By Daredevil
Part 19Parehas kaming napatingin ni Jerome sa taong tumawag sa aking pangalan na si Kuya Carlo.
"Sige Jerome mauna na ako" ang nasabi ko na lang sa kanya.
Magkasabay kami ni Kuya Carlo sa pagpanik sa kanyang opisina. Habang nasa elevator ay wala kaming naging imikan. Nararamdaman kong nakatingin lang siya sa akin, waring naghihintay nang kung anong sasabihin ko. Pero ni isang salita ay wala akong masabi. Alam ko naman kasi ang lahat, hanggang sa makarating kami.
Buong umaga na iyon ay nakapokus lang ako sa trabaho, hindi nagsasalita o hindi man lang sumusulyap sa kanya. Hindi naman sa umiiwas ako pero ayoko lang makarinig pa ng kahit ano mula sa kanya. Parang hindi ko na siguro kakayanin pa ang kung anong ipapaliwanag niya.
Kung gaano ko ginagawang busy ang aking sarili ay siyang kabaliktaran ni Kuya Carlo. Nakaupo lang siya, Malinis ang mesa na halatang walang ginagawa, alam ko at nararamdaman ko rin nakatingin lang siya sa akin. Hanggang sa sumapit ang lunchbreak ay ganoon pa rin ang naging set-up namin.
Pansamantala ko munang iniwan ang aking ginagawa para kumain. Tumayo na ako at pormal na humarap sa kanya para magpaalam.
"Sir Carlo, baba na po ako" ang magalang kong pahayag. Nagtaka naman ako sa nakita kong itsura ng kanyang mukha. Ibang-iba siya, malungkot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"Sige Rico, mag-lunch ka na" ang nasabi lang niya sa akin.
Habang bumababa ako ng hagdan ay iniisip ko pa rin siya. Hindi ko mabatid kung ano ang nasa utak niya ngayon pero isa lang ang alam ko, ang kalungkutan niya. Naalala ko tuloy ang sinabi ng kanyang anak kanina bago ako pumasok. "Dad is waiting for you in the office and he is sad. Please make my daddy happy again Uncle Rico."
Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. Siguro hindi ko na rin maiiwasan pa ito dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa ngayon ay wala na itong saysay pa dahil wala nang pag-asang maging kami.
Tulad ng pinag-usapan ay sabay kaming kumain ni Jerome. Dating gawi, nag KFC kami. Sinimulan ko na ang pagsasalaysay ng mga mangyari habang kumakain kami.
"So ano na ang balak mo ngayon?" ang tanong niya matapos pakinggan ang mga sinabi ko.
"Ewan ko, hindi ko alam, siguro kailangan ko na rin talaga mag move-on." ang malungkot kong sagot.
"Ganun ba, ito lang ang masasabi ko sa iyo Rico, na nandito lang ako para sa iyo" ang sabi niya sa akin.
"Maraming salamat." ang sagot ko.
"Yan din ang bilin sa akin ni Jason" ang sunod niyang pahayag na bahagyang ikinagulat ko.
"Talaga, si Jason, nakakapag-usap pala kayo"
"Oo, mga 3 beses sa isang linggo thru chat sa internet. Sinabi ko sa kanya na boss natin si Sir Carlo. Alam mo, hanggang ngayon sinasabi niyang mahal ka pa rin niya pero wala nang magagawa kasi hindi na siya makakabalik pa dito sa bansa. Marami na silang inaasikaso ni Tita doon."
Sa sinabing iyon ni Jerome nalaman ko ang tunay na pagmamahal sa akin ni Jason, naalala ko tuloy ang mga panahon na magkasama kaming dalawa.
"Kung gusto mo minsan sama ka sa amin para makausap mo rin siya."
"Oo sige para makamusta ko rin siya" ang aking pagpayag. Kahit papaano naman ay namimiss ko rin siya.
Matapos ang isang oras na break ay bumalik na kami sa trabaho. Bago kami maghiwalay ay sinabi ni Jerome na madadalaw na niya ako sa bahay sa mga susunod na araw. Siguroi kailangan ko na ring baliin ang pangako ko kay Kuya Carlo dahil sa ginawa niya sa akin.
Walang Kuya Carlo akong nakita pagkabalik ko ng opisina. Pero hindi ko na ito binigyang pansin pa at umupo na ako sa aking mesa para ituloy ang trabaho. Makalipas ang kalahating oras ay bumalik na siya. Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang lumapit sa akin.
"Ang sweet niyo namang dalawa, ganyan ka na pala Rico"
"Anong ibig mong sabihin Sir?" ang agad kong tanong.
Tumayo siya sa harapan ko, malakas na tinukod ang mga kamay sa aking mesa. "Sinundan ko kayo kanina. Hindi ba may kasunduan tayong dalawa, baka nakakalimutan mo"
Tumingala ako para tignan siya at sumagot."Wala naman pong masama na magsabay kami sa lunch, at isa pa siguro hindi na kailangang ituloy pa nating ang kasunduan tutal...."
"na may anak ako ganun ba Rico" ang pagputol niya sa sinasabi ko na may kataasan ang tono ng boses.
Nagsisimula na namang tumulo ang aking mga luha pero pilit ko itong pinigilan para ipakita sa kanya ang aking katatagan. " Itigil mo na ang kahibangan mo sa akin sa halip ay ilaan mo na lang ang atensyon mo sa pamilya mo" sagot ko sa kanya.
"Hindi pwede, wala namang masama sa ginagawa ko"
"Wala, sigurado ka? nagpapatawa ka ba Sir Carlo."
"May dapat ba akong ikatuwa gayong hindi ako kaya tanggapin ng taong mahal ko"
Halos manlaki ang aking mga mata sa sobrang pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.
"A...a...anong sabi mo, pwede ba wag kang magbiro ng ganyan?" ang nasabi ko sa kanya.
"Mukha ba akong nagbibiro Rico, uulitin ko ang sinabi ko, mahal kita Rico. Totoo yun."
Napatayo na ako sa aking kinauupuan."Ano sa tingin mo ang magagawa ng pagmamahal na iyan sa akin kung totoo man iyon. Wala! Wala! Kaya ako kahit mahal din kita ay pipilitin kong mag move-on.
"Bahagya naman siyang natuwa sa sinabi ko. Bakit naman, wala namang pumipigil sa atin, mahal kita, at ngayong inamin mong mahal mo din ako ay maaari nang maging tayo."
"Parang ganoon lang kadali sa iyo ang lahat ng bagay. Oo, gusto ko maging tayo dahil noon pa ay hinihiling ko na iyon. Pero iba na ngayon."
"Ah ganoon pala ha" ang sagot niya. Bigla naman niyang hinatak ang braso ko. Isinandal niya ako sa pader. Nagkatitigan kaming dalawa mata sa mata.
"Puwes baka dito ay magbago na ang pananaw mo, at handang pakinggan ang mga pakiwanag ko. Sobrang sabik na akong gawin sa iyo ito." dagdag niya.
Unti-unting nilalapit niya ang kanyang mukha sa akin. Pero sa halip na umiwas ay hindi na ako nakakilos. Mayamaya pa ay nagdikit na ang aming mga labi.
Ang sarap sa pala sa pakiramdam na halikan ka ng mahal mo. Umabot ito ng halos isang minuto. Siya ang unang kumalas.
"Ano na?" ang tanong niya sa akin. Pero halos napipi ako. Wala akong nasabi.
"Speechless?" dagdag niya. Pinakita niya sa akin ang pamatay niyang ngiti.
Parang naguluhan ang utak ko. "Hindi, hindi ito maaari. Mali ito, mali."sagot ko. Pwersahan ko siyang itinulak at mabilis na tumakbo palabas ng opisina. Agad akong pumunta ng CR.
Sa loob, hinawakan ko ang aking mga labi, habang nakatingin sa salamin. Napapangiti ako sa nangyari. Sa wakas sa loob, ng mahabang panahon ay natikman ko na ang halik ng aking pantasya.
---------------------------------------------
Part 20 - Pinoy Gay Site
---------------------------------------------
Hindi na ako makapagconcentrate sa aking trabaho pagkabalik ko galing ng CR. Paulit-ulit na pumapasok sa aking utak ang nangyari kanina, ang insidenteng halikan namin ni Kuya Carlo.Dagdagan pa ng ginagawa niyang pagtitig sa akin.
Sa isip-isip ko, parang hindi nangangawit ang kanyang panga sa kakangiti sa akin, tapos yung mga mata niya ay nasa iisang direksyon lang. Pero hindi ko maitatanggi na lalong lumalabas ang kanyang kagwapuhan sa kanyang ginagawa at nagugustuhan ko iyon.
Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian.
Nag-aayos na ako ng papeles sa aking mesa nang lumapit siya sa akin. "Rico, tara sama ka sa akin, dinner tayo sa labas treat ko." ang masayang pagyaya niya sa akin. Pumayag naman ako sa gusto niya.
"Saan ba tayo pupunta, and dami na nating nilampasang mga fastfood chain ah!" ang bigla kong nasambit sa kanya habang nagmamaneho. Pero tinignan lang niya ako at ngumiti.
Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng pamimigat ng mata, dahil na rin siguro sa maghapong pagtatrabaho ay inaantok ako. Napagpasiyahan kong umiglip muna.
Nagising na lang ako sa isang kalabit. Pagmulat ko ng aking mga mata, ang imahe ni Kuya Carlo ang nasilayan ko. Napakalapit ng kanyang mukha sa akin."Pasensya na nakatulog ako" ang nasabi ko sa kanya.
"Ok lang. Tara baba na tayo." ang sagot niya sa akin.
Ngunit laking gulat ko nang tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na lugar.
"Nasaan tayo at saka wala namang kainan dito ah" ang nagtataka kong tanong sa kanya.
"Huwag ka nang maraming tanong tara pasok na tayo." Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa isang bahay. Siya ang kumatok sa pinto.
Nabigla naman ako sa taong nagbukas ng pinto. "Kuya!" ang nasabi ko sa kanya.
"Hello kapatid kamusta na? Halika pasok na kayo nakahanda na ang hapunan."ang sagot niya.
Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang aking kuya sa hindi inaasahang pagkakataon. Ibig sabihin nito ay nasa Maynila ako.Ganoon ba kalaki ang sweldo niya dito sa Maynila para makapagpundar siya ng sariling bahay dito.
Agad kaming dumako sa mesa. Tumambad sa aking harapan ang ilang putaheng niluto niya tulad ng sinigang na baboy at kare-kare. Kahit papaano ay may alam din siya sa pagluluto. Naturuan kasi ni nanay.
"Sa wakas!" ang masayang sigaw ng aking kuya habang kumakain kami.
"Oo, at napakasaya ko" sunod na sagot ni kuya Carlo. Tinignan ko silang dalawa na nagtatanong ng kahulugan sa kanilang mga ipinahayag.
"Alam mo Rico, ang swerte mo isang tulad ni Carlo ang nagmamahal sa iyo kaya kung ako sa iyo bro, naku hindi ko na siya papakawalan. Sobrang bait ng taong iyan, tinutulungan niya ako. Biruin mo siya angbumili ng bahayna ito para may matirahan ako. Hindi talaga ako nagkamaling maging kaibigan siya. Wala akong pagsisi sa desisyon kong sa kanya humingi ng tulong noong mga panahon na nasa ospital si nanay. " si kuya na tila may pagbibiro ang tono ng boses.
"Ano ang sinasabi mo kuya, hindi..." mangangatwiran sana ako nang biglang takpan ng hintuturo ni Kuya Carlo ang aking bibig.
"Hindi mo pa ako napapatawad o hindi mo matanggap na may anak na ako, iyon ba ang gusto mong sabihin?" tanong ni kuya Carlo sa akin.
"Pwede ba Rico, itigil mo na ang pag-iinarte mo. E ano naman kung may anak na siya, wala naman siyang asawa kaya wala na hahadlang sa pagsasama ninyong dalawa. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaanak siya" si Kuya.
Napatingin naman ako kay Kuya Carlo sa sinabing iyon ni kuya. Nakangiti siya sa akin. "Wala ka pang asawa, e papaano nangyaring nagkaanak ka saka ano naman ang kinalaman ko doon?" tanong ko sa kanya.
"Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito pero hindi mo ako pinapakinggan. Ganito kasi iyon, sabihin na lang natin na nangungulila ako sa pagmamahal sa iyo.Simula nang pumanaw ang Dad ko ay nalungkot ako, dagdagan pa ng galit mo sa akin at ang pagkakamabutihan ninyo ni Jason. Hanggang sa umalis ako ng Pilipinas, na hindi man lang tayo nagkakaayos. Naging abala ako sa pag-aasikaso sa mga naiwan ni Dad pati na rin sa pag-aaral sa pagpapalakad ng pinamana niya sa aking negosyo. Pero hindi ako masaya dahil, iniisip kita. Kaya naghanap ako ng malilibangan. At ito ay ang pumunta sa ibat-ibang bar. Doon marami akong nakilalang babae at karamihan sa kanila ay dinadala ko sa aking bahay at nagsesex kami. Paraan ko na rin iyon para mairaos ko ang sarili. Naging maingat naman ako pero isa sa kanila ang aking nabuntis."
"Nang malaman ko ito ay nagimbal ako, hindi ko agad natanggap. Iniisip ko kasi ang maaaring mangyari, isa na riyan ang lalong pagtindi ng galit mo sa akin na maging dahilan upang hindi mo na ako tuluyang matanggap pagbalik ko dito. Inamin sa akin nang nabuntis ko na mahal niya ako, na magpakasal kami dahil sa bata pero tumutol ako. Deretsahan kong sinabi sa kanyang hindi ko ito masusuklian dahil may mahal na akong iba. Pero nangako naman ako na susuportahan ko ang magiging anak namin. Isang taong gulang si Angel nang ibigay siya sa akin ng kanyang nanay, hindi daw matanggap ng mga magulang niya ang nangyari. Buong-buo kong tinanggap ito. Inalagaan ko si Angel. Pagkabalik ko dito ng Pilipinas ay kasama ko siya." ang mahabang paliwanag ni Kuya Carlo.
Hinawakan niya ang aking mga kamay nang mahigpit. "Alam ito lahat ng kuya mo, lingid sa kaalaman mo na madalas kaming nag-uusap niyan thru internet at cellphone hanggang sa lumuwas siya dito sa Maynila." dugtong niya sabay tingin kay kuya.
Uminom muna si Kuya ng tubig bago sumagot. "Totoo iyon Rico. Alam mo bang bata ka pa lang ay nahuhumaling na siya sa iyo tulad ng pagpapantasiya mo sa kanya. Halos araw-araw tuwing magsasabay kami ay palagi ka naming pinag-uusapan. Minsan nga may sinabi yan sa akin, ipinapaalam ka niya sa akin na pagtanda mo ay kukunin ka niya, aalagaan at magsasama kayo. Akala ko nga nagbibiro lang siya dahil madaming mga babae ang nagkakagusto sa kanya. Pero talagang pinanindigan niya ang nararamdamang love para sa iyo. Nung mga panahong wala siya ay palagi ka niyang kinakamusta at tinatanong sa akin niyan, natural ssabihin ko sa kanya ang mga nangyayari sa iyo. Ang relasyon ninyo ni Jason ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya."
Isang napakahabang paliwanag na minsan ay hindi ko pinakinggan ang nagpalinaw sa akin ng lahat. Ngayon napatunayan ko na totoo ang pagmamahal sa akin ni Kuya Carlo. Hindi ko maiwasang maluha, marahil sa nararamdaman kong kasiyahan. Speechless ako nang mga oras na iyon.
Pinahid ang aking luha ni Kuya Carlo gamit ang kanyang mga daliri." Tandaan mo Rico, I love you very much."
"I love you too Kuya Carlo" ang sagot ko sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na akong umiyak dulot ng aking emosyon. Napayakap ako sa kanya, hindi alintana ang nakatingin kong kapatid sa amin.
"Ooooooops" tama na muna ang drama, tapusin muna ang pagkain." ang biglang pagsingit ni kuya. Kumalas kaming dalawa mula sa pagkakayakap at sabay na nagtawanan.
"Handa na ang kwartong tutulugan niyong dalawa ngayong gabi" ang pahayag ni kuya sa amin.
"Ano ang ibig mong sabihin kuya, matutulog kami sa iisang kwarto?" ang agad kong tanong sa sinabi niya.
Si Kuya Carlo ang sumagot. "Oo at maghanda ka na mamaya."
"Ha?" ang sagot ko.Bigla naman akong kinabahan."Ano kaya ang ibig niyang sabihin na maghanda ako?" ang tanong ko sa aking sarili.
"Dahan-dahan lang tol ha" ang may panunuksong pahayag ng aking kuya.
"Siyempre naman. Excited na ako" ang masayang sagot ni Kuya Carlo sabay tingin sa akin.
Parang natutunugan ko na ang mangyayari. "eh ano ahmm siguro sa sala na lang ako matutulog kung wala nang extrang kwarto kuya" ang nasabi ko na lang.
"NO!" ang malakas na boses na pagtutol ni Kuya Carlo. "We will sleep together tonight sa ayaw mo't sa gusto. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito"
"Sige na Rico, masasarapan ka naman" ang panunukso muli ni Kuya.
"Ikaw talaga kuya ah ang libog mo naman." ang mahiya-hiyang sagot ko sa kanya. Wala na akong nagawa kundi pumayag.
Matapos kumain ay iniligpit na ni kuya ang mga pinagkainan. Maya-maya ay niyaya muna niya si Kuya Carlo na mag-inuman silang dalawa sa may terrace. Ako naman ay naunang nagtungo sa sinasabing kwarto ni kuya para makapagpahinga.
Habang nakahiga ako ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang galak ang nararamdaman ng aking puso at isip. "Mahal din ako ng aking pantasya, I love you so much Kuya Carlo" ang naibulalas ko sa aking sarili. Hanggang sa makaramdam ako ng antok at tuluyang makatulog.
Hindi ko alam kung ilang minuto na rin ako sa ganoong sitwasyon nang may maramdaman akong paggalaw ng kama, may humiga sa aking tabi at yumakap sa akin. Tuluyan na akong nagising at mistulang naglaho ang nararamdaman kong antok.
If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send your stories at gaypinoystories@gmail.com.
We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.
Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.
Post a Comment