By Daredevil
Part 1Kriiiiiiiiinggggggg!!!!!
Isang malakas na tunog ng alarm clock ang nagpagising sakin. Kahit inaantok pa ay pinilit ko na ring bumangon. Sa araw na ito kasi magsisimula ang bagong school year. Ewan ko ba, naghalong saya dahil makikita ko na ulit ang aking mga kamag-aral, kaba sa mga mangyayari sa akin sa school at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Agad akong nagtungo ng banyo para maligo.
Bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako si John David Rodriguez, 16 years old nasa ikaapat na taon na ako sa high school sa isa sa mga paaralan dito sa Maynila. May height na 5'8, average looking daw sabi ng iba. Inaamin ko na ako ay may kahinaan pagdating sa halos lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Sa klase namin, isa ako sa pinakakulelat. Pero palakaibigan naman ako. Ngunit lingid sa kaalaman ng aking mga kamag-aral na ako ay isang paminta. Lalaking-lalaki kung kumilos pero sa loob ay may nagkakagusto sa kapwa.
"Dave anak, nandito na ang kaklase mo"ang narinig kong pagsigaw ng aking ama habang ako ay nagbibihis ng aking uniporme.
"Sige, tay pakisabi na patapos na ko" tugon ko.
Si Mariano Rodriguez, ang aking ama. Simula ng mamatay ang aking ina, siya na ang nag-alaga sakin. Magaling siya sa larangan ng pagluluto. Ang kita mula sa aming negosyo na carinderia ay ginagamit sa pangtustos sa aking pag-aaral. Sobrang bait ng aking ama, dahil mapagmahal, maalalahanin at higit sa lahat tanggap ang aking pagkatao. Laking pasalamat ko na nagkaroon ako ng isang amang tulad niya.
"Bestfriend, tara na bilis sa school na lang tayo kumain", ang pasigaw na sabi ng bestfriend ko na si Pat.
"Oo na masyado naman ito excited." sagot ko sa kanya.
Si Patrick de los Santos o Pat ang pinakamatalik kong kaibigan at kaklase.Nagkakilala kami nung nasa first year pa lang ako. Mas mataas ang height niya sakin, mga 5'9 sya, medyo maputi, maganda ang tindig, at may itsura. Masasabi ko na pwede siya ihanay sa mga gwapo. Hindi siya kasing hina tulad ko dahil ok naman ang performance niya sa school at magaling sa sports lalo na sa basketball. Hindi rin siya gaano katalinuhan.Tulad ng aking ama ay alam din niya ang aking sekswalidad.
_________
Naalaala ko pa kung paano kami nagkakilala at naging magbestfriends. Unang araw ko bilang first year student, habang nag orientation ang aming teacher sa English bigla siyang sumulpot sa pintuan ng classroom. Siyempre agaw-pansin siya lalo na sa mga kaklase kong babae dahil sa angkin niyang kagwapuhan. Nalate siya dahil hinanap pa pala niya ang classroom namin. Sa unang tingin ko sa kanya, ay nayayabangan na ako at naisip ko na malabong kaibiganin ang isang tulad niya. Kapag nalaman niya ang totoong kong pagkatao ay aasarin niya lang ako kaya naisip ko na iwasan na lang siya.
Sa paglipas ng mga araw, nagpapakitang gilas si Pat sa mga teacher namin. Halos lahat ng mga kaklase namin ay naging malapit sa kanya dahil sa pagiging friendly nito. Ako na lang yata sa klase namin ang mailap sa kanya. Ganito palagi ang turing ko sa kanya ngunit bigla na lang ito nabago isang araw. Habang papauwi na ako may biglang nag text sakin.
"Dave, balik ka sa room saglit meron ka nakalimutan."
Nakita kong galing ito sa isang unknown number kaya nagtaka ako kung sino at ano ang sinasabi niya na kinalimutan ko sa room. Agad kong tinignan ang aking bag kung meron nga. At doon ko nalaman na kulang pala ng dalawa ang aking libro. Naiwan ko ito sa ilalim ng aking upuan. Mabuti na lang at di pa ako nakakalayo kaya binalikan ko na agad ang mga ito.
Pagdating ko sa room, nagulat ako dahil nandoon siya na nakaupo sa isang teachers table at parang may hinihintay. Nang makita niya ako, ay tumayo siya at doon ko napansin na hawak na niya ang aking mga libro. Nilapitan niya ako at binigay ang mga ito sa akin.
"Salamat ha. Sige uuwi na ako." ang sabi ko sa kanya. Naglakad na ako palabas ng room.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa aking braso kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" ang naitanong ko sa kanyang ginawa.
"Ganoon na lang iyon, aalis ka na agad." ang sagot niya sa akin.
"Sorry kasi marami pa akong gagawin." ang pag-aalibi ko na lang. Nakakaramdam na kasi ako ng pagkailang.
At nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinatak niya ang aking braso at isinandal sa dingding. Nilapat niya ang magkabilang kamay dito na tila ayaw akong paalisin.
"May galit ka ba sa akin kasi napapansin ko yung mga pag-iwas mo. Sa ibang mga kaklase natin di ka naman ganoon. May problema ba?" deretsahang tanong niya.
Tila nawala namn ako sa sarili ko sa pagtingin ko sa mukha niya. Makikita mo talaga ang kagwapuhyan niya sa malapitan at ang titig nia sa akin na tila nanghihipnotismo. Pero agad naman bumalik ang ulirat ko at sinagot ang tanong niya.
"Ah eh di naman kita iniiwasan." pagtanggi ko sa kanya. Medyo nakakaramdam na ako ng kaba sa mga oras na iyon.
"Hindi ako manhid Dave. Iba talaga ang pakikitungo mo sa akin. Ano bang mali sa akin? Hindi naman ako kumakain ng tao eh saka mabait naman ako nakikita mo naman di ba?" tanong ulit niya.
Ewan ko ba kung sasabihin ko sa kanya ang totoong dahilan o pipilitin ko pa ring umalis na lang para umiwas sa issue. Kaya ang naisip ko na lang ay umalis ng room ngunit nabigo lang ako.
"Ano bang problema mo? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo ah, sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon. Papatunayan ko sa iyo na mabuti akong kaibigan".
Doon ko narealize ang pagiging seryoso niya sa pakikipagkaibigan sa akin. Kaya naisip kong pagbigyan na lang siya.
Simula noon, napansin ko sa kanya ang ilang mga pagbabago. Mas naging masayahin na siya kung ikukumpara sa dati. Palagi na siyang sumasama sa akin. Nililibre at binibigyan ako ng pagkain pag recess. Hinahatid sa amin at tinuturuan ako ng mga alam niya sa pag-aaral. Hanggang sa isang araw, naisip kong sabihin na sa kanya ang totoo kong pagkatao para malaman na rin niya at mabawasan ang pag-aalinlangan ko. Handa na ako sa kung anuman ang maging reaksyon niya.
"Ah Pat, may sasabihin sana ako sa iyo eh, matagal ko nang tinatago ito. Kung di mo ko matatanggap pag sinabi ko sayo ok lang sa akin ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa pagiging mabuting kaibigan sa akin." ang aking panimula habang naglalakad kami pauwi.
"Sige ano ba yun?" ang interesado niyang tanong.
"Isa akong bakla. Tinatago ko lang ito para di pagtawanan at laitin ng iba. Ito rin ang dahilan kung bakit umiiwas ako sa iyo noon." ang aking pag-amin. Napayuko na lang ako sa mga oras na iyon dahil sa hiya.
"Iyon lang ba Dave?"
"Ah eh oo. Kung nandidiri ka sige iwanan mo na ako. Kung iiwas ka na sa ok lang sa akin yun."
Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa aking baba at itinaas ang aking mukha.
"So what kung ganun ka wala namang problema di ba? Saka mas maganda yan dahil may pag-asa na palang magkagusto ka na rin sakin."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.
"Parehas lang tayo Dave." ang natatawa niyang sambit.
"Noon pa lang may gusto na ako sayo eh kaya nga gumawa ako ng paraan para maging friends tayo. Inalam ko talaga mula sa mga classmates natin ang cellphone number mo pati address ng bahay niyo. Naalala mo ba nung araw na pinabalik kita sa room, pinagplanuhan ko talaga iyon. Kinuha ko yung dalawa mong libro sa ilalim ng upuan para may dahilan ako para pabalikin kita. Una pa lang kita nakita, ang cute mo na sa paningin ko."
Laking tuwa ko naman dahil sa pagtanggap niya sakin at sa kabilang banda naman ay pagtataka sa pag-amin niya ng nararamdaman sa akin. First time kasing may nagkagusto sa akin at nagsabi na cute daw ako. Sinabi ko naman sa kanya na kahit ganito ako hanggang matalik na kaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kanya. Yun kasi ang naramdaman ko sa kanya sa mga oras na iyon. Makalipas ang tatlong taon ito magkaibigan pa rin kami. Hanggang ngayon ay patuloy siyang umaasa na mamahalin ko rin siya tulad ng pagmamahal niya sa akin.
__________
Sabay kami pumasok ni Pat. Habang nasa jeep kami, panay pa sweet niya sa akin. Nandyan ung pahawak-hawak ng kamay na siyempre inaalis ko agad dahil nahihiya ako sa mga makakakita. At binubulong niya ang palagi niyang sinasabi sa akin na "Balang araw, mamahalin mo rin ako, di ako susuko" na may kasama pang killer smile. tuwang-tuwa talaga ako sa kanya.
Nakarating kami sa school 5 min bago ang oras ng first subject. Habang naghihintay kami, biglang nagkagulo naman sa may corridor na nakaagaw ng pansin sa amin kaya sinilip namin para alamin ang dahilan.
"Si Jake! Si Jake!, Ay mas gwapo na siya ngayon!", sigaw ng isang estudyanteng babae.
Dumating na pala ang tinaguriang Campus heartrob ng school na si Jake Montecarlo. Crush ko na talaga siya simula nang mag transfer siya rito nung third year.Parehas lang kami ng year level pero nasa highest section siya. Bukod sa gwapo kasi matalino pa. Ang taas ng IQ level niya ayon sa mga naririnig ko at di lang yan mayaman ang pamilya nila.Pero kung gaano kaganda ang physical apprearance at mental abilities niya kabaliktaran naman sa pag-uugali. Likas na masungit ang taong ito at galit sa mga taong di niya kauri.
"Hoy sobra ka na makatitig sa kanya ah, bakit di ka ganyan sa akin ha?", pagbulyaw sakin ni Pat nag nagpabalik ng ulirat ko sa kakatingin sa dumaan.
"ah eh ano ka ba humahanga lang naman ako sa tao at alam ko naman na malayo ang agwat namin at malabong mapansin niya ako saka bakit parang nagseselos ka ha?", balik tanong ko sa kanya.
"Siyempre naman, bestfriend mo ko baka ipagpalit mo na ako sa kanya. Saka alam kong siya ang gusto mo. Sana sa akin mo na lang ilaan ang damdamin mo sa kanya, masusuklian ko pa yan ng tapat na pagmamahal." sagot ni Pat.
"Ang drama mo naman tara na nga upo na tayo baka dumating na yung teacher natin." ang nakangiti kong tugon sa kanya.Napakamot na lang siya ng ulo sa mga oras na iyon.
Naging maayos naman ang buhay-estudyante ko sa paglipas ng mga araw. Ganun pa rin kami ni Pat at nakikita ko pa rin sa campus ang crush ko pero di pa rin niya ako pinapansin.
At isang pangyayari ang magbabago sa aking buhay.
-----------------------------------------
Part 2 - Pinoy Gay Stories
-----------------------------------------
Oras ng recess, nasa canteen ako na kumakain kasabay ang isa ko pang kaklase na si Erika nang biglang naghiyawan ang mga estudyanteng naroon. Ano pa nga ba ang dahilan, syempre ang pagpasok ng crush ko na si Jake na kasama ang kanyang mga barkada na pawang may itsura rin at astigin. Bumili sila ng kanilang kakainin at umupo sa kabilang mesa na katabi lang sa amin. Kami naman ay tuloy pa rin sa pagkain at kuwentuhan.
"Friend, look oh si Jake nasa kabilang table, grabe ang gwapo talaga." ang may kilig na pahayag ni Erika. Ako naman ay lumingon saglit sa kanila.
"Uyyyy kinikilig na naman siya sa crush niya " ang pangangantsaw sa akin ni Erika sabay sundot sa aking tagiliran.
"Shhhhh, huwag kang maingay baka marinig tayo nakakahiya" mahina at natatawang sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Siyempre malapitan kong nakikita ang aking ultimate crush.
"Ano ka ba lapitan mo oh pakilala ka, pagkakataon mo nang makausap siya dali!" si Erika.
"Hindi pwede ano papahiyain lang ako niyan lalo na kasama pa niya ang mga barkada niya". pagtanggi ko sa kanya.
Marahil ay narinig ng grupo nila Jake ang pag-uusap namin kaya nagsalita ang isa sa kanila.
"Narinig mo ba yun Jake, isang stupid and idiot kakausapin ka. In his dreams." ang sabi ng isa nitong kasama.
"Saka may yata crush sayo tol, e may pagkaberde pala ang dugo nito haha." ang kantyaw naman ng isa pa.
"Asa naman yan, alam niyo naman na hindi ako nakikisama sa mga di ko kauri lalo na sa isang BAKLA!", pang-iinsultong sabi ni Jake. Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakarinig.
Nabigla naman ako sa aking mga narinig at naiiyak na dahil sa kahihiyan ngunit agad ko ityong napigilan para di makita ng iba. Napansin naman iyon ni Erika kaya niyaya na niya akong lumabas na at bumalik sa classroom.
"Dave, pasensya ka na sa ha kasalanan ko. Grabe naman sila ang sasama ng ugali lalo na yang Jake na yan, ang yabang pala niya." sabi ni Erika sakin habang naglalakad kami.
"Ineexpect ko nang mangyayari ito kaya hindi ko siya nilalapitan." sabi ko sa kanya. "Tama na nga wag na natin siyang pag-usapan."
Nang makabalik na kami sa loob ng classroom, nakita ko agad si Pat na nakaupo at tila hinihintay ako. Alam na pala niya ang nangyaring eksena sa canteen.
Agad naman niya akong nilapitan.
"Ayos ka lang ba Dave?" ang pag-aalala niyang tanong sa akin.
"Oo naman." ang tugon ko sabay ngiti sa kanya. "Parang yun lang, hindi dapat dinaramdam yun."
"Sa susunod Dave, dapat lagi mo na kong kasama at kapag naulit pa ang panglalait niya sa iyo ako na ang makakalaban niya." Bakas na sa kanyang boses ang galit.
"Cool ka lang Pat. Hindi na to mauulit." ang sabi ko na lang sa kanya.
Oras na ng uwian at sabay kaming umuwi ni Pat. Naglalakad kami pauwi sa aming bahay nang may maaninag akong malaking usok. Bigla akong kinabahan kaya dali-dali akong nagtatakbo. At sumambulat samin ang malaking apoy na nangagaling sa aming carinderia. Nasusunog ito at nadamay na rin ang aming bahay. Nakita ko naman si Itay na naiiyak na sa nangyari. Sumabog pala ang LPG tank at mabilis ang paglaki ng apoy. Nagpapasalamat pa rin ako at nakaligtas ang aking Itay sa nangyari.
"Anak, paano yan wala na tayong bahay at kabuhayan, ano na ang gagawin natin?" naiiyak na sabi ni Itay.
Sa nakikita ko sa kanya ay gusto ko na ring maiyak. Malaki talaga ang magiging epekto nito sa amin.
"Hayaan niyo po, kakayanin nating bumangon muli, pagsubok lang po ito." pampalakas-loob kong tugon sa kanya. Masaklap man ngunit hindi ito dahilan para sumuko. Kumbaga habang may buhay may pag-asa.
Inalok kami ni Pat na sa kanila muna tumuloy habang wala pa kaming matitirhan. Pumayag naman kami ngunit pansamatala lamang. Nahihiya naman kami sa iisipin ng pamilya ni Pat kapag nagtagal kami doon sa kanila.
Hanggang sa isang araw may balitang sinabi si Itay sa akin.
"Dave anak, naalaala mo ba yung bestfriend ko nung nag-aaral pa ko. Inalok niya tayo na sa kanila muna manirahan. Ok lang ba sa iyo yun anak, nakakahiya na kasi kay Pat dahil masyadong maliit na tirahan nila para sa atin", si Itay.
"Ah ok lang po sakin yun, walang problema.", pagsang-ayon ko sa kanya. Naisip ko kasi na di kami gaano mahihirapan dahil ayon kay Itay, mayaman ang bestfriend niya. Sinabi ko na rin kay Pat ang plano namin.
"Best, ingat ha lalo ka na, pag may problema sabihan mo agad ako, tandaan mo nandito lang ako para sa iyo." si Pat.
"Salamat sa pagpapatuloy niyo samin dito sa inyo, nahihiya na nga ako sa iyo eh ang dami mo nang naitulong sa akin di ko na alam kung paano ko pa masusuklian ang kabaitan mo."
"Isa lang naman ang gusto ko eh ang makuha ang pagmamahal mo", ang deretsahang sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"Mahal naman talaga kita eh pero bilang isang bestfriend, sensya ka na kung di ko matapatan ang damdamin mo para sa akin." ang pagtatapat ko sa kanya. Mas mabuti nang sabihin ko ang totoo kaysa naman na patuloy ko lang siyang paasahin. Mas masasaktan ko lang siya kapag nagtagal pa ito. Alam ko matatanggap din niya ito at balang araw ay makakahanap din siya ng taong kayang suklian ng kanyang pagmamahal. Kaya kahit naluluha ngumiti pa rin siya sa akin.
Kinabukasan, di muna ako pumasok sa school para asikasuhin ang aming paglipat. Hindi naman kami nahirapan sa pag-empake dahil kakaunti na lang ang aming mga kagamitan dahil sa sunog.
Magtatanghali na ng marating namin ang nasabing bahay ng bestfriend ni tatay. Namangha talaga ako sa bahay dahil talagang malaki ito at pangmayaman. Sinalubong kami ng mag-asawang nakatira dito.
" Welcome to your new home Mariano hehehehehe." ang pambungad na bati ng kanyang bestfriend.
"Siya pala ang anak mo aba ang laki na pala ah at gwapo pa."
"Good afternoon po." ang bati ko naman sa kanila.
"Mukhang mabait itong anak mo at magalang ha." ang pagpuri naman sa akin ng kanyang asawa.
Nginitian ko sila.
"Halina kayo at samahan niyo na kaming kumain."
Habang kumakain ay pinakilala ako ni tatay sa kanila.
"Dave anak siya ang sinasabi kong bestfriend ko nung college, si Tito Eddie mo at siya naman ang asawa niya si Tita Edna."
Nakipagkamay ako sa kanila bilang paggalang. Masasabi kong mababait sila di tulad ng ibang mayaman.
Matapos ng tanghalian ay nilibot nila kami sa buong baha.
Halos di naman maawat sa kuwentuhan ng magbestfriend palibhasa ngayon lang sila nagkita kaya si Tita Edna ang nagsama sakin sa aking magiging kwarto.
"Ok na ba sayo itong silid Dave" tanong ni Tita ng makapasok na kami sa loob.
"Ah eh sobra po yata malaki to para sakin pede naman kahit sa guestroom lang pede na eh" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Wag ka nang mahiya, ituring mo na itong sariling bahay, alam mo dito sana magiging kwarto ng isa ko pang anak na lalaki kung di siya namatay, kaya napagdesisyunan ko na ito ang magiging kwarto mo para na rin magkaroon pa ko ng isa pang anak" ang natutuwang pahayag ni Tita Edna.
"Salamat po talaga Tita"
"Youre welcome, ah siya nga pala alam mo ba parehas kayo ng school na pinapasukan ng panganay ko. Parehas kayong graduating ng high school."
Napaisip naman ako sa sinabi sa akin ni Tita.
Doon ang kwarto niya sa kabila. Naku mamaya nandito na yun hintayin mo lang, tiyak ko magkakasundo kayo. Sige ayusin mo na ang mga gamit mo bababa lang ako at maghahanda ng meryenda." sabi ni Tita.
"Sige po salamat ulit."
Kinagabihan, sabay-sabay kami naghapunan. Kuwentuhan to the max pa rin sina Itay at Tito Eddie. Nalaman ko sa kanila na si Itay pala ang naging daan para magkakilala sina Tito Eddie at Tita Edna.
Habang busy sa pagkain at pakikinig sa usapan nila, may biglang nag doorbell.
"Oh ayan na ang anak natin honey, buksan mo na bilis para makasabay na sa hapunan." utos ni Tito Eddie kay Tita Edna.
"Kung si Dave na lang Pa, para na rin makilala na niya agad ang ating anak." ang sagot naman nito.
Nabigla naman ako sa aking narinig.
"Tama ka Ma. Sige Dave anak ikaw na ang sumalubong sa kanya." ang nakanigitng pag-utos sa akin ni Tito Eddie.
Agad akong nagtungo sa pinto para pagbuksan at salubungin ang sinasabing anak ng mag-asawa.
At lubos akong nabigla sa taong aking nakita.
Itutuloy..........

Post a Comment