Halik ng Pag-Ibig Part 21-22 | Pinoy Gay Stories

By Daredevil

Part 21

"Hello honey" ang agad na salubong ng bisita.

"Cathy, ano ginagawa mo dito?" si Jake na umupo  rin sa sofa.

"Nandito ako para sabihin ang isang magandang balita" si Cathy na sobrang excited. Bigla naman ako kinabahan sa sasabihin ng babaeng ito.Napatingin naman ako kina Tito at Tita. Nakangiti lang sila pero kita sa mata nila ang pag-aalala.

"Jake, positive, magiging tatay ka na!" si Cathy ulit. Nabigla naman ako sa aking narinig. Nakaramdam ulit ako ng sakit lungkot pero this time mas lumala na ito. Napatingin naman sa akin si Jake. Alam kong nag-aalala siya sa akin.

"Jake, kailangan mong panagutan ang bata. Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon." si Tito Eddie.

Kitang-kita ko sa mukha ni Jake ang pagtanggi niya sa sinabi ng ama, pero wala na siyang magagawa pa. Ako naman lalong bumibigat ang damdamin ko sa aking mga naririnig kaya ako na mismo ang unang umalis.

"Tita, akyat po muna ako para magpahinga." pagpapaalam ko.

"Teka Dave," si Jake na balak ring sundan ako pero bigla siyang pinigilan ni Cathy.

"Honey, dito ka muna marami pa tayong pag-uusapan tungkol sa magiging baby natin" si Cathy. Paakyat na ako ng hagdan nang biglang nagsalita si Jake.

"Cathy, ayokong magpakasal sa iyo pero handa akong suportahan ang bata. Hindi ako ang karapat-dapat sa iyo dahil may mahal na akong iba" ang deretsahang sabi niya kay Cathy.

"Jake, kailangan niyong magpakasal para na rin sa kumpanya natin." si Tito Eddie.

"A...a....ano ang ibig niyong sabihin Pa? si Jake na halatang nagtaka sa sinabi ng ama.

"Anak, ang ama ni Cathy ang major investor at supporter sa kumpanya ng tatay mo.Kaya kapag tumanggi ka babagsak ang kumpanya" si Tita Edna. Mistulang bomba sa utak ko ang lahat ng mga narinig kong usapan nila. Doon na nagsimulang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha. Nagmadali na akong pumasok ng kwarto at tuluyang nagmukmok.Lahat ng emosyon ko inilabas ko na sa pag-iyak.

"Bakit ganito ang nangyari, wala na ba akong karapatang maging maligaya? Ang sakit-sakit kasi e. Tuluyan nang mawawala ang taong nagbibigay ng kasiyahan sa akin. Pakiramdam ko lalo na akong nanghihina." ang mga nasabi ko sa aking sarili. Halos isang oras na akong nag-iiyak nang maisipan kong tawagan si Erika dahil wala pa si Itay.

"Hello friend, nasaan ka, kailangan ko nang kausap e" ang naiiyak ko nang sabi.

"Dave, ano problema, alam kong umiiyak ka. Sige mag-usap tayo, pupunta ako ngayon diyan sa inyo." si Erika na nag-aalala sa akin. Nagpapasalamat ako at binigyan ako ng isang kaibigan na tulad niya.

"Huwag dito friend medyo kumplikado ang sitwasyon e. abangan mo na lang ako sa labas ng gate dun na lang tayo mag-usap sa inyo." sagot ko.

"Ok sige hihintayin kita, sunduin kita diyan in five minutes." si Erika.

Nagpalit naman ako ng damit at nagsuot ng jacket. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Sa hagdan nagkasalubong kami ni Jake.

"Dave, saan ka pupunta? ang mahinahong tanong niya sa akin nang makitang nakapang-alis ako.

"Jake, pwede ba huwag na tayong mag-usap at saka wala kang pakialam na kung saan ako magpunta" ang nautal kong sagot sa kanya dahil nag-umpisa na naman akong maluha.

"Dave please, pag-usapan natin ito. Alam kong may nangyari sa amin  aaminin ko nung hindi pa ako umuuwi dito. Pero di ko siya mahal maniwala ka" si Jake na humawak sa kamay ko pero agad akong bumitaw at dumeretso pababa.

"Dave, Dave, Dave pakinggan mo naman ako oh, mahal kita" ang naiiyak na niyang tawag sa akin habang sinusundan ako palabas ng gate.

Hindi ko na siya nilingon pa at  tuluyan nang sumakay sa kotse ni Erika na dumating naman sa tamang tiyempo. "Tara na friend, alis na tayo" ang utos ko sa kanya.

Papaandarin na sana ni Erika ang kotse nang biglang lumapit si Jake at pinapalo ang salamin.

"Dave, please, naman wag kang umalis, mag-usap tayo.si Jake na umiiyak pa rin.

"Erika paandarin mo na" utos ko ulit.

Nang paandarin na niya, Hinabol kami ni Jake. Nang medyo malayo na kami sa kanya, sinilip ko siya sa likod. kitang kita ko ang paglumpasay niya sa gitna ng kalsada habang sinisigaw ang aking pangalan.

DAVE!!!!!!!

Nang makarating na kami sa bahay nila, sinimulan ko nang ikwento ang lahat.

"Dave , inom ka muna ng tubig" alok ni Erika at tinabihan ako sa sofa.

"Friend, ang sakit-sakit parang hindi ko na to kakayanin e" napayakap na ako sa kanya na umiiyak.

"Dave, siguro panahon na para tanggapin mo ang katotohanan at magmove-on." si Erika na hinahaplos ako sa likod.

"Siguro nga, tanggap ko na wala talaga laban ang mga katulad ko sa babae pagdating sa pag-ibig."

"Tama, pwede bang tigilan mo na ang pag-eemote mo diyan, at may good news pala ako sa iyo." si Erika.

"Good news? wala ako sa mood para dyan"ang nasabi kong pagkawalang interes sa kung anuman ang sasabihin niya.

"Ano ka ba matutuwa ka, dapat nga sorpresa niya ito sa iyo pero dahil sa kalungkutan mo ngayon sasabihin ko na. Nagkausap kami ni Pat nung isang araw at babalik na siya ng Pilipinas!" si Erika.

"Alam ko kaya iyon malapit na kasi ang sembreak" sabi kong walang kaemo-emosyon.

"Hindi lang siya magbabakasyon, he will be staying here for good. Dito na niya pagpapatuloy ang pag-aaral niya. Sa susunod na linggo na kaya ang flight niya"

"Talaga friend kaya pala ang dalang na niya ako i-chat. Kahit papaano sumaya na ako." ang nangingiti ko nang sagot sa kanya.


-----------------------------------------

Part 22 - Kwentong Malibog

-----------------------------------------

Dahil sa mga nangyari, napagpasya kami ni Itay na ituloy na ang paglipat ng bahay base na rin sa mungkahi ni Erika nung gabing mag-usap kami.

Dumating na ang takdang-araw ng pagbabalik ng bestfriend kong si Pat sa Pilipinas. Kasama ko si Erika na sasalubong sa kanya sa airport. Matapos ang mahigit 30 minutong paghihintay, natanaw na namin ang kanyang pagdating. Nang makita kami agad siyang lumapit sa amin.

"Bestfriend! kumusta ka na " si Pat.

"Mabuti naman ang laki na nang pinagbago mo" sagot kong namamangha sa itsura niya.

"Oo nga Pat saka parang ang laki ng kasiyahan mo ngayon ah! May bagong lovelife ka na yata" si Erika.

"Tama ka kasama ko nga siya ngayon. Maya-maya papakilala ko siya sa inyo." si Pat. Hindi ko alam kung bakit parang affected ako sa mga narinig ko kay Pat. May bago na siyang karelasyon at masaya siya. Pero nanaig pa rin ang saya ko para sa kanya. Maya-maya may isang taong sumulpot sa tabi ni Pat.

"Bestfriend, Erika papakilala ko sa inyo si Alfred. Alfred si Erika at ang bestfriend ko si David." ang pagpapakilala niya sa amin sa isa't-isa.

"Hello guys, nice to meet you" si Alfred sabay nakipagkamaysa amin. 

"Ano pa ang hinihintay natin tara kumain na tayo" si Erika.

Nagpunta kami sa isang sikat restaurant sa Mall of Asia. Habang kumakain, pinagmamasdan ko ang kasama ni Pat. Pilipino rin pala ito, at may kagwapuhan rin.Nakikita ko rin ang madalas nilang paghahawakan ng kamay at pagsusubuan ng pagkain.

"Wow ang sweet naman nila kakainggit. Hindi katulad ng isa dito" si Erika sabay lingon sa akin. Agad ko naman siyang siniko at sinabing "Tumigil ka nga".

"Siyempre ganito naman talaga kapag nagmamahalan di ba." si Pat.

Pagkatapos kumain, naglibot-libot kami sa mall. Gabi na nang maghiwalay kaming apat. Umuwi na si Pat sa dating nilang bahay kasama si Alfred. Kami naman nagsabay ni Erika.

Nasa kwarto ako at nakahiga nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Si Tita Edna pala ito.

"Dave, anak pwede bang dalawin mo naman si Jake dito. Nag-aalala na kami sa kanya e. Hindi na siya masyadong kumakain at laging madaling araw umuwi na lasing." si Tita na medyo naiiyak na nagsasalita.

"Tita, sana po maintindihan niyo po na para sa pamilya ninyo ang ginagawa ko. Ayoko namang maghirap kayo at makagulo sa relasyon ni Jake at Cathy." sagot ko sa kanya.

"Dave, hindi ko na alam an gagawin ko baka kung ano na ang mangyari sa kanya. Gabi-gabi rin siya nag-iiyak at nagdadabog. Nahahabag  na ako sa itsura niya" si Tita.

"Medyo naawa naman ako kay Jake pero nagdadalawang-isip pa rin ako kung dadalawin ko siya o hindi. Nagpasiya na lang akong panindigang hindi na makipagkita sa kanya para na rin sa ikabubuti ng kanilang pamilya.

"Sige po Tita titignan ko" ang nasagot ko na lang.

Pagkaraan ng halos isang oras, may tumawag ulit sa akin. Ang bestfriend ko naman ito.

"Hello Pat, bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.

"Bestfriend ayos ka lang ba, alam ko na ang lahat ng nangyari sa iyo sinabi na ni Erika"

"Ganun ba" ang sagot ko. Nagsimula na ulit pumatak ang mga luha ko.

"Sinasabi ko na nga bang mangyayari ito. Nagsisisi akong pinaubaya kita sa kanya. Lagot siya sa akin" ang medyo nagagalit niyang sabi.

"Pat, tama na mas lalo mo lang gagawing kumplikado ang sitwasyon." sabi ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala bestfriend nandito pa rin ako para sa iyo kahit may mahal na akong iba." si Pat.

"Salamat bestfriend, maswerte talaga ako na nakilala kita." sabi kong umiiyak na.

"Bukas dadalawin kita diyan" ang sabi niya.

"Sige hihintayin kita"

Kinabukasan, sa school, pagkapasok ko ng room, una kong nakita si Mark. Pero parang may kakaiba sa kinikilos niya. Habang nagkaklase napapansin kong balisa siya at di mapakali. Nag-aalala naman ako sa kanya, kahit papaano kaibigan ko pa rin siya kahit nakagawa siya sa akin ng masama. Nagpasiya akong kausapin siya pagkatapos ng klase. Hinintay ko siya sa may lobby para sabayan.

"Mark, kamusta ka na parang balisa ka ah may problema ka ba?" ang tanong ko na nag-aalala.

"Wa...wa...wa..walaaa naman hindi lang maganda ang pakiramdam ko" ang sagot niyang hindi makatingin sa akin.

"Sure ka kaibigan mo ako, baka matulungan kita sa problema mo" sabi ko sa kanya sabay hawak sa braso. Napatingin naman siya sa akin. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata na agad napunasan.

"Dave, patawarin mo ako pero kailangan ko nang umalis sige kita na lang tayo bukas" sabi niya sabay bitaw sa pagkakahawak at mabilis na naglakad palabas ng school.

Lalo akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya kaya naisip kong tulungan siya sa abot ng aking makakaya. Naalala ko namang bigla ang sinabi ni Pat na pupuntahan niya ako sa bahay kaya umuwi ako nang maaga. Habang naglalakad ako pauwi sa bahay nang biglang may taong nagtakip sa bibig ko. Tuluyan na akong nawalan ng malay.

Itutuloy..............

If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send your stories at gaypinoystories@gmail.com.

We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.

Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.