya.

"Who slept with who?" Sabi ni Macky paputa sa kinaroroonan namin. Narinig niya kaya? Tang ina, so much for trusting Kelly.

"Yeah, who slept with who? Si Matt, kasunod sa yapak ni Macky.

"Excuse me, this is a private conversation, God! And my sex life is none of your business!!!" Galit na sabi ko sa dalawang dumating.

"May boyfriend si Kiros." Sabi ni Kelly kay Macky, sabay tingin kay Matt na nakangiti.

"I DON'T HAVE A BOYFRIEND!" Asar na asar na talaga ako!

"May boyfriend si Kiros?" Sabay na tanong nila Macky at Matteo.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" Asaaaaar!

"Honey, I think the guests are calling for us." Sabi ni Kelly kay Macky habang hinihila pabalik sa loob. "BB, mamaya na tayo magusap!"

"KELLY!" Tawag ko sa kanya.

"KELLY BUMALIK KA DITO!" Hindi na siya nakinig.

"So you have a boyfriend?" Nagulat ako, nakalimutan ko na nandito pa pala si Matteo. Inubos ko ang natitirang champaigne, tinapon ang yosi at nagsindi ng bago. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"You slept with me and you didn't tell me you have a boyfriend?" May bahid ng konting galit sa boses niya.

"Is that why you're avoiding me?"

"I don't have a boyfriend, she meant you," kalmado na ako ngayon.

"So I'm your boyfriend?" Nakangiti na ngayon ang engot.

"NO!!! Hindi kita boyfriend, wala akong boyfriend at definitely ayaw kong magka-boyfriend!"

"Talaga lang ha…"

"Talaga, now leave me alone!"

"So you told Kelly about us?" Lumapit siya sa akin at sumandal din sa kotse ko katabi ko.

"Look, there's no `us,' Matt!"

"Ahu….okay… so you told Kelly about you and me?" Tinitigan ko na lang siya sa mata. Gusto ko na siyang sakalin.

"Oookay… let me rephrase that, you told Kelly about what HAPPENED between you and, separately, me?"

"Oo." Kinuha niya ang sigarilyo ko.

"You are so into me, aren't you?" Pabirong sabi niya sakin at binuga ang yosi ko.

"Gago!"

"Alam mo sa tigin ko, may gusto ko sakin. Sinunggaban mo nga ako ng halik kanina eh."

"Walang ibig sabihin `yun," namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Okay lang. `Di din naman kita gusto eh."

"Good! That's good." Aray. mokong na `to. Nasaktan ako sa sinabi niya ah! Hindi ko alam kung bakit, siguro nasaktan ang ego ko.

"But I bet, magkakagusto ka sakin! Pero hindi ako papatol sayo kahit akitin mo pa ako."

"Hahaha!" Natawa ako sa sinabi niya pero sinadya kong lumakas ang tawa ko.

"Never gonna happen."

"We'll see about that, BB!" Tinapon na niya ang yosi at naglakad paputang clubhouse.

"You're on, Pikoy!"


Kinaumagahan, nagising ako sa ring ng telepono, si Kelly tumatawag.

"BB," pambungad nyang bati.

"Kelly ang aga pa!"

"BB may utang ka saking kwento."

"Masyado ka pang bata."

"Pag-kinwento mo sakin, ikukwento ko sayo nangyari samin kagabi ni Macky."

"Salamat na lang."

"Che! Bahala ka nga diyan," mabuti na lang umalis na si Kelly sa piaguusapan namin. "BB, remember ha! You promised me you'll take us to the airport." Ngayon nga pala ang alis ni Kelly at Macky para sa honeymoon nila. Ako ang nagregalo kay Kelly noon, isang linggo sa Hawaii .

"Yeah, yeah, I remember."

"We're all packed up na, punta ka na dito."

"Sige, shower na ako."

Hinatid ko si Kelly at Macky sa airport. Ibinilin sakin ni Kelly ang bahay. Dun muna daw ako tumira para alagaan ang kanilang aso, si Legazpi. Napaka-istupidong pangalan para sa aso kung ako tatanungin mo, pero gusto ko na rin si Zap, tawag ko sa aso. Pumayag na ako. Pero pina-sumpa niya ako na doon ako matutulog hanggang dumating silanext week. Sabi ko walang problema. Pagkagaling ng airport, dumirecho na ako sa bahay nila para pakainin si Zap. Nabigla ako ng nakita kong bukas ng pinto, kahol ng kahol ang aso. May magnanakaw yata. Kumuha ako ng tubo na malapit sa may pintuan bago pumasok, inutusan ko ang sarili ko na itanong kay Kelly kung bakit may tubo dun. Napaka out-of-place. Hindi ako gumawa ng ingay, baka malaman ng magnanakaw na may tao at tumakbo. Walang magulo, walang nakuha sa sala, ang tv nandun parin at nakabukas. Siguro alam ng magnanakaw na matagal bago bumalik and may-ari ng bahay. Nasa kusina si Zap kumakahol. Kumakahol si Zap sa ref. Pagtingin ko, may lalakeng naka-dungaw at may kinukuha sa loob.

"You have got to be kidding me!" sabi ko at nahulog ang tubo na dala ko. Napalingon si Matteo sa ingay ng tubo ng nahulog.

"O, Kiros! Anong ginagawa mo dito?" Nilagay niya ang gatas na kinuha sa ref at binuhos sa lalagyan ni Zap.

"I was going to ask you the same thing."

"Well, Kelly asked me to stay here 'till they get back. You? What's your excuse? Sinusundan mo ako `no?" Ngumiti siya sa akin habang hinihimas ang ulo ng aso.

"Remind me to kill Kelly when she gets back." Wika ko sa kanya.

"Okay, I will."

Pagkatapos noon umuwi na ako para kumuha ng mga damit sa gagamitin. Habang nasa byahe, nag-ring ang telepono ko.

"Hello?"

"Kiros? It's Matt."

"Where did you get my number?"

"Kelly gave it to me."

"Remind me to kill her twice."Natawa siya sa sinabi ko.

"Hey, listen, can you pick up a food for Legazpi on your way back."

"What makes you think I'm coming back?"

"Because I'm here. And I know you want to see me again."

Puki ng ina! Ayaw niya talaga akong tigilan! Napaka aroganteng litsugas! Binagsak ko ang telepono. Pagkalipas ng tatlong oras nakabalik na ako sa bahay nila Kelly dala ang isang sakong pagkain ni Zap. Binuksan ni Matteo ang pinto.

"You can't get enough of me, can you?" tanong ni Matt sakin. Sinubsob ko sa dibdib niya ang dogfood na dala ko.

"Matt, listen, I have some rules." sabi ko sa kanya.

"Bakit? Di naman ikaw may-ari ng bahay ah!" protesta niya.

"Number one! Sa sala ka matutulog, sakin ang guest room."

"Fine by me."

"Two, salitan tayo maghuhugas ng pinggan. At three, bawal ka magdala ng lalake dito"

"Gusto mo lang akong solohin."

Dumirecho ako sa guest room dala ng mga gamit ko. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Kelly pero hindi ako natutuwa. Ang lalake, pang isang gabihan lang. Akala ko sinwerte ako kay Matt nung inuwi niya ako sa bahay niya noong isang gabi. Mali . Pagkatapos kong maligo bumaba ako. Naamoy ko ang masarap na niluluto sa kusina.

"Are you sure you can cook?" Tanong ko kay Matt.

"I'm a chef!"

"Hindi ko tinatanong kung anong trabaho mo, oo o hindi lang."

"We're having Couscous-Stuffed Pork Chops." sabi niya.

"Gusto ko ng sardinas."

"Oh that is so rude!"

"Baka may gayuma yang niluluto mo."

Binigyan niya ako ng dirty finger. Kumuha ako ng softdrinks sa ref ni Kelly.

"Get the wine, this will be finish soon."

"Wine-wine ka dyan! Wag ka maarte. Couscous pork chop. Ha! Kuskusin ko yang mukha mo eh!" Nilaro ko si Zap hanggang makapag-handa si Matt ng mesa. Siya na rin ang kumuha ng wine. Inaamin ko, sa amoy at tingin ng niluto niya parang nagutom ako bigla. Chef-chefan nga si pota. Tinawag na niya ako para kumain. Ang gara ng pagkakaayos ng mesa, may kandila pa.

"We're not on a date, you know!" sabi ko sa kanya. "Wag mong sindihan ang kandilang yan at lalong wag mong patayin ang ilaw."

"It's called fine dining, Kiros. Get with the program."

Hindi sinindihan ag kandila, bukas lang ang ilaw. Hindi ko maipagkakailang masarap talaga ang luto niya. Mga tipong tig-iisang libo ang bawat subo. Tahimik lang ako at nakatingin sa pagkain. Si Matt tingin ng tingin sakin hanggang di mapigilan magsalita.

"We could at least be friends, you know."

"I have enough friends." Sagot ko sa kanya.

"Ano bang meron sayo, ha? Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos ng isang gabi sa lalake, bale wala na sayo?" Hindi ko sinagot ang tanong niya at inatupag ang pagkain ko.Napailing na lang ang ulo niya at bumalik sa pagkain.

"Ba't parang apektado ka?" tanong ko sa kanya.

"You know why I even bothered talking to you that night? Kasi kita sa mata mo na malungkot ka. Nakatawa ka pero malungkot ka. Parang dapat may kumausap sayo kung hindi magpapakamatay ka."

"Well, hindi ako malungkot, alright?" Naramdaman kong nagagalit sa kanya. Parang tinamaan ako.

"Whatever you say. But I honestly thought you were going to be… different."

Kinuha niya ang pinagkainan at nilagay sa lababo at iniwan niya akong kumain ng mag-isa. Natahimik ako sa sinabi niya. Tahimik ang buong bahay bigla. Si Zap lang at ang kanyang dila sa gatas ang tanging ingay hanggang narinig kong buksan ni Matt ang tv. Pagkatapos ng paghugas ko ng pinggan, kumuha ako ng dalawang baso at nilagyan ng wine. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na kailangan kong humingi ng patawad sa kanya. Mahirap sakin ang paghingi ng tawad. Pano niya nagawang mapilit sakin yun?Naabutan ko si Matt na natutulog na sa sala habang bukas ang tv. Natigilan ako sa nakita ko. Si Matt lang naman. Pero parang iba ang Matt na to. Mas maamo ang kanyang mukha. Mas tahimik. Gumalaw ang labi niya na parang may nginunguya. Parang bata. Malalim ang pahinga niya. Medyo mahaba ang buhok ni Matteo, ilang piraso nito bumabagsak sa mukha niya. Isang kamay niya nasa tiyan, ang isa naman sa tabi hawak ang remote. Parang gusto kong hawiin ang buhok niya, hawakan ang labi niya at halikan ang mata niya. Naramdaman ko na kumirot ang puso ko. Shit! Di pwede `to!

Binaba ko ang baso sa salamin na mesa sa sala. Anong gagawin mo, Kiros? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko gagawin ang gusto kong gawin. Hindi ako matatalo sa pustahan. Umalis ako sa sala at pumunta ng kwarto. Nahiga pero hindi makatulog. Iniisip ko si Matt at noong gabi na magkakilala kami. Hindi ko natatandaang sinabi niya ang pangalan niya pero ang alam ko 24 ang edad niya. Tinanong ko silang lahat ng edad nila. Twenty-five ako, hindi magkalayo ang edad namin. Tinanong niya kung pwede daw siya tumambay sa kinatatayuan ko. Sabi ko walang problema basta walang magagalit na nakikipag-usap siya saakin. Sa tagal ko na sa sirkulasyon, alam ko na ang gusto niyag mangyari. Hindi ako tatanggi. Biyaya na, aayawan ko pa ba? Hindi ko maalala ang pinag-usapan namin pero alam ko na marami. Mukha naman siyang matalino, may sense kausap. Marami na rin ang nainom ko pero ayaw ko pang tumigil. Sabi niya, sa condo niya na lang daw kami uminom para kung sakaling makatulog eh may higaan. Pumayag ako. Gegewang-gewang na din ako kaya inalalayan niya ako. Nakatulog ako sa biyahe, kahit papano nagbalik ang ulirat ko. Pero hindi naalis ang libog ko sa kanya. Hindi pa tuluyang sarado ang pinto tinulak ko na siya sa likod nito at hinalikan sa labi. Hindi niya ako binigo at humalik naman pabalik. Habang pinupuno ko ng halik ang kanyang labi, sinimula kong hubarin ang suot niyang polo. Ganun din ang ginawa niya sakin.At nangyari nga ang nangyari. Isa si Matt sa pinakamagaling na nakatalik ko. Ibang klase siyang gumalaw. Nakakalibog ang kanyang boses habang nagpapahiwatig ng sarap. Mainit ang hinga niya sa batok ko. Marahan ang kanyang pag-indayog. Marunong siyang magpaligaya at alam niya ang dapat gawin para magpaligaya. Walang salita, alam namin pareho ang dapat gawin. Matapos `yun, binuksan ko ang bintana at nagsindi ng yosi. Natulog na si Matt. Malamig ang hangin ng Disyembre lalo na dahil naka-boxers lang ako. Habang nakatingin sa mga ilaw sa baba, hindi ko namalayan ang luhang tumulo galing sa mata ko. Hindi na bago sakin ang umiyak matapos gawin yun. Sa bawat pagkakataon tinatanong ko sa sarili ko kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko. Anong makukuha ko dito. Oo nga't masarap pero nasasaktan ako pagkatapos. At hindi matumbasan ng sarap ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Ayaw kong masaktan pero ayaw ko din timigil. Napukaw ako ng gumalaw si Matt, tulog parin. Pinunasan ko ang luha ko at bumalik sa kama. Tumalikod sa lalakeng yun at pinilit na matulog.

Nagising ako sa tahol ni Zap sa garden. Paglabas ko sa porch nakita kong nilalaro ni Matt ang aso ng frisbee sa garden. Nakangiti si Matt, iba sa itsura niya nung huli kaming mag-usap kagabi. Sana kinalimutan niya na yun. Ayaw kong pag-usapan. Pumunta ako sa kusina at gumawa ng kape, nilagay ko sa dalawang tasa. Paglabas ko nasa pool na sina Matt at ang aso. Nakita ako ni Matt at umahon, lumapit sa mesang pinaglagyan ko ng kape habang umupo naman ako. Walang suot ng t-shirt si Matt. Maganda talaga ang hubog ng katawan niya. Mas maganda pa dahil sa kumikintab sa araw na mga patak ng tubig dito.

"Is that for me?" turo niya sa isang tasa ng kape. Umupo siya sa harap ko.

"That's for Zap," birong sagot ko sa kanya.

"Kanino?" tanong niya sakin. Hindi niya nga pala alam na Zap ang tawag ko kay Legazpi. Tinuro ko ang aso. "I thought his name's Legazpi?"

"It is. But it's a stupid name so I call him Zap." sabi ko sa kanya.

"Ah! Ako nagpangalan sa kanya." sabi niya sakin habang tinitingnan ang aso na inaalis ang tubig sa katawan.

"Kaya pala." sabi ko sa kanya. "Sayo yang kape"

"Thanks. Ako nag bigay kay Macky niyan bago pa sila ikasal ni Kelly. May alaga din akong pug, si Villalobos."

Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. "Bakit?"

"And pangit mo magbigay pangalan sa aso."

"Ganun ah! Eh ikaw nga diyan eh. Zap? Ano yun? parang kinuryente." Ngumiti kaming pareho, nagsalubong ang mata namin. Natahimik.

"Sa tingin mo ba talaga malungkot ako?" tanong ko sa kanya. Shit!

Sabi ko ayaw ko ng pag-usapan bakit ako pa ang nagsimula? Yumuko si Matt at ngumiti sa sarili.

"Sa tingin ko? Oo. Kitang kita sa mata mo. Kahit gaano mo itago, makikita at makikita parin sa mata. Hindi ka magaling magsinungaling, kita lahat. Kung masaya ka, kungmalungkot…" Nawalan ako ng sasabihin dahil sa sinabi niya.

"Pero… kung sinasabi mong hindi ka malungkot… e di hindi!" ngumiti siya sakin ng matamis. Napakagat ako ng labi.

"Do you believe in love?" biglang lumabas sa bibig ko. Ano ba `tong pinagtatatanong ko sa kanya?

"Sabi ko na nga ba in love ka sakin." wika niya at mas lumawak pa ang ngiti niya. Yung wine kagabi, `tong kape… nagpapa-cute ka pa palagi."

"May napakagsabi na ba sayo na napaka-arogante mong tao?" inis na tanong ko sa kanya.

"I was just kidding! Where are these questions coming from anyway? Kaaga-aga nag e-emote-emote ka a diyan!"

"My parents, they… they divorced when I was 15, Kelly was 12. Mga tito at tita ko, lahat, kung hindi divorced, hindi nag-asawa. Natatakot ako para kay Kelly."

"Natatakot kang masaktan."

"Ha? Ah… hindi, hindi… sabi ko si Kelly."

"`Di ba sabi ko sayo, hindi ka marunong mag-sinungaling?" Tumayo si Matt at naglakad papasok ng bahay. Tumigil siya sa may pinto at lumigon sakin.

"Wag kang mag-alala. Hindi hindi kita sasaktan."

Pagka-uwi ko sa bahay galing sa trabaho narinig kong kumakahol si Zap at nagri-ring ang telepono. Wala yata si Matteo.

"Hello?" sabi ko sa telepono.

"BB?" Si Kelly.

"Kelly! Oh kumusta? How's Hawaii?"

"BB ang ganda, sobra! Thanks thanks thanks talaga!"

"Enjoy it while you can kasi papatayin kita pag-balik mo dito!"

"Oh! What did I do?"

"Matteo!"

"Oh.. haha! BB naman, okay lang `yun no! Ano ka ba? Hindi ka ba natutuwa?

"Mukha ba akong natutuwa. Kelly? I mean what are you doing? He's your brother-in-law who I slept with!"

"Slept with? Past tense yun, BB ah! You mean you're not sleepING with him?"

"God no! It was a mistake, okay? I was drunk and that's what drunk people do!"

"BB… he was the one who asked me if you could stay with him. I thought you two are dating." Natigilan ako sa sinabi ni Kelly. Si Matt ang nag-request kay Kelly na dito ako tumira kasama niya?

"BB? Are you okay?"

"I'm… I'm fine, Kelly. I… I have to go now. Kinda busy."

"Okay. Tawag na lang ulit ako, ha! Bye BB, love you"

"I love you, too, Kelly." Binaba ko na ang telepono.

"Was that Kelly?" Nabigla ako. Nasa may pintuan si Matteo. Hindi ko alam kung gano na siya katagal dun at kung ano ang narinig niya. Hindi pa ako nakakasagot, nag-ring ulit ang telepono.

"Hello?" Sabi ng kabilang linya. Hindi si Kelly yun pero babae. "Is Teo there?" Inisip ko kung sino si Teo, akala ko wrong number hanggang naalala ko na Matteo nga pala si Matt.

"You mean Matt? Yeah he's, he's here." Inabot ko ang telepono kay Matt at umalis na rin ako paakyat ng kwarto pero narinig ko parin ang una niyang sinabi…

"Hello, baby!"


Itutuloy....

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.