My Most Beautiful Mistake Part 1

by Prince Marvin

Nagising ako sa tunog ng pag-bagsak ng sapatos sa sahig.

"Hey, I'm leaving soon. Just lock the room before you leave." Sabi sakin ng isang di ko kilalang boses.

Pagbukas ng mata ko, nakita ko ang isang lalake na nakabihis ng pantalon na slacks at walang damit. Maganda ang hubog ng katawan at medyo may itsura. Ang totoo, gwapo siya. Sinwerte yata ako kagabi.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya, kahit alam ko na.

"So you get amnesia on the day after?" sagot niya habang nagpupunas ng buhok.

"What time is it?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya.

"Quarter past two." Biglang nagising ang diwa ko. Naalala ko ang kasal ng kapatid ko.

"Shit!" Sabay bango ko sa pagkakahiga a dali-daling pinulot ang damit ko sa sahig at nagbihis. "Shit! Shit!

Shit!"

"Ano, natatae ka?" nang-asar pa ang gago habang tumatawa sa sinabi nya. Hindi ko na pinansin at nagmadiling umalis.

"Matteo." sabi niya sakin bago makarating sa pinto.

"Ano?"

"Matteo ang pangalan ko. But my mum calls me Pikoy." Natawa ako sa sinabi niya. Alam niya kaya na titi ang tawag sa kanya ng mama niya? Inisip ko na parang tugma naman, base sa nangyari kagabi.

"What's so funny?"

"Forget it." Sabi ko bago tuluyang lumabas sa pinto.

"Bye, Pikoy."

Tawa ko sa sarili ko. Ilang segundo pa lang ako nakalabas ng pinto ng bumalik ako sa kwarto niya.

"Where's my car?" tanong ko sa kanya

"Alchemy. We used my car last night. If you want I can…" Kabog ng pinto na ang nagpatahimik sa kanya.

Matagal na ako sa sirkulasyon, `di na bago sakin ang magising sa kama ng isang estranghero. Di ko na inaalam ang pangalan, wala ng usapan. Walang kakabit ng tali. May pagka-abnormal yata ako. O malamang, kahit hindi ko maamin sa sarili ko, takot lang talaga ako. Naranasan ko na. Matagal na panahon na rin pero ayaw ko na ulitin. Hindi na ako natuto sa nakita ko sa mummy at daddy ko. O kaya sa mga kapatid nila. O sa mga napapanood ko sa peikula. Walang katuturan ang relasyon. Walang kauturan ang kasal. Pero kahit ilang ulit kong sabihin yun sa nakababata kong kapatid na babae, hindi parin siya nakinig sakin. Ikakasal siya ngayong araw. Lintik. Basta sinabi ko na lang sa kana na wag akong sisihin sa hindi magandang mangyayari.

Dali-dali na lang akong kumuha ng cab sa ibaba ng condo niya. Hindi mahirap makakuha, sa Eastwood siya nakatira. Hindi ko namalayan yun kagabi. Pagkakuha ko ng kotse, direcho na ako ng unit ko sa Ortigas, mabilis na paligo, konting pabango. Nahirapan lang ako sa pagsuot ng ribbon sa leeg. Hindi ako marunong kaya tsumaba na lang ako. Kung pwede lang sanang mag t-shirt na lang.

Thirty minutes bago magsimula nakaratig na ako sa pagdadausan ng kasal — isang maliit na chapel sa New Manila. Mabuti na lang pala hindi ako nag t-shirt kung hindi magmumukha akong basurero sa gitna ng mga taong ito. Pagkalabas lang ng kotse ko, naramdaman ko ang cellphone sa bulsa. Si bunso tumatawag.

"BB?" pambungad sakin ng kapatid ko. BB ang tawag nya sakin, ibig sabihin big brother. Nahilig yata masyado sa Pinoy Big Brother `tong kapatid ko. Merong iba sa boses niya. Malungkot. Umiiyak.

"Nasan ka?" tanong ko sa kanya.

"Sa room dito sa likod."

"Punta na ako diyan. Hintayin mo ako."

Nadatnan ko si Kelly na umiiyak sa harap ng salamin. Suot na ang kanyang traje-de-boda, maayos na ang buhok, mejo magulo ng konti ang make-up dahil sa kakapunas ng luha. Biglang ngiti pagkakita nya sakin. Agad ko syang nilapitan at niyakap.

"What's wrong?" tanong ko. Natatakot ako sa isasagot niya.

"You look better than I do on my wedding day!" Pabiro niyang sabi habang humihikib. Hindi ko na napigilan ngumiti. Akala ko sasabihin niya sakin na hindi na tuloy and kasal. Masyado yata talaga akong nanunuod ng pelikula.

"I miss you."

"Miss me? Eh di naman ako nawala ah!" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang luha nya.

"`Di naman kelangan wala para ma-miss." Alam ko ang ibig sabihin ni Kelly. Mag-aasawa na siya. Natural lang ang umiyak.

"And I miss dad. Sana nandito siya."

"Kelly…" Hindi ko na ala ang susunod kong sasabihin. Siguro nga, ganoon talaga kahalaga sa isang babae ng ilakad sa altar ng kanyang ama.

"Kelly, it's all right. I'll walk you down that aisle. Tahan na, wag ka ng umiyak. Tingnan mo ang pangit-pangit mo na oh. Para kang punk diyan sa mascara mong sabog." Tumahan na rin siya sa pag-iyak at tumawa.

"Let's fix you up, okay?"

"You're always so good at that," sabi niya sakin. Habang tinatanggal ang ribbon sa leeg ko para ayusin.

"And I always will be. I'm you're big brother, that's what I do."

Kami lang ni Kelly and magkapatid. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya pero kahit ganoon, naging malapit parin kami sa isa't-isa. Dala na rin siguro ng pagigi naming ulila sa ama kaya ako na ang nagsilbing gabay sa kanya. Nandiyan ang mummy namin pero iba parin ang may lalake na tumitingin sayo habang lumalaki ka. Wala kaming sikreto sa isa't isa ni Kelly, alam nia ang pagkatao ko at ni minsan ay hindi niya pinaramdam sakin na nag-iba ang turing niya mula nung malaman niya. Ang naaalala ko lang nung malaman niya, sabi niya may mag-lilinis na ng mga kuko niya ng libre. Sabay tawa. Noong nagdadalaga si Kelly, ako parin ang bantay niya — tagahatid sa gimik, taga-sundo sa school, taga-screen ng boyfriend. Si Macky ang naging pinaka-matino sa naging nobyo niya. Kaya siguro hindi niya siya nagdalawang-isip nung nag-propose ito sa kanya. At nagpropose pa talaga ang mokong sa kapatid ko habang nandun ako. Sa isang banda, dahil sa ginawa niyang iyon, naisip ko na sincere nga siya sa kapatid ko. Utos kapatid ko na lang, huwag na huwag sasaktan ang bunso ko kung hindi hukay ang katapat niya.

"BB, umamin ka sakin." sabi ni Kelly habang inaayos ang ribbon.

"Ano yun?"

"Crush mo si Macky dati, noh?"

"HA?! Si Macky? Kadiri!"

"Asuuus! Kadiri ka pa diyan! Kala mo ba hindi ko nahalata? Lagkit mo kaya makatingin! Parang kakainin mo eh!"

"Ah. Hehe." Buking! Baka sakalin ako ng ribbon ko. "Sarap nyang tingnan eh!" Sabi ko ng pabulong.

"Masarap talaga! Pero ikakasal na kami at inaalisan na kita ng karapatan na masarapan!" Sabay ngiti sa sinabi.

"Ask me bakit ako pumayag magpakasal." Tanong niya sakin.

"O sige, bakit?"

"Kasi dati nararamdaman ko, malapit ka na niyang patulan! Parang may tendency, alam mo yun?. Baka makawala pa eh!" Sabay tawanan kami ng malakas. Bruhang to! Kung hindi sana naglandi eh sakin sana si Macky!

"Kelly?" Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa bumubukang pintuan. Si Mummy.

"Mummy!" Sabi ni Kelly sabay yakap kay Mummy, naiiyak ulit.

Pagkatapos naming maayos ang make-up niya!

"Oras na, baby." Sabi ng mummy ko.

"Oh sige, mi!" sabi ni Kelly habang nagpupunas ng luha. "Lalabas na kami sandali na lang." Tumango sakin at umalis na si mummy.

"Isn't she ging to give you "The Talk"? tanong ko kay Kelly.

"Tapos na. Kagabi pa."

"Hmm… convenient. Para di na masira make-up mo." Inayos ko na ang belo ni Kelly. Bumukas ang pinto at pumasok si Nina, and bestfriend ni Kelly sabay tili ganun din si bunso.

"Ang ganda-ganda mo, friend?" sabi ni Nina. Itim ang kulay ng kasal ni Kelly kaya itim ang suot ni Nina at may bulaklak sa puti sa tenga. Si Kelly lamang ang naka suot ng puti. Inabot ni Nina ang isang pirasong bughaw na tulip kay Kelly, and kanyang boquet.

"I know!" sabi naman ni Kelly habang nagpo-pose ala-modelo sabay pakingdat-kindat na mata. Tumawa na lang ako sa dalawa. Naging malapit nadin saakin si Nina dahil sa madalas pagpunta niya sa bahay namin nung doon pa ako sa amin nakatira. Magka-classmate sila ni Kelly mula pre-school at di na naghiwalay ang dalawa. Akala ko dati susunod si Kelly sakin at magiging lesbiana. Mabuti na lang hindi, gusto ko ng pamangkin dahil alam ko wala akong magiging anak.

" Tara na! Dalawang `to para kayong mga ewan diyan" sabi ko. Hindi nagtagal tumugtog na sa loob ng chapel. Natapos ng maglakad ang lahat, nagsimula ng tugtugin ang Bride's Chorus, hudyat ng paglakad ko kay Kelly sa altar. Totoong pinaka-maganda ang babae sa kanyang kasal. Hindi maitago ni Kelly ang saya, ito na ang pinakamalaking ngiti na kakita ko sa kanya. Nagsitayo na ang lahat. Nakita ko si Macky sa harap, talagang napaka-gwapo ng magiging bayaw ko. Nainis ulit ako kay Kelly. Mang-aagaw na bruha! Sino yung nasa tabi ni Macky? Best man, natural, pero ngayon ko lang siya nakita. habang papalapit kami sa altar unti-unti kong naaninag ang mukha ng best man nila. Shit! Shit! Shit! Mali ako, nakita ko na pala siya. Si Pikoy.Nahalata ni Kelly ang mukha ko, nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.

"Okay ka lang, BB? Parang ikaw ang ikakasal ah!" Mahinang sabi niya sakin.

"I'm just… I'm just so happy for you." Okay na sa sagot na yun si Kelly, iniabot ko na siya kay Macky habang pilit na umiiwas sa tingin ni Matteo. Alam ko na namumukhaan niya ako, ang laki ng ngiti niya saakin. Halos may kasama pang tawa. Hanggang matapos ang sermonya, hindi ako mapakali. Tingin ng tingin sakin si Matteo. Ramdam kong naubusan ako ng dugo sa mukha. Iniisip ko, eh ano ngayon? Pero hindi nakatulong.Nang matapos ang kasal, dumirecho agad ako sa kotse para pumunta sa reception sa clubhouse ng village na tinitirahan ngayon ni mummy. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko ang reflection ni Matteo sa salamin ng pintuan.

"What?" Tanong ko sa kanya na parang wala lang.

"What did you say your name was again?" Sabi niya ng nakangiti.

"I didn't tell you my name." Sagot ko sa tanong niya.

"Oh yeah, you didn't. So… what is it? What's your name?" Pagpupumilit niya sakin.

"Hindi mo na kailangan malaman." Pumasok na ako at sinimulang paandarin ang kotse. Hindi pa nakakaandar ay hinarangan niya ang kotse ko. Binuksan ko ulit ang pinto at bumaba.

"What do you want?" Asar na taong ko sa kanya.

"A ride. My friend took my car and there's no one else around." Sabi niya. Napansin ko nga, wala na lahat ng sasakyan. Walang dumadaan na taxi dito. Naasar ako sa kanya pero naawa din ako. Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Kahit gaano ko kaasar, pinapasok ko na lang siya sa kabilang pinto.

"Thanks," wika niya pagkapasok sa pinto. Hindi ako sumagot. Naging napaka awkward ng sandali kaya nagsimula ulit siyang magtanong,

"So… are you like Kelly's father?" Tumingin na lang ako sa kanya na gustong kong sabihin na napaka-tanga ng tanong niya.

"Oookay… Hindi ka naman ganun katanda ang itsura mo." Tahimik parin ako.

"Marunong ka naman magsalita, diba?"

"Oo." Yun lang ang naging sagot ko sa kanya. Nakarating na rin kami sa wakas sa clubhouse. Sa akin lang parang limang oras ang nilakbay ko.

"That was a nice conversation." Sabi niya.Nakangiti parin siya sakin, walang bahid ng pagka-inis sa mukha niya. Maganda ang ngiti ni Matteo. Maganda ang labi niya, ang mga ngipin, ang mga guhit sa tabi ng labi. Naalala ko bigla kagabi noong nakapatong ang mga labing yun sa labi ko. Ibang klase kung humalik si Matteo, mabagal, sensual, matamis. Napakagat ako ng labi. Nakatingin parin siya sakin na parang nang-aakit. Hindi ko na mapigilan

ang sarili ko, mabilis na inabot ko sa leeg nya ang kamay ko at hinila ko ang leeg niya papunta sakin. Mabilis naman nagpatong ang labi namin. Pero hindi siya humahalik. Oo nga't nakapatong ang labi niya pero hindi gumalaw. Tang ina, napahiya ako! Inalis ko na ang labi ko at bumalik sa pagkakaupo.

"Thanks for the ride." Binuksan na niya ang pinto at lumakad papunta ng clubhouse.

Ilang beses kong inuntog ang ulo ko sa manibela. Ang tanga-tanga ko! Shit! Pero kasalanan niya! Nang-aakit siya eh! Ang mokong na `to! Nanliit ako, di ko alam kung pano ko ipapakita ko mukha ko sa kanya mamaya. Paglabas ng ko ng kotse ay nakapagsindi muna ako ng dalawang yosi para magipon ng lakas ng loob. Sa loob nakita ko agad si Mummy at Macky nagsasayaw, ang ama naman ni Macky at si Kelly. Hindi ko nakita si Matteo. Mabuti naman. Lumapit ako sa ama ni Macky at Kelly.

"May I, Mr. Santana?" Tanong ko sa ama ni Macky.

"Of course." Sabay abot sakin ng todo-ngiting si Kelly.

"You have a wonderful sister"

"I know, sir. Thank you." Ngumiti ako sa kanya at umalis na din para umupo.

"So… Mrs. Santana…" napangiti kami pareho ni Kelly.

"Of course I know you're wonderful, you're my sister."

"Mana-mana yan, diba, BB?"

"You know it! Bunso, pwede ba akong sumama sa honeymoon niyo?" pabirong tanong ko kay Kelly. " Para matikman ko man lang si Macky."

"Ay sorry ka, hindi pwede! Dapat ginahasa mo siya nung di pa kami kasal. Off-limits na siya ngayon."

"Malas." Nagsabay kami sa isang malakas na tawa ni Kelly hanggang ma tumapik sa balikat ko. Pag lingon ko nakita ko si Matteo. Shit ulit!

"Matt!" Sabi ni Kelly kay Matteo. "Oh, I haven't introduced you yet. Matt, meet the most wonderful brother in the whole wide world, Kiros."

"Well, it's certainly a rare occassion to meet the most wonderful brother in the world." Inabot niya sakin ang kama niya sabay ngiti. Lintik na ngiti yan pinahiya ako kanina. At aktor ang mokong na ito. Makikisakay na lang ako.

"Matt is Macky's brother," sabi ni Kelly. Double Shit!

"Ah… yes… I'm Mack's brother. I'm sorry I didn't tell you," sabi sakin ni Matt na todo ang ngiti, halatang natatawa.

"Wait, so you know each other?" Tanong ni Kelly kaw Matt.

"Yeah… well, not really. Sinakyan ko siya kanina." Parang nawalan ako ng hininga sa sinabi niya.

"I mean, nakisakay ako sa kotse niya papunta dito."

"Ahhh." sabi ni Kelly na halatang iba ang inisip sa sinabi niya.

"Uhm.. she's… yours. I gotta get myself a drink." Umalis ako sa kinatatayuan ko at lumapit sa pinakamalapit na waiter na may dalang champaigne at inubos sa isang lagok. Bago umalis ang waiter, kumuha ulit ako ng isa at lumabas sa may kotse ko, nagsindi ng yosi. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas si Kelly, nababahala ang mukha niya.

"Okay ka lang, BB?"

"I slept with Matt!" Biglang bukas ng bibig ko, hindi ko na napigilan. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun bigla pero wala na ako magagawa, nakalabas na. Siguro dahil mapagkakatiwalaan ko si Kelly.


Itutuloy...



Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.