BY WEBWORK
"Hindi ah. Iniisip ko lang kung ano na ang ginawa ninyo ni Dave. Nag-sex na ba kayo? Hahaha!" ako naman ang mang-aasar, after three weeks ngayon lamang uli nanumbalik ang aking sigla. "Loko mo! Uy, pinakagat ko lang 'yon para mai-ganti ka. Hindi pa nya ko natitikman. Ni hindi nya nahawakan ang dulo ng daliri ko. Virgin pa ko! Hahaha!" "Ows?" panunuyo ko sa kanya. "Hahaha! Nagtaka ka pa!"
Natapos ang maaksyong hapon na 'yon na may ngiti sa aking mga labi. Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng insidenteng nangyari sa pagitan nina Joey at Jerry. Maliwanag na sa akin ang lahat. Tapos na rin ang paghihinagpis ko sa ginawa sa akin ni Jerry. Subalit sadyang hindi pa yata tapos ang tila telenovelang bahagi ng aking buhay. Ako naman ang nagulat ng isang gabing umuwi ako mula sa pag o-overtime sa opisina. Dinig ko ang boses ni Joey sa labas ng bahay, may kausap sya.
Sa halip na pumasok agad ay nagpasya akong makinig muna. "Paano mo nalamang dito ako nakatira?" tinig ni Joey. "That's not important. Bakit mo ako iniiwasan?" sabi ng misteryosong lalaki. "Ayoko na! Mahirap bang intindihin 'yon?" sagot ni Joey. "Joey please, I love you! Don't do this to me." Nakikiusap na ang boses ng lalaki.
Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. Natatawa ako sa aking mga naririnig. Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto. "Huh. ah kanina ka pa?" tanong sa akin ni Joey. "Medyo, ah. sige. Aalis muna ako." Paalam ko. "No, wag kang umalis. Halika dito sa loob." Hila sa akin ni Joey. "Who is he?" medyo sarkastikong tanong ng lalaking kausap ni Joey. "Sya si Eldon, bagong boyfriend ko!" sabay akbay sa akin ng luko-luko kong kaibigan. Nagulat ako sa sinabi ni Joey. Pinilit kong hindi matawa. Nakisakay na lang ako sa kung ano mang drama nya. "Bagong boyfriend?" nagtatakang tanong ng lalaki. "Oo, bagong boyfriend ko. Mahal ko sya kaya layuan mo na ako." At talagang kinarir ng mokong ang pagpapanggap.
"Ah. eh. sino sya, LOVE?" inakbayan ko rin si Joey at feeling extra sweet. "I'm DAVE! Boyfriend ni Joey!" Dave? Ito ba si Dave? Ang Dave na ipinagpalit sa akin ni Jerry. Putsa, ngayon ko lang napagmasdan ang bruhong umagaw sa syota ko. Ang sarap lamukusin ng mukha. Ang taray ng dating. In fairness, may hitsura ang Dave na 'to. Hindi sya mukhang bading. Maputi at mukhang may kaya. Pero mang-aagaw sya. Ahas!
"Is that so? Hayan, papiliin natin si Joey kung sino sa atin." At napasubo ako sa ingles! Ang Joey, akala mo artistang bangag sa drama. "Dave please, umalis ka na. I'm in love with Eldon na." matigas na sabi ni Joey. "I don't believe you. Joey please stop this at once!" muling pakiusap ni Dave. Nagtaka ako kung ano ba ang ipinakain ng damuhong kaibigan ko sa lalaking ito at ganito katindi ang pangungunyapit na ayaw syang iwanan. "Ayaw mong maniwala? Eto." at nagulat na lang ako sa ginawa ng kaibigan ko. HINALIKAN AKO NI JOEY SA LABI!!! SYEEEETTTT!!! Nakita ko kung paano nagulat si Dave. Napanganga sya sa nasaksihan. "THIS IS STUPID! Bahala na kayo!" sabay alis ni Dave dire-diretso sa pinto at pabagsak na isinara ito. BLAAAGGG!!!!
"HAHAHAHAHA!!!!" todo ang tawa ni Joey pagkaalis na pagkaalis ni Dave. "Hoy, ano yon ha?" usisa ko. "Ang alin?" tanong nya sa akin. "Bakit mo ko hinalikan? Kasama ba sa 'script' yon?" tanong ko. "Ah, yun ba? Syempre para mas realistic! Teka, nagtatanong ka pa eh mukhang nag enjoy ka naman. Hehehe!" "Ako? Mag enjoy? Eh, parang halik ng patay. Bro, you're such a lousy kisser! Hahaha!" "Ganon? Teka, uuuy, you're just teasing me para halikan kita uli..uuuyyy. Hehehehe!" "Dream on.." sagot ko. ". pero bro, seriously, pasensya ka na ha, napasali ka pa sa gulo because of me." sabi ko kay Joey. "Wala 'yon. Sabi ko sa 'yo, I will do anything for you. Wag mo ng isipin 'yon." Ayoko na nga sanang isipin pero natatawa ako sa insidente lalo na ng halikan ako ni Joey. Ang gago, ang lambot-lambot ng labi. Hehehe! But still, I dismissed the idea na maulit muli yung halikan. Ginawa nya lang yon because of the situation. Kung kami lang, malabong mangyari yon.
Patuloy ang buhay. Nagpasya akong mag-lie low sa dating. Concentrate muna ako sa work. Pagkatapos ng trabaho, diretso ako sa bahay. Naalala ko, 1st day nga pala ni Joey sa assignment nya sa probinsya. Nagpaalam sya at umalis na kaninang umaga. Two weeks sya sa Bacolod. Nakita ko 'yon as an opportunity para makapagdala ng mga lalake sa bahay. Hahaha! Sige, pasok sa chatroom. Tatlong gabing magkasunod. tatlong iba't-ibang lalake. Nasiyahan ako, oo pero may kulang.
Dahil kaya pawang libog at pagpaparaos lang ang naganap? Hindi ko alam. Pagkatapos ni Jerry, hindi na ako masyadong nagseryoso. Tikiman lang. Iyon naman ang kadalasang laro, walang seryosohan. Magmahal ka, gagaguhin ka. Eh di ganito na lang pare-pareho na lang tayong mag gaguhan. Kahit ako ay nabigla sa naging takbo ng aking pananaw sa pakikipag relasyon. Marahil namulat lamang ako sa isang masakit na katotohanan. Eksaktong isang linggo, naiinip na ako, dahil sa loob ng ilang taon ng aming pagkakaibigan ay hindi pa kami nagkahiwalay ng ganito katagal. Nakadagdag pa ang madalang na pagte-text ng mokong. Nakakainis pa dahil puro 'k' at 'yup' lang ang sagot. Sobrang tipid sa salita. Nakaka-miss din yung mga pang-iinis nya sa akin at pati na ang mga kalokohan nya. Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa dumating ang araw ng pagbalik ni Joey. Excited akong umuwi galing sa opisina. Alam kong daratnan ko sya doon. Pero ako ang nagulat sa aking pagdating. Wala ang kaibigan ko.
Nakita ko ang dalawang bag nya, ang mga pasalubong sa lamesa, palatandaan na nakauwi na sya pero wala sya sa loob ng bahay. Para namang sagot sa katanungan ko ang isang text message mula sa kanya.
"Bro, punta muna ko kina Ria. Bigay ko yung pasalubong ko. See you later." Parang may kurot sa puso ko ang mensaheng iyon pero hindi ko maipaliwanag. Nagseselos ba ako? Bakit? Hindi naman siguro. Dahil marunong akong magluto ay naghanda na ako ng hapunan para sa aming dalawa. Lumipas ang oras, alas-otso, alas-nuwebe, alas-onse, ala-una. Nakatulog na ako sa paghihintay kay Joey. Isang malakas na katok ang gumising sa mababaw kong pagkakahimbing. Binuksan ko ang pinto. "Joey? Bro? Ano nangyari sa'yo?" pinagmasdan ko ang aking kaibigan. Halatang nakainom. "Uyyy, bro. Musta.. Gising ka pa pala." bati nya sa akin. "Eh bakit hindi ako magigising eh ang lakas ng katok mo sa pinto. Asan ba ang susi mo? Tsaka bakit ganyan hitsura mo?" tanong ko. Pumasok si Joey sa loob at sinundan ko sya. Pasalampak na naupo ito sa sofa at ako naman ay pumunta sa maliit naming kusina upang ipagtimpla sya ng kape.
"Sorry bro ha. Naabala kita." sagot nya. "Ano ba problema mo? Bakit ka uminom eh hindi ka naman sanay." Tanong ko. "Break na kami ni Ria." Simpleng sagot nya. "Haa?" nagulat ako sa sinabi nya. Ayokong sundan ng mga tanong ang sagot nya. Hindi tamang usisain ko ang buong pangyayari. Wala sya sa katinuan. Inalalayan ko na lamang syang makarating sa kanyang kama na katabi lamang ng higaan ko.
Tinulungan ko na syang hubarin ang kanyang sapatos at polo. Mabilis syang naidlip. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking kaibigan. Nakalarawan dito ang bigat na dinadala. Nakaramdam ako ng awa sa kanya at hindi ko napigilang umiyak. Kinaumagahan ay tulog pa rin si Joey. Kailangan kong pumasok ng opisina at ayoko namang gisingin sya. Kailangan nyang magpahinga. Ininit ko ang pagkaing niluto ko kagabi at lumisan na ako para pumasok. Buong araw ay inisip ko ang kalagayan nya. Gusto kong mag-text subalit naisip ko na baka kailangan nya munang mapag-isa. Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Joey sa bahay. Binati nya ako at ginantihan ko rin sya ng bati. Nakapagtataka, parang kagabi lang eh halos magpakalunod sa alak ang mokong na ito bakit ngayon ay tila ok na? Kunsabagay, ganito naman lagi ito pag nakikipag-break sa syota. Madaling maka-recover, nakakagulat nga.
"Uy, mukhang ok na tayo a?" Bati ko. Ngumiti sya sa akin. "Sya nga pala, sorry kagabi ha." Sagot nya. "Wala 'yon, ikaw pa!" sabi ko. Tumingin sya sa akin. Matagal.
Nagtataka naman ako. "Bro." "O, bakit.?" tanong ko. "Bro, hindi ka ba nalilibugan sa akin?" "Gago!!!" sagot ko kay Joey sabay tawa. Nagulat ako sa tanong nya. Parang kagabi lang eh, halos maiyak ito, pero ngayon eh kung anong kabulastugan ang itinatanong. Ito talagang si Joey very unpredictable. Lumakad sya papalapit sa akin. Napansin ko na pawisan na sya dahil sa ginawang pag e-ehersisyo. Nakita ko seryoso ang mukha. "Uy, walang ganyanan ha!" paalala ko sa kanya. Tumayo siya sa harap ko. Hindi ako makakilos. Kinuha nya ang aking kanang kamay at nagulat akong muli ng ipatong nya iyon sa kanyang harapan. Iginiya niya ang mga palad ko na damhin ang kanyang pagkalalaki. Nawalan ako ng lakas na agawin ang aking kamay. "Bakit?...." tanong ko sa kanya habang nakatitig sya sa aking mga mata. Naghihintay ako ng paliwanag, ng eksplanasyon mula sa kanya.
Napakalaki ng utang na loob ko kay Joey at mahal ko ang aking kaibigan, kung kailangan nya ako upang magparaos at magpalipas ng init ng katawan ay hindi ko sya tatanggihan. Kulang pa iyon sa mga naitulong at kabutihan nyang ginawa sa akin. Kung nakaya kong paligayahin ang ilang kalalakihang ni hindi ko kakilala, paano pa kaya ang isang kaibigang naging sandalan ko sa matagal na panahon. Subalit hindi ko inakalang aabot kami sa ganito.
Hangga't maaari ay iniiwasan kong may mangyari sa amin. Alam ko na pag nahaluan na ng kamunduhan ang aming pagkakaibigan ay iyon na rin ang simula ng pagkakaroon ng lamat nito. Hindi sumagot si Joey. Binitawan nya ang aking kamay subalit pinagpatuloy ko ang pagdama sa kanyang kaselanan. Inihanda ko ang aking sarili upang magpa-alipin sa kanya, upang makalimot sya. "Ito ba talaga ang gusto mo bro?" tanong ko. Nakita ko ang pagpatak ng mga luha nya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Naguguluhan man ay inalo ko ang aking kaibigan.
Dama ko ang pagpintig ng puso nya sa aking dibdib. Dama ko ang luha nya na bumasa sa aking mga pisngi. Dama ko ang bigat ng loob na kanyang dinadala. "Mahal kita bro. mahal na mahal." kahit tila bulong ang kanyang salita ay dinig na dinig ito ng aking puso. Ramdam ko ang sinseridad ng mga katagang sinabi nya. Bumitiw sya ng yakap sa akin at pinagmasdan ako. "Natakot ako bro. Natakot ako sa aking naramdaman, lalaki ako, imposible, pilit kong itinanggi na may pagtingin ako sa'yo! Sa loob ng dalawang linggong pagkakahiwalay natin, doon ko na-realize na mahal pala kita. Alam ko, malayong magustuhan mo ako. Dahil kung sakali man. Dapat noon pa, noon pa, sorry bro.. hindi ko sinasadya. Sorry.."
Gusto kong magsalita subalit hindi ko malaman kung ano ang aking sasabihin. Naramdaman ko na lamang ang kusang pagbalong ng aking mga luha. Noon ko napatunayan, ang matagal ko ng hinahanap ay nasa aking harapan. Ang inaasam kong kaligayahan sa kandungan ng iba ay abot-kamay ko lamang... Si Joey. Inilapat ko ang aking mga labi sa kanyang mga labi. Isang masuyong halik ang sinagot ko sa kanya. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ng mga oras na iyon. Walang salitang makasasapat sa ligayang aking nadarama. Hinayaan kong ang mga puso na lamang namin ang mag-usap. Pinahid ko ang kanyang mga luha at ibinulong ang mga katagang mula sa aking puso. "Gago ka talaga bestfriend..mahal din kita eh. Mahal na mahal."
END.
If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send them at gaypinoystories@gmail.com.
We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.
Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.
Post a Comment