By Daredevil
Part 9"Pat, let me explain." pagmamakaawa ko sa kanya.
" Ito ba Dave, pinagpalit mo na ako sa kanya, kaya pala umalis agad kayo sa amin at di mo ko magawang isama dahil sa kanila ka pala nakatira" si Pat na galit na galit.
" Hindi naman sa gano..." pagpapaliwanag ko sana nang magsalita siya ulit.
" Huwag muna ngayon, hayaan mo muna ako mag-isa, sasabihin ko na lang sayo kung kailan mo na ko pwede kausapin." si Pat sabay walk-out.
Habang nasa kotse pauwi sa amin di ko mapigilan ang maluha dahil na sangyari. Masakit dahil ito na yata ang simula ng pagkasira ng halos tatlong taong pagkakaibigan namin ni Pat.
" Umiiyak ka?" tanong ni Jake.
" Ah, hindi tumatawa ako oh." pagtanggi ko sa kanya.
" Alam ko may problema ka, yung tungkol ba kanina right?" si Jake.
" Di na lingid sa akin na may pagtingin siya sayo, gusto mo kausapin ko siya?" dagdag niya.
" Wag na baka lalo pang gumulo ang sitwasyon." sabi ko.
" Dont worry, ako ang bahala kaya itigil mo na yang drama mo ayaw kong nakakakita ng ganyan parang di ka lalaki niyan, ay oo nga di ka pala lalaki." si Jake sabay ngiti.
Hindi ko na pinansin ang pang-iinsulto niya dahil sa dami ng iniisip ko. Nang maka-uwi na kami ng bahay, kumain kami ng hapunan at nag-aral. Habang nagsasagot ulit ako ng mga exercises.....
" Dave, bukas ng uwian pupunta ako ng classroom niyo, kakausapin ko si Pat." si Jake.
" Alam ko nag-aalinlangan ka, basta trust me ok, sige na tapusin mo na yan." dugtong niya.
Kinabukasan, pagkatapos agad ng klase , biglang nagsigawan na naman ang estudyante dahil sa pagsulpot ni Jake sa classroom namin. Nakita ito ni Pat na iiwas din sana at di pagkikibo sa akin buong araw pero agad siyang nilapitan nito at binulungan.
" Patrick, usap tayo sa may parking lot ngayon ha"
Parang nag-aalinlangan pa ang mukhang nakita ko kay Pat at dahil sa di ko narinig ang binulong ni Jake, nagpasiya akong sundan na lang sila. Sa parking lot pala sila mag-uusap. Hindi ako makatiis kaya pinakinggan ko ang pag-uusapan nila.Habang pareho silang nakasandal sa kotse ni Jake......
" Buti naman at nakapunta ka. Alam ko ang nararamdaman mo para kay Dave. Huwag kang mag-alala, walang namamagitan sa amin. Huwag kang magalit kay Dave, di niya alam na ang magbestfriend ang mga tatay namin. Tinulungan lang ni Papa ang ama niya dahil sa utang na loob. Tapos yung tutorial namin, tulong ko lang iyon sa kanya para mapabuti ang pag-aaral niya. Hanggang doon lang yon." Pagpaliwanang ni Jake.
" Naiintindihan ko, hidi ko rin kasi maiwasan ang magalit sa nakita ko, mahal na mahal ko kasi si Dave e.Alam mo naman na may gusto siya sayo di ba. Sana nga nagpalit na lang tayo ng katauhan. Hindi ko alam kung anong mayroon ka na wala ako. Matagal na kaming magkaibigan pero kahit anong panunuyong gawin ko sa kanya, talagang di niya kayang tapatan ang binibigay kong pagmamahal."
" Wala ka dapat ipagselos, kilala mo naman ako di ba, hindi ako interesado sa mga gays. Sige para mabura na yang pag-aalinlangan mo, bumisita ka na lang sa bahay namin para lagi mo nang masubaybayan si Dave."
Bigla lungkot ko naman sa narinig ko kay Jake.Wala pala siyang nararamdaman sa akin, masyado kasi akong assuming sa pinakita niyang kabaitan. Akala ko nadedevelop na siya. Pero sa kabilang banda natuwa na rin ako na sa wakas wala na kong lihim na maitatago sa bestfriend ko lalo na sa nakita kong contentment sa mukha niya habang nag-uusap sila ni Jake.
Nang mga sumunod na araw, madalas na bumibisita si Pat sa bahay, minsan kasama niya si Erika. Sumasabay rin siya sa pag-uwi namin. Kapag nasa bahay siya, napupuna ko ang pag-iwas at paglayo ni Jake. Inisip ko na lang na iyon ang paraan niya para mas maging malapit kami ni Pat. Sa school naman, tulad pa rin ng dati, sumasabay siya sa akin pag recess, at nanglilibre ng pagkain. Masaya ako dahil masaya rin ang bestfriend ko.
Pagkaraan ng anim na buwan, dahil na rin sa tulong ng tutorial namin ni Jake, sa wakas makaka graduate na ako. Isang araw sa canteen pagkatapos ng graduation rehearsals, nag usap-usap kaming tatlo.
" Ano ba ang kukinin mong kurso sa kolehiyo, Dave," tanong ni Pat.
" Sa totoo lang hindi ko pa alam" sabi kong medyo malungkot.
" I know, gagayahin mo ang kurso pati ang papasukang university ni Jake." si Erika.
" Hindi noh, di ko naman ka level ang utak niya" pagtanggi ko pero sa totoo lang dahil sa ayaw ko siyang malayo sa akin ay napag-isipan ko na rin ang bagay na yun.
" Alam mo bestfriend, sundin mo lang ang nasa puso't isipan mo. Dapat piliin mo kung saan ka magiging masaya di dahil sa dinidikta ng mga taong nasa paligid mo." si Pat.
" Tama ka best, salamat." pagpapasalamat ko.
" Ikaw naman Erika, anong gusto mong kurso sa college?" tanong ko.
" Ako, tourism kukunin ko, ikaw naman Pat?" sagot ni Erika sabay tanong kay Pat.
" Naisip ko na mag culinary dahil sa idol ko ang ama ni Dave"
" Ha, sigurado ka?" tanong ko.
" Oo, para na rin matuto ako ng maraming lutuin." si Pat.
Alam kong ako ang isa pa sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Pat na kunin ang ganuong kurso. Naisip ko na suportahan na lang siya sa kung anong gusto niya.
Tatlong araw bago ang graduation, sinabi na ng admin ng school ang magiging valedictorian. Siyempre si Jake yun. Kaya sa bahay......
" Cheers" sabi ni Tito Eddie sabay taas ng aming mga baso habang naghahapunan bilang celebration kay Jake.
" Dave, napag- isipan mo na ba ang kursong kukunin mo sa college at kung saan ka mag-aaral? tanong ni Tatay sa akin habang kumakain.
" Oo nga pala Dave kasi tong si Jake baka medicine ang kukunin niya e." si Tita.
" Ah eh nursing po sana" ang agad kong naisip na sagot dahil sa kukuning kurso ni Jake.
" Maganda yan anak hayaan mong tutulungan ka ni Jake sa review mo para pumasa ka sa entrance exam. Dun ka sa rin Philippine State University mag take ng exam para parehas kayo ng school." si Tito Eddie.
Bago matulog, naisipan kong bumaba para uminom ng gatas. Nang pumunta na ako ng kusina, nakita ko si Jake na nakaupo at kumakain.
" Dave, bakit nursing ang napili mo, parang di bagay sa level ng utak mo. Alam ko gusto mo lang akong sundan e." si Jake sabay subo ng pagkain.
" Nursing talaga gusto ko saka masama bang sundan kita." defensive kong sagot. Alam ko na kasi ang ibig niyang sabihin.
" Hindi pa naman sure kung yun nga. Second option ko kasi yung law. Pero wala namang problema sa akin yun kahit saang university o anong course kunin mo wala akong pakialam. Susuportahan kita sa kung ano ang gusto mo." sabi ni Jake na sobrang ikinatuwa ko.
Dumating na ang araw ng graduation. Pumunta na kami sa kani-kanilang mga upuan. Nagsimula ito sa pamamagitan ng dasal, pagkanta ng pambansang awit, himno ng school, mga walang kwentang talumpati ng principal at iba pang personalidad. Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay ko ang mensahe ng school valedictorian namin si Jake. Tinawag na siya sa stage para ibigay ang kanyang ginawang speech.
Nagsimula na akong makinig sa kanyang mga sasabihin. Maya-maya, nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa kanyang mga aksyon habang nagsasalita. Nabigla sa mga narinig ko sa kanya na naging dahilan para maghiyawan ang madla. Napatingin naman sa akin sina Erika, tatay, mga magulang ni Jake at Pat.
------------------------------------------
Part 10 - Pinoy M2M Stories
------------------------------------------
" Bago ang lahat, congratulations sa ating lahat. Natapos na ang ating apat na taon paghihirap sa high school, tulad ng mga mahihirap na exams, quizzes, projects, assignments, at recitation. Maswerte dahil binigyan tayo ng pagkakataon para makagraduate samantalang mayroon naman tayong mga kaibigan na hindi pinalad ngayong taon. Alam naman natin na hindi tayo pare-pareho sa ilang mga bagay. Tulad ko, hindi sa pagyayabang pero masasabi ko at ayon na rin sa iba na pinagkaloob sa akin ang lahat. Ang aking itsura, talino at yaman na naging dahilan para maging popular ako sa paaralang ito. Aaminin ko na ang mga ito ang naging dahilan upang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Alam ko na maraming gustong makipagkaibigan sa akin at walang naglalakas loob na lumapit man lang marahil ay natatakot, nahihiya o ayaw mapahiya sa mga maari kong sabihin sa kanila. Inisip ko kasi na dapat mga kaparehong level ko lang ang dapat kong samahan. Ang babaw ko di ba? (sabay ngiti). Sa loob ng tatlong taon lagi akong ganito. Narealize ko lang ang lahat ngayong 4th year na ako dahil sa isang tao. Nabago ang aking mga maling pananaw dahil sa kanya. Nung una ko siyang nakita naalala ko sa canteen, habang kumakain sila ng isa niyang kaklase, aaminin kong sa isip ko nahusgahan ko agad ang kanyang pagkatao at nang marinig ko ang pagkagusto niya sa akin, nakaramdam ako ng pagkailang, pandidiri at pagyayabang sa kanya kaya sa isa na namang pagkakataon, naging mapanghusga na naman ako. Alam ko, nasaktan ang damdamin niya di lang dahil sa akin kundi sa kahihiyan. Pagkaraan ng ilang linggo, naging mapagbiro ang tadhana sa akin kasi ang taong ito ay kasama ko sa iisang bahay hanggang sa kasalukuyan dahil sa isang di inaasahang pangyayari. Oo, nakatira kami sa iisang bubong. Dito, nag-iba ang ikot ng mundo ko. Sa una harap-harapang iniinsulto ko siya at kinakahiya. Masyado ko nang minaliit ang pagkatao niya. Alam kong masyado na siyang nasasaktan sa akin pero natitiis niya ito siguro dahil sa may nararamdaman siya sa akin. At dito ako naging bilib sa kanya. Minahal na rin siya ng aking mga magulang at tinuring na sariling anak. Hindi na lingid sa inyong kaalaman na nag-iisa akong anak dahil sa namatay ang aking kapatid. Siguro dahil sa nakikita nilang pagkailang ko sa kanya ay naisip nila na pagtabihin kami ng kwarto, magsabay sa pagpasok at pag-uwi at tulungan sa kanyang pag-aaral. Napilitan lang ako sa totoo lang dahil sa mga parusang ipapataw sa akin. Tiniis ko itong lahat ang araw-araw na puyatan at kunsumisyon maturuan lang siya. Nagbunga naman ito ng maganda dahil nag-improve kahit papaano ang mga grades niya. Ewan ko, nakaramdam ako ng saya lalo na nang magpasalamat siya sa akin. Kita ko sa kanya yung kakaibang ngiti. Korni ano? heheheh, pero alam niyo dahil dito natutunan ko na sa halip na laitin, husgahan at maliitin ang ating kapwa, tulungan na lang natin sila sa ikauunlad ng kanilang mga kakayahan." si Jake na nagbibigay ng mensahe.
Nabigla ako sa kanyang binigay na mensahe kasi alam ko na ako ang tinutukoy niya. At mas lalo kong kinagulat nang......
"Bago ko tapusin ang aking talumpati, nais kong ipakilala ang taong tinutukoy ko na nagpabago sa aking pagkatao. Sa kahuli-hulihang araw bilang high school student nais kong malaman niyong lahat na ang taong ito ay si John David Rodriguez.(sabay turo sa direksyon kung saan ako nakaupo, ngumiti at kinindatan ako)Maraming salamat po at magandang umaga sa ating lahat." si Jake sabay baba ng stage.
Sa sinabing ito ni Jake, nakaramdam ako ng hiya dahil sa hiyawan at tinginan sa akin ng mga tao. Maraming nagsasabi na "Dave congrats", "Dave ang swerte mo naman", "Dave kakainggit ka" at kung anu-ano pa. Nang sipatin ko sina Tito,tita ,tatay at Erika nakatingin lang sila sa akin at kita ko sa kanila ang saya maliban lang kay Pat na nagtatanong ang mga titig.
Sa kabilang banda, di ko ineexpect na sasabihin niya ang lahat ng ito. Lalo na ang pagpapakilala niya sa akin. Minabuti kong mamaya ko na lang siya kausapin kung bakit niya ginawa ito.
Natapos ng maayos ang program. Sa labas ng auditorium ng school, halos dumugin ako ng mga tao para lang magpapicture. Kahit papaano pinagbigyan ko lang sila. Ganun din kay Jake. Maya-maya bigla na lang ako nakarinig ng mga request na magpapicture kami ni Jake, sabay hila sa akin ni Tita para lumapit sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa, akala ko di siya papayag pero kabaliktaran ang nangyari. Inakbayan niya ako palapit sa kanya at sinabing....
" Tara na papicture na tayo, nahihiya ka pa." si Jake habang nakangiti lang.
Nang matapos ang pagkuha ng picture agad kong hinanap si Pat, alam ko na marami akong dapat ipaliwanang sa kanya sa mga kakaibang nangyari ngayong araw. Pero di ko na siya nakita, sinabi na lang ni Erika na umalis agad ito dahil may aasikasuhing mahalaga.
Kinagabihan sa bahay, nagkaroon ng salu-salo ang pamilya. Tinutulungan ko si Tita sa pag entertain sa mga bisita nang di sinasadyang narinig ko ang pinag-uusapan nina Jake at kanyang barkada.
"Nice pare, ano bang ginayuma sa iyo ng baklang iyon para sabihin kanina ang mga bagay na iyon" sabi nung isa.
"Oo nga, hindi bagay sayo masyadong madrama, wag mong sabihing miyembro ka na ng pederasyon" sabi nung isa pa sabay tawanan.
"Asa tol hindi maaari iyon, sinabi ko lang naman kung ano ang totoo pero hanggang dun lang iyon. Wala akong nararamdaman sa kanya." si Jake habang umiinom.
May kirot ulit sa puso ko sa mga narinig kong sagot niya. Pero wala na akong magagawa kundi tanggapin ito. Narinig ko pa sa usapan nila na iba-iba pala sila ng pag-aaralang university kaya madalang na lang sila magbobonding. Naisipan ko nang bumalik sa loob nang biglang magring ang phone ko.
"O Best ikaw pala, bakit wala ka pa dito?" tanong ko sa tumawag.
"Hindi na ako makakadalo dyan. Ikaw na lang ang pumunta sa amin, may sasabihin akong mahalaga sayo." si Pat na halatang may problema sa tono ng boses.
"Ah sige ngayon na ba yan pupunta na ako." sagot ko.
"Oo ngayon na" si Pat sabay putol ng linya.
Nang makarating ako sa bahay nila, nakita ko agad si Pat sa labas pa lang ng gate nila na halatang hinihintay ako.
"Mayroon din pala kayong salo-salo sa inyo, teka bakit nandito ka." tanong ko.
"Halika dun tayo MOA sa may by the bay." yaya niya sa akin.
Hindi na ako nakatanggi dahil hinila niya agad ako sa loob ng sasakyan niyang nakaparada lang sa labas. Nang makarating na kami, umupo kami sa mga upuan doon at nagsimula na siyang magsalita.
"Best siguro panahon na para isuko ko na ang pagmamahal ko sa iyo. Alam mo sobra na akong nasasaktan sa mga nangyayari, di ko pa rin maiwasang magselos sa inyo ni Jake kahit pang sabihin niya na walang siyang nararamdaman sa iyo. Kaya napagdesisyunan ko nang lumayo muna. Doon ko na ipagpapatuloy sa America ang pag-aaral ko. Makakatulong iyon sa akin para makapag move-on." naiiyak na sabi ni Pat.
"Hindi mo to kailangang gawin, di ba magbestfriend tayo, bakit mo ako iiwan?" sabi kong naluluha na rin.
"Huwag kang mag-aalala regular pa naman tayong makakapag-usap sa pamamagitan ng internet." medyo nakangiti na niyang tugon ngunit halata pa rin ang lungkot niya.
"Hindi ko alam pero sobrang malulungkot ako, kailangan mo ba talagang gawin ito?" tanong ko ulit.
"Oo, kasi mas lalo pa akong masasaktan kung itutuloy ko pa ang ginagawa ko sa iyo e.Pero hindi naman ako totally na lalayo sa iyo, bestfriends pa rin naman tayo. Bibisita ako dito tuwing bakasyon at promise ko sa iyo na ikaw ang una kong dadalawin." si Pat.
"Kahit masakit sa loob ko, tatanggapin ko na lang ang desisyon mo ingat ka doon ha. Kailan nga pala ang alis mo?
"Sa makalawa na, nakahanda na kasi ang passport namin." sagot niya.
"Tutal aalis naman na ako pwede bang pagbigyan mo na ang request ko na mayakap kita?" dagdag niya.
"Sige gawin mo na ang gusto mo." pagpayag ko sa kauna-unahang pagkakataon nang bukal sa loob.
Niyakap niya ako ng mahigpit sabay naramdaman ko ang mainit na luha niya sa aking balikat. Buti na lang at di gaanong matao sa lugar na iyon. Sinabihan niya ako na mag-ingat, goodluck sa college at pati na rin sa mga updates sa mangyayari sa amin ni Jake at pababantayan niya ako kay Erika. Kakalungkot talaga na humantong pa sa ganitong sitwasyon ang pagkakaibigan namin pero pipilitin kong maging masaya.
Itutuloy.....................
If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send your stories at gaypinoystories@gmail.com.
We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.
Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.
Post a Comment