By Daredevil
Part 3Kinabukasan, tulad ng parati kong ginagawa gumising ako nang maaga para makita ang akinmg pantasya. Pakiramdam ko kasing magkakasakit ako kapag di ko siya nasulyapan ng isang araw. Pagkatayo ng higaan, naghilamos ako at nagsipilyo para mawala ang mga panis kong laway at mga namumuong muta sa mga mata ko, mahirap na baka ma turn-off sa akin si prince charming. Hindi ko yata kakayanin iyon, magpapakamatay na lang siguro ako.
Lumabas na ako at tumayo sa tapat ng gate namin. Kahit alam kong nakakahiya na ang ginagawa ko, GO pa rin ako, siyempre ayaw kong palagpasin ang pagkakataong makita si Kuya Carlo. Habang nakatayo, nakikita ko ang mga tingin ng mga taong dumadaan sa akin, nahahalata na siguro ang aking ritwal sa umaga pero wala akong pakialam sa kanila. Maya-maya narinig ko na naman ang makabasag eardrums na boses ng nanay ko.
"Rico, nandyan ka na naman, halika nga lintek na bata ka, bumili ka ng pandesal." ang sigaw niya sa akin.
"Teka lang nay" ang sagot kong pasigaw rin.
"Puro ka teka, humanda ka sa akin bata ka, may sorpresa ako sa iyo" si nanay. Hindi pa rin ako natinag sa pananakot niya, isang perfect score lang sa school ang ipapakita ko mamaya malulusaw na ang galit niya sa akin.
10 minuto na lumipas nang makarinig ako ng isang di kaaya-ayang boses, sino pa nga ba ang taong naninira ng araw ko si Jason. Nakabisikleta siya na huminto sa tapat ko.
"Good morning piggy boy" ang nakangiti niyang bati sa akin.
"Anong maganda sa umaga?" sagot ko sa kanyang nakasimangot. Siyempre hindi na gumanda ang umaga ko nang sumulpot ang ungas na ito.
"Cool ka lang piggy boy, dapat nga pasalamat ka kasi binati kita, ganyan ka ka-espesyal sa akin." si Jayson sabay kindat.
"Ay paganyan-ganyan pa siya, cute ka na ba niyan ha? At teka, ano na naman yang narinig kong bagong bansag mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
Natawa naman siya at sinabing" Ikaw naman tinatanong pa ba ang obvious, at saka ung piggy boy, dapat lang yon sa iyo. Tignan mo nga ang katawan mo oh, parang aparador na dahil sa lapad."
Biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig pero nagtimpi pa rin ako sa kanya at sinabing "pwede ba lumayas ka sa harap ko kundi baka mahampas kita nitong patpat e." ang pananakot ko sabay pulot ng isang mahabang patpat.
"Huwag po huwag po, aalis na ako" sagot niyang natatakot sa akin na alam ko namang hindi totoo. Si Jayson pa ang galing magdrama ng ungas na yan.
Dalawampung minuto na ang nakalipas ay lumabas na ng bahay ang kuya ko. As usual ako na naman ang napansin niya.
"Ano Rico, hindi mo na ba aalisin yang kalandian mo ha? sabi niya sa akin.Alam naman niya kasing si Kuya Carlo ang inaabangan ko. Sasagot sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa tapat namin at iniluwa ang isang adonis, ang aking prince charming na matagal kong pinagpapantasyahan. Ngumiti siyang lumapit sa amin.
"Good morining baby boy" ang nakangiting bati niya sa akin. Hay pakiramdam ko gumanda na ulit ang umaga ko na sinira nung ungas kanina.
"Good moring Kuya Carlo" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Tara na nga Carlo, huwag mo na intindihin ang isang to nagpapapansin lang iyan sa iyo, at ikaw Rico puntahan mo na si nanay sa loob may inuutos yata sa iyo." si Kuya.
"Oo na, sige bye Kuya Rico" ang paalam ko sa kanya.
"Bye baby boy" sagot niyang nakangiti pa rin. Hinintay ko muna silang makasakay ng tricycle bago bumalik ng bahay. Hindi pa ko tuluyang nakakapasok nang biglang isang pak na naman ang naramdaman ko.
"Ikaw talagang bata ka, kanina pa kita inuutusan, mas inuuna mo pa iyang pagtambay mo diyan" ang galit na sabi ng inay.
"Sorry na po nay, may long quiz kami mamaya, magdadala ulit ako ng mataas na score" ang pang-uuto ko sa kanya.
"Oo na, hugasan mo na lang yung mga plato sa lababo at linisin mo ang kwarto mo ha" si Inay. Nagtagumay na naman ako sa pagtanggal ng galit niya.
Nang makaalis na si nanay, inumpisahan ko nang gawin ang mga pinapagawa niya sa akin, at kumain siyempre, diyan ako expert e. Pagkatapos ay pumasok sa school.
Habang naglalakad ako sa corridor papunta sa room namin, napasimangot na naman ako nang makita ko ang grupo ng mga ungas, si Jason at ang mga kaibigan niya.
"Look, there is a pig" sabi nng ksaing kasama niya sabay turo sa akin. No choice ako kundi harapin sila dahil walang akong ibang dadaanan, di naman pwedeng umikot pa ako sa kabila. Lumapit sila sa akin.
"Musta na piggy boy!" si Jason sabay ngiti sa akin. Pero iniwasan ko siya ng tingin.
"Hello, may kausap ba ako" dagdag niya sabay tinignan ako sa mata.
"Pwede ba padaanin mo ako, malalate na ako eh, maghanap na lang kayo ng ibang pagtitripan"
"Tol pinagtitripan daw oh, maswerte ka nga sa kanya dahil sa lahat ng mga babae at baklang naglalaway sa kanya e ikaw lang ang pinapansin niya" ang sabat nung isa.
"Nagpapatawa ba kayo, baka naman minamalas" sagot ko.
"Aminin mo na kasi, na nagpapacute ka lang sa akin." si Jason.
"Hindi ah, saka hindi ka naman cute" sabi ko pero sa loob-loob ko totoo naman talaga nag sinasabi niya. Parehas lang sila ni Kuya Carlo nagkataon lang kay prince charming tumitibok ang aking puso.
"Nagdedeny ka pa sa akin piggy boy, aminin mo lang na type mo ako hindi na kita tutuksuin" si Jason. Alam ko naman na niloloko lang ako ng taong to.
"Unbelievable, at sasabihin ko sa iyo na hindi kita type, ang kapal naman ng mukha mo." sagot ko sa kanya.
"Uyyyyyyyyy!!!!!!" ang sigaw ng mga kasama niya.
"Magsitigil nga kayo at padaaanin niyo na nga ako baka malate na ako." ang inis kong sabi sa kanila.
"Tara na guys, nagpapakipot lang iyan, tignan lang natin" si Jayson. Napaisip naman ako sa huli niyang sinabi. Mabilis na ko naglakad papasok ng room.
Pagkatapos ng klase ay nagmadali akong umuwi ang dahilan siyempre ang makita ulit si Kuya Carlo. Pero nadismaya ako nang di ko siya nakita pagkauwi ko sa bahay. Nalaman ko na lang kay kuya na gagabihin sila dahil sa ginagawa nilang term paper. Nainis ako pero naiintindihan ko naman sila dahil graduating na.Sabado naman bukas at maghapon ko ulit siya makakasama.
Kinabukasan, maaga akong nagising hindi dahil sa aabangan ko ang paglabas ni kuya Carlo kundi ang sumama kay inay sa bahay nila para makasama siya. Tuwing weekends kasi nagsisideline ang nanay ko sa kanila.
"Ano anak sama ka ulit sa kabila" ang tanong sa akin ni Inay.
"Siyempre naman, boring kaya dito sa atin" ang sagot ko. Pero ang totoo na nasa utak ko ay gusto ko lang makasama si prince charming.
Pumunta na siya sa kabilang bahay at nag doorbell sa may gate. Pinagbuksan naman siya ni Tita Mely, ang aking magiging biyenan este nanay pala ng aking pantasya hehehehe. Pinapasok niya kami sa loob. Dumeretso na si nanay sa likod-bahay kung saan siya naglalaba samantalang ako naman ay naupo sa sofa habang hinihintay ang pagbaba ni Kuya Carlo. Makalipas ang mahigit 20 minuto nakita ko na siyang bumaba. Nabighani naman ako sa itsura niya. Kita ang pagkamakisig niya sa suot niyang white sando at boxer shorts. Hindi ko naman naiwasang sulyapan ang nakaumbok niyang pagkalalaki. Alam kong malaki iyon. "Kailan ko kaya matitikman iyon?" sabi ng malibog kong isip. Nang tumingin siya sa akin ngumiti siya.
"Goodmorning baby boy" si Kuya Carlo sabay upo sa tabi ko.
"Bakit ka ulit nandito? ang tanong niya sa akin. Sasabihin ko sanang "Siyempre gusto kita makita pero naisip ko na magsinungaling na lang baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.
"Sinamahan ko lang si nanay" ang sagot ko sa kanya.
"Ah ganun ba ang bait mo naman" papuri nya sa akin. Ang sarap ng feeling ng mga sinasabi niya.
"Siya nga pala tol mamaya may laro kami ng basketball mamaya sa barangay court kasama ang kuya mo. Nagkayayaan kasi ng pustahan e. Nood ka ha" si Kuya Carlo.
"Yes kuya basta ikaw" ang sabi ko. Hay parang mamamatay na ako sa kilig nito.
"Ang cute mo talaga! si Kuya Carlo sabay kuro sa pisngi at braso ko.
Matapos makapagtanghalian ay umalis na kami nina Kuya Carlo at kapatid ko papunta sa court. Dinaanan muna namin ang iba pa nilang ka team mate. Nang makarating na sa court, humiwalay na ako sa kanila at umupo sa gilid.
Na curious naman ako kung sino ang magiging kalaban nila kaya tinanong ko ang katabi kong babae kung sino ang kalaban nila.
"Miss sino ba makakalaban nila bakit hindi ko pa nakikita?" ang tanong ko sa babae.
"Ah kalaban nila yung team na nanalo sa paliga nung isang tao, nagpustahan lang naman sila" sagot nung babae. Bigla naman ako kinabahan sa sinabi niya. Alam kong sina Jayson ang tinutukoy niya.
"Ganun ba sige salamat." sagot ko. Agad ko namang nilapitan sina Kuya Carlo para sabihing galingan nila. Pero napahinto naman ako nang makita kong dumating na ang mga grupo ng ungas.
"Mga Pare, kumpleto na ba ang team niyo" si Jayson na tinatanong si kuya Carlo.
"Oo tol sige goodluck na lang sa atin" si Kuya Carlo saka nakipagkamay sa kanya. Nauna nang pumunta ang grupo nila Kuya Carlo sa gitna ng court. Si Jayson naman ay tumingin sa akin at nagsalita.
"Oi piggy boy, alam ko na siya ang gusto mo kaya naisip kong makipagpustahan sa kanya para makita ko kung may ibabatbat yan sa akin" si Jayson sabay turo sa direksyon ni Kuya Carlo. Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman pero hindi na iyon mahalaga. Sinigawan ko na lang sina Kuya Carlo na huwag silang magpapatalo.
Makalipas ng sampung minuto nag-umpisa na ang laban.
----------------------------------------
Part 4 - Pinoy M2M Stories
----------------------------------------
Umpisa pa lang ng game ay nagpakitang gilas na si Kuya Carlo. Sa tuwing makakashoot siya ng bola, napapansin kong tumitingin siya sa akin at ngumingiti na may kasamang kindat kaya sobrang kilig ko. Natapos ang first half na lamang ang grupo nila ng 5 puntos.Nagpahinga na ang grupo nila sa bench. Kita ko na pagod ang aking prince charming kaya to the rescue ako. Nilapitan ko siya, binigyan ng tubig at pinunasan ang katawang basang-basa ng pawis. Napatngin naman si kuya sa ginagawa ko sa kanya.
"Rico, ano ba yang ginagawa mo, daig mo pa ang babae" si kuya. Sasagot sana ako nang biglang nagsalita si Kuya Carlo.
"Tol relax lang, wala namang ginagawang masama si baby boy ko and besides nagugustohan ko nga ito parang nawawala na ang pagod ko." si Kuya Carlo sabay lingon sa akin at ngumiti. Hay parang lalagnatin na ako sa sobrang kilig.
"Bahala nga kayo diyan" si Kuya sabay pumunta sa CR.
Tuloy pa rin ako sa aking pagpupunas ng pawis ni Kuya Carlo nang biglang lumapit sa amin si Jason na parang hindi maganda ang mood.
"Jason, bakit nandito ka? Ah siguro i-cocongratulate mo na sina Kuya Carlo dahil alam mong matatalo na kayo" ang patutsada ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig at kinausap si Kuya Carlo.
"Tol, napakaswerte mo talaga" ang nasabi ni Jason. Nagtaka naman ako sa aking narinig.
"Anong ibig mong sabihin tol?" si Kuya Carlo. Tumingin naman sa akin si Jason at nagsalita.
"Ah wala, sige goodluck sa second half." si Jason sabay alis pabalik sa pwesto nila.
"Ano kaya ibig niyang sabihin, alam mo kahapon pa akong nahihiwagaan sa taong iyan. Bigla ba naman akong hinamon ng pustahan, kahit hindi ko alam ang dahilan pumayag na rin ako baka kasi isipin niyang duwag ako, at itong basketball ang napagdesisyunan naming paglabanan." sabi ni kuya Carlo.
"Huwag mo na ngang pansinin ang walang kwentang taong iyan, magfocus ka nalang sa laro kuya" sabi ko sa kanya.
"Tama ka baby boy, sige tama na yan mag-uumpisa na ang game, salamat nang marami" si Kuya Carlo. Bago siya tumayo, pinisil ulit niya ang aking pisngi. "Pangako, ipapanalo ko ito baby boy"
Nagsimula na ang second half. Lamang pa rin ang team nina Kuya Carlo pero nang mag last two minutes na parang bumabaliktad na ang sitwasyon. Biglang nag-init na si Jason, siya na ang halos gumagawa ng puntos dahilan upang makatabla ang kalaban. Halos maghiyawan na ang mga babaeng katabi ko palibhasa mas kilala si Jason sa aming lugar kaysa kay Kuya Carlo. Medyo kinakabahan na ako nang mga oras na iyon. Maya-maya humingi ang team nila ng time-out na sakto para malapitan siya.
"Kuya Carlo ayos ka lang ba, huwag kang susuko, kaya mo yan, tuparin mo ang pangako mo sa akin"
Hindi siya kaagad nakasagot sa akin dahil sa kanyang paghingal at panghihina pero nang makabuwelo saka siya nagsalita. "Alam ko iyan baby boy, halika nga ulit papisil ng pisngi mo" si Kuya Carlo.Agad ko namang nilapit ang aking mukha sa kanya.
"Hmmmmmm, kakagigil ka talaga, parang nagbalik na ang lakas ko, sige tapos na ang time-out" si Kuya Carlo na nakangiti sa akin. Hay ang sarap naman ng feeling na sa iyo kumukuha ng inspirasyon ang iyong crush.
Nang magpatuloy ang laro, pinalaki na ulit ng team nina Kuya Carlo ang kanilang lamang. Natapos ang laro nang manalo sila. Tuwang-tuwa akong lumapit sa kanya at wala sa sariling nayakap ko siya.
"Congratulations kuya Carlo ang galing mo talaga" natutuwa kong sabi sa kanya.
"Hoy, lumayo ka nga diyan, sinusumpong ka na naman ng kalandian mo" si Kuya. Kakainis, laging pumapasok sa eksena.
"Huwag ka namang magalit sa kapatid mo tol, alam mo bang siya ang dahilan ng pagkapanalo natin" si Kuya Carlo na nakatingin sa akin.
"Bahala ka nga diyan, lalo mo lang pinalalaki ang ulo niyan" si Kuya. Sasagot ulit sana si Kuya Carlo nang biglang lumapit sa amin si Jason.
"Buti nga sa iyo natalo kayo beh!!!" pang-iinsulto ko kay Jason. Kahit papaano nakakaganti ako sa mga pang-aasar niya sa akin. Pero parang wala ulit siyang narinig. Nakipagkamay siya kay Kuya Carlo.
"Congrats Tol, ang galing mo pala talaga kaya pala di nakapagtatakang maraming nagkakagusto sa iyo." si Jason at lingon sa akin. Nabigla naman ako sa mga sinabi niya, para kasing ako ang pinariringgan ng ungas na ito kasi sa akin siya nakatingin.
"Magaling ka rin Tol, sa totoo lang kahit mas matanda kami sa inyo ay nahirapan pa rin kami" si Kuya Carlo.
"Sige Tol, mauuna na kami, ang suwerte mo talaga" si Jason. "Ano ba ang sinasabi ng ungas na itong swerte daw?" tanong ko sa aking sarili.
Sumabay na ako sa team nilang umuwi. Base sa naririnig kong kwentuhan mahigit dalawang libo pala ang naging pustahan nila. Dahil sa pagkapanalo, nagyaya si Kuya Carlo ng isang maliit na selebrasyon.
Excited akong pumunta sa bahay nila nang gabing iyon. Sa katunayan, talagang nag-ayos at naglinis ako ng aking sarili. Nang makapasok na sa loob ng bahay, nakita ko ang mga ka team nila kasama si kuya na umiinom. Nagtaka naman ako dahil hindi ko nakikita si Kuya Carlo. Marahil napansin ni Kuya na parang may hinahanap ako kaya nagsalita siya.
"Wala ang kuya Carlo mo umalis lang saglit may sinundo lang" si Kuya kasama ang mga ka team nila. Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya kaya itinanggi kong hinahanap ko si Kuya Carlo.
"Hindi ko hinahanap si Kuya Carlo ano, saka huwag mo na nga akong intindihin" sagot ko sa kanya. Natatawa lang siya sa akin habang umiinom.
Halos isang oras na akong naghihintay na wala pa ring Kuya Carlo na dumating. Nakaramdam na ako nang pag-aalala sa kanya. Dahil wala naman akong ideya kung saan siya nagpunta kaya napagpasiyahan kong hintayin siya sa labas ng kanilang gate. Alas 10:00 ng gabi nang maaninag ko ang isang taxing parating. Nang huminto ito sa tapat, agad akong lumapit para alamin kung si Kuya Carlo na ito. Tama, siya nga ang lumabas.
"Kuya Carlo, saan ka galing, kanina pa ako naghihintay sa iyo" salubong ko sa kanya sabay niyakap ulit. Hay parang di ko kakayanin na hindi ko siya makita kahit ilang oras lang.
"Sino may sabi sa iyong hintayin mo ako , sige pasok ka na." sabi niya. Magsasalita ulit sana ako nang biglang may lumabas na isang babae sa taxi. May kagandahan siya at halatang mayaman. Agad naman itong humawak sa braso ni Kuya Carlo at hinila papasok sa loob ng bahay. Sumunod naman siya agad na parang wala ako sa paningin niya dahil hindi na niya ako pinansin.
Parang sinaksak ang puso ko ng maraming karayom sa sakit sa hindi magandang pagsagot niya sa akin lalo nang makita ko na may kasama siyang babae, pero binalewala ko muna ito at inintindi ko na lang ang sitwasyon. Baka lang pagod ang tao dahil na rin sa laro kanina. Nagpalipas muna ako ng limang minuto bago bumalik sa loob.
Nang makapasok na sa bahay nila, halos maluha na ako sa pagkabigla sa aking nakita. Si Kuya Carlo, katabi ang kasama niyang babae na naka-akbay at nakikipag-usap sa mga kaibigan nila ng kuya ko na umiinom. Hindi ko ito pinahalata at nakihalubilo ako sa kanila. Tulad ng ginagawa ko kanina sa laban, lumapit ako Kuya Carlo at niyakap siya. Pero nadismaya ako sa naging pagtugon niya.
"Ano ka ba Rico, umayos ka naman, masyado ka nang nagpapapansin ang landi mo!" ang naiirita niyang reaksyon sa ginawa ko. Kahit ganoon lang ang sinabi niya malakas ang naging impact noon sa akin, napahiya ako sa mga kasama nila at dahil doon mas lalong nasaktan ang damdamin ko. Sanay na akong sabihan ng kuya at inay ko ng malandi pero hindi ko matanggap na ang taong mahal ko ang magsasabi ng ganoon sa akin.Hindi lang iyan tinawag na niya ako sa totoo kong pangalan. Lumamig na ang kanyang pakikitungo. Naisip ko na baka girlfriend niya ang kasama kaya ganun na lang siya umasta. Marahil nahihiya siya sa ginagawa ko.
Tuluyan na akong naluha sa nangyari at agad nagtatakbong bumalik sa aming bahay. Naririnig ko naman ang pagtawag sa akin ni Kuya Carlo pero hindi ko na ito pinansin. Sa kwarto ko, nagpatuloy ako sa pag-iiyak. Kinabukasan, dahil sa sama ng loob, hindi ako lumabas ng bahay maghapon, iniiwasan ko rin kasing makita si Kuya Carlo. Kahit sino hindi ko kinakausap dahil sa kawalan ng mood.
Araw ng lunes, gumising ako na maga pa rin ang mata, at dahil sa nangyari noong isang gabi ay huminto na ako sa aking kahibangan ang ihinto ang ginagawa kong pag-aabang kay Kuya Carlo sa umaga. Kaya maaga ko nang nagagawa ang mga gawaing-bahay.
"Aba anak, himala ano ba ang nakain mo at bigla kang sumipag, tama yan para pumayat ka naman" si Inay.
"Wala inay, gusto ko lang magbago" ang wala sa sarili kong sagot sa kanya.
"Maganda yan anak para hindi na rin kita nahahataw, siyanga pala kilala mo na ba ang babaeng nakatira ngayon sa bahay ng Kuya Carlo mo?" si Inay.
"Nakatira?" sabi ng isip ko. Bakit ganito, mas lalo akong nasasaktan. Tama nga ang hinala ko na girlfriend niya ang babaeng iyon. Bagay naman sila, para silang mga prinsipe at prinsesa sa mga itsura nila.
"Bakit ka natahimik anak, ano iniisip mo?" ang nagtatakang tanong ni nanay sa akin.
"Ah wala inay, pakiusap lang po sana na huwag na natin siyang pag-usapan simula ngayon" sabi ko sa kanya habang nagwawalis na sala.
"Bakit anak may problema ka ba, pwede mong sabihin sa akin baka matulungan kita" si inay.
"Hindi pa ako handa e, hayaan niyo sasabihin ko rin ito sa inyo sa takdang panahon." sagot ko.
"Sige anak, basta tatandaan mo na nandito lang ako ha, oh pano yan aalis na ako" si inay. Kahit papaano natutuwa ako dahil sa pinapakitang pagmamahal ng aking ina.
Ilang minuto ang nakalipas ng magising na si kuya. Agad siyang lumapit sa akin.
"Ok ka lang tol?" ang tanong niya sa akin. Tumungo lang ako.
"Alam mo ang kuya Car" si kuya nang bigla ko akong nagsalita para putulin ang kung anumang sasabhin niya.
"Kuya, ayoko nang marinig ang pangalan niya please lang pwede" ang sagot ko sa kanya.
"Kung iyan ang gusto mo sige" si Kuya.
Maya-maya habang pinagpapatuloy ko ang paglilinis ay may narinig akong pagkatok sa pintuan. Bubuksan ko sana ito nang bigla akong nagtago sa likod ng aming sofa dahil narinig ko ang boses ni Kuya Carlo na tinatawag si Kuya. Saktong lumabas na ng kuwarto si kuya nang nakabihis kaya siya na ang nagbukas. Sinulyapan ko sila sa aking pinagtataguan habang nag-uusap sila sa pinto. Napansin kong medyo malungkot ang mukha ni Kuya Carlo at palingon-lingon sa paligid ng bahay. Hindi ko na ito binigyang pansin dahil nangngibabaw pa rin sa akin ang sakit ng ginawa niya. Makalipas ang limang minuto ay umalis na sila.
Magtatanghali na nang matapos ko ang lahat ng gawain. Kaya naghanda na ako sa pagpasok. Kahit nakaligo na ako, halata pa rin ang pamamaga at pamumula ng mata ko kaya nagsuot ako ng shades.
ITUTULOY...
If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send them at gaypinoystories@gmail.com.
We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.
Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.
Post a Comment