By Daredevil
Part 5Paakyat na ako ng hagdan papunta sa aming room sa 3rd floor nang bigla kong makita si Jason na bumababa ng hagdan kasama ang mga tropa niya. Para di niya ko mapansin, yumuko lang ako at binilisan ang paglalakad. Nakalampas na sana ako sa kanya nang bigla siyang bumalik at hinawakan ang braso ko. Pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Rico, ikaw ba yan?" ang bigla niyang tanong. Hindi ako sumagot sa halip bumitaw ako sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo pa niya hinigpitan.Bigla niyang tinanggal ang shades ko.
"Aba tol, si piggy boy pala oh, first time lang namin makakita ng baboy na nagsusuot ng shades." ang sabi ng isa niyang kasama at nagtawanan sila maliban kay Jason na nakatingin pa rin sa akin marahil napuna na niya ang maga kong mata.
"Bakit ganyan ang mata mo, may problema ka ba?" si Jason at hinaplos ako sa likuran. Nanibago naman ako sa inasta niya sa akin ngayon, nasanay na kasi akong inaasar ng ungas na ito kapag nagkikita kami.
"Concern ka ba? parang hindi bagay sa iyo iyan, unbelievable!" sabi ko.
"Ganyan ka ba talaga, ang hirap kasi sa iyo sa iisang tao ka lang nakatingin kaya di mo na napapansin ang ibang tao sa paligid mo na nag-aalala rin sa iyo."si Jayson. Nabigla naman ako sa mga sinabi niya, for the first time in the history kasi, ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng mga seryosong bagay tulad nito. Parang patama pa sa akin ang mga binitiwan niyang salita.
"Kung ganoon inaalala mo pala talaga ako, pasensya na ha, kasi naninibago lang ako sa iyo, sanay na kasi akong inaasar mo palagi e" sabi ko sa kanya.
"Buti alam mo na kaya ipaliwanag mo sa akin ang dahilan ng pamamaga ng mata mo." si Jason.
"Ah wala to sore eyes lang." palusot ko sa kanya. Kita ko sa reaksyon ng mukha niya na hindi siya naniniwala.
"Sige pumunta ka na sa klase mo baka ma late ka na, mamaya na lang ulit tayo mag-usap.Tara na guys" Umalis na si Jason kasama ang mga katropa niya. Nabatid ko na kahit gaano kasama ang isang tao ay meron rin pala siyang kabaitang tinatago. Isinuot ko na ulit ang shades at tumuloy na sa room.
Hindi ako maabsorb ang mga lectures ng aming teachers dahil sa kakaisip ng mga nangyari noong isang gabi. Hanggang ngayon kasi ramdam ko pa rin ang sakit. Natapos ang klase sa araw na iyon na wala ako gaano natutunan.
Lumabas ako ng school na nakayuko, matamlay at wala sa sarili. Medyo natauhan lang ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jason. Tumingin ako sa kanya, nakasandal sa gate ng school. Lumapit siya sa akin.
"Ayos ka lang ba, ang tamlay mo kasi e, akin na ang bag mo ako na ang bubuhat, ihahatid kita sa inyo." si Jason.
"Salamat" at ibinigay ko sa kanya ang bag. Habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep, tinanong ulit niya ako. Hindi talaga ako titigilan ng ungas na ito kaya sinabi ko na sa kanya ang totoo, tutal alam naman niya ang pagkagusto ko kay Kuya Carlo.
"Ikaw kasi, iniisip mo na parang sa kanya lang iikot ang mundo mo kaya nasasaktan ka ng ganyan. Pwede ba huwag mo na siyang isipin, sisirain mo ba ang buhay mo dahil sa isang taong tulad niya" si Jason. Sa pagkakataong ito, nagustuhan ko na ang mgta sinasabi niya. Tama nga naman kasi, bakit ba ako magpapakatanga sa isang taong hindi na ako pinahahalagahan.
"Salamat sa payo" sabi ko sa kanya.
"Iyan lang ba ang sasabihin mo puro salamat lang" si Jason. Napatingin ulit ako sa kanya.
"Ano ba ang gusto mong sabihin ko?"
"Na naapreciate mo ang mga ginagawa ko, na natutuwa ka sa akin" si Jason ulit.
"Ah, sige sasabihin ko, Jason salamat sa pag-aalala, sobra kong naapreciate at natutuwa sa mga ginagawa mo... pero kaunti lang" sagot ko sa kanya. Abot-tenga naman ang ngiti niya pero nang dugtungan ko ang mga sinabi ko biglang sumeryoso ulit siya.
"Bakit kaunti lang?" nagtatakang tanong niya.
"Alam ko kasi na ngayon lang iyan at bukas babalik ka na naman sa dati"
"Ganun pala ha, sige simula ngayon hindi na kita aasarin pa" si Jason.
"Sus, ikaw pa, kilala na kita, hindi mo ako kayang tiisin na di pagtripan ng isang araw"
"Hindi ko naman hinihingi ang pagpayag at paniniwala mo, papatunayan ko na lang ito sa gawa" si Jason na nakangiti na sa akin.
"Talaga lang ha"
"Oo promise." sabay taas ng isang kamay niya.
Sumakay kami ng jeep at siya na ang nagbayad ng aking pamasahe. Siyempre hindi na ko tumanggi, nakatipid kaya ako kahit papaano. Pagkababa, naglakad na kami papunta sa bahay namin.
Habang naglalakad, naaaliw ako sa mga ginagawa ni Jason sa akin. Doon ko nalaman ang ibang side ng kanyang pagkatao. May sense of humor siya, napapatawa ako kahit medyo korny ang jokes niya. Sa loob-loob ko nagpapasalamat ako dahil napapagaan niya ang kalungkutang nararamdaman ko.
Papalapit na kami sa bahay nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng gate namin. Nang makarating na mismo sa tapat ng gate, bumalik bigla sa akin ang lungkot at sakit nang makita ko ang taong naging sanhi nito.
"Baby boy, buti dumating ka na, pwede ba tayong mag-usap?" si Kuya Carlo.
"Sa tingin ko wala na dapat kayong pag-usapan" ang biglang sabat ni Jason.
"Hindi kita kausap tol kaya huwag kang sumingit" si Kuya Carlo.
"Bakit tama naman ang mga sinasabi ko ah, tignan mo nga maigi ang mga mata niya, mahigit isang araw siya nag0iiiyak dahil sa mga ginagawa mo! si Jason.
"Tama na Jason, pasok na tayo" yaya ko kay Jason bago kami tumuloy sa loob hinarap ko muna si Kuya Carlo."Kuya, pwede bang huwag muna tayong mag-usap, hindi pa ako handa e, masyadong masakit sa akin ang mga nangyari, at saka itigil mo muna ang pagtawag sa akin ng baby boy" ang matigas kong sabi sa kanya pero sa loob-loob ko ay naiiyak na ulit ako.
"Please, pakinggan mo muna ang mga paliwanag ko, yan ang hirap sa iyo e, sinasarado mo na ang isip mo" si Kuya Carlo. Hindi ko na ito sinagot pa at dumeretso na kami papasok.
Nasa loob na kami ng bahay nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Kuya Carlo. Hindi ko naman mapigilang silipin siya sa bintana. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya pero nanaig pa rin sa akin ang paglayo sa kanya.
"Hayaan mo siya, kulang pa iyan sa ginawa niyang pagpapahiya sa iyo" si Jason.
"Oo, tama ka. siya ngapala dito ka na rin maghapunan, pauwi na kasi si Inay." ang pag-iiba ko ng usapan. Magsasalita sana ulit si Jason nang biglang lumabas ang kuya ko sa kwarto niya. Biglang nag-iba ang mood ng mukha niya nang makitang kasama ko si Jason.
"Bakit nandito siya?" si Kuya.
"Hinatid lang niya ako pauwi." casual kong sagot sa kanya.
"Ah, may bago ka na namang nilalandi ha" si kuya. Bigla namang nagpanting ang tenga ko sa mga sinbabi niya kaya sinagot ko siya.
"Wala akong ginagawa sa kanya." sagot ko.
"Tol, masyado ka namang masakit magsalita parang di mo kapatid ang sinasabihan mo" sabi ni Jason kay kuya. Pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya na pagsasalita sa akin.
"Rico, bago ka gumawa ng isang bagay, isipin mo muna kung may masasaktan kang tao sa paligid mo. At isa pa, sana man lang maging open ka sa lahat ng bagay." si kuya at lumabas ng bahay. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya.
Nang dumating na ang inay, nagsimula na kaming kumain ng hapunan. Pagkatapos, hinatid ko na si Jason sa kanto.
"Salamat Rico sa hapunan pati sa pagpayag mong ihatid kita" si Jason.
"Dapat ako nga ang magpasalamat sa iyo dahil naging mabait ka na sa akin, sana lang magtuloy-tuloy ka na" sagot ko.
"Oo ba simula bukas, basta ipangako mo rin sa akin na hindi mo ko tatarayan at tuluyan mo nang iiwasan ang kuya Carlo mo" si Jason.
"Ok, sige umalis ka na masyado nang gabi."
"See you tomorrow" paalam niya sabay kaway.
Nang makasakay na siya, bumalik na ako ng bahay. Habang naglalakad ako pauwi, nahagip ng aking mata ang isang lalaki at babae na bumibili ng siopao. Nakilala ko lang sila nang magsideview ang mga mukha nito. Si Kuya Carlo pala kasama ang kanyang girlfriend. Masaya silang nag-uusap. Muli nakaramdam ako ng lungkot. Tuluyan na niya akong ipinagpalit sa babaeng iyon. Sa bagay, natural naman talagang magmahal ang lalaki sa isang babae. Naalala ko tuloy yung mga panahon na lagi niya akong inuuwian ng pasalubong na siopao. Nagsimula ulit tumulo ang aking mga luha.
Nagpasiya muna akong hindi umuwi sa amin. Naglakad-lakad ako kung saan-saan para makapagmuni-muni na rin. Hindi pa rin kasi ako maka recover sa mga nangyayari, nasasaktan pa rin ako. Naupo ako sa isang batong upuan. Iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Naalala ko ang mga sinabi ni Jason kanina. Tama, dapat baguhin ko na ang sarili ko. Hindi na dapat ako magpakatanga sa isang tulad niya. Tuluyan na akong lalayo sa kanya dahil wala na talagang pag-asa na mabalik kami sa dati. Ifofocus ko na lang din ang sarili ko sa pag-aaral.
Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ng pag-iisip, nagpasiya na akong umuwi. Pagkapasok ko sa loob, nakita ko si kuya na nakaupo sa sofa.
"Tol saan ka ba nanggaling, o ito siopao, dala ng Kuya Carlo mo, nandito siya kanina ka pa niya hinhintay." si Kuya sabay abot sa akin ng siopao. Napaisip ako kung bakit pa niya ako binilhan, ibig sabihin naaalala pa rin pala niya ako, pero hindi ko ito tinanggap.
"Ikaw na lang kumain niyan ,sige magpapahinga na ako." sabi ko sabay deretso sa kwarto. Habang naglalakad, narinig kong nagsalita pa si kuya.
"Ganyan ka na ba talaga kamanhid, wala na bang pag-asang mabuksan ang isip mo para maliwanagan ka. Sana hindi mo ito pagsisihan sa hinaharap" si Kuya. Hindi ko na ito gaano inintindi pa at tuluyan na akong natulog.
Kinabukasan, sinimulanko na ang pangako ko sa sariling pagbabago. Hindi ko na iniisip pa ang nakaraan. Kahit naririnig ko pa kay Inay na magkasama na matulog si Kuya Carlo at ang babae niya sa iisang kwarto, hindi ko na lang ito dinamdam.
Lumipas ang ilang araw hanggang maging 4th year high school ako na tuluyan ko nang hindi kinakausap si Kuya Carlo. Hindi ko na siya inaabangan kapag umaga at hindi na sumasama kay Inay sa bahay nila kapag nagsisideline ito. Minsan nag-aatempt pa rin siya na kausapin ako kapag nagkukrus ang landas namin pero iniiwasan ko lang siya. Iniiba ko ang usapan kapag binabanggit siya ni kuya at inay sa akin. Sinara ko na nang tuluyan ang isip ko sa anumang paliwanag, para ano pa, masasaktan din naman ako.
Tungkol naman kay Jason, hindi na niya ako inaasar, naging mag bestfriends na kami. Natutuwa ako dahil lumabas na rin talaga ang totoong siya. Napakabait niya sa akin. Nakakasama na rin ako sa mga lakad ng kanilang tropa.
Dumating na ang araw ng aking graduation. Dahil na rin sa pangako ko sa sarili na magfofocus sa pag-aaral, naging valedictorian ako. Si kuya naman, nagtuturo na siya ngayon sa isang private school sa aming lugar matapos makagraduate dalawang taon na ang nakalilipas. Nalaman ko naman kay Jason na umalis na pala si Kuya Carlo sa bahay nila at nangibang bansa na. Ayon pa sa kanya, kasama niya ang kaniyang girlfriend. Naisip ko na siguro doon na sila magpapakasal at bubuo ng pamilya. Hindi na rin ako gaano naapektuhan doon, kahit papaano nakakapagmove-on na ako.
Pumasok na ako ng kolehiyo, tulad ng sabi ng inay, kinuha ko rin ang kursong Education tulad ni kuya samantalang si Jason ay third year college na sa kursong ECE. Ganoon pa rin kami ni Jason, parati kaming magkasamang dalawa palibhasa parehas kami ng university na pinapasukan. Kapag walang pasok, sumasama na ako sa kanya pag-eehersisyo sa gym. Napagdesisyuan ko na rin kasing baguhin ang aking image. Ayoko na ng katawang mataba dahil magbabalik lang sa akin ang pait ng nakaraan.
----------------------------------------
Part 6 - Pinoy M2M Stories
----------------------------------------
Binago ko na ang aking routine sa araw-araw. Paggising ko pa lang sa umaga, nagjojogging na ako.Iniikot ko ang buong barangay namin. Binabalewala ko lang ang mga taong nakatingin sa akin lalo na ang mga mapanghusgang mga tao na nang-aasar sa akin na baboy. Tuwing wala namang pasok, nagwowork-out ako sa gym sa isang mall malapit sa amin, minsan naman sinasamahan ako ni Jason. Sa simula medyo mahirap, pero kung pagsisikapan, talagang kakayanin.
Sinimulan ko na rin ang pagpapaganda ng aking balat base sa mungkahi ni Jason. Regular akong nagpupunta sa isang espesyalista. Hindi ko naman gaano pinoproblema ang gastos dahil tinutulungan naman ako ni Jason. Kahit busy ako sa mga ganitong bagay, hindi ko pa rin pinababayaan ang aking pag-aaral.
Nagbunga naman ang aking paghihirap, second year college na ako, isang taon buhat nang magsimula ako, nawala na ang aking pagkachubby. Isang Rico na ako ngayon na may magandang pangangatawan, may maputi at makinis na balat. Napansin ko na rin ang aking pagtangkad.
"Wow anak, ang laki na talaga nang pinagbago ng itsura mo, binatang-binata ka na, naalala ko tuloy ang tatay mo" si Inay isang araw habang nag-aagahan kami.
"Oo nga tol, mas macho ka na sa akin" si Kuya.
"Ako na naman ang napansin niyo" sabi ko.
"Hindi lang kami pati na ang mga kapitbahay natin lalo na si Tita Mely mo sa tapat." si Inay.
"Health conscious lang po ako inay, siyanga pala kuya tuloy na ba talaga ang paglipat mo sa Maynila"nalaman ko kasi na nmadedestino si kuya na magturo sa isang eskwelahan doon.
"Oo, tatapusin ko na lang ang school year sayang lang at hindi ko na makakasabay si... ay wala hehehe" sagot ni kuya. Kahit pinutol niya ang kayang pahayag ay alam ko na ang taong tinutukoy niya, alam niya kasi na ayaw ko nang pag-usapang pa iyon. Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa gate namin. Si Jason pala ito nang buksan ko ang gate. Madalas na pala siyang sumasabay sa akin sa pagpasok at minsan sa pag-uwi galing school.
"Good Morning Rico" si Jason. Nakakadala talaga ang mga ngiti niya.
"Ikaw pala, nag-agahan ka na ba? halika pasok ka muna" yaya ko sa kanya. Sa loob ng bahay,
"Oh iho, halika at kumain ka muna, pasensiya ka na kung ito lang ang ulam namin.
"Ok lang po tita, kumain na po ako sa amin kanina" sagot ni Jason.
"Ay naku, ayaw lang niya ng ulam natin, palibhasa mayaman" sabat ni Kuya.
"Ano ka ba kuya, busog lang yung tao" pangangatwiran ko. Ewan ko ba sa kuya ko, hanggang ngayon ay iba ang pakikitungo niya kay Jason. Pero hindi ko na lang ito binibigyan ng pansin.
"Rico, ayos lang ako" nahihiyang sagot ni Jason.
Nang matapos ang agahan, sabay kaming umalis ni Jason. Habang naglalakad,
"Rico, mamaya punta ka sa bahay namin, umuwi na kasi ang mommy ko galing Canada, may kaunting salu-salo." si Jason.
"Jason, may session ako sa gym mamaya baka hindi ako makasama sa iyo"
"Ano ka ba tol, minsan lang naman to, sige na?" si Jason ulit.
"Sige na nga" pagpayag ko. Marami na rin kasi siyang nagawa sa aking mabuti.
"Isa pa pala Rico, sa mga susunod na araw, hindi na tayo magcocommute at maglalakad, dahil magkakaroon na ako ng sariling kotse"
"Wow, ang yaman niyo talaga" ang sabi ko sa kanya.
"Parang naiinggit ka sa tono ng boses mo, huwag kang mag-alala lagi kang makakasakay" si Jason sabay akbay sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.
Nang matapos ang klase, sabay na kaming pumunta sa kanila. For the first time, nakita ko ang bahay nila. Malaki pala ito. Nasa isang exclusive na subdivision ito na para lang sa mga mayayaman. Medyo nahiya pa ako nang pumasok kami dahil sa dami ng mga tao dun, mga kamag-anak pala ng pamilya nila ang mga ito. Dumeretso kami sa kanilang malawak na hardin. Doon sinalubong kami ng isang may edad na babae.
"O Jason anak, buti naman at nakarating ka na, at teka siya ba ang sinasabi mong bestfriend mo?" sabi ng babae.
"Yes Mom, by the way he is Rico, And Rico, this is my mom, Carmencita Garcia." pagpapakilala sa amin ni Jason.
"Wow, he' so handsome, ah iho you can call me Tita Carmen na lang" sabi sa akin ng mommy ni Rico sabay nakipagkamay.
"Sige, maiwan muna namin kayo, aasikasuhin lang namin ang iba pa nating bisita" si Tita Carmen ulit.
Inilibot ako ni Rico sa buong bahay nila at pinakilala pa niya ako sa iba nilang kamag-anak na naroroon. Kahit papaano, nawala na ang nararamdaman kong hiya dahil sa magiliw na pagtanggap nila sa akin. Maya-maya niyaya niyaya akong pumunta sa kanyang kwarto.
"Aba Jason, ang laki pala nito, parang pinagsamang kwarto na namin ito ng kuya ko." ang pagkamangha kong sabi sa kanya pagkapasok namin sa loob at umupo sa kama.
"Oo, pero alam mo bihira lang ako dito, madalas kasi akong matulog sa bahay ng mga katropa ko." si Jason sabay upo sa tabi ko.
"Ah yung mga ungas at walang kwentang kaibigan mo" sagot ko.
"Ayan ka na naman, may hinanakit ka pa ba sa kanila, mababait naman sila e saka hindi ka na nila aasarin pa ano, sa katawan mong iyan baka mainggit pa sila sa iyo." si Jason na nakangiti sa akin.
"Oo, kaya nagpapasalamat ako sa iyo sa mga tulong mo sa akin" sagot ko sa kanya.
"Ano ka ba wala iyon, teka pasok lang ako ng CR saglit, magbabawas lang." si Jason. Tumango lang ako bilang pagpayag.
Habang nasa banyo, inilibot ko naman ang mga mata ko sa kwarto niya. Meron siyang sariling TV, laptop, component, gitara, playstation, kotse at marami pang ibang bagay na wala sa aking kwarto. Napakaswerte naman ng taong ito, lahat ng luho nagugustuhan di tulad ko na kailanman ay hanggang pangarap na lang.
"Ano gusto mo sa mga iyan, ibibigay ko sa iyo?" si Jason na nakalabas na pala ng CR.
"Ah wala ano?" ang nahihiya kong pagtanggi sa kanya.
"Sure ka, nakikita ko naman sa iyo ang pagkainteres mo sa mga gamit ko dito. Sa totoo lang hindi ko naman ginagamit ang mga iyan, alam mo naman na lagi akong nasa labas" si Jason.
"Hindi ano, sige uwi na ako baka lalo akong gabihin may pasok pa bukas" ang pag-iiba ko nang usapan.
"Sige tara ihatid na kita sa sakayan" ang pag-aalok ni Jason.
Pasado alas 9:00 ng gabi nang makauwi na ako sa amin. Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na agad ang kuya ko na nasa mesa, may sinusulat sa tingin ko ay lesson plan niya.Napatingin siya sa akin.
"Oh dumating ka na pala, kumain ka na ba?" tanong ng kuya ko habang patuloy sa pagsusulat.
"Oo, sa bahay ng isang kaibigan ko" ang casual kong sagot sa kanya habang naghuhubad ng sapatos at medyas.
"Kaibigan ba o kaIBIGan?" ang subod na tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin? si Jason ba ang tinutukoy mo kuya?" ang sagot kong patanong din sa kanya.
"May relasyon ba kayo ng taong iyon?" si kuya.
"Wala kaming relasyon, bestfriends lang kami" ang sagot ko sa kanya.
"Ok, papaalalahanan lang kita, huwag mo siyang gawing panakip-butas" ang sagot ng kuya ko.
"Pwede ba kuya, ayoko nang pag-usapan ang mga ganyang bagay, magbabalik na naman tayo sa nakaraan e, please lang" pakiusap ko sa kanya. Hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Ako naman ay dumeretso na sa aking kwarto at nagpahinga.
Ilang buwan pa ang lumipas at third year student na ako. Masasabi ko nang na achieve ko na totally ang gusto kong maging image sa sarili ko. Marami na ring nagtitinginan sa akin na mga girls at pa-girls sa lugar namin pati sa school. Naisip ko na ganito pala ang pakiramdam ng pinagpapantasiyahan ka ng ibang tao, nagiging sikat ka. Nararamdaman ko na nakakaangat na ako sa iba.
Sa amin naman ni Jason, medyo madalang na kaming magkita dahil sa pagiging busy niya sa pag-aaral. Malapit na kasi siya grumaduate. Kahit ganito ang set-up namin, hindi kami nawawalan ng komunikasyon.
Sa totoo lang, ramdam ko naman sa mga kinikilos niya na may pagtingin siya sa akin, pero hindi ko ito kayang tumbasan, dahil hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin ang aking childhood love na si Kuya Carlo kahit masakit ang mga ginawa niya sa akin noon. Alam naman niya ito kaya siguro hindi siya umaamin sa akin ng nararamdaman niya at nagiging kuntento na siya sa pagkakaibigan namin.
Isang gabi ay nagtext siya sa akin.
"Rico, pwede bang mag-usap tayo, lumabas ka diyan, nandito ako sa tapat ng bahay niyo?" text ni Jason. Agad naman akong lumabas.
"Ano problema, gabi na ah tara pasok sa loob tayo" sabi ko sa kanya.
"Bigla namang lumungkot ang mukha niya saka nagsalita." Dito na lang tayo, sasabihin ko lang kasi sa iyo na pupunta na kami sa Canada dahil namatay na kasi ang dad ko at kami na ang magpapatuloy ng negosyong naiwan niya. Doon ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko." si Jason.
"Ha, biglaan naman. so kailan ang alis mo at may chance pa bang bumalik ng Pilipinas?" ang tanong kong pagkabigla sa kanya.
"Next week na kami aalis, inaasikaso lang kasi ang mga papeles ko. We will stay there for good na, kaya nga nalulungkot ako dahil magkakahiwalay na tayo" Hindi ko namang maiwasan ang maluha sa mga narinig sa kanya. Kahit papano kasi ay mahabang panahon rin ang aming pinagsamahan. Pero kita ko sa kanyang mukha na mas malungkot siya sa akin kaya ako na ang nagpalakas ng loob niya.
"Basta tol,sasabihin ko sa iyo na kahit saan ka man magpunta ay di mawawala ang pagkakaibigan natin. Ano ka ba, pwede pa naman tayo mag-usap ha, nandiyan naman ang internet at cellphone. Kahit papaano ay makakapagrenta at makakapagload naman ako." ang sagot ko sa kanya sabay haplos sa kanyang likod.
"Tama ka tol, hayaan mo pipilitin kong makapag-usap tayo ng regular. Pangako" si Jason. Ngumiti lang ako sa kanya. Kita ko sa kanya na medyo naging ok na siya.
Isang araw bago siya umalis, pinapunta niya ako sa kanilang bahay. Siyempre hindi na ako tumanggi dahil last day na ito na magkakasama kaming dalawa. Sa may gate pa lang, sinalubong na niya ako at niyakap.
"Teka lang tol baka hindi na ako makahinga niyan" sabi ko habang nakayakap siya. Natatawa siyang kumalas sa akin.
"Pasensiya ka na, ito na kasi ang huling pagkakataon na mahahawakan at mayayakap kita, ano kumain ka na ba?" si Jason.
"Oo" sagot ko.
"Ah, halika pasok ka, doon tayo sa kwarto ko, ako lang mag-isa ngayon dito." yaya ni Jason sa akin.
Maghapon lang kami sa kwarto ni Jason. Buong araw kami nagsayang dalawa. Nanood ng movies sa TV, naglaro ng play-station, nagsurf ng net sa laptop niya, nagsoundtrip, foodtrip at nag-usap nang kung anu-ano.
Nang sumapit ang gabi, ang kasiyahan sa aming dalawa ay napalitan ng kalungkutan.
"Ilang oras na lang at aalis ka na" ang bigla kong nasabi sa kanya habang nakaupo sa kama.
"Oo, alam mo tol ngayon pa lang mamimiss na kita, hindi na tayo magsasabay sa pagpasok hindi na rin kita masasakay sa kotse ko. Ikaw ganun din ba?" si Jason. Tumabi siya sa akin.
"Siyempre naman, pero kailangan ba talagang sumama ka sa mommy mo doon?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala naman akong magagawa e,saka ako lang kasi ang inaasahang magpapatuloy ng aming negosyo kung saka-sakaling may di magandang mangyari pa sa mom ko." sagot niya.
"Ganun, e di walang saysay pala ang kinuha mong kurso"
"Hindi naman, magagamit ko pa rin ito sa ibang bagay" sagot niya ng nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Ewan ko ba, parang nahipnotismo ako sa mga pagtitig niya. Bigla siyang nagsalita.
"Rico, may ipagtatapat sana ako sa iyo, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Bago man lang tayo magkalayo ay masabi ko na ang totoo kong nararamdaman sa iyo. I love you tol" si Jason sabay haplos sa aking mga pisngi. Hindi na rin ako nabigla pa sa mga sinabi niya dahil alam ko naman iyon noon pa, di naman ako manhid para di maramdaman iyon sa kanya.
Natulala na lang ako sa sunod niyang ginawa. Habang haplos pa ang mga pisngi ko, unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magdikit ang aming mga labi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ewan ko ba, kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko siya mahal, maluwag sa loob kong tinanggap ang mga ginagawa niya sa akin. Siguro pagpapaubaya na lang ito dahil sa pag-alis niya.
Buong puso kong ginantihan ang kanyang paghalik. Pagkatapos, hinubad ang suot kong t-shirt at sinimulan na niya ang pagromansa sa akin. Napahiga na ako sa kama at umibabaw siya sa akin. Maya-maya, hinubad na niya ang pantalon ko at brief. Sinubo niya ang aking naninigas nang pagkalalaki.
Tuluyan na akong bumigay sa ginagawa niya. Parang narating ko na ang langit sa kasarapang nararamdaman ko sa ginagawa niya. Hinubad na rin niya ang lahat ng suot niya. Bigla siyang humiga sa tabi ko at sinabing" Tol pasukin mo ako, gusto lang kita maramdaman sa kahuli-hulihang pagkakataon"
Nabigla man sa sinabi niya pero pumayag na rin ako dahil na rin sa libog. Agad niyang inabot sa akin ang isang condom at lotion. Halatang pinaghandaan niya ang gabing ito. Isinuot ko na ang condom sa aking ari at pinahiran ng lotion ang butas ni Jason. Tinaas ko na ang mga binti niya sa aking balikat at tuluyan nang ipinasok ang ari ko.
Kita ko sa mukha niya na nasasaktan siya pero sinabi pa rin niya na ipagpatuloy ko lang. Kaya dahan dahan akong umulos. Aaminin ko sa aking sarili na talagang nasasarapan ako. Habang tumatagal, nakikita ko na sa mukha ni Jason na hindi na siya nasasaktan kaya binilisan ko na ang pag-ulos. Maya-maya nararamdaman ko na kasukdulan. Hindi ko na ito napigilan at tuluyan nang nagpalabas sa loob ng butas ni Jason.
Bilang ganti, ako naman ang nagromansa sa kanya. Isinubo ko na rin ang kanyang ari. Kita ko sa kanyang reaksyon ang sobrang kasarapan. Maya-maya ay nilabasan na rin siya. Napahiga na lang kaming dalawa na walang saplot at pagod na pagod.
"Salamat tol at pinagbigyan mo ako, hinding-hindi ko ito makakalimutan. Alam mo ba na noon ko pa gustong mangyari ang bagay na ito." si Jason na nakahiga.
"Salamat din, alam mo first time ko ito at talagang na-enjoy ko pero" sasabihin ko sana nang bigla siyang humarap sa akin at nagsalita.
"Pero hindi mo ako mahal, tanggap ko naman iyon dahil alam ko na si Carlo pa rin ang nasa puso mo hanggang ngayon. Kuntento naman ako sa pagkakaibigan natin." si Jason. Ngumiti lang ako sa kanya.
Muli, isang halik ang ginawad niya sa akin. Ito na ang kahuli-hulihang halik ng pagmamahal na mararanasan ko sa kanya. Maya-maya, tuluyan na kaming nakatulog na wala pa ring saplot sa katawan.
Itutuloy................
If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send them at gaypinoystories@gmail.com.
We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.
Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.
Post a Comment