Halik ng Pag-Ibig Part 15-16 | Pinoy Gay Stories

By Daredevil

Part 15

Nahabag ako sa nakikita ko. Kita-kita ang pamumuo ng mga luha sa mata ni Jake. Akmang hahawakan ko siya nang bigla siyang bumulyaw.

"Layuan mo ako, lumayas ka, ginulo mo ang pagkatao ko" si Jake na humahagulgol pa rin.

"Jake, lasing ka lang, alam kong may problema kaya. Maaari mo namang sabihin ito sa akin baka matulungan kita.Tara na, nag-aalala na si Tita." sabi ko sabay hawak sa braso niya para alalayang tumayo.

"Huwag mo akong hawakan, umalis ka. Tutulungan mo ako, e lalo mo lang sinasaktan ang damdamin ko e. Dahil din sa iyo confuse na ako sa sarili ko! napapasigaw na niyang sabi. Napapatingin na ang mga tao sa amin.

"Please tara na, saglit na lang at darating na si Tita." panunuyo ko pa rin sa kanya.

"Hindi muna ako uuwi hanggat nandun ka pa sa bahay, kaya inuulit ko, layuan mo na ako! si Jake.

Biglang bumigat ang dibdib ko sa mga narinig ko sa kanya. Kahit lasing siya, alam niya ang mga sinasabi niya. Naisip ko tuloy na ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito siya.

"Ano, tutunganga ka pa ba diyan, alis na" si Jake sabay tulak sa akin.

Hindi ko na rin napigilang maluha sa nangyayari. Ang taong mahal ko pinagtatabuyan na ako ngayon. Nasasaktan din ako tulad niya. Napayuko na lang ako habang humahagulgol. Maya-maya isang kotse ang huminto sa harapan namin. Napatingin naman ako sa taong bumaba sa pag-aakalang sina Tita Edna ito. Ngunit lalong bumigat ang dibdib ko parang tinutusok ng napakaraming karayom sa nakita ko. Si Cathy.

"Jake, anong problema, bakit nagkakaganyan ka, halika na ihahatid na kita sa inyo, simula nang magtext ka nag-aalala na ako sa iyo" si Cathy sabay alalay kay Jake na tumayo.

"Salamat Cathy, please wag mo muna akong iuwi sa amin hanggat nandun pa ang taong sanhi ng problema ko, doon mo muna ako sa inyo dalhin." pakiusap ni Jake.

Tuluyan nang umagos ang luha ko. Kumpirmado, ako ang pinakadahilan niya sa kanyang paghihinagpis. Naisakay na ni Cathy si Jake sa kotse. Tuluyan na silang umalis. Ako, dahil sa sobrang hinanakit halos manlambot na ang tuhod ko at di makatayo. Napaupo na ako sa sento sapo ang mukha ng dalawang kamay at humihikbi. Maya-maya isang tao ang humaplos sa likod ko.Unti-unti kong inangat ang mukha ko. Si Itay pala kasama ang mga magulang ni Jake.

"Tay, ang sakit-sakit naman, bakit ganito ang nangyayari sa akin?" sinabi ko kay Itay na humihikbi at napayakap sa kanya.

"Anak, tara na muna sa bahay pag-usapan natin ang problema mo." si Itay.

"Dave, anak ano nangyari, nasaan na si Jake." si Tita Edna na bakas din sa mukha ang pag-aalala sa anak.

"Umalis na po siya,ayaw na niya sa akin, pinagtatabuyan na niya ako" naiiyak ko pa ring sabi.

"Mabuti pa pare, iuwi na natin siya." si Tito Eddie.

Sumunod na lang ako sa kanila. Hanggang sa loob ng kotse naiiyak pa rin ako. Si Itay namanm patuloy na hinahaplos ang ulo ko at pinapatahan ako. Nang makarating sa bahay...

"Anak, kumain ka muna" si Itay.

"Ano ba nangyari, sabihin mo sa amin? si Tita Edna.

Naiiyak ko pa ring kinuwento sa kanila ang lahat ng nangyayari sa amin ni Jake. Kita ko sa mukha ng mga magulang niya ang pagkabigla na animo'y may nalalaman sa problema ng anak nila. Pero di ko na inusisa muna ito dahil sa emosyon ko ngayon.

"Tita, Tito, tay pahinga muna ako sa kwarto" paalam ko sa kanila para makapagpahinga naman ako.

"Sige anak, pahinga ka na muna, pag-usapan na lang ulit natin ito bukas" si Itay.

"Salamat po sige."

Hindi ko pa rin magawang makatulog. Patuloy pa rin akong umiiyak. Naisip kong tuluyan na akong kinasusuklaman ng taong minahal ko nang maraming taon. Binigyan ko pa ng problema ang pamilya nila. Nahihiya na ako sa kanila. Habang nasa kasagsagan ako ng pag-hihimutok, may kumatok sa pinto.Tumayo ako at binuksan. Si Tita pala may dalang gatas.

"Dave inom ka muna ng gatas" si Tita.

"Salamat po Tita pasok po kayo."paanyaya ko siya sa loob. Umupo kami sa kama, kinuha ang gatas at nilapag sa tabi.

"Ano na pakiramdam mo?si Tita.

"Ganun pa rin Tita e" sabi ko sabay tulo muli ng luha.

"Dave, nagpapasalamat kami ng Tito mo sa iyo. Alam mo mula nang tumira kayo sa amin, doon ko lang nakita sa unang pagkakataon ang pagiging masaya ni Jake. Nakakatuwang isipin ano, na ikaw ang nagpabago sa kanya." si Tita.

"Tita, parang kabaliktaran naman po yata yung sinasabi niyo eh" sabi ko pa rin habang nagpapahid ng luha.

"Yun bang nangyayari ngayon sa kanya ang tinutukoy mo, bilang magulang ni Jake, alam ko ang nararamdaman niya" si Tita na humawak sa mga kamay ko.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ko siya pinilit na maging tutor mo?" sunod na tanong ni Tita.

"Kasi po mahina ang ulo ko  at matalino si Jake." sagot ko.

"Tama ka rin pero hindi iyon ang tunay na dahilan namin ng Tito mo."

"Kung ganoon ano po ang totoo?" tanong ko agad.

"Para maging malapit kayo sa isa't-isa at mabago ang mga baluktot niyang pananaw. Teka para mas lalong maliwanangan ka may ipapakita ako sa iyo kukunin ko lang sa kwarto ko" si Tita ulit.

Bumalik si Tita, may dala-dalang isang photo album.

"Dave, tingnan mo ang mga pictures" sabi niya sabay bigay sa akin.

"Tita, sino po itong batang babae, ang ganda naman niya, may anak po pala kayong babae" tanong ko sabay turo sa mga pictures. Puro kasi batang babae ang mga nakikita ko na naka blouse, gown, bathing suit na may make-up.

"Wala akong anak na babae, si Jake yan" sagot niyang pabulong sa akin.

"Ha! si Jake ito, bakit naka pangbabaeng damit" nagtatakang tanong ko. Natawa naman si Tita.

"Wala lang, dahil di kami nabiyayaan ng anak na babae naisip kong bihisan siya nang ganyan. Akala ko rin babae yung susunod kong anak na namatay hindi rin pala. Tignan mo oh ang ganda niya di ba. Masayahing bata pa siya at palakaibigan noong mga panahong iyan?" si Tita na natatawa pa rin pero bigla na lang nag-iba ang mood nito sa mga sunod niyang sinabi.

"Isa siguro ito sa mga dahilan ng paghihimutok ni Jake ngayon. Dahil sa ginawa kong ito sa kanya tinutukso siyang bakla at minamaliit ng mga kaklase at iba pang bata sa kanya. Naging malungkutin na siya simula noon, nagbago na siya, nag-aral nang mabuti at naging masungit. Kaya salamat sa iyo at binalik mo ang dating Jake." si Tita.

Naisip ko bigla na ito pala siguro kung bakit ang init ang dugo ni Jake sa mga bakla. Kaya pala nilalayo niya ang sarili sa akin at ang talino ay ginagamit niya upang maiangat ang sarili sa iba nang sa gayon hindi na siya maliitin ng mga ito.

"Dave ang iniisip ko pa ngayon, na naguguluhan na siya sa totoo niyang sekswalidad. Marahil ang totoong dahilan ng galit niya sa iyo ay selos." si Tita.

"Ano! si Jake, nagseselos kanino naman?" napasigaw kong tanong dahil sa pagkabigla.

"E di sa iyo. Noon pa namin nakukutuban ng Tito mo na may namumuong pagtingin si Jake sa iyo. Pilit lang niya ito pinipigilan kaya napapansin mo na iba ang pakikitungo niya sa iyo. Ikaw, alam din naming gusto mo siya. Huwang kang mag-alala tanggap namin kayo." si Tita.

"Salamat po sa pagtanggap sa akin. Pero teka, baka nagkakamali po kayo, di pwede magkagusto sa akin si Jake. May girlfriend na po siya e." sabi ko.

"Girlfriend, sino? si Tita.

"Yung isa pong kaklase niya, si Cathy, siya rin yung nagsundo sa kanya kanina" sagot ko.

Kita ko sa mukha ni Tita na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

"Dave, ito ang masasabi ko sa iyo na dapat pakatandaan mo. Una, huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari kay Jake. Pangalawa, yung galit niya sa iyo, mawawala rin yan. Pangatlo, mahal ka niya, hindi lang niya matanggap sa sarili niya na nagkagusto siya sa kapwa. Hayaan mo isang araw babalik rin siya dito. Sige labas na ko pahinga ka na"

"Goodnight po Tita" sabi ko sabay patay ng lampshade. 

Gumaan naman ang loob ko kahit papaano sa mga nalaman kong rebelasyon kay Tita Edna. Ang set-up na plano nila sa amin ang nagpabago kay Jake. Pero nandoon pa rin ang pag-aalinlangan ko tungkol sa sinasabi niyang pagkagusto raw ng nanak nila sa akin, parang impossible kasi. Ang pagkamalungkutin ko kanina ay nadagdagan tuloy ng pagkalito. Hindi ko magawang makatulog ng gabing iyon.


-----------------------------------------

Part 16 - Kwentong Malilibog

-----------------------------------------

Kinabukasan, nagising pa rin akong mabigat ang pakiramdam. Parang ayaw kong kumilos o pumasok sa school, gusto ko lang na nakahiga. Pero pinilit ko ang sarili ko dahil malapit na rin ang midterm exams. Pagbaba ko, nakita kong kumakain silang lahat ng agahan. Niyaya nila ako. Lalong bumigat ang kalungkutan ko nang malamang hindi na talag umuwi si Jake. Halos hindi ako nakakain nang maayos.

Dahil wala si Jake, mag-isa akong pumasok ng araw na iyon. Naalaala ko tuloy ang mga moments namin dalawa sa loob ng mahigit isang taon, ang mga ngiti niyang nakakapagpasaya sa akin, ang mga kulitan namin at mga panglalait niya sa akin.  Isang araw, mula nang pumasa ako ang kauna-unahang exams namin. Naalala ko ang kanyang first smile. Hanggang sa pag-uwi namin nandun pa rin iyon. Pero ngayon, nag-iba na ang takbo ng mundo, mas malala pa sa pang-iinsulto niya ang nangyari, tuluyan na niya akong kinasusuklaman. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa problemangdinadanas ng kanyang pamilya.

Nakarating na ako ng school. Saglit kong pinagpaliban ang kalungkutan para na rin makapagconcentrate ako.

Pagkapasok ng room, agad akong sinalubong ni Mark.

"Dave, anong nangyari sa iyo kagabi?" agad na salubong na tanong niya sa akin. Kinuwento ko naman sa kanya ang lahat.

"Dave, alam mo tanggapin mo na lang ang lahat. Makakapag move-on ka rin. Marami pa namang iba diyan na nagmamahal sa iyo ng totoo pero di mo lang nakikita. Idilat mo lang ang mata mo at buksan ang isipan para maliwanagan ka." pangaral ulit niya sa akin.

"Alam ko Mark, salamat ha at nandito ka" sabi ko sabay tingin sa kaniya nang nakangiti.ang Napansin ko naman sa  niya ang maraming papel at mga sim cards.

"Oh, ang dami mo yatang papel diyan at mga simcards, ano ba mga ito patingin nga?" tanong ko sa kanya sabay kuha ng isang  papel nang agad niya akong pinigilan.

"Wala ito, mga gagamitin natin sa tutorial mo, hindi mo pa pwedeng makita ano, itng mga simcards, matagal na itong di nagagamit, mga blocked na ito" ang nauutal niyang sabi sabay tago ng mga ito sa bag.

Kahit nagtataka ako sa kanya, hindi ko na lang ito binigyang-pansin. Mas nangingibabaw sa akin ang nararamdaman kong kalungkutan. Tuloy pa rin ang tutorial namin ni Mark.

Natapos na ang midterm exams na umabot nang mahigit isang buwan na hindi pa rin umuuwi si Jake sa bahay, pero pumapasok pa rin siya sa school ayon kay Erika. Nalaman ko rin na madalas na silang magkasama ni Cathy. Sa bahay naman, patuloy pa rig naghihinagpis ang mga magulang niya. Pakiramdam ko lalo akong naguiguilty habang tumatagal sa kanila. Napupuna na rin siguro ni Itay ang nararamdaman ko kaya isang desisyon ang sinabi niya sa akin nang mag-usap kami sa kwarto isang gabi.

"Anak, naaawa na ako sa iyo, bilang ama mo, nararamdaman ko ang mga hinanakit mo. Kaya anak, naisip ko tutal maganda na ang takbo ng ating negosyo, pwede na tayong umalis dito at maghanap ng mauupahan. Nakausap ko na ang mga magulang ni Jake, napilitan na silang pumayag kahit ayaw nila." si Itay habang hinahagod  ang likod ko.

"Tama ka tay, pakiramdam ko kasi na pabigat ako dito, mabuti na rin siguro ang pag-alis natin para maayos na ang pamilya nila. Kailan naman tayo aalis?" sabi ko.

"Sa sembreak mo na anak. Nagtatanong-tanong na ako sa mga suki ko sa canteen ng mga pwedeng matirhan." si Itay. Agad ko namang tinawagan si Erika para sabihin ito.

Kinabukasan, binanggit ko na rin ito kay Mark habang naglalakad kami papunta sa kanila para sa tutorial.

"Talaga Dave, aalis na kayo mabuti naman" si Mark na halata sa mukha na nasiyahan.

"Oo, at teka bakit mas masaya ka pa sa akin?" ang bigla kong tanong.

"Wa...wa...la, ano ka ba, siyempre makakatulong iyon sa bestfriend ko na makapagmove on." si Mark sabay akbay sa akin.

Nakakapagtaka ang sobrang saya ni Mark sa mga sinabi ko, hanggang sa dumating kami sa kanila, hindi pa rin maalis ang ngiti niya.

"Mukhang masaya ang anak ko ha, may new love ka na yata" si Tita Evelyn na sinalubong ang pagdating namin.

"Hmmm, hindi ko pa siya nakukuha mom, pero malapit na" si Mark. Nahiwagaan naman ako sa sinagot niya.

Sa kwarto niya, habang sinasagutan ko ang mga exercises niya, bigla niya akong niyakap sa likod.

"Please, huwag kang papalag, hayaan mo muna ako gawin ito" si Mark.

"A...a...no ang ibig sabihin nito Mark?" ang nagtataka ko nang tanong sa kanya.

"Alam ko Dave, hindi mo pa rin nagagawang kalimutan si Jake. Tanggapin mo na lang na wala na siya sa buhay mo, nandito naman ako." si Mark.

"Ha! hindi, kita maintindihan" napasigaw ko nang sabi sa kanya.

"Dave, mahal kita nang higit pa sa isang  bestfriend." pag-amin niya.

Napatayo naman ako sa narinig ko sa kanya. Inalis ang kamay niya mula sa pagyakap sa akin.

"Mark, hin...hin...hindi pa ako ready na magmahal ulit sana maintindihan mo" ang nasabi ko na lang sa kanya.

"Alam ko, alam ko, at hihintayin ko ang panahonh iyon. Sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sa iyo." si Mark sabay hawak sa mga kamay ko.

"Sige Mark, sa susunod na lang natin ituloy ang tutorial, uuwi na muna ako, sumakit bigla ang pakiramdam ko."

Kita ko sa mga mata ni Mark ang sobrang kalungkutan. Muli naalala ko na ganito rin ang naramdaman ni Jake. Pagkauwi ng bahay, nakita ko silang lahat na nag-uusap sa sala, kasama ang taong biglang nagbalik. Si Jake. Medyo nagbago ang itsura niya, mayroon na siyang bigote, medyo humaba ang buhok pero nandun pa rin ang kakisigan at kagwapuhan.Tumingin siya sa akin, isang titig na hindi ko mawari kung galit ba ito o kasiyahan.

"Ah Tita, Tito, pasok po muna ako ng kwarto, medyo di po maganda ang pakiramdam ko." nasabi ko na rin para makaiwas na kay Jake.

"Ganun ba, sige." si Tito.

Nang sipatin ko si Jake bago ako pumasok ng silid, nakita ko, tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha niya na animoy naiiyak. Hindi ko na muna ito binigyang pansin. Sa kwarto, nakahiga pa rin akong nag-iisip. Hindi pa nga ako ok sa pag-iwan sa akin ni Jake tapos bigla namang umamin si Mark sa akin ng nararamdaman niya , at ngayon lang pagbabalik  ni Jake. "Arrrhhhhh! mababaliw na ako" sabi ng utak kong tuliro.

Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip habang nakatalukbong ng kumot nang biglang may pumasok sa kwarto ko.

Naramdaman kong umupo rin siya sa kama at tumabi sa akin. Nagulat ako nang mabosesan ko ito.

"Dave" 

Itutuloy..........................

If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send your stories at gaypinoystories@gmail.com.

We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.

Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.