Halik ng Pag-Ibig Part 5-6 | Pinoy Gay Stories

By Daredevil

Part 5

"Simula bukas mga 7pm mag-aaral ka na, at ako ang magiging tutor mo." sabi ni Jake na halatang napilitan.

"Alam mo naman na hindi ko to gusto, kaya dapat matuto kang makisama ha, di ko alam kung anong gayuma ang pinakain mo sa mga magulang ko para bigyan ka nila ng special na atensyon." dagdag niya.

"S....sure, promise di ako papalpak, yan may tutor na ko weeeeeee" sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganoon, magkakasundo tayo, sige tulog na ako" si Jake sabay labas ng kwarto ko.

Tila nakakadama ako ng kaligayahan sa nangyari at sa mga mangyayari. Biruin mo isang adonis na nagmula sa langit bumaba dito sa lupa para tumulong sa iyo.Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti.

Kinabukasan, bago kami umalis para pumasok, inulit muli ni Tita kay Jake ang mga sinabi niya kagabi. Wala namang nagawa ang isa kundi sumunod. Sabay pa rin kami sa pagpasok. Pero may napansin ako sa kanya habang naglalakad kami.Dati kapag lumapit ako sa kanya, pinapalayo niya ako pinapadistansya, ngayon wala na siyang imik kapag lumalapit ako sa kanya. Halos magdikit na ang katawan namin na parang balewala na sa kanya. Medyo nasiyahan ulit ako dahil pakiramdam ko, nababawasan na ang galit niya sa akin. Iyon nga ba talaga ang dahilan????

Habang papasok na ako sa room di ko maiwasan ang mapangiti dahil sa excitement sa mangyayari mamaya. Napuna ito ng bestfriend kong si Pat.

"Aba, mukhang masaya ngayon itong maha... este bestfriend ko ah ano ba yan ha? Si Pat sabay upo sa tabi ko at akbay sa akin.

"Wala tungkol lang ito kay Tatay. Nakahanap na kasi siya ng magpapautang sa kanya para sa puhunan sa itatayong negosyo namin." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Ayos yan, oo nga pala best, ilang buwan na rin ah ang bilis mong mawala pag-uwian parang lagi kang nagmamadali tapos hanggang ngayon di mo pa rin kami sinasama ni Erika sa bahay tinitirhan mo, parang nakakatampo naman yan eh, parang binabalewala mo na ang pagkakaibigan natin pati na ako." ang mahabang pahayag ni Pat.

"Hindi naman ano ka ba, umiiral na naman yang kadramahan at kakornihan mo eh, basta naghihintay lang kasi ako ng tiyempo, intay lang best" paninigurado ko sa kanya.

"Ok sige sabi mo eh maghihintay na lang kami" sagot niya.

Wala ako sa concentration sa mga tinuturo ng mga guro namin habang nagkaklase. Naiimagine ko ang mga bagay na posibleng mangyari simula mamaya. Kaming dalawa lang sa kwarto, tuturuan niya ako, matagal ko pang masisilayan ang kanyang mala anghel na mukha, ang magandang katawan, at ang boses niya na tila musika sa aking pandinig. Tapos pag ginabi kami, makakatulog siya sa kwarto at presto matsatsansingan ko na siya.

"Ay teka ano ba yung huling naisip ko, ano ba tong utak ko mahina na nga madumi pa puro libog ang laman. Basta mamaya aayusin ko ang sarili ko para maging kaaya-aya sa paningin niya. Ayaw kong madisappoint siya sa akin." sabi ko sa aking sarili.

Pagkatapos ng klase, tulad ng nakasanayan para di mabisto binilisan ko ang paglakad  palabas ng gate para hintayin si Jake. Alam ko na isasabay na niya ako sa pag-uwi dahil sa utos ni Tita. Nang makalabas na ako at pumunta sa lugar kung saan ko siya inaabangan dati, nagulat ako dahil nandun na siya.

"Ang tagal mo naman, ikaw talaga puro ka problema at abala sa akin, tara bilisan na nga natin baka kung sino pa ang makakita sa atin dito." ang naiinis na pahayag ni Jake.

"Pasensya ka na..." ang nasabi ko na lang sa kanya. Pero ang nasa isip ko ngayon ay excitment sa aming gagawin mamaya.

Agad kaming naglakad papuntang sakayan at nakauwi kami ng bahay ng sabay.

"Ayan sa wakas, sabay na rin kayo, ang saya-saya ko" si Tita na sinalubong kami.

Parang walang narinig si Jake at dire-diresto lang sa kwarto. Kinagabihan, matapos ang hapunan, nagsimula na akong maghanda para sa aming first sex este tutorial pala. Naglinis ako ng aking sarili para maging kaya-aya ako sa kanya.

At maya-maya kumatok na ang anghel.

"Dave doon tayo mag-aaral sa kwarto ko, hindi dito" utos niya na nakapagpaexcite sa akin.


------------------------------------------

Part 6 - Pinoy M2M Stories

------------------------------------------

Natuwa ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon, napasok ko na ang kwarto ng crush ko. Nakakamangha ang itsura, lalaking-lalaki kaya masasabi mong talagang straight ang may-ari. Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya dati na ayaw niya sa mga gays.

Pinaupo niya ako sa silya sa may study table niya. Siya naman kumuha ng mga librong gagamitin namin sa kanyang shelf at umupo rin sa study table niya katapos ko. May kaba akong nararamdaman and at the same time kilig dahil kasama ko sa kwarto ang aking pantasya.Sinimulan na niya angpagtuturo sa akin.

"Makinig ka mabuti sa mga ituturo ko sa iyo ha, mamaya bibigyan kita ng mga exercises. Una nating pag-aaralan ay English. Sa grammar muna tayo." pag-uumpisa niya.

Habang nagsasalita siya nakatingin lang ako sa mukha niya. For the first time ang gentle niyang magsalita tulad ng pakikipag-usap niya sa mga kabarkada niya at di siya galit. Kahit papaano, di pa rin nawawala ang concentration ko sa sinasabi niya. Binuklat niya ang isang English book sa isang page na ang topic ay Parts of speech.

"Ok, so what are the parts of speech? Read." sabi niya sabay bigay sakin ng libro para basahin. Matapos basahin ang definition,

"So lets start with nouns. Nouns are names of persons, things, places, animals, and events."pag-explain niya.

Pinaliwanag din niya ang lahat ng concepts about nouns. Natuto naman ako dahil sa galing niya sa pagtuturo." Ang galing-galing talaga ng crush ko" sa isip ko.Pagkatapos ng paliwanagan ,binigyan na niya ako ng 20 item test. Ang score ko 10/20.Pinaliwanag niya sa akin ang ilan sa mga mali ko.

"Ahm, pasang-awa pero ok na rin kaysa bagsak." puna niya sa nakuha kong score.

"Ang plural ng man ay men hindi mans. Meron talagang nouns na nagpapalit ng spelling when pluralizing it." paliwanang niya.

" Mayroon kasi ako nabasa eh ung sentence na The dog is mans bestfriend." sabi ko.

"Hay naku iba ung mans dun may apostrophe yun saka ganito dapat pagkasulat man's" si Jake.

"Ah ok hehehehe" mahiya-hiya kong tugon.

"Next sa verbs naman tayo. Verbs are action words." pag-uumpisa niya ng bagong topic.

Pinaliwanag niya ang ilang concepts sa verbs tulad ng tenses, gerunds at subject-verb agreement. AT tulad kanina binigyan niya ako ng 20-item exercise. Ang score 11/20. Ok daw ito. Pinaliwanag niya ulit ang ilan sa mali ko.

"Ano ba ung sagot mo dito kasimpleng tanong lang nito ah. Tingnan mo tong number 3. Ang sagot dito ay am hindi is.Oo nga singular ung I na pronoun pero special siya kaya am lagi ang  helping verb sa present tense." napalakas niyang sabi.

Napatango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Ok hinto muna tayo sa English. Math muna tayo. Mag-uumpisa muna tayo sa algebra. Sa algebra gumagamit tayo ng mga letters called variables to represent unknowns." pag-introduce niya sa unang math topic.

Tinuro niya sa akin ang paraan sa pag solve sa mga unknowns sa isang math equation.Pagkatapos exercise ulit at kahit inaantok na ay pilit ko pa ring sinasagutan ito wag lang magalit si Papa Jake ko.

" Hay pang anim na set ng exercise mo na to, wala pa ring nag-iimprove sayo" medyo naiirita na niyang pahayag.

"Talagang mahina ang ulo mo sa math kaya dito tayo magcoconcentrate ngayon." dagdag niya.

Inabot ng mahigit 6 na oras ang unang tutorial namin.

Dalawang buwan na ang nakakalipas ganun pa rin ang set-up namin. Lahat ng subject natuturo niya sa akin. Pang all-around talaga ang dreamboy ko. Minsan talagang nagagalit siya na halos mapuputol na ang litid niya sa leeg kapag di ko makuha ang tinuturo niya. Sa kaso naman ng ibang kasama namin sa bahay, tuwa naman ang reaksyon ng mga magulang niya pati ni tatay na busy sa pagtatayo ng bagong negosyo. Si tita dinadalhan niya kami ng pagkain.Sa halos araw-araw naming pagpupuyat di ko na maiwasan ang manamlay sa school dahil sa sobrang puyat na di nakaligtas sa bestfriend ko.

"Best, ok ka lang bakit ganyan na ang mata mo tapos ang tamlay mo pa, pumayat ka eh. May problema ka ba, minamaltrato ka ba sa tinitirahan mo? Sabihin mo naman sa akin oh nag-aalala na talaga ako sayo" si Pat sabay haplos sa ulo ko.

"Wala ito ok lang ako wag kang mag-aalala" sabay tayo ko at tumalon talon at tumawa para ipakita na ok lang ako. Alam ko na di kumbinsido si Pat sa mga sinabi ko.

"Mr. Rodriguez!" sigaw ng teacher ko na nagpagising sa akin. Nakatulog pala ako habang nagtuturo siya. Natawa naman ang mga kaklase ko  at nang sipatin ko si Pat sa likod, nakatingin lang siya sa akin at kitang- kita sa mga mata niya ang pag-aalala. Sumenyas lang ako na ok lang.

Uwian na  naman, tulad ng dati, pumunta ako sa labas ng gate  para hintayin si Jake at sabay umuwi. Habang hinihintay ko ang aking dreamboy, nagulat ako at kinabahan dahil sa isang boses na tumawag sa pangalan ko.

"Dave" 

Itutuloy.....

If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send your stories at gaypinoystories@gmail.com.

We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.

Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.