By Daredevil
Part 7Dumating na ang panahon ng long vacation, sa awa ng Diyos ay natapos ko ang ikatlong taon sa kolehiyo. Halos limang buwan na rin ang lumipas mula nang mangibang-bansa si Jason. Medyo nakakaramdam ako ng lungkot and at the same time ay naninibago dahil mag-isa na lang ako. Iniisip ko nga kung ano na ang ginagawa niya, kung maayos ang kalagayan niya at kung mayroon na siyang mga bagong kaibigan sa Canada. Pero kahit papaano ay sinasanay ko na ang sarili ko ngayon. Patuloy pa rin ako sa aking mga daily routines.
Ito rin ang panahon ng pag-alis ni kuya papuntang Maynila para ituloy ang pagtuturo. Kahit papaano kasi ay mas malaki ang sasahurin niya doon. Ngayon, ay kaming dalawa na lang ng nanay ang magkasama. Si nanay, ganun pa rin siya todo kayod para lang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Sa totoo lang naaawa na ako. Nakikita ko kasi na medyo nahihirapan na siya dahil sa pagtanda. Kaya pinangako ko sa aking sarili na lalo akong magsusumikap sa aking pag-aaral.
Isang umaga, habang nagjojogging ako, bigla akong tinawag ni Tita Mely. Lumapit siya sa akin.
"Rico, pwede ka bang makausap saglit?" si Tita Mely.
"Ano po iyon"? sagt kojng patanong din.
"Ipapaalam ko lang sa iyo ang tungkol sa nanay mo, nung sabado kasi na nagtrabaho siya sa akin ay napapansin ko ang madalas niyang pag-ubo e. Parang nahihirapan kasi siya. Sinabihan ko nga siya na magpatingin na sa doktor pero mukhang ayaw niya, sana kuminsihin mo siya" sabi ni Tita Mely na nag-aalala.
"Sige po, ako na ang bahala Tita" ang nasabi ko na lang. Hindi na lingid sa akin sinabi sa akin ni Tita Mely. Iniisip ko na ordinaryong ubo lang ang sakit niya, kapag tinatanong ko kasi siya sasabihin niyang ok lang siya at huwag akong mag-alala.
Pagkapasok ko ng bahay, nakita ko si nanay na naghahanda na ng paninda niya sa palengke.
"Anak, mag-almusal ka na muna, nagluto na ako ng sinangag at daing. Pagkatapos, maglaba ka, tambak na ang mga damit sa labahan e." si nanay.
"Sige po, ah nay ano po kasi, nakausap ko si Tita Mely kanina lang, napapansin na rin niya ang madalas ninyong pag-ubo. Sana po magpatingin na kayo sa doktor, sasamahan ko kayo" nag-aalala ko nang sabi sa kanya.
"Ano ka ba anak, huwag kang mag-alala, ok lang ako, tignan mo ang lakas ko oh" si nanay.
"Sigurado po kayo ha?" sunod na tanong ko sa kanya.
"Oo naman, o sige alis na ako anak, yung mga binilin ko sa iyo ha?" si nanay sabay buhat ng paninda at tumungo sa pinto palabas.
"Opo nay, sige ingat kayo."
Agad kong kinain ang mga nakahaing almusal dahil na rin sa gutom ko sa ilang minutong jogging. Pagkatapos, nilinis ko ang buong bahay. Nang matapos na ay kinuha ko ang mga maruruming damit sa mga kwarto at dinala sa bakuran para labhan.
Medyo mainit na nang mga oras na iyon kaya nagpasiya akong hubarin na ang suot kong T-shirt. Sinimulan ko na ang pag-iigib ng tubig na gagamitin ko sa poso na malapit sa barangay hall. Habang nagbubuhat ng mga baldeng may tubig pabalik sa bakuran, napansin ko ang mga tingin ng mga tao sa akin. Alam ko na namamangha lang sila sakaya nginingitian ko lang sila. Agaw-eksena naman ang babaeng hinimatay dahil sa ginawa ko. Agad siyang inuwi ng mga kakilala sa kanila. Naririnig ko pa ang kanilang bulung-bulungan.
"Grabe ang babaeng ito, nahimatay, overacting" sabi ng isang babae sa katabi niya.
"E sino ba naman ang hindi, pamatay kasi talaga ang ngiti niya e. Saka tignan mo naman mula ulo hanggang paa, perfect." sagot ng kausap niya. Kakatuwa lang dahil puro papuri na ang mga lumalabas sa bibig ng mga taong nanglalait sa akin dati. Hinayaan ko na lang sila at tinuloy ko na ang aking ginagawa.
Nang makaipon na nang sapat na tubig, pinaghiwa-hiwalay ko na ang mga puti sa de-kolor. Sa di inaasahan may napansin akong bahid ng dugo sa mga panyo. Ang tuwa ko sa mga nangyari kanina lang ay napalitan ng kaba at pag-aalala. Alam ko kasi na si Nanay ang may-ari ng mga panyong ito. Kaya napag-desisyuan kong bilisan ang gawain.
Makaraan ng limang oras natapos na rin ako sa paglalaba. Sinampay ko na ang mga nilabhan, pagkatapos ay naligo at umalis para puntahan na si nanay sa palengke at kumpirmahin ang mga nakita ko. Habang papalapit ako nang naaaninag ko ang mga kumpol na tao na waring may tinitignan. Nang makalapit pa nang husto, kinabahan na ako dahil naroon ang mga tao sa pwesto kung saan nagtitinda si nanay. Agad na akong tumakbo. Nang makita ko kung sino ang tinitignan nila, halos manigas ang katawan ko, si nanay nakahandusay sa lupa at walang malay.Naiiyak akong yumakap sa kanya. Doon ko napansin na medyo mainit siya at namumutla. Ayon sa mga kasama niyang tindera na lumapit sa akin ay bigla na lang daw itong hinimatay habang nag-uuubo. Dinala ko na siya sa ospital.
To the rescue ang mga doktor nang dumating ako doon at ipinasok siya sa emergency room. Halos hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala sa kalagayan niya. Makalipas ang halos isang oras, lumabas na ang doktor at lumapit sa akin.
"Sir kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor sa akin.
"O..o..opo dok, anak niya ako. Ano na po ang lagay ng nanay ko?" ang naiiyak kong tanong sa doktor.
"Ok na ang nanay mo, yung pagkahimatay niya kanina ay dahil sobrang pagod. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga." sabi ng doktor.
"Salamat po, isa pa dok, yung tungkol naman po sa madalas niyang pag-ubo. Nag-aalala na ako dahil may lumalabas na dugo sa kanya e." ang sunod kong tanong.
"Huwang kang mabibigla iho, may tuberculosis ang nanay mo. Medyo malala na ito dahil hindi agad napatignan, pero may pag-asa pa naman siyang gumaling, mahaba nga lang ang gamutan, sige iho ppuntahan ko muna ang iba kong pasyente" sabi ng doktor.
Sa kapilya ng simbahan, doon ko nilabas ang lahat ng emosyon ko sa nangyari. Pinagdasal ko na sana bumilis ang pag galing ng nanay. Agad ko ring tinawagan si kuya sa Maynila.
"Kuya, ang inay nasa ospital siya ngayon" ang naluluha kong balita sa kanya.
"Bakit ano nangyari sa kanya?" ang napalakas na tono ng pagtatanong ng kuya ko.
"Hinimatay siya kanina, saka kuya, may TB siya, pero may pag-asa siyang gumaling. Inaalala ko lang kung saan kukunin ang pera para sa gamot niya pati ang mabayad sa ospital." sagot ko sa kanya.
"Ganun ba, sige gagawa agad ako ng paraan, basta diyan ka lang at bantayan mo si nanay ha" si kuya.
Halos apat na oras aqng lumipas nang magkamalay ang nanay.Agad akong yumakap sa kanya.
"Buti naman nay at nagkamalay na kayo, bakit niyo pa pinatagal ang sakit ninyo sana hindi na lumala pa yan?" sabi ko sa kanya.
"Anak, iniisip ko kasi ang mga gagastusin e, inilalaan ko kasi ang mga kinikita ko sa bahay pati sa pag-aaral mo." sagot niya.
"Nay naman, mas inaalala mo pa ako kaysa sa kalusugan mo, sige nay kailangan niyo nang magpahinga sabi ng doktor. Aalis muna ako" paalam ko sa kanya.
Pumunta ako sa baba ng ospital para alamin kung magkano ang magiging bill namin pati ang mga halaga ng gamot na nireseta ng doktor.Halos malula ako sa presyo.Halos twenty thousand ito kasama na ang mga gamot ni nanay. Tama naman kasi mahaba-haba ang magiging gamutan niya.
Naglalakad ako palabas ng ospital nang nag-iisip, kung saan kami kukuha ng ganoon kalaking halaga. Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasiya akong kumain sa isang karinderya malapit doon. Lugaw ang inorder ko. Habang kumakain, biglang nagring ang cellphone ko. Si kuya ang tumawag. Binalita ko sa kanya na nagkamay na ang nanay. Sinabi ko na rin ang halaga ng mga gagastusin sa ospital.
"Ah ok, salamat at ayos na siya. Huwag mo nang alalahanin ang mga gastos, may makukuhanan na ako ng pera." sabi ni kuya sa akin. Natuwa ako sa sinabi niya pero nacurious ako kung saan niya kinuha ang pera kaya tinanong ko siya.
"Kuya saan at kanino ka naman kumuha ng pera?" tanong ko sa kanya. Nagtataka lang ako kasi hindi pa naman nagtatagal si kuya sa Maynila kaya wala pa siyang pera.
"Basta, bukas malalaman mo rin. Dadalaw naman siya sa inyo dyan, o sige tawag na lang ulit ako bukas." si kuya.
"Teka kuya sino...." pahabol ko sanang tanong sa kanya nang mag end call siya.
----------------------------------------
Part 8 - Pinoy M2M Stories
----------------------------------------
Nang matapos akong kumain, nagpasiya akong sumaglit sa bahay para makapagpalit ng damit. Naglalakad akong nag-iisip, kung paano nakakuha si kuya ng ganoong kalaking halaga. Kung sino man ang hiningian niya ng tulong, sigurado akong napakabait niya. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa kanya.
Nasa tapat na ako ng aming bahay nang may mapansin akong isang napakagandang kotse na nakaparada sa may gate ni Tita Mely. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita nang ganoon, marahil galing ito sa ibang bansa. Hindi ko na iyon inusisa pa at tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Agad akong dumeretso ng banyo para makapagshower, pagkatapos ay nagpalit na ng damit. Isang semi-fit na white shirt, checkered shorts at sapatos lang ang sinuot ko. Nang lumabas na ulit ako, nakita ko na nandun pa rin ang kotse. Naisip ko na lang na baka may mayamang bisita sina Tita Mely.
Pagkabalik ko ng ospital, agad kong tinungo ang ward kung nasaan naka confine si nanay. Pagkapasok ko, nakita ko siyang natutulog, kaya naisipan ko na lang na umiglip sa isang sofa sa gilid.
Kinabukasan, nagising na lang ako na may tumatawag sa pangalan ko. Alam ko si nanay iyon sa boses pa lang. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Nay, ano na pakiramdam niyo?" agad kong tanong sa kanya. Nang kumalas ako, hinawakan niya ang aking kamay.
"Ayos na ako anak,wag ka nang mag-alala." ang nakangiting tugon ni nanay.
"Salamat sa Diyos at ok na kayo, oo nga pala nay, wala na tayong poproblemahin sa gagastusin niyo dito, nakagawa si kuya ng paraan" sabi ko kay nanay.
"Kanino naman siya nanghingi ng tulong e kakapunta lang niya ng Maynila ah?" ang nagtatakang tanong ni nanay sa akin.
"Hindi ko nga alam e, pero nasabi ni kuya na dadalawin ka ngayon ng taong ito, mabuti pang hintayin na lang natin siya para makapagpasalamat tayo" sagot ko sa kanya.
Pasadong alas onse na ng umaga nang pumasok ang isang nurse.
"Magandang umaga po, may dalaw po kayo" sabi ng nurse. Naisip ko naman na siya na siguro ang taong tinutukoy ni kuya kaya sinabi kong papasukin na siya.
Pagkabukas ng pinto, isang babae ang agad na lumapit sa kama kung saan nakahiga si nanay.
"Mare, kamusta ka na?" ang agad na tanong ni Tita Mely kay nanay.
"Ok na ako mare, ikaw pala ang hiningian ng tulong ng panganay ko, maraming salamat sa iyo, hayaan mo babayaran kita ng paunti-unti paglabas ko dito." si nanay.
Hindi kaagad nakasagot si Tita Mely sa sinabi ni nanay at parang nag-iisip ng itutugon niya. Makalipas ang ilang segundo ay nagsalita na siya.
"Ano ka ba mare hehehehe, wag mo munang isipin yan, ang importante magpagaling ka muna. Tignan mo naospital ka pa, di ba sinabihan na kita noon, ang tigas kasi ng ulo mo e" si Tita Mely na medyo natatawa. Ngumiti lang si nanay. Nagpasiya naman akong iwanan muna silang dalawa para makapag-usap.
Umupo ako sa isang sementong upuan sa labas ng ospital na nag-iisip. May nararamdaman akong parang may hindi tama o kaya naman may isang sikreto. Pero isinantabi ko na lang ang mga ganoong bagay.
Sa kabilang banda, medyo nahihiya ako sa pagtulong ni Tita Mely. Hindi kasi biro ang malaking halagang pinahiram niya sa amin. Alam kong matatagalan pa bago gumaling ng tuluyan ang nanay. Kung makapagtrabaho man siya ulit, hindi kaagad niya ito mababayaran ng mabilisan, siyempre may mga gastusin rin kami sa bahay pati na rin sa pag-aaral ko. Kaya nagdecide akong kausapin si Tita Mely.
Makalipas ang halos isang oras, nakita ko ang paglabas ni Tita Mely. Agad ko siyang sinalubong.
"O iho, aalis na muna ako, balikan mo na ang nanay mo sa loob" si Tita Mely.
"Ah Tita, pwede po ba kayong makausap saglit". Kahit nagtataka pumayag naman siya. Doon kami nag-usap sa sementong inupuan ko.
"Tita, nagpapasalamat po ako pagtulong niyo sa amin, alam ko pong hindi kaagad maibabalik ni nanay ang pinahiram niyo kaya naisip kong ako na lang ang gagawa ng paraan" ang pagsisimula ko ng aming usapan.
"Walang anuman iho, ano ka ba, wag mo munang isipin yan, intindihin mo ang pag-aaral mo" si Tita Mely sabay haplos sa ulo ko.
"Hindi rin po ako makakapag-aral ngayong pasukan, dahil walang magbabantay kay nanay, isa pa wala naman akong ipambabayad sa matrikula, dahil hindi agad siya makakapagtrabaho, yung sahod naman ni kuya ang pambayad din sa mga utang namin sa iba."
"Ah ganun ba, so ikaw muna ang maghahanap-buhay. Hay napakabait mo talagang bata. Kung yan ang gusto mo sige, pag-iisipan ko ang mga bagay na iyan, sasabihan na lang kita." si Tita Mely. Natutuwa akong nagpasalamat sa kanya.
Agad naman akong bumalik sa ward upang sabihin kay nanay ang mga balak ko. Wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag kahit halata sa kanya ang pagtutol.
Limang araw na ang lumipas nang ma discharge si nanay sa ospital. Ako na ang nag-aalaga at nagbabantay sa kanya sa bahay.
Isang gabi, palabas ako ng bahay para bumili ng aming hapunan nang bigla akong tawagin ni Tita Mely. Naaalala ko ang mga pinag-usapan namin sa ospital kaya lumapit agad ako sa kanya.
"Rico, desidido ka na ba sa balak mo?" tanong niya nang makapalit ako.
"Opo Tita para na rin sa nanay ko" sagot ko sa kanya. Napansin kong may dinukot siyang papel sa kanyang bulsa at inabot sa akin. Nang tignan ko, isa pala itong cellphone number.
"Tawagan mo ang number na yan, diyan mo malalaman kung saan ka magtatrabaho." si Tita Mely.
"Ganun po ba, sige po maraming salamat"
"Walang anuman iho, sige balik na ako sa loob, ang dami ko pang gagawin" si Tita Mely.
Binulsa ko muna ang binmigay niyang papel at naglakad na papuntang karinderya para bumili ng hapunan. Pagkabalik ng bahay, pinaalam ko ito kaagad kay nanay.
"Mabuti pang tawagan mo na agad ang numerong iyan" si nanay habang kumakain kami ng hapunan.
"Sige po pero bukas na siguro, nakakahiya namang tumawag pa ako sa ganitong oras" sagot ko.
Kinabukasan, nang matapos ako sa aking pag-eehersisyo, pati na rin sa mga gawaing- bahay at pagpapainom ng gamot kay nanay, agad akong pumunta sa tindahan para magpaload. Nang pumasok na ang load sa aking cellphone, inumpisahan ko nang tawagan ang numero na nasa papel. Maya-maya isang babae ang sumagot.
"Hello, who's this?" tanong ng babae.
"Im Rico Garcia, pinatawag po ako sa number na ito ni Amelia Monteverde. Confirm ko lang po ung job na nirecommend niya sa akin." sagot ko sa babae.
"Ah so punta ka na lang po sa main office namin on Monday.. Magdala ka po ng iyong resume." sabi ng babae.
"Ok, saan po ba ang office niyo?" isinulat ko naman sa likod ng papel ang exact address na binigay ng babae. Agad na rin akong gumawa ng aking resumeayon na rin sa sinabi niya.
Nang sumapit ang araw ng Lunes, pinuntahan ko na ang binigay na address sa akin. Nagsuot ako ng isang long sleeve polo, black pants at leather shoes. Nang marating ko ang lugar, namangha ako dahil isa pala itong napakataas na building. Papasok na ako sa loob nang may mapansin akong babaeng naka uniporme. Nang makita, nilapitan niya ako.
"Kayo po ba si Mr. Rico Garcia?" tanong ng babae.
"Ako nga po miss" ang casual kong sagot sa kanya.
"Sir ako po yung kausap ninyo sa telepono kahapon, tara na po hinihintay na kayo ni manager sa taas" sabi ng babae. Sinamahan niya akong umakyat sa office nito. Sa 15th floor pala ito.
"Nandito na po tayo Sir Rico" sabi ng babae ng marating na namin ang pintuan ng office ng manager.
"Teka lang po Sir papaalam ko lang ang pagdating ninyo" paalam ng babae sa akin at pumasok sa loob.
Makalipas ang ilang segundo, lumabas na ulit ang babae. "Sir pasok na daw po kayo. " Tumango lang ako.
Bigla naman akong kinabahan ng mga oras na iyon. Hindi ko mawari kung bakit. Pero dahil sa pagkadesperado na ring magkatrabaho, lakas-loob na akong tumuloy sa kanyang office.
Nang makapasok, bigla akong napahinto.
Itutuloy...........
If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send them at gaypinoystories@gmail.com.
We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.
Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.
Post a Comment