A Father's Agony - The Sea of Torment Part 1

Author: HansJaed

This original work of fiction is Hansel and Jaedsen’s creation, and all rights are reserved by the author. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without prior permission of the author.

PANIMULA

Sa madaling araw, nagising si Eugene sa ingay ng tilaok ng mga tandang kasabay ng ingay ng banayad na pag agos ng dalampasigan di kalauyan sa kanilang tahanan, senyales ng panibagong araw upang gampanan niya ang layunin na tiyakin ang kasapatan ng kanyang pamilya.

Sa katahimikan ng dilim ay nagliwanag ang isang maliit na apoy kasabay ang maiksing ingay ng pagkaskas ng posporo. Isinindi ni Eugene ang lampara na nakapatong sa kanilang mumunting mesa na siyang magbibigay liwanag sa kanya upang umpisahan ang araw-araw niyang gampanin bilang isang ama.

Sa maliit na barung-barong, si Eugene ay nag-iisa sa responsibilidad ng pagpapalaki sa kanyang mga anak. Byudo na si Eugene sa ikalawa niyang asawa na si Elsa matapos itong pumanay mula sa pagkakaroon ng komplikasyon sa matres, habang matagal naman nang hiwalay si Eugene sa una niyang maybahay na si Jewell. Ang pagkawala ng katuwang sa buhay ay nag-iwan ng malaking puwang kay Eugene bilang ama, ngunit ang kanyang pagsisikap at sakripisyo ay nagsisilbing ilaw sa dilim, nagpapalakas sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay at itaguyod ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

Ang tahimik na umaga ay nagiging saksi sa kanyang walang pagod na pagsisikap, mga kamay na bagaman pagod, ay naglalaman ng pagnanais na mapanatili ang init at pagmamahal sa kanilang munting tahanan.

Sa madaling araw, bago pa man maglaho ang dilim, sa tahimik na kusina ay abala na si Eugene sa paghahanda ng pagkain para sa kanyang dalawang anak na tila naglalakbay pa sa mga panaginip.

Habang ang mga liwanag ng umaga ay hindi pa sumisilip, kasabay ng paghahanda ng pagkain ay abala na ring inihahanda ni Eugene ang kanyang mga kagamitang pangisda—ang kanyang pangunahing hanapbuhay upang tustusan ang pangangailangan ng kanyang munting pamilya.

Sa lamig ng madaling araw na ito, ang kanyang mga kamay, bagaman pagod na, ay may hawak na pangarap na makapagbigay ng sustento sa kanyang mga mahal sa buhay. Sa pagitan ng pagka abala’t pagmamadali sa paghahanda ng kagamitan, nagkaroon ng isang sandali ng tahimik na pagninilay si Eugene. Ang unang sinag ng araw ay hindi pa sumisilip, ngunit ang kanyang puso ay naglalakbay na sa dagat, puno ng pag-asa at pangarap.

Habang abalang isinusuot ni Eugene ang lumang damit na tinapyasan ng manggas ay napukaw ng banayad niyang ingay ang pandinig ng anak niyang gamay na ang kanyang galaw tuwing madaling araw—si Eul, ang panganay na anak ni Eugene sa kanyang lumisan na unang maybahay na si Jewell.

Dise-sais anyos na si Eul na bagamat namana ang angking kakisigan ng ama at hawig na hawig sa kanyang ina.

Pumungas ng mga mata ang binatilyo gamit ang kanyang mga kamay sabay bangon sa pagkakahiga at marahang umupo. 

Napalingon ang si Eugene rito, muli, sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagpapasalamat si Eugene na sa bawat pagmulat ng mga mata ng panganay niyang anak, nasisilayan niya ang mga matang minsang nagpa-ibig sa kanya. Nakuha ng panganay niyang anak ang mga magaganda at bibiluging mata ng kanyang naunang may bahay na si Jewell—ang ina ni Eul, mga matang dating umalipin sa puso ni Eugene, mga matang saksi sa bawat pagsubok ng kanilang pagsasama na humantong sa kasalukuyan nilang sitwasyon, mga matang isang dekada nang hindi nasisilayan ni Eugene, na ngayon ay tanging sa mga mata na lamang ng panganay niyang anak na si Eul nakikita.

“Eul, anak ikaw na munang bahala sa kapatid mo ah, at maaga akong papalaot ngayon para mas makarami ng huli” Wika ni Eugene sa binatilyong anak habang isinusuot ang lumang damit.

“May almusal na diyan at nailuto ko na, magtira na lang kayo ng ulam niyo para mamayang tanghali at gagabihin si tatay ha” Bilin ni Eugene sa anak na si Eul, ang kanyang tono ay puno ng almbing at pagaalaga.

Bahagyang lumuhod si Eugene at humalik sa noo ng bagong gising na binatilyo. Sunod rin siyang dumapa sa bunsong anak na si Elvir na lumilipad pa rin sa ugoy ng malalim na pagtulog, sabay hinalikan din sa noo.

Sinundan lamang siya ng tingin ng binatilyong anak.

“Hindi ba ko sasama tay?” Tanong ni panganay niyang si Eul habang pumupungas pa ng mga bagong gising na mata.

“Anak, walang kasama ang kapatid mo kaya’t di ka pwedeng sumama" Wika ni Eugene, sabay haplos sa malambot na buhok ng anak. "Kaya na ni tatay to, basta bantayan mo muna ang kapatid mo ha”

Nais mang isama ni Eugene ang panganay niyang si Eul sa pagpalaot ay walang magbabantay sa walong taong gulang niyang bunso na si Elvir.

“Tay gusto ko pong sumama, diba po kaarawan ko ngayon?, pinangako niyo po sakin na isasama niyo kong pumalaot sa kaarawan ko” Sambit ni Eul, tila pinaalala sa ama ang kanyang pangako.

Ngayon lamang naalala ni Eugene na ikalabing-anim na kaarawan na nga pala ng kanyang anak, at sa pagkaabala ay halos makalimutan niya ito.

Muli niyang naalala ang lagi niyang sinasabi kay Eul tuwing nagpupumilit itong sumama na pumalaot, na isasama na lamang niya ito sa kanyang kaarawan, iyon ang laging ipinapangako ng ni Eugene dito dahil ayaw talagang isama ni Eugene ang mga anak sa pagpapalaot dahil hindi niya kabisado ang lagay ng dagat, at anumang oras ay laging may banta ang dagat sa kanilang kaligtasan. Subalit ngayon ay tila tinandaan ng kanyang anak ang kanyang pangako, at ayaw ni Eugene na maisip ng kanyang anak na si Eul na binigo niya ito sa kanyang mga pangako.

“Pero kasi anak, walang kasamang maiiwan ang kapatid mo rito” Pagaalinlangang wika ni Eugene, bakas ang pagaalala sa boses.

“Tay sige na po, kahit sandali lang, gusto ko lang po talagang maranasan kung paano pumalaot” Pakiusap naman ng binatilyo, tila lubhang nasasabik na maranasan ang paghahanapbuhay ng kanyang ama.

Ayaw ni Eugene na isama si Eul hindi dahil sa pagkakait ng kaligayahan sa anak, kundi dahil ayaw niyang matutunan ni Eul ang pamamalaot dahil baka mawili ito at makagawian ang pagpapalaot, bagay na ayaw mangyari ni Eugene, sapagkat ayaw niya na matulad ang kanyang anak sa kanya, na nangingisda lamang, nakadipended sa biyaya ng dagat, dahil mataas ang pangarap niya para sa mga anak.

Gayunpaman ay batid ni Eugene kung gaano kanais ni Eul na makasama sa pagpapalot, kaya naman makokonsensya siya ng husto kung hindi niya pagbibigyan ang pinangako sa anak na isasama ito sa pangingisda sa kaarawan nito na tanging magiging regalo na lamang niya rito.

“Sige, isasama kita, pero sandali ka lang, mamaya magising yang kapatid mo, alam mo na, baka umiyak yan kapag di tayo nakita rito" Wika ni Eugene, bagamat may galak ay mag pagaalala pa rin sa boses.

"Hangang alas nwebe lang kita isasama sa pagpapalaot, kapag alas nwebe na ay ibabalik na kita sa dalampasig para mabalikan mo ang kapatid mo” Wika ni Eugene sa anak.

Kita ang pagkislap sa mga bagong gising na mata ng binatilyo sa sinambit ng ama.

“Talaga tay?, isasama mo ko?” Di makapaniwalang wika ng binatilyo, hindi mahawi ang ngiti sa bagong gising na mga labi.

“Shhh!, baka magising yang kapatid mo at baka sumama pa yan” Pagaalalang wika ni Eugene sa binatilyo.

“Sige na at maghilamos kana, magpalit ka ng panjama, mag short ka nalang dahil mababasa yan” Utos ni Eugene sa anak.

“Sige po tay, salamat po” Sabik na wika ni Eul at mabilis na bumangon at masigasig na kumilos.

Habang naghihilamos ang panganay na anak ay inumpisahan nang ibalot ni Eugene ang kanilang babaunin pagkain dahil hindi pa sila naguumagahan at sa dagat na sila kakain ang dahil naghahabol sila ng oras. Madaling araw kasi mas mabisang manghuli ng mga lamang dagat tulad ng squid kaya’t kailangan nilang magmadali.

Habang nagsisimula nang magbago ang dilim ng umaga, sinimulang lisanin ni Eugene ang kanilang munting tahanan kasama ang panganay na anak na si Eul, nag umpisang maglakad ang dalawa palayo.

Dama ng mag ama ang lamig ng simoy ng hangin, lalo pa at ika 27 na ng Disyembre ngayon, kakatapos lamang ng pasko at ilang araw lamang ay bagong taon na kaya naman napakalamig na ng simoy ng hangin. Ang agos ng dagat at ang panibagong araw ay naghintay sa kanila, umaasang ang kanilang pangingisda ay magdadala ng sapat na huli upang mapanatili ang kanilang simpleng pamumuhay.

Ang bawat hakbang ni Eugene ay puno ng pangako na magbabalik na may dalang biyaya, habang ang kanyang isipan ay abala sa mga tanong at posibilidad ng kanilang nakatakdang pagpapalaot. Habang galak na galak naman si Eul dahil makakasama siya na pumalaot sa ama sa madaling araw na ito na matagal na niyang inaasam na maranasan.

Habang papalapit ang mga ito sa madilim na dalampasigan, lalong lumalakas ang ingay ng paghampas ng tubig sa buhangin, unti-unting nababasa ang tinatahak nilang lupa.

Ang dagat ay nag-aanyaya, isang lugar ng mga pagkakataon at panganib, at bawat agos ay tila nagsasabing maaari nilang matagpuan ang hinahanap nilang pag-asa at kaunlaran. Sa bawat hakbang na inilayo nila sa kanilang  tahanan, ang pangarap na makapagbalik ng may dalang biyaya ay nagbibigay ng init sa kanilang mga puso.

Walang kaalam-alam ang mag ama na ang kanilang pananabik na makakuha ng biyaya mula sa dagat ay magdadala sa kanila sa isang trahedya na babago ng kanilang buhay. Ang bawat hakbang patungo sa dagat ay tila papalapit sa isang madilim na kapalaran na magbabago ng kanilang pananaw sa mundo at maglalantad ng isang bagong kahulugan ng lakas at katatagan.

Habang sila ay naglalakbay sa alon ng umaga, punong-puno ng pag-asa at determinasyon, walang ideya ang mag ama na ang dagat, na tila isang kaibig-ibig na kaibigan, ay magdadala sa kanila sa isang nakapangingilabot na pagsubok. Ang mga alon, na sa ibang pagkakataon ay sumasalamin sa pag-asa, ay magsasakal sa kanilang buhay, at ang kapalaran ay magbibigay sa kanila ng pagsubok na hindi nila inaasahan.

Ipinagpatuloy lamang ng mag ama ang paglalakad patungo sa baybayin, suot-suot ni Eugene ang isang lumang kamiseta na kulay abo na pawang tinapyas lamang ang mga manggas upang maging sando, tinernuhan ng lumang maong na short na ginupit lamang na dating pantalon. Habang si Eul naman ay naka suot lamang ng manipis na kamiseta at isang maong na short na dati rin nitong pantalon na ginupit lamang. Agad nang sumakay ang mag ama sa kanilang bangka dala-dala ang ilang timba na may mga gamit pangisda sa loob,  at inumpisahan ang kanilang paglalayag.

Habang sinasalo ng kanilang katawan ang malamig ng hampas ng hangin ng madilim na dagat at pinagmasdan ni Eugene ang galak na mababasa sa mukha ng binatilyo niyang anak na si Eul. Alam niyang masaya ang kanyang anak ngayon dahil natupad ang hiling nitong makasama sa pagpapalaot. Nalulungkot si Eugene na sa ganito kasimpleng bagay na lamang nagagalak ang kanyang anak, malayo sa ibang bata na materyal na bagay ang hiling sa kanilang kaarawan. Batid niyang sa murang edad ni Eul ay napilitan itong intindihin ang kalagayan nila sa buhay, hindi nasusunod ang luho at madalas ay nasasapat na lamang sa kung anong meron. Ngunit ang mas nakakapagpabagsak pa ng loob ni Eugene ay ang kinabukasan ng mga anak niyang walang kasiguraduhan niyang maipagkaloob, lalo na sa kasalukuyan na talagang kapos ang kanilang buhay, at sadyang pinagkakasya lamang ang kakarampot na kita.

Nitong nagdaan kasi ay hindi gaano nakapalaot si Eugene gawa ng pagkakasakit ng bunsong anak na si Elvir, kung saan kinailangang isugod sa ospital ang bata gawa ng mataas na lagnat na kinalauna’y napag alaman sa ospital na dulot pala ng Dengue. Bumuti naman ang kalagayan ni Elvir subalit nag iwan iyon ng malaking halaga ng pagkakautang kay Eugene. At dagdag pa ang mga sunod-sunod na bagyong nagdaan nitong nakaraan na pwersahang nagpahinto sa paghahanap buhay ni Eugene sa dagat, kaya naman tuluyang nalumpo ang kanilang pamilya sa matinding kakapusan.

“Bahala na, sana’y pagkalooban tayo ng Panginoon, pasensya na anak kung hindi ko maipagkaloob ang buhay na nararapat para sa inyo” Tanging nabanggit ng ulirang ama sa sarili habang nakatitig sa binatilyong anak.

Sa kasalukuyan at nasa di kalayuang parte na ng dagat ang mag ama, at habang umaandar ang bangka ay tumayo si Eul at inilabas ang kanyang maselang laman dahil nagwawala na ang kanyang pantog sa pagka ihi. Humawak siya sa dulong poste ng bangka at nagumpisang umihi, habang nakatayo at kasalukuyang inilalabas ang likidong naipon sa kanyang magdamag na pagtulog ay nakatingin ang binatilyo sa mundong nababalot sa mahinahong liwanag ng bukang-liwayway, at sa isang saglit ay nakaramdam siya ng pasasalamat sa simpleng kagandahan ng umaga.

Sa bawat sandali na lumilipas, nagsimulang humupa ang dilim ng gabi, napalitan ng banayad na init ng pagsikat ng araw.

Inihinto ni Eugene ang bangka sa isang bahagi ng dagat na kalmado ang tubig. Dahan-dahan niyang inumpisahan ang paghuhulog ng lambat na kaniyang gagamitin sa pangingisda, ang bawat galaw ay may kumpiyansa at maingat na sinanay ng maraming taon.

“Tay, mamimingwit po ako” Masiglang wika ni Eul habang mabilis na kumuha ng mga taga, sabay dampot rin ng isang buhay na bulate na siyang gagamitin niyang pain. Masigasig ang binatilyo, at mababakas sa kanyang kilos ang pananabik, parang isang batang muling natuklasan ang saya ng pagkabata.

“Dahan-dahan sa pagbuklod mo ng tali, anak. Matalim ang mga taga na yan” Paalala ni Eugene habang sinisipat ang ginagawa ng anak.

Halata sa mga mata ni Eul ang kagalakan habang abala sa pamimingwit. Parang pansamantalang naibalik ang kanyang pagiging bata, isang bagay na matagal niyang isinantabi dahil sa maagang responsibilidad na nakaatang sa kanya. Madalas kasi ay si Eul ang naasahan ni Eugene na magbantay sa bunsong si Elvir lalo pa kapag umaalis si Eugene upang pumalaot okaya ay umekstra sa mga konstruksyon, lalo pa ay napaka-sakitin ni Elvir kaya’t hindi pwedeng matanggal ang tingin rito, kaya naman madalas ay hindi magawa ni Eul ang gusto gawa ng laging nakaatang na responsibilidad sa pagbabantay sa nakababata niyang kapatid.

Kahit paano ay masaya si Eugene na makitang nasasabik ang anak sa kanyang ginagawa, sa simpleng bagay na ito kasama siya ay masaya na si Eul, hindi siya naghahanap o nanghihingi ng materyal na bagay dahil alam niyang wala rin silang kakayahan.

Lumipas ang mga sandali subalit wala pa ring isda ang sumisilo sa pain ni Eul. Unti-unting lumitaw ang pagkabagot sa kanyang mukha at tila ba nawawalan na ng pasensya.

“Tay kanina pa ako namimingwit dito bakit wala pa akong nahuhuli?, ganito po ba talaga kahirap manghuli ng isda?” Tila dismayadong wika ng binatilyo sa ama, habang nakasimangot ang mukha.

Hindi napigilan ni Eugene ang mapangiti sa inosenteng reaksyon ng kanyang anak. Nakita niya sa ekspresyon ni Eul, ang halong pagkainip at pagtataka, tila ba ito’y isang tanong kung bakit hindi umaayon ang mundo sa kanyang inaasahan. Para kay Eugene, isang maliit ngunit mahalagang sandali ito—ang makita ang anak na humaharap sa unang mga hamon ng pamimingwit, isang pagsubok na hindi lamang tungkol sa huli kundi pati sa pagtuturo ng tiyaga, pasensya, at pag-unawa sa likas na daloy ng buhay.

“Anak, alam mo hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang biyaya ang lalapit sayo" Wika ni Eugene, may lambing at pilosopiya sa tinig "May mga panahon talagang mailap ang mga isda kaya mahirap manghuli”

Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo habang pinagmasdan ang anak na tila nag-iisip sa kanyang sinabi.

Dahan-dahang iniangat ni Eugene ang kanyang lambat, at bagama’t may nahuli siyang mangilan-ngilang pusit, hindi maiwasang sumilay ang bahagyang pagkabigo sa kanyang mukha. Ang dami ng huli ay hindi sapat para matugunan ang pangangailangan nila ngayong araw, lalo pa’t umaasa siyang makahuli ng mas marami upang may maibenta sa mangilan-ngilang mga turistang dumadayo sa kanilang lugar.

Napatanaw siya sa malawak na karagatan, tila nagbabakasakaling makita ang isang palatandaan ng masaganang huli sa ibang bahagi ng dagat. Sa isip niya, kailangan niyang magsikap pa nang kaunti para may maipambili ng bigas at iba pang kailangang pagkain para sa pamilya.

Tahimik niyang sinuri ang paligid, tinitingnan kung saan maaaring mas masagana ang huli, bago pinasya muling maglayag sa mas malalim na bahagi ng dagat, umaasang ang susunod na lambat ay magdadala ng mas malaking biyaya.

Ang kanyang mga mata’y puno ng pag-asa kahit pa may halong pag-aalala. Alam niyang hindi siya maaaring bumalik sa pampang nang wala man lang disenteng huli—hindi lamang para sa kanilang hapunan kundi upang maibenta rin at maipambili ng iba pang pangunahing pangangailangan nila. Sa bawat hampas ng alon at ihip ng hangin, dama niya ang bigat ng responsibilidad, ngunit nanatili siyang determinado.

Ngunit tila hindi nakikiayon ang dagat kay Eugene ngayon. Anong oras na, ngunit nananatiling kakaunti ang nahuhuli sa kanyang lambat. Pabilis nang pabilis ang pagtaas ng araw, at kasabay nito’y ang pag-init ng paligid. Ang sikat ng araw ay unti-unting dumadampi sa kanilang balat, na parang nagbabadyang subukan ang kanilang tyaga.

Walang tarapal ang bangka upang pansamantalang magsilbing kanlungan mula sa init, nasira ang tarapal sa nagdaang bagyo, at hanggang ngayon ay hindi pa ito napapalitan ni Eugene dahil sa kakapusan sa pera. Sa kabila nito, hindi niya magawang tumigil. Ang bawat paghila sa lambat ay punong-puno ng pag-asa, kahit pa paulit-ulit itong hindi nagbubunga ng sapat na huli.

Napabuntong-hininga si Eugene habang sinisipat ang malawak na dagat. Alam niyang ang bawat oras na lumilipas ay nagsasabing kailangang magdesisyon—manatili pa ba at magbakasakali o bumalik na lamang sa pampang nang may kaunti at hindi sapat, na huli. Ngunit sa puso niya, alam niyang kailangang magsikap pa. Sa kabila ng init, pagod, at kawalan ng katiyakan, buo ang kanyang loob na magpatuloy.

Habang si Eul ay abala sa pamimingwit, unti-unti niyang naramdaman ang paghimok ng gutom na bumabagabag sa kanyang tiyan. Kanina pa siya nag-aabang ng isdang kakagat sa kanyang pain, ngunit hanggang ngayon ay isa pa lamang ang nahuhuli niya. Napatingin siya sa kanyang ama at nagdaing, “Tay, gutom na po ako.”

Bahagyang ngumiti si Eugene at tumango, iniintindi ang kalagayan ng anak. “Buksan mo na ’yung binaon nating pagkain diyan at kumain ka na. Kanina pa kita pinapakain, pero masyado kang abala sa pamimingwit mo” Wika niya, ang tinig ay puno ng lambing.

“Kayo po, tay, kain na rin po kayo. Sabay na tayo.” Ang simpleng anyaya ng anak ay nagbigay-init sa kanyang puso—isang paalala ng malasakit at pagmamahal ng kanyang anak, sa kabila ng kanilang hirap na kalagayan.

“Sige, anak. Unahan mo na, ayusin ko lang itong lambat” Tugon ni Eugene, hindi maitatago ang saya sa kanyang tinig.

Agad na kinuha ni Eul ang nakabalot na pagkain mula sa kanilang dalang supot. Binuksan niya ito at nagsimula nang kumain, isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha habang ninanamnam ang bawat subo. Kahit simpleng kanin at kaunting tuyo lamang ang baon nila, para kay Eul, sapat na iyon upang mapunan ang kanyang sikmura. Bilang isang batang lumaki sa hirap, natutunan ni Eul na pahalagahan ang bawat nguya, lalo pa at alam niyang hindi sa lahat ng araw ay may kanin at ulam silang nailalaman sa kanilang sikmura.

Habang kumakain, panaka-naka’y sinusulyapan niya ang ama, na abala pa rin sa lambat, ngunit ramdam niyang kahit paano ay kasama niya ito sa simpleng sandaling ito, na tinanggap niya bilang isang simpleng regalo sa kanyang ikalabing anim na kaarawan.

Habang abala sa bawat pagnguya, biglang bumalik sa isipan ni Eul ang bunsong kapatid na si Elvier, na iniwan nilang mag isa sa kanilang tahanan.

“Tay, anong oras na po kaya niyan? Si Elvir po baka magising na ’yon” Nag-aalalang wika ni Eul habang sinulyapan ang araw na mataas na sa langit. Wala silang dalang orasan, ngunit halata sa liwanag ng paligid at init ng araw na magtatanghali na.

Napabuntong-hininga si Eugene habang inaayos ang lambat, pinipilit na huwag magpakita ng pagkabahala sa anak. “Oo nga eh. Hindi ko naman kasi akalaing ganito kadamot ang dagat ngayon” Sagot niya, umiiling at bahagyang dismayado. Ramdam niya ang bigat ng oras at responsibilidad.

“Ibabalik na sana kita sa dalampasigan para mabalikan ang kapatid mo, pero masyado na tayong malayo. Sayang din ang gasolina kung babalik pa ako rito matapos kitang ihatid" Paliwanag ni Eugene. “Siguro, maya-maya lang, makakarami na rin tayo ng huli. Isa pa, agad namang lilipat si Elvir kina tita Matet mo kung hindi niya tayo makita sa bahay”

Bagamat iniisip din ni Eugene ang bunsong anak, alam niyang kailangan niyang sulitin ang pagkakataon sa dagat, lalo pa at nanghiram lamang siya ng pera sa kanilang kapitbahay upang may maipambili ng gasolina ng bangka upang siya'y makapalaot, kaya't mahalaga sa kanya ang bawat patak ng gasolina at bawat pagkakataong magdala ng pagkain o pera pauwi. Nanghihinayang siya sa gasolinang mauubos kung sila’y magpapabalik-balik. Kaya’t nagpasya siyang magpatuloy sa kanilang pangingisda at magbakasakaling mas swertehin sila sa mas malalayong bahagi ng dagat.

Habang nasa dagat, sinulyapan ni Eugene si Eul na tahimik nang nakaupo, hawak ang pamingwit. Pilit niyang tinanggal ang pag-aalala sa isip at nagtuon sa kanilang ginagawa. Alam niyang bawat galaw, bawat desisyon sa araw na ito, ay para sa kapakanan ng kanilang pamilya. Sa kanyang puso, umaasa siyang sa kabila ng hirap, may magandang biyaya ang dagat na naghihintay sa kanila.

Patuloy na naglayag si Eugene, pinipilit maabot ang bahagi ng dagat na inaasahan niyang mas masagana. Sa bawat hampas ng alon, dama niya ang bigat ng responsibilidad na magdala ng pagkain at kita sa kanilang tahanan. Sa kanyang pagtuon, hindi niya namalayang masyado na pala silang napalayo. Wala na siyang natatanaw kahit anong isla o anuman sa paligid, at maging ang kanilang lugar ay hindi na rin makita mula sa kinaroroonan nila. Ang tanging nasa paligid nila ay ang malawak na karagatan, isang tanawin ng asul na tubig na tila walang hanggan. Sa kabila nito, bagamat may bahagyang pangamba sa kanyang dibdib, nanatiling kalmado si Eugene. Sanay siya sa dagat, at alam niyang kahit gaano pa ito kalawak, kabisado niya ang ruta pabalik sa kanilang dalampasigan.

Ipinagpatuloy ni Eugene ang matyagang paglambat, ang bawat galaw ng kanyang kamay ay puno ng tiyaga at pag-asa. Ang lambat ay patuloy niyang hinahagis sa dagat, na para bang ang bawat ulit ay may kasamang panalangin na sana may sumalo ng pain. Walang hangad kundi ang makahuli ng sapat na isda na magbibigay sa kanila ng panandaliang kaginhawaan.

Ang araw ay patuloy na tumutaas, ang init nito’y tumatagos sa kanilang mga balat, ngunit hindi nagpadaig si Eugene. Ang alon ay dahan-dahan, ang kanyang bangka ay umaalog nang bahagya habang siya ay nakatutok sa bawat kaway ng kanyang lambat.

Ilang minuto pa ang lumipas, at sa wakas, may mga nahuli na ring isda si Eugene. Ngunit, kagaya ng mga nakaraang huli, kakaunti lamang ang mga ito—tila sapat lamang na kanilang maipangkain ng ilang hapagan, subalit hindi sapat upang maipagbenta. Pinipilit niyang makakuha ng mas maraming isda upang may maibenta pa sa ilang mga turistang dumadayo sa kanilang lugar, na magiging katuwang nila sa pangangailangan ng pamilya.

Patuloy ang bangka nilang lumalayo, dala ang mag-ama sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Tagaktak pareho ang pawis sa kanilang katawan, ngunit hindi nila ito alintana.

Habang patuloy na naghahagis si Eugene ng lambat at abala si Eul sa kanyang pamingwit, nagsimula silang mawalan ng malay sa oras at sa kanilang kalagayan.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkaabala, isang mabilis na speed boat ang lumapit sa kanilang bangka, sakay ang anim na malalaking kalalakihan. Ang mga lalaki ay matipuno ang pangangatawan, at tila may hindi inaasahang layunin sa kanilang pagsulpot.

“Pare, abalang-abala ata kayo diyan sa panghuhuli niyo ah” Nakangising wika ng isa sa mga lalaki, tila kinukuha ang pansin ng mag-ama.

Napukaw ang atensyon ng mag-ama sa salitang iyon. Pareho silang napatingin sa speed boat na tumigil malapit sa kanila. Ang mga lalaki ay nakatingin sa kanila, ang kanilang mga mata ay tila matatalim at ang mga mukha ay hindi maipaliwanag. Bagamat nakakaramdam ng hindi magandang hangin, hindi ito pinansin ni Eugene. Hindi siya nagpa-abala sa mga ito, bagkus ay ibinaling na lamang niya ang tingin sa kanyang ginagawa—ang paghila ng lambat na may nakapaloob na mga isdang nahuli.

“Aba, suplado ito ah!” Wika ng isa sa mga lalaki, ang tono ay may kasamang pang-aasar at pagkainis.

Nakaramdam ng kaba si Eul sa narinig. Ramdam niyang ang mga lalaki ay nagiging agresibo, at tila hindi maganda ang magiging kahinatnan ng sitwasyon. Tumahimik siya, ang mga mata ay nakatutok sa mga lalaki sa speed boat, at ang kanyang mga kamay ay nagsimulang manginig ng bahagya.

Sa mga salitang iyon, ay nilingon ni Eugene ang mga lalaki.

“Ano bang kailangan niyo, pare?” Iritableng wika ni Eugene, ang kanyang tinig ay puno ng tensyon.

Ipinagpatuloy niya ang pagtutok sa mga lalaki, hindi nais na magpakita ng kahinaan. Ngunit ang mga lalaki ay patuloy na nakangisi, at may halong pang-aalipusta sa kanilang tingin.

“Naliligaw ba kayo?” Dugtong pa ni Eugene, ang tono ay may pagkalito, inaakalang turista ang mga ito sa kanilang lugar.

Wala namang kamalay-malay ang mag-ama sa tunay na layunin ng mga lalaki. Ang iniisip ni Eugene na baka turista lamang ang mga ito na nangangailangan ng direksyon, kaya’t hindi siya masyadong nag-alala.

Sumagot ang isa sa mga lalaki, at makikita sa kanyang mga mata ang isang di-kapani-paniwalang pag-aalangan.

“Ahmm, o-oo naliligaw kami, maari ba kaming magtanong?” Wika nito, ang boses ay may halong pagpapanggap.

“Kung alam kong sagutin ang itatanong niyo, bakit hindi?” Tugon ni Eugene, bagamat iritable pa rin ang tono.

Nagulat si Eugene nang bigla ibinangga ng mga lalaki ang kanilang speed boat sa lumang bangka na sinasakyan nilang mag-ama, na nagdulot ng matinding alog sa buong bangka. Parang sinadyang ipakita ng mga lalaki ang lakas nila sa pagbangga, sabay sumampa ang isa sa mga lalaki sa kanilang bangka. Dahil sa kabigatan ng katawan ng lalaki ay medyo umalog pa ang bangka. Isa-isang sinundan ng mga lalaki ang una nilang kasamahan na sumampa sa bangka hangang sa lahat sila ay nakalipat na, bagay na nagdulot ng tensyon sa mag-ama.

Napatayo si Eul sa takot at agad tumabi sa kanyang ama. Ang takot at gulat ay malinaw sa kanyang mga mata, habang siya’y nalilito sa mga nangyayari.

Bagamat abot ang kabang nararamdaman, pinilit ni Eugene na magpakita ng lakas at hindi magpatalo.

“May problema kasi ang speed boat namin” Wika ng isa sa mga lalaki, ang tono ay medyo tahimik at may halong pangpapanggap, parang pinipilit magmukhang walang layunin.

Napansin naman ni Eugene ang isang itim na travel bag na hawak-hawak ng isa sa mga lalaki. Mukhang may kabigatan ito, at sa isang iglap, naisip ni Eugene na baka may ibang laman ito, kaya ang kanyang kutob ay nagsimula nang mag-alala.

“Ano laman niyan?” Pagsita ni Eugene sa itim na bag, ang kanyang mga mata ang pagsiyasat at hindi maikubli na pangamba.

Napalingon naman ang lalaki sa dala niyang itim na bag.

“Ah ito ba? Hmm, mga gamit na ipang-aayos sana ng speed boat” Sagot niya.

“Paano ko ba kayo matutulungan sa speed boat niyo? Pasensya na mga pare, pero limitado lang ang alam ko sa ganyan, lalo pa at hindi naman ako pamilyar sa makina ng mga yan” Wika ni Eugene habang tila sinisipat ang speedboat na kasalukuyang nakanguso sa kanilang bangka.

“Teka, kanina pa tayo nag-uusap, pare, ngunit di pa namin alam ang pangalan mo, anong pangalan mo?” Tanong ng isa sa mga lalaki, ang tono ay tila may halong pagpapalumanay, subalit amy kaakibat na interes.

“Eugene, Eugene ang pangalan ko” Sagot ni Eugene, matigas ang boses.

Nang marinig ng anim ang pangalan ni Eugene, tila nagkaroon ng isang hindi kayang itagong kasunduan sa kanilang mga mata. Nagtinginan sila at ngumisi, isang uri ng ngiti na may mabigat na layunin.

Habang abala si Eugene sa pagsusuri sa speed boat ng mga ito at hinihinuha kung ano ang problema ng makina, ang mga lalaki ay tila nagtataglay ng isang lihim na koneksyon sa bawat isa.

“Hmm, ako nga pala si Nato” Pakilala ng isa sa mga lalaki, ang boses ay malaki at matigas. Ang pangalan niya ay agad na pumasok sa isipan ni Eugene, ngunit hindi siya nakaramdam ng ginhawa mula dito. Si Nato ay may mga tattoo sa katawan partikualr na sa kanyang maskuladong braso at dibdib. Makikita ang bawat piraso ng tinta na parang mga simbolo o karakter na nagpapakita ng isang madilim na mundo. Ang mga tattoo ay hindi karaniwang mga disenyo na madalas makikita, kundi mga simbolo na may sariling kahulugan. Sa bawat paggalaw ni Nato, ang mga tattoo ay parang nagsasalita at naglalabas ng mga mensahe ng misteryo na hindi kayang basahin ng sinuman.

May suot din siyang malalaking hikaw na tila ginawa para magbigay ng matinding impresyon. Malaki ang mga hikaw na nakakabit sa magkabila niyang mga tenga, parang mga malalaking singsing nna may kabigatan, nagbibigay ng isang malupit at matapang na imahe sa kanya. Sa bawat daliri ni Nato, makikita rin ang mga tatoo na tila may kahulugan sa kanya, mga simbolo at mga karakter na tila hindi maunawaan. Ang katawan ni Nato ay puno ng mga senyas at mensahe na mula sa isang mundong hindi kaakibat ang isang ordinaryong buhay.

May suot ring kwintas si Nato, isang leather na kwintas na matigas at matibay. Ang tali ng kwintas ay ilang beses pinaikot sa kanyang leeg, ang kwintas ay may nakasabit na dalawang malalaking singsing na parang pinagdugtong na bakal na nagsisilbing pandekorasyon rito.

Isang bagay na hindi rin maiiwasang mapansin ni Eugene ay ang malaking bakal na nakakabit sa bisig ni Nato. Tila ba hindi ito basta-basta na palamuti lamang, kundi isang bagay na may bigat at gamit. Ang mga bagay na hawak ni Nato, kasama na rito ang itim na bag na hawak nito, ay nagpapakita ng kabigatan at misteryo.

Habang si Nato ay patuloy na tumatagal sa pagpapakilala, si Eugene ay mas lalong nababahala. Kahit na nagtatangka siyang maging kalmado, hindi niya maiwasan ang mga tanong sa kanyang isipan. Ang mga kilos at paggalaw ng mga lalaki ay hindi maipaliwanag, at parang may nangyaring hindi nakikita o naririnig.

Si Nato, isa sa mga lalaki na saksi ng mag-ama, ay may matinding hitsura na agad na nagpapakita ng kanyang malupit na karakter. May matalim na itong mukha, ang panga at ilong nito ay tumutugma sa kabuuan ng kanyang matikas na anyo. Ang mga mata ni Nato ay may mga pilat, ang kulay ng mga mata niya ay isang malalim na kayumanggi, at tila may mga kuwento sa likod ng bawat titig—mga mata na nagpapakita ng lakas, at ng mga lihim. Sa pangkalahatan, ang hitsura ni Nato ay hindi maikakailang malupit at matibay.

“Siya naman si Mando” Pakilala ni Nato sa isa niyang kasamahang lalaki na napakalaki, halos kasing laki ng isang dambuhalang pader. Si Mando ay isang malaking lalaki na sa unang tingin pa lang ay magpapakita na ng matinding presensya.

Sa tantya ni Eugene, mahigit anim na talampakan ang taas ni Mando, at sa bawat galaw nito, ramdam ang bigat ng katawan at lakas. Ang pangangatawan ni Mando ay puno ng mga kalamnan at tila resulta ng mga taon ng pag-eehersisyo o pagpapalakas ng katawan. Malinaw na hindi siya isang tao na madaling pasunurin o tanggihan, at ang kanyang malakas na katawan ay nagpapakita ng kakayahang humarap sa anumang pisikal na pagsubok.

Ang balat ni Mando ay may pagka moreno, at ang malapad niyang katawan ay puno ng mga tattoo na may kakaibang disenyo, ang mga linya at kulay ng mga ito ay naglalaman ng mga simbolo na tila nagkukuwento ng mga katangiang mas mapangahas at matindi. Ang bawat tattoo na nakasulat sa kanyang katawan ay isang mensahe ng tapang at katatagan.

Si Mando ay may kauntong kahabaan ang buhok na tila hindi inaalagaan, ngunit sa kabila ng kalikuan ng estilo, ito’y nagdadala ng tiyak na personalidad—walang pakialam, matapang, at malupit. May mga pamumula sa kanyang mga mata, na tila mata ng isang naka droga. Hindi ito isang mabait na itsura; sa halip, isang tingin lamang ay makikita nang may kakayahan siyang pumasok sa laban na walang alinlangan o takot.

Sa leeg ni Mando ay nakasuot ang isang silver na kwintas na may krus na pendant, habang makikita sa kanyang kanang tenga ang isang hikaw, na isang piraso ng palamuti na nagpapakita ng kanyang estilo at karakter.

“At siya naman si Arturo” Pakilala naman ni Nato sa isa pang lalaki, na may kakaibang hitsura at presensya. Si Arturo ay may buzzcut na gupit, na nagbigay ng matalim na impresyon. Bagamat hindi kasing laki at kasing tangkad ni Mando, di hamak na mas bato-bato naman ang katawan ni Arturo. Ang kanyang pangangatawan ay matitibay. Tanging mga abs lamang ang bakat sa kanyang tiyan, hindi lamang malakas kundi matalim din ang mga linya.

Puno ng tattoo ang kanyang dibdib at magkabilang braso at bisig, at bawat disenyo ay may kahulugan—mga simbolo ng lakas, tapang. Ang mga tattoo ay may makulay na detalye, bawat isa ay may magandang pagkakagawa, na nagpapakita ng isang buhay na puno ng karanasan at hindi matitinag na kalooban. Sa bawat tattoo na may malalim na kahulugan, si Arturo ay nagiging isang mas komplikadong karakter.

Makikita sa mga mata ni Arturo ang isang matalim na tingin. Ang mga pisingi ni Arturo ay malalim, na nagbibigay sa kanya ng isang matigas na hitsura, at ang kanyang mga kilay ay makapal, isang malupit na detalye na nagbibigay ng lakas at tiwala sa kanyang mga galaw.

May suot din siyang silver na kwintas na may krus na pendant, pareho kay Mando. Sa kaliwang kamay naman ni Arturo ay may suot siyang relo na may klasikong disenyo. Ang kanan niyang kamay ay may suot na itim na perlas na pulsera, isang eleganteng piraso ng adorno na nagpapakita ng isang mas malumanay niyang estilo. Ang kabuuang itsura ni Arturo ay isang kombinasyon ng lakas at misteryo.

“Ako naman si Nolan, pare” Pakilala sa sarili ng isa pang lalaki sa grupo. Si Nolan ay mayroong hitsurang nagtataglay ng kakaibang halo ng pagiging disente at pagiging bad boy—isang karakter na hindi madaling matansya. Ang kanyang buhok ay maayos ang gupit, medyo malinis, ngunit may likas na estilo ng pagiging matigas . Nakasuot siya ng mga hikaw, isang naka-pwesto sa kanang cheekbone at isa pa sa ilalim ng kanyang labi, na nagdagdag ng matapang na porma sa kanyang mukha. May kalakihan ang katawan ni Nolan, isang hindi maikakailang pisikal na presensya na tiyak na nakakaramdam ng takot o respeto sa mga tao sa paligid niya, ngunit sa kabila ng kanyang laki at lakas ay may kabighanian ang kanyang itsura.

Tulad ng mga kasama niyang lalaki, si Nolan ay tadtad ng mga tattoo—mga kumplikadong disenyo na sumasaklaw sa kanyang dibdib at mga braso. Subalit sa kanilang lahat, tanging ang mga tattoo niya nag may kulay, nagpapakita ng kanyang pagkakaiba. Ang mga kulay ng mga tattoo ay may likas na kagandahan, na hindi lamang nagsasalamin ng mga marka ng lakas, kundi ng kwento at may mahalagang kahulugan.

Ang kutis ni Nolan ay may kaputian, na tila nagbibigay ng misteryosong kontradiksyon sa kanyang kabuuang itsura. May mga maliliit na kadena na nakasabit sa kanyang kabilang kamay na nagbigay ng isang mala-pulseras na estilo, habang sa kabilang kamay naman ay suot ang mga bakal na pulsera na may mga naka-usling tusok, na nagbigay ng malupit at matalim na imahe sa kabuuan ng kanyang hitsura.

“Ako si Eloy” Pakilala ng isa sa bandang likuran ng grupo. Si Eloy ay may pagka-kawal ang hitsura ngunit may malakas na presensya. Ang buhok niya ay medyo magulo, may magandang hubog ng katawan, katamtamang laki, at may kanipisan ang bewang. Puno rin ng mga tattoo ang kanyang katawan, na kumakatawan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang personalidad—mga simbolo ng lakas, buhay, at mga markang tinahak mula sa mga karanasan.

Si Eloy ay may isang kaakit-akit na alindog. Nakasuot lamang ng simpleng maong na pantalon, isang klasikong piraso ng damit na nagbigay ng komportableng hitsura ngunit may konting kaseryosohan. May mga hikaw siya sa magkabilang tenga, mga simpleng detalye na nagpapakita ng kanyang estilo. Tulad ni Mando at Arturo ay may suot din siyang pilak na kwintas.

“Ito naman si Buldog” Pakilala ni Eloy sa katabi niyang lalaki, isang maskulado at malakas ang itsura. Si Buldog ay isang malaking tao, may kaputian na mas lalong kapansin-pansin sa kanyang malalaki at maskualdong katawan. Ang kanyang buhok ay kalbo. Malaki ang katawan ni Buldog, tadtad ng mga tattoo sa magkabilang dibdib at mga braso, pati na rin sa bewang, na bahagyang natatakpan ng suot niyang maong na pantalon.

May suot siyang relo sa isa niyang kamay, may silver na kwintas din siyang may krus na pendant. Bagamat wala siyang hikaw tulad ng ibang kasama, ang kanyang istura ay sapat na upang maging katakot-takot. Hindi siya tumatawa at seryoso lamang ang kanyang tingin. Ang kanyang itsura ay mas nakakatakot kaysa sa ib, ang kanyang mukha at postura ay nagpapakita ng isang tao na tila nakawala mula sa kulungan, isang preso na nakatakdang magdala ng takot at kilabot sa bawat galaw.

Hindi maiwasang mag-alangan at makaramdam ng kaba ang mag-ama sa presensya ng anim na lalaki. Habang ang mga ito ay tila nagmamasid at nagmamatyag, patuloy na pinipilit ni Eugene na huwag ipakita ang kanyang takot at pangamba, kahit na sa kaloob-looban ay nararamdaman niyang may hindi tama sa mga ito.

Ilang sandali ay tinutok ng mga lalaki ang tingin sa binatilyong anak ni Eugene na si Eul.

“Anak mo ba yan?” Tanong ni Nolan, ang isa sa mga lalaki na nagpakita ng di amwaring pagngisi habang tinutukoy si Eul.

“Oo, panganay ko” Kumpyansang sagot ni Eugene, hindi ngapapakita ng anumang pangamba, sabay tanaw kay Eul na kasalukuyang nakatayo sa tabi niya, na bakas ang pangamba sa mukha.

Tumango naman ang mga lalaki at sabay-sabay na ngumisi. Ang ngisi na iyon ay tila hindi kayang balewalain, mga ngising hindi mapigilan ni Eugene na makita bilang hindi magandang bandya.

Tila may mga bagay na pinag-uusapan ang mga lalaki sa kanilang mga mata na hindi maintindihan ng mag-ama, at dahil dito, lalo lamang nagdagdag ang pangamba sa pakiramdam nila.

Nakita ni Eugene na binuksan ni Nato ang itim na bag at inilabas ang isang mahabang lubid. Ang hindi inaasahang pagkilos ni Nato ay nagdulot ng matinding kaba sa mag-ama, lalo na kay Eugene na nagsimulang magtaka kung ano ang layunin ng mga lalaki sa kanilang presensya.

“Para saan yang lubid?” Tanong ni Eugene, ang boses nito ay may kalakip na kaba ngunit sinubukan pa ring maging matigas.

Ngunit walang tugon mula kay Nato. Sa halip, dahan-dahan itong lumapit kay Eugene, ang mga mata nito ay may matinding intensyon, parang tinutunaw siya ng tingin.

“Anak” Wika ni Eugene kay Eul, ang boses ay malakas ngunit may kasamang takot. Hinablot ni Eugene ang biantilyo at itinago ito sa kanyang likuran, handang portektahan sa ano mang balak gawin ng mgalalaking ito.

Itutuloy...

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.