July 2017

Eng21 (Part 31)
By: Cedie

XXXI. Second date, My birthday, Monthsary Plans

July 23, 2011

Nagkita kame ni Van sa may Cubao Station para sa aming second date. Tulad nung unang date namen, masaya pa din kameng nagkita at syempre late na naman siyang dumating. Nagikot lang kame nung araw na iyon sa mga mall sa cubao hanggang sa makarating kame sa may Ali Mall. Masaya akong kasama kong muli ang taong pinakamamahal ko sa araw na iyon at alam ko namang masaya din siya na kasama niya ako. Kumain kame sa foodcourt at hindi namen nagustuhan ang lasa ng mga lutong ulam ng pinagbilhan namen dun. Nagsinungaling na lamang ako na busog na ko kapag nakikita ko syang busog kaya ayos lang saken kahit hindi masyadong nakakain. Bago kami matapos kumain ay nagusap kame.

V: Ay may ibibigay nga pala ko sayo.

Eng21 (Part 30)
By: Cedie

XXX. God Gave Me You
July 11, 2011

First day ko sa trabaho ngayong araw na to. Magkatext pa din kame ni Van at naging masaya at ok kame magmula nung unang gabi na magkasama kame. Masaya akong pumasok sa trabaho para sa orientation. Hanggang ngayon ay nagiisip pa din ako kung anong kanta ba ang bagay sa amen ni Van na pwede nameng gawing theme song para sa aming dalawa. Matagal na kasi nameng pinaguusapan kung ano ba talaga ang pwede na makakarelate kameng pareho. Umalis na ako ng bahay ng nakacorporate attire papasok sa unang araw ng trabaho.

Habang nasa biyahe sa narinig ko ang isang kanta na pinapatugtog ng sinasakyan kong jeep at pamilyar na naman sa akin ang kantang iyon ngunit ng mapakinggan kong muli ay parang kakaiba siya ngayon dahil halos lahat ng mga linya dito ay nairerelate ko sa mga nangyayari sa akin ngayon. Pinikit ko ang aking mata habang pinakikinggan ang pagtugtog nito.

Eng21 (Part 29)
By: Cedie

XXIX. Our First Night Together
July 4, 2011

Kinabukasan ay nagkita kame ni Van pagkatapos ng kanyang klase sa isang mall malapit sa amin. Matamlay ako nung araw na iyon at tila napansin ni Van iyon. Naghanap kame ng isang spot sa mall kung saan pwede kameng magusap ng tahimik at walang nakakarinig sa aming paguusapan. Wala kameng nakitang tahimik na lugar kaya umakyat kame sa 4th floor ng mall at pumunta sa karaoke hub na madalas puntahan ng barkada namen nung college days. Nagrent kame ng room for one hour with 12 songs. Nagsimula muna akong maghanap ng iba't ibang kanta na papatugtugin ko bago kame magusap. Tahimik ako nun at halatang masama ang loob sa nangyayari. Pinatugtog ko ang cool off ni Yeng Constantino.

Wag mong isipin na hindi ka na mahal

Eng21 (Part 28)
By: Cedie

XXVIII. June 28, 2011

A date to remember and July 1, 2011 - Our first Date
Nang matapos ang aming muling pagsasama sa aming bahay, inamin ko kay Van na may nararamdaman ako sa kanya. Matapos ng aming ginawa sa aming kwarto ay nagmadali na siya umalis ng bahay dahil baka maabutan siya ng mama ko. Hinatid ko siya sa sakayan ng mga jeep at pumayag naman siya. Tinext ko siya pagkasakay niya ng jeep habang inaabot ko pa ng tanaw ang kanyang jeep na sinakyan, "magiingat ka Van ah, salamat sa pagpunta". Nagreply naman siya ng, "Salamat din ha." Naging madalas ang pagtetext namen ni Van at lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya bawat araw na kame ay naguusap. Marami pa ang mga bagay na nalaman namen sa isa't isa at mas naging malapit din ang loob ni Jivan sa akin.

Eng21 (Part 27)
By: Cedie

XXVII. Kakaibang Pakiramdam

Pagakyat namen sa kwarto ni Van ay umupo lang kami sa kama at nagusap muli. "So pano bang gagawin naten?", tanong ko sa kanya. "Ewan ko, ikaw bahala", sagot naman ni Van. Nilakasan ko ang loob ko at lumapit ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kanyang mukha at unti unting inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Iba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon at hindi lang libog. May kakaiba kong naramdaman sa loob ko, sa mga oras na iyon ay iniisip ko kung bakit magaang ang pakiramdam ko habang kasama siya. Habang hinahalikan ko siya ay naglaban na ang mga dila namen. Halatang wala siyang alam dahil mapapansin mo na sumusunod lang siya sa kung ano ang nangyayari sa amin. Isa isa naming tinanggal ang aming tshirt. Hindi niya tinanggal ang kanyang pantalon dahil masikip ito. Sinunod niyang tanggalin ang shorts ko hanggang sa boxers at briefs na lang ang suot ko. 

Eng21 (Part 26)
By: Cedie

XXVI. Unang Pagkikita

Pagkagising ko ng kinahapunan ng araw na iyon ay agad akong nagbukas ng facebook. Hinanap ko agad si Jivan gamit ang account na binigay niya at nakita ko naman agad ito. Inadd ko siya bilang friend sa FB at nakita ko naman ang mga pictures niya dahil hindi naman nakaprivate ang mga ito. Pagbukas ko ng account niya ay nakita ko ang mga pictures niya. Cute si Jivan, medyo payat siya, katamtaman ang taas na nasa mga 5'8 cguro kung pagbabasehan mo ang mga pictures, at masasabi kong may dating din. Buong hapon ko lang pinagmamasdan ang mga pictures ni Van sa FB niya at di ko namalayan na alas siyete na pala ng gabi. Pinatay ko ang laptop ko at kumain na ng hapunan. Naiinip ako dahil 3 days pa muli bago kame magkatext ni Van dahil wala pang weekend..

Kinabukasan ay nagising ako na nagriring ang aking cellphone, isang unknown number ang lumabas kaya kahit inaantok ako ay sinagot ko ito. 

Eng21 (Part 25)
By: Cedie

Pagkatapos ng Oath Taking namen ay nagpasya ako na magpahinga muna sana ng ilang buwan bago maghanap ng trabaho. Napagdesisyunan ko yun na magpahinga muna saglit sa lahat ng pressure na naidulot sa akin ng board exams. Kaya habang nasa bakasyon ako ay nagsimula na muli akong magsurf sa internet at magbrowse sa kung anu anong sites. Napunta ako sa isang site na puro fanfiction. Mga anime na ginagawan ng istorya ng kung sino-sino. Naaliw ako sa site na ito at nagbasa basa ng iba't ibang istorya...

Isang araw ay may tumawag sa akin na isang malaking kumpanya. Nagulat ako dahil hindi naman ako nag aapply ng trabaho sa kahit saan dahil nga gusto ko munang magpahinga. Pero nagulat nga ako nang tumawag ang kumpanya na ito sa akin. Alam ko na maganda naman ang kumpanya na ito at sinabi ng tumawag na nakuha daw nila ang pangalan ko sa isang referral. Naisip ko naman sa sarili ko na wala naman masama kung susubukan ko na ding mag apply nun kaya nagpaschedule ako ng interview para sa trabahong inooffer nila sa akin.

Eng21 (Part 24)
By: Cedie

XXIV. Si Aaron

Nagsimula ang review namen for the board exams. April 2011 ang board exam at napagusapan naming apat, nina Sarah, Emily at Jared na magseseryoso kami para maging ganap na mga engineers. Sa mga unang buwan ng review namen ay pansamantalang natigil ang pagdalaw ko sa mga internet sites at sa pakikipagchat ko sa kung sino sino pero paminsan minsan ay napapadalaw ako sa Uzzap. Naging madalas ang pagrereview ko at naging seryoso din naman ang aking tatlong kaibigan sa pagrerebyu para sa board exam. Sumapit ang December 2010, 4 months before the board ay sinabi sa amin ng isa sa mga reviewers namen sa review center na iyon, "Wag masyadong seryosohin ang pagrerebyu, bigyan niyo ng time ang sarili niyo na magrelax kahit papaano", ang mga salita na yan ang bumuhay muli sa utak ko. In short, namisinterpret ko ang sinabi ng professor naming iyon at nagsimula uli akong magchat at magpuyat sa Uzzap. Dito ay may makikilala na naman akong isang tao, na hindi ko inaasahang magiging parte ng istorya ko.

Eng21 (Part 23)
By: Cedie

XXIII. Pagbalik ng Isang Bangungot

Pagdilat ng aking mata ay napansin ko na nakatali ang aking dalawang kamay sa headboard ng kama ni Andy. Unti unti akong kinabahan sa nangyayari at nakita ko si Andy sa pintuan at may kasamang dalawang lalaki. Pagpasok nila sa kwarto ay nakita ko si Sir Chuck, at kasama niya yung isa pang lalaki na nakangisi sa akin doon sa show kanina. Bigla akong lalong kinabahan dahil sa mala demonyong ngiti na nakikita ko sa mukha ng lalaki. "Andy! Bakit nakatali ako dito? Ano to?", pasigaw kong sabi kay Andy. "Sorry Ced, alam ko kasi na hindi ka naman papayag at napakiusapan lang ako", I'm sorry." Lumabas si Andy ng kwarto at naiwan ako kasama si Chuck at ang hindi ko pa kilalang lalaki.

"Ced, wag kang matakot sa amin, maging mabait ka lang at masisiyahan ka din naman, siya nga pala si Matt, kaibigan ko", sabi sa akin ni Sir Chuck. "Sir, kalagan niyo po ako please", pagmamakaawa ko kay Sir Chuck. "Easy ka lang dyan Ced, sandali lang at magtatanggal na din kami ng damit", si Matt. Natakot na ko sa mga susunod na mangyayari sa akin kaya nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. 

Eng21 (Part 22)
By: Cedie

XXII. Si Randell
Dahil sa pagkagastos ko ng tuition fee ay nagsimula akong maghanap ng part time job. Dahil sa graduating na kame ay mayroon kameng OJT at naghanap na lamang ako ng kumpanya na nagbibigay ng allowance sa mga Trainees nila. Tila sinuwerte naman ako dahil natanggap ako bilang On-the-Job Trainee sa isang malaking TV Station. Dahil dito ay nagkaroon ako ng paraan para mabawi ang perang nagastos ko para hindi na maabala ang aking pamilya sa aking sariling kapabayaan. Nagsimula akong maging Trainee sa TV Station na ito noong July 2009, malapit na din akong maging 20 years old dito. Natuwa ako dahil natanggap ako sa malaking kumpanya na ito kahit bilang isang Trainee lang dahil alam ko na malaki ang chance na dito din ako makapagtrabaho kapag sinuwerte at maabsorb ako sa department na pinasukan ko. Sa mga unang araw ng aking pagpasok dito ay nagkaroon kame ng orientation sa kung anong mga gagawin namen. 

Eng21 (Part 21)
By: Cedie
XXI. Si Tom

Natapos ang ilang araw ay parang wala lang nangyari. Parang hindi man lang ako nakonsensiya sa ginawa ko kay Andrew. Nagpatuloy ang "Adventure" ko at nagbrowse pa din sa mga sites, nagchat sa Uzzap at kung anu ano pang katarantaduhan ang ginagawa ko. Matapos ang isang buwan ay may nakilala muli akong bago. This time naman ay sa "dating site" (Hindi ko na po babanggitin kung ano po iyon for personal reasons). Pagpasok ko sa site na iyon ay maraming nagpopup na mga messages sa akin na nagyaya ng sex, meet ups, date at kung ano man. Kahit papaano naman ay pihikan ako sa mga taong imemeet ko syempre dahil sa nagiingat ako at baka may makakilala sa akin at baka naman masamang tao naman yung mamemeet ko. Hindi ako nagupload ng picture ko sa site na iyon. Yung mga nagmemessage sa akin ay minsan may mga pictures at minsan naman ay wala din. 

Eng21 (Part 20)
By: Cedie

XX. Si Andrew

Noong nagsimula akong magbrowse sa mga Dating Sites ay may natuklasan din akong chat site or wap site sa smart. Marami siguro ang nakakaalam sa inyo ng Uzzap? Oo, naging tambayan ko ang uzzap mula nung bakasyon dahil sa wala akong ibang maisip na gawin sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang takbo ng isip ko magmula nang mawala si Kiko. Simulan na naten ang kwento kung paano ko nakilala si Andrew.

Habang pinagaaralan ko ang pasikot sikot sa Uzzap gamit ang aking cellphone na Nokia 6300, napunta ako sa isang chatroom na puro Bis at Gays ang tao. Pagpasok ko ng room ay mapapansin mo na puro SEB ang mga hinahanap ng mga members. So napagisipan ko na din na sakyan ang mga trip ng mga tao sa room na ito. Ganito ang naging post ko: "Hi peeps, 5'9 moreno medium here 18 male manila, average/cute looks, sinong may place puntahan ko kayo, manila area nearby, lets get it on!". 

Eng21 (Part 19)
By: Cedie

XIX. Isang Malaking Pagbabago

Wala na siya. Wala na ang bestfriend ko na itinuring akong kapatid at minahal pa na higit sa kapatid. Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Makalipas ang ilang araw ay dumating ang mga magulang ni Kiko at ibinurol siya sa kanila. Nabalitaan naman yun nang barkada at agad nila akong kinamusta. Nagpapanggap ako na OK lang ang lahat. Hindi ako naniniwala sa mga nangyari hanggang sa napagpasyahan nilang magpunta kame sa kanila. Pagkarating namen sa bahay nila ay nakita ko si tita na umiiyak. Pagdating namen ay nakita ko ang kabaong. Hindi ko naisip na tumingin dito pero nagpumilit ang aking mga kasama na tignan ito. Hinding hindi ko malilimutan ang mga pangyayaring iyon. Nagpaalam na ako na mauuna ako sa kanila. Nagsorry ako kay tita at sinabi niyang dadalhin nila si Kiko sa China at dun na ililibing. 

Eng21 (Part 18)
By: Cedie

Hi guys, maraming salamat po sa patuloy niyong pagbabasa ng istorya ng buhay ko. Pasensya na po dahil medyo matagal tagal na ko bago makapagpost ng bago. Medyo naging busy na din po kasi sa work at sa marami na ding kinakaharap na mga problema.. Hayaan niyo po at ikukwento ko din naman ang mga nangyayari saken. Bale nasa year 2007 pa lang po tayo jan. After po nyan ay magkakaron ng kaunting fast forward sa buhay ko pero dadaanan pa din naman naten ang mga susunod na taon. Pagdating po sa current year ay mas magiging madami ang ipopost ko dahil ito na ung present time.

Muli, nagpapasalamat po ko sa pagbabasa nito at pagshare sa iba. Maraming salamat po sa suporta. Hindi ko alam na sa simpleng paglalabas ko ng nararamdaman sa pamamagitan ng isang blog ay marami din ang maiinspire, malulungkot at maiiyak at matutuwa din naman kahit papano sa aking blog. Sana po ay maging masaya tayong lahat..

Eng21 (Part 17)
By: Cedie

XVII. Pahiwatig ng Isang Pamamaalam

Author's Note:
Hi guys, gagawin ko na pong 1st person Point of View ang pagkukwento. May nagsabi daw po kasi na mas maganda kung ganun ang gagawin ko. Sana maenjoy niyo pa rin po ang story ko. Medyo magiging mahaba tong bagong chap and kung may comments po kayo ay wag kayong mahiyang magcomment sa ilalim ng chap na to. Salamat po.

Natapos na ang bakasyon naming magkakaibigan at nagsibalikan na sila dito sa Maynila para magenroll at pumasok muli. Dahil 3rd year college na kame ay mas mahirap na ang mga subjects dahil puro major subjects na ang kukuhanin namen at wala na yung mga minor subjects tulad ng PE (lagi akong uno dyan, hehe). Dahil dito ay naexcite kaming lalo sa mga matututunan namen dahil dito na talaga magsisimula ang panibagong challenge para sa amin dahil ang lahat ng matututunan namen dito ay related na talaga sa kursong kinuha namen. May kaunting pag aalala pa din sila ngunit sabi ko naman ay hindi ko sila pababayaan at tutulungan ko pa din sila sa abot ng aking makakaya. 

Eng21 (Part 16)
By: Cedie

XVI. Bestfriends

Natapos ang Valentines Day at bumalik sa normal ang pagsasamahan ng mga magkakaibigan. Hindi nila iniisip ang sakit ni Ced dahil yun ang gusto ng binata. Sa tuwing sumasakit ang ulo nito ay inaalalayan lang nila ito para makainom ng gamot at para maturukan ang sarili. Nakakapagaral nang muli sila at hindi nila itinatrato si Ced na parang may sakit dahil iyon naman ang gusto ng binata. Tuwing weekends naman ay sinasamahan na ni Kiko si Ced sa doktor para maupdate tungkol sa kalagayan nito. Ang sinasabi ng doktor ni Ced ay ituloy tuloy lang ang therapy at malaki ang tsansang mawala na ang bukol sa kanyang utak. Medyo napapanatag si Kiko sa mga naririnig niya mula sa doktor at nababawasan ang pag aalala niya kahit papaano sa kaibigan. Lumipas nang muli ang mga araw at nalalapit na naman ang finals nila para sa 2nd year 2nd sem nila. Nagsagawa pa din ang barkada ng nakasanayan nilang "review picnics" at masaya pa din si Ced na turuan sila. Nagbibiro pa ito ng, "Kapag ako nawala at least hindi kayo babagsak sa exam", naiinis naman si Sarah at Emily sa tuwing binabanggit niya ang birong ito. Masaya naman si Ced sa mga natagpuan niyang mga kaibigan, ngunit sa loob naman niya ay iniisip niya pa din kung hanggang kelan tatagal ito, gusto niyang masulit ang bawat oras at minutong kasama niya ang kanyang mga kaibigan lalo na ang kanyang bestfriend na si Kiko.

Eng21 (Part 15)
By: Cedie

XV. A Sad Valentines Day

Inalalayan ng doktor si Ced dahil halos malaglag ito sa kanyang kinauupuan dahil sa panginginig at sa pagiyak nito. "Dok, ano pong gagawin ko, may taning na po ba ang buhay ko?", tanong ng binata. "Hindi iho, kaya nga mabuti na lamang at nagpacheck up ka na at maagapan naten ang sakit mo, benign tumor lamang siya, ngunit kung lumala ito ay maaring maging sanhi ng blood clot sa iyong utak at maaari mo itong ikamatay. Kaya din nakakaapekto ito sa iyong sense of balance at sa iyong paningin dahil nasa bandang cerebrum ang namumuong bukol", pagpapaliwanag ng doktor. "Ano po ang kailangan nateng gawin?", nagaalalang tanong ni Ced. "Sa ngayon ay kailangan mong magpahinga at iwasan ang stress dahil maaaring makaapekto ito lalo sa iyong pagiisip. Bibigyan muna kita ng gamot para maibsan ang sakit na nararamdaman mo sa tuwing kumikirot ang ulo mo. 

Eng21 (Part 14)
By: Cedie

XIV. An Unwanted Result

Ang mga susunod na pangyayari ay kwento na lamang ng aking mga kasama dahil sa mga oras na ito ay wala akong malay.. Enjoy!

"Anong nangyari?", yan ang unang tanong ng nurse sa clinic na pinagdalhan nina Kiko kay Ced. Sumagot si Emily nang may pag aalala, "Papunta na po kasi kami sana sa mall kaso lang po sumasakit daw ang ulo niya pero wag daw po nameng intindihin, tapos nung naglalakad na po kame bigla po siyang hinimatay at nahulog sa hagdan." "Oo nga po, sabi po namen umuwe na siya at baka napagod lang siya pero ayaw pa din niya po", mangiyak ngiyak na dagdag ni Sarah. "Wag kayong masyadong mag alala, baka over fatigue lang ang nangyari sa kaibigan niya, antayin na lang naten na magising siya at ihatid niyo na siya pauwi ng bahay", nakangiting sabi ng nurse. Kahit papaano ay nawala ng kaunti ang mga pagaalala sa mga mukha ng kaibigan ni Ced. Nagpahinga na rin muna sila saglit at nagvolunteer naman si George at Robert na bumili na lang muna ng pagkain para sa barkada. Pagkabalik nila ay eksaktong nagising na ang kanilang kaibigan. Agad na lumapit si Kiko kay Ced at hinawakan ito sa kanyang mga balikat.

Eng21 (Part 13)
By: Cedie

Matapos ang matagumpay ng pagsosorpresa ng mga kaibigan ni Kiko sa kanyang kaarawan at nagpatuloy lamang ang mga araw ng kanilang pagpasok, paggala at mga bonding times ng kanyang barkada. Malapit na ang Pasko at magsisimula na din ang kanilang Christmas Vacation kaya nagplano muli ang kanilang barkada na magpunta sa Star City bago magbakasyon sa kani-kanilang mga probinsya. Natuloy naman ang planong ito at matapos nito ay nagsiuwian na din ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang mga probinsya. Si Kiko naman ay uuwi din pansamantala sa China para doon magcelebrate ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang mga magulang. Bago ang flight ni Kiko ay binigyan niya si Ced ng isang regalo na nakabalot sa isang medyo maliit na box. "Bunso, tsaka mo na buksan yan pag nakaalis na ko. Enjoy mo tong Pasko at bagong taon ah. Kitakits na lang ule tayo sa pasukan. Mamimiss kita", nakangiting sabi ni Kiko kay Ced. "Sige Kiks, ingat ka sa flight mo ah, pakikamusta mo ko kay Tito at Tita, tapos tawag ka pag nandun ka na ha", medyo malungkot na sagot ni Ced. 

Eng21 (Part 12)
By: Cedie

XII. Isang Sorpresa

Lumipas ang mga araw at linggo at dumating na naman ang finals ng unang semester. Pinaghandaan ng lahat ang exam na ito lalo na ng barkada. Matapos ang exam ay wala pa ding bumagsak sa kanila. Tuwang tuwa naman ang magkakaibigan at lalo na si Ced dahil hindi bumaba ang kanyang grades at mananatili pa din ang kanyang scholarship.

Malapit na ang birthday ni Kiko. Nagkausap usap ang magkakaibigan sa pamumuno ni Ced kung papaano sosorpresahin si Kiko sa kanyang nalalapit na kaarawan.Nagsimula na ang second sem at ilang linggo na lang ay sasapit na ang kaarawan ni Kiko. Nagkaroon sila ng plano na gaganapin ang birthday party niya sa sarili niyang bahay. May duplicate key naman kasi si Ced ng bahay ni Kiko kaya madaling madali nilang maisasagawa ang kanilang plano.

"Ganito ang plano naten, may pasok nung araw na yun diba, kaya may isang magyayaya saten kay Kiko na pumunta sa kung saan after ng klase. Pagkatapos nun ay yung iba naman ay sasama saken para pumunta sa bahay nila at maghanda ng pagkain at iba pang ihahanda.", paglalahad ni Ced sa kanyang mga kaibigan na tila excited na din sa mga mangyayari.

Eng21 (Part 11)
By: Cedie

XI. Let the Truth Come Out

Nagkatinginan ang mga kaibigan ng tumapat ang bote kay Jared. Sinimulan na ni Robert ang pagtatanong, "Jared, truth or dare?" "Truth", ang sagot ni Jared. Biglang nagisip ng malalim si Robert at biglang nagtanong, "Sino ang sa tingin mong pinakamalapit mong kaibigan dito sa barkada? Tutal simula pa lang eh madali lang ang gagawin mo." "Si Ced", sagot ni Jared. Nagulat si Ced sa kanyang narinig at maging si Kiko ay parang nabigla din. "Oh wala naman tanong kung bakit kaya paiikutin ko na tong bote", wika ni Jared. Pinaikot niya ang bote at tumapat naman ito kay Sarah. "Sarah, truth or dare?" "Truth din choice ko", sagot ni Sarah. "Who was your first kiss?", tanong ni Jared. "Ah, yung una kong boyfriend nung high school, hindi niyo naman kilala so turn ko na ngayon." Pinaikot ni Sarah ang bote at biglang tumapat ito kay George. "Truth", sinabi agad ni George. "Ok sige, may naka one-night stand ka na ba?", tanong ni Sarah. 

Eng21 (Part 10)
By: Cedie

X. Simula ng Isang Laro

Paguwi ni Ced sa kanila ay napansin siya ng nanay nito na matamlay at hindi nagsasalit. "Anak ayos ka lang ba? Bakit parang ang aga mo umuwi?", tanong ng nanay nito. "Wala po ma, masama lang ang pakiramdam ko kaya umuwi agad ako", sagot ni Ced. "Ma akyat muna ko sa taas ah, magpapahinga lang po ako." "Oh sige anak, tawagin na lang kita at ipagluluto kita ng sopas." Umakyat si Ced sa kanyang kwarto, humiga sa kama at tuluyan nang napaluha sa kanina pa niyang pinipigilan na damdamin. Nagisip isip siya sa kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman. Iniisip niya kung bakit bigla na lamang naging ganoon sa kanya ang bestfriend niya. Napaidlip si Ced sa sobrang pagod. Ginising siya ng kanyang Mama para kumain ng hapunan. Matapos nito ay umakyat na muli siya ng kwarto para maghanda ng mga gamit na dadahil at damit na isusuot para sa plano nilang barkada. Pagkatapos ayusin ng lahat ng kanyang gamit ay natulog nang muli ang binata.

Eng21 (Part 9)
By: Cedie

IX. Pagseselos

Malapit na ang planong night swimming ng barkada. Isang araw bago ang nakatakdang lakad ay magkakasama sina Emily, Sarah, George, Jared, Robert at Ced papunta sa basketball court para manood ng praktis ni Kiko. Dalawang araw na ang nakalipas at hindi pa din nagkakausap ang dalawa. Sa tuwing tinetext ni Ced si Kiko ay magrereply at sasabihin na busy ito sa training. Nang magpunta naman siya sa bahay ni Kiko kahapon ay hindi ito umuwi kaya magisa siyang natulog sa bahay nina Kiko. Kaya napagpasyahan ni Ced na yayain ang barkada after class dahil excused din naman ang mga varsity player kapag may training sila. Pagdating nila sa basketball court ay nakita nilang naglalaro si Kiko at ang kanyang mga kasama. May napansin silang mga grupo ng mga babae na nanonood din sa laro ng mga varsity. Sa tuwing nakakascore si Kiko ay titingin siya sa grupo ng mga babae at may itinuturo siyang isang magandang babae sa grupo na yun.

Eng21 (Part 8)
By: Cedie

VIII. Paghihinala

Kinabukasan ay naghanda ang dalawa para pumasok muli sa eskwelahan. Tumawag ang mga magulang ni Kiko at nangamusta sa mga nangyayari kay Kiko. Si Ced ang nakasagot ng telepono at ikinagulat ito ng Mama ni Kiko pero ito ay natuwa. "Hello tita, si Ced po ito, kamusta na po? Naliligo pa po si Kuya Kiks", "Iho ikaw pala, mabuti naman kame, kayo kamusta na dyan? Hindi ba nagloloko sa school si Francois?" "Ah hindi po, sumali din po pala siya sa varsity ng basketball team, alam niyo na po ba yun?" "Ah yes, he mentioned that to me before, Sige iho pakikamusta mo na lang kame sa anak namen at ibababa ko na to, I just want to check up on him but I know he's ok, mag ingat kayo diyan ha?" "Sige po tita, regards na lang po din kay tito. Bye" Pagkababa ng phone ni Ced ay biglang labas ni Kiko sa CR, "Ced sino yung tumawag?" "Si Mama mo, kinakamusta lang tayo, mukhang nagmamadali kaya binaba na agad yung phone, ayun kamusta daw at ingat daw palagi." 

Eng21 (Part 7)
By: Cedie

Nagulat si Ced sa ginawa ni Kiko sa kanya. Nakadilat siya habang magkalapat ang mga labi nila. Si Kiko naman ay nakapikit, hindi niya pa din tinatanggal ang labi niya sa mga labi ni Ced, natatakot siya sa maaring mangyari kung bigla siyang iiwas dahil siya naman ang unang gumawa ng move kaya nangyari ito. Dumilat siya at nakita niyang nakatingin si Ced sa kanya. Tila nangusap ang mga mata nila at pumikit na silang dalawa. Ginamit ni Kiko ang kanyang dila para pasukin ang bibig ni Ced. Nagparaya naman ito at nagsimula silang maghalikan ng walang halong libog. Kakaiba ang pakiramdam ng dalawa sa kanilang ginagawa. Nararamdaman ng isa't isa kung gaano ang pagpapahalaga nila sa bawat isa.

(Kiko's Point of View)

"Salamat at hindi siya natakot sa akin. Sana nararamdaman niya ngayon kung gano siya kahalaga sa akin. Hinalikan ko siya para ipakita na gusto ko siyang alagaan. Mahal ko na nga si Ced. Nararamdaman ko sa puso ko na gusto ko siyang makasama ng pangmatagalan. Poprotektahan kita at hindi na kita hahayaang masaktan pa bunso." Yan ang mga katagang naiisip ni Kiko habang kasama niya at kayakap niya si Ced."

Eng21 (Part 6)
By: Cedie

Nang magising sila ay magkayakap pa din ang dalawang binata. Nagkatinginan sila at ngumiti ang bawat isa habang magkatitigan sa mata. Biglang may naramdaman si Ced sa bandang ilalim ng kanyang katawan. Gising ang alaga ng kanyang kaibigan. "Kuya Kiks, gising yung alaga mo, kinakalabit ako", natatawang sabi ni Ced. Hinawakan ni Kiko ang kanyang alaga at sinabing, "Ou nga ano, teka punta lang ako sa CR saglit para magpalabas, dyan ka lang bunso, maya maya pasok na tayo ng skul, baka malate tayo sa klase eh." Naging mas malapit pa ang magkaibigan dahil sa pag amin ni Ced sa isang bagay na masasabi niyang isang malaking sikreto sa buhay niya. Nang dahil dito ay mas napansin ng mga kaibigan nila ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Ced sa tuwing magkakasama sila. Dumating ang ilang buwan at nagkaroon ng try-outs para sa basketball. 

Eng21 (Part 5)
By: Cedie

Nagsimula na ang ikalawang taong sa kolehiyo nina Ced. Sa unang araw pa lang ay parang napakatagal nagkita ng mga kaibigan para magkwentuhan ng walang humpay sa classroom. Dahil unang araw ng pasukan at orientation lang naman ang mangyayari sa unang araw, nagyaya si Kiko na maggala sa pinakamalapit na mall. "Pagtapos ng orientation, punta tayo sa mall! Sagot ko na lahat tutal ako ang pinakamalaki ang baon sa ating lahat! Hahaha.", pagmamayabang ni Kiko. "Oh sige tara, wala kaming iisipin, happy happy lang!", pahayag ni Robert. Matapos ang kanilang orientation ay nagsimula ng umalis ang barkada nina Kiko papunta ng mall ngunit napansin nilang tila nananahimik si Ced at may malalim na iniisip. "Oi prince, anong iniisip mo?", tanong ni Sarah. Nabigla si Ced sa tanong ni Sarah at sumagot, "Ah wala naman, may naisip lang naman ako, kanta tayo after kumain ah! Haha". 

Eng21 (Part 4)
By: Cedie

Natapos ang klase ng magkaibigan at agad naman silang tumungo sa Canteen para kumain. "Ced, anong gusto mong pagkain? Tara ililibre na kita", si Kiko. Sumagot naman si Ced, "Naku wag na pre may baon naman ako eh, ayos lang ako na lang bibili." "I insist, ililibre na kita tutal ikaw naman ang bago kong kaibigan dito sa school eh." Hindi na nakatanggi si Ced at hinayaan na lamang niya si Kiko na gawin ang gusto nito. Matapos nilang kumain ay nagyaya si Kiko na ikutin nila ang buong university bago umuwi. "Ang laki pala ng school naten, buti na lang pala at niyaya kitang lumibot para naman next time hindi na tayo magmukhang tanga next time sa paghahanap ng mga lugar dito sa school." "Oo nga Kiko, salamat ah.", "Saan naman? Sa libre? Wala yun barya lang saken yun, haha.", nakangising sabi ni Kiko. Sumagot si Ced, "Basta salamat." Nilapitan ni Ced si Kiko at niyakap ang kaibigan saglit at biglang bumitaw. 

Eng21 (Part 3)
By: Cedie

(Hi guys, I changed the names of the characters in my story for privacy. Thanks! And I am still using my third person POV)

Dumating ang professor nila Ced at nagpakilala ito. "Good morning class, My name is Engr. Paulo Calderon. You can call me Sir Paul for short. Si Paul ay may taas na 5'9, malaki ang katawan at halatang nagbubuhat dahil sa mga muscle sa kanyang braso. So lahat ba ng estudyante dito ay block section?" Sumagot ang buong klase at nalaman nila na lahat pala sila ay magiging magkakaklase sa buong sem. "Ok sige class, pakipasa muna ang mga Adviser Slip niyo para makita ko at mapirmahan. Ipinasa ng mga estudyante ang kanilang mga A.S sa professor at tinawag niya isa isa ang mga estudyante para ibalik ang mga A.S matapos pirmahan. "Ok now, tutal magiging magkakaklase kayo for the whole sem, let us get to know each other, magpapakilala kayo, your name, nickname, hobbies, sports, at things about yourself and magsisimula tayo at the back." Biglang natahimik ang dalawang bagong magkaibigan dahil silang dalawa ang nakaupo sa pinakacorner ng classroom at nagtawanan ng itinuro ng professor si Kiko. Nagsimulang tumayo sa upuan niya si Kiko at sinimulan ang pagpapakilala sa sarili.

Eng21 (Part 2)
By: Cedie

Makalipas ang isang oras ay nakabalik na si Ced sa kanilang bahay dala dala ang pagkain mula sa isang fastfood. Kuya andito na ko! Pagbukas niya ng gate ay nadatnan niya ang kanyang kapatid at si Bryan na naglalaro ng PlayStation2 sa kanilang sala. "Kuya tara kain na muna kayo, ako na muna maglalaro, tutal busog pa naman ako kasi kumain na din ako sa mall kasi nagutom ako kanina. O heto na yung pagkain oh, kayo na bahala dito." Inabot ng binatilyo ang pagkain sa kanyang kapatid at nagsimula ng maglaro ng PS2. Habang naglalaro ang binatilyo ay naririnig nito na naguusap ang kanyang kapatid at ang kaibigan nito. "Tol, may girlfriend na ba tong kapatid mo? Mukhang chickboy eh", tanong ni Bryan sa kapatid ng binatilyo. "Ah wala pa, naku pinagbabawalan kasi ng Mom namen eh, tsaka mabait yan sobra, inuuna muna talaga ang pag aaral bago ang lovelife, consistent honor student kasi kaya pursigido sa pag aaral.", sagot naman ng kapatid ni Ced. "Ah ganon ba, so hindi pa yan nakakatikim?, ibig sabihin virgin pa yang kapatid mo, hahaha.." "Gago ka ang bata pa niyang kapatid ko." Namula si Ced ng marinig niya ito mula sa kaibigan ng kanyang kapatid. Sa edad kasing 13 ay wala pa talagang experience ang binata sa kahit ano, napapanood niya lang sa ilang porn movies ng kanyang mga kaklase at ni minsan ay hindi pa niya nagagawa iyon.

Eng21 (Part 1)
By: Cedie

Disclaimer: Names of persons in this blog are changed for privacy issues.
Hi, ako si cedie, 22 yrs old na ko ngayon. Pinanganak ako sa Manila, lumaki sa isang probinsya sa Region 4. Bunso sa tatlong anak at pinagmamalaki ng mga magulang dahil consistent honor mula elementary hanggang high school. Nag college sa maynila at kumuha ng kursong inhinyerya sa isang unibersidad sa quezon city noong ako ay 16. Dito magsisimula ang aking kwento.

Ako ay may taas na 5'11, moreno, at katamtaman ang laki ng katawan, naging player ako ng basketball sa aming unibersidad at naging vocalist ng isang banda na binuo ng mga magtotropa. Dito ko nakilala ang unang una kong kaibigan, si Kiko.

Si kiko ay isang intsik, haha, oo full blood chinese siya, may taas na 5'8 at maputi, chinito, at maganda ang pangangatawan. Naging ramp model siya sa mga fashion shows dahil di naman mapagkakaila na may angking kagwapuhan si kiko.

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.