Monday, March 9, 2020

Unfaithful

credits to original owner

Call me Ice, 22 yrs old and currently in a relationship. Oo alam nya na unfaithful ako. Sakit ko na ito simula pa lang.

“I don’t wanna do this anymore

I don’t wanna be the reason why

Every time I walk out the door

I see him die a little more inside

I don’t wanna hurt him anymore

I don’t wanna take away his life

I don’t wanna be a murderer”

Simple lang naman ako. 5’7 ang height, medyo singkit, makapal ang kilay, matangos ang ilong ngunit para sa akin ay di gwapo at di rin naman panget, pero malakas daw ang appeal. Kaso sa mga bisexual at bakla lng. Twice akong nabigo sa panliligaw sa babae pero d naman busted na busted. Ung una alam ko may pag asa pa ako, ung ikalawa, yun talaga ang sobrang minahal ko. May nagkakagusto naman na ibang babae kaso di ko naman type at kaibigan kasi. Pero sa bi at gay, bentang benta. Ewan ko nga ba, lapitin ako ng tukso. Halos araw-araw ata may tukso sa tabi ko. Kung hindi ako ang manghihipo, ako ang hihipuan. Kadalasan pa, ung mga natitipuhan kong lalaki ay nagkakaron ako ng pagkakataong makasalamuha at makausap. Tadhana talaga. Tulad na lang kanina, inilibre ako nung crush ko na taga other department sa pinagtatrabahuhan ko. First time lng naming mag usap, nalibre kagad ako sa jeep.

To start the story, nasa relationship ako, tawagin na lng natin sya na Diesel. Nakilala ko sya sa Baclaran last year, 2013. Kakagaling ko lng sa interview for work. Pagod na pagod ako that time and ang hirap hirap sumakay since friday yun and holiday pa kinabukasan. Habang naglalakad ako ay may nakita akong gwapo, makapal ang kilay, kayumanggi ang balat at lalaking lalaki. Sinusulyapan ko sya ng sinusulyapan para kunin ang atensyon nya at di naman ako nabigo. Napansin ng binata ang paulit ulit kong pagsulyap. Tuwing titingin sya ay iiwas ako ng tingin. Biglang tumawag ang nanay ko sa phone ko.

Nag usap kami at kinakamusta ang pag aapply ko. Sinamantala ko rin na ipakita sa gwapong binata ang ngiti ko. Ito raw kc ang pinakamalakas kong sandata. Hanggang sa tawagin nya ako upang tabihan sya. Nagawa pa nya akong alukin ng pagkain at inumin. Nalaman ko na pareho lng pala kami ng way pauwi, inalok nya akong sumabay na lng sa kanya. Nalaman ko rin na galing sya sa work at dumiretso sa baclaran para sumimba. Sumakay kami ng bus na punong puno na ng pasahero. Standing at ng magkabakante, hinarangan nya agad ang upuan para harangin ang iba at ako ang paupuin. Nagkabakante sa katapat ngunit kabilang side ng inuupuan ko at dun sya naupo. Sulyapan lng ang pag uusap namin. At ng bumaba ang kapwa katabi namin ay pinalipat nya ako ng upuan. Bandang likuran kami at wala ng mga tao. Doon ay hinalikan nya ako sa labi. Ewan ko ba at pumayag ako. Tas inulit nya uli and this time ay inilaban ko na ang dila ko. Nagpalitan kami ng numero bago sya bumaba.

Naging magtextmate kami ni Diesel. Hanggang sa pinapapunta ko na sya sa bahay namin at talagang may nangyayari. Dominant sya sa akin. At pag nag aaway kami, nagdadala sya ng chocolate cake sa akin. Pagkakagaling nya sa work ay dumadalaw sya at syempre laging may nangyayari. Yes, binobottom nya ako, sinusubo ko sya. Habang tumatagal, minamahal ko na sya. Hanggang sa umamin sya na taken na sya. Masakit para sa akin pero tinanggap ko. Anong magagawa ko eh babae yun. May mga bagay na meron sya na wala ako. Naging mas maingat kami. Tuwing umaga lng kami magkatxt ni Diesel. Sabi nya working ung gf nya at gabi ang uwi at legal daw sila at dun natutulog sa kanyang kwarto. Nakahiwalay kasi ang kwarto nya. Nagpatuloy ang pagkikita namin, minahal ko na talaga sya. Ngunit hindi nawala ang curiosity ko sa gf nya. Gusto kong makita ang picture ngunit naging maiinitin ang ulo nya. Tuwing magtatanong ako ay nagagalit sya at hindi biro ang away namin. Hanggang sa natuklasan ko na bf ang gf na tinutukoy nya. Nakikipaghiwalay na ako sa kanya pero away nya kaya pinapili ko sya sa amin. Totoo, forte ko ang mang agaw. Si Diesel ay 3rd bf ko. Ung 1st and 2nd, inagaw ko lng din at palagi, ako ang pinipili. Yun na nga, ako ang pinili ni Diesel over sa 3 yrs nya ng gay bf. Tumagal kami ni Diesel khit away dito at away dun. Dahil lapitin ako sa tukso at pinapatulan ko, at umaamin ako kay Diesel ay nagtatalo talaga kami. Masakit kc nalulungkot at nasasaktan sya pero masarap kasi parang may something sa loob ko na nagtutulak na gawin yun. May na masturbate na ako sa bus na nilabasan pa. Mayroon naman na sya mismo ang kumuha ng kamay ko para laruin ang titi nya. Kadalasan jakol sa bus ang ginagawa ko. Take note, gwapo lang ang pinapatulan ko ng salsalin sa bus. Umamin din ako sa nanay ko ng katauhan ko, at inamin na may bf ako. Sa katunayan ay naging magkatxt pa nga sila. Magka birthday pa nga silang dalawa.

October 2013, may nakilala ako, tawagin natin sya na Blue. Nagraduate sya ng maritime, seaman kung baga. Maalaga sya at pacute. Gwapo at cute naman talaga sya at sweet pa. Naging malapit kami. Minsan nga umuulan, iisa lng ang payong namin, umakbay sya sa akin at magkashare kami sa payong. Matangkad sa akin si Blue kaya parang sakto ang height namin. Si diesel kasi naiwan ko na sa height.

Habang tumatagal ay naging mas malapit kami ni Blue. Hanggang sa may nangyari sa amin. Nag inuman kami although tanduay ice lng tas tig dalawa pa kami. Tas natulog kami ng nakayakap ako sa kanya at parehong nakaboxers lng kami. Bago magbukang liwayway ay naputukan nya ako sa aking bibig. Ngunit never kaming naghalikan tipong parang trip lng. Pero that time ay baliw na baliw na ako sa kanya. Nagpipigil din kc sya dahil may partner sya at nasa barko ito. Ayaw nya daw itong lokohin.

Dumating yung time na umamin ako kay Diesel. Na gusto ko sya at may nangyari na sa amin ni Blue ngunit d na yun mauulit pagkat magkaibigan na lang kami. Natanggap nya naman ito ngunit ayaw nya ng makilala si Blue pakiramdam nya kasi na aagawin ako nito sa kanya. Di naman ako naniniwala sa mga pinagsasabi nya sapagkat gwapo at cute si Blue at di ako nun magugustuhan, sa katunayan ay ilang beses na nyang tinanggihan ang halik ko.

Ngunit, nagawan ko ng paraan lahat, napakilala ko sila sa isa’t isa. Nag inuman pa nga sila. Masaya naman ako kasi naging open sila sa isa’t isa. That night, pinapauwi ko na si Diesel, palalim na rin kasi ang gabi at nag aalala ako na baka kung anung mangyari sa kanya sa daan kung iinom pa sya ng marami. Ngunit sabi nya ay nayaya pa sya ng mga tropa ni Blue. Nag beer house pa cla. That time galit na ako. Galit na galit dahil hindi sya nakinig sa akin. Sabi nya ay magtiwala ako. Pero iba talaga ang kutob ko nung gabing yun, d ako makatulog. Nagtxt na din si Blue na sya na ang bahala kay Diesel. D pa rin ako napalagay. Nakatanggap na lng ako ng txt kay Diesel na wag na akong mag alala dahil nasa bus na sya at hinatid pa sya nila Blue. After days, makikitulog ako kina Diesel. Mag isa lang sya sa parang hiwalay na silid. Cmula umpisa ay pumupuslit lng ako papasok sa kanila. Bago yung gabing yun ay umamin kagad sya sa akin. Sabi ko na nga ba, may mali. Sabi nya ay hinalikan sya ng GRO sa beer house sa leeg at may kiss mark sya. Nag away kami buong araw. Wala akong ginawa kung hindi umiyak. Tinatanong ko kung panu na nagawa yun sa kanya. Ang sabi nya ay niyakap sya sa likod kaya d na sya nakalaban dahil na rin daw sa kalasingan. D ako kumbinsido noong una pero napaniwala nya pa rin ako. Mahal ko na talaga ang mokong ehhh… Ng gabing yun ay nagpaalam sya sa akin na pupunta sya sa bahay ng lola nya, pinayagan ko naman. Fiesta ata yun. Hindi ko sya kinulit nung araw na yun kasi alam ko yung feeling ng tinetxt ka sa oras ng busy ka sa pag aasikaso o nag eenjoy sa mga kamag anak mo. Buong araw yun. Nagtxt naman sya na pauwi na sya sa kanila. Tinxt ko pa sya na mag ingat. Natulog din sya ng maaga ng gabing yun at napagod daw.

Kinabukasan ay napadaan ako kina Blue para mangamusta bago man lang ako lumuwas. Tinurinh ko na kc talaga si Blue na matalik kong kaibigan. Nagpaalam naman ako kay Diesel na pupunta ako. Habang magkasama kami ni Blue ay may mga sinasabi syang parang mga clue. Kinakamusta nya si Diesel, kung alam ko daw ba kung asan si Diesel kagabi at nagpaalam daw ba sa akin. Syempre ako naman ay pinanindigan na nasa bahay si Diesel ng lola nya. At sinigurado ko pa yun sa kanya. That time kinutuban na naman ako ng masama. Inihatid ako ni Blue sa tabing kalsada at doon ay nakita namin ang isang tropa nya. Kinakamusta si Diesel. Sinabi pa nito na galante raw yung kaibigan ni Blue na yun. Hindi pa rin ako nananiwala sa kanila pero iba na ang kutob ko. Never pa akong binigo ng kutob ko.

Naging normal lahat sa amin ni Diesel. Hanggang sa ilang araw ang nakalipas, nagsosorry sya sa akin. Bsta sya ng basta. Hanggang sa inamin nya na hindi daw sya umuwi nung gabing yun. Sa halip ay pumunta sya kina Blue at nagpainom dun kasama ang mga tropa ni Blue. Inamin nya rin na hindi daw halik ng GRO yung halik sa leeg nya. Nung unang gabi na nag inuman sila ay sa pinilit syang matulog ni Blue dun sa kanila at si Blue daw mismo ang naglagay nung kiss mark sa leeg nya. Meron pa daw sya sa dibdib. Punong puno na ako nun. Nakikipaghiwalay na ako at inaaway ko na din si Blue. Tulala na ako sa trabaho at laging naiyak. Ang nasa isip ko ay magsama silang dalawa. madali sa akin ang makahanap. Ngunit naging makulit si Diesel na ako daw ang mahal nya at dala lng daw yun ng kalasingan. Hanggang halik lng naman daw sila at kissmark sa kanya. Mas ikinagalit ko yun kasi si Blue ay pumayag na mahalikan sa labi pero sa akin ayaw. That time todo explain si Blue, wala daw syang alam sa nangyari. Madalas akong tulala at wala sa sarili.Nagawa ko pa ngang isumbong si Blue sa kanyang mama tungkol sa pang aagaw nito sa bf ko.

Yung gabing yun, umiiyak ako na nagpaalam kay nanay na magkikita kami ni Diesel upang makipaghiwalay na ng tuluyan. Una ay ayaw akong payagan dhil alas dose na yun ngunit wala din syang nagawa. Nagkita kami ni Blue ngunit walang usap usap. Sumakay kami ng bus pero magkahiwalay at di pa rin nagkikibuan. Pag dating kina Diesel, cnumulan ko ang pagtatapos namin. Ang relasyon namin. Lahat ng masasakit na salita nasabi ko. At ramdam ko at halata din sa kanya na durog na durog na sya sa mga pahayag ko. Si Blue naman ay halos sa akin kumakampi. Natapos ang paghaharapharap namin na parang napagtulungan si Diesel.

Iisang sasakyan na naman ang sinakyan namin ni Blue at magkahiwalay na naman kami. Ngunit ng mabakante ang tabi ko ay lumipat si Blue sa tabi ko at umakbay. That time ay umagos na lng ang luha ko. Nagkaayos kami ni Blue ng gabing yun.

Nagpatuloy ang mga araw, sinusuyo pa rin ako ni Diesel. Nag eexplain sya ng side nya. Pinakinggan ko naman ito dahil na rin sa naging unfair ako na ako lng ang nagsasalita nung gabing nagkaharap harap kami. This time, gumana na naman ang kawalan ko ng utak at puso na naman ang umiral. Mahal ko pala talaga si Diesel. Dahil sa kanyang pagpupursigi na magkabalikan kami ay nakuha nya uli ang tiwala ko kaya nagkabalikan kami. Nangako sya na huling huling pagkakataon na ito. Hinding hindi nya na sasayangin. Madalas nya ding banggitin na palabas lang daw ni Blue ang lahat para masira kami. Ako daw talaga ang type ni Blue sapagkat nung gabing nagkaharap harap kami, sa akin kumampi si Blue. At nag-take advantage din ito na magkalapit kami sa mga araw na malabong malabo kami ni Diesel. Nariyang nag aayaw sya ng mga lakad dahil malungkot daw sya. Ako naman bilang tinuring ko ng tunay na kaibigan at walang malisya ay pinagbigyan ko ang mga kahilingan nya na mga gala namin. Mukang may point si Diesel, mukang nais nga lang ni Blue na agawin ako ngunit dahil nagkabalikan na kami ay bigo sya. Nariyan pang ikinwento ni Blue na may nagkakagusto raw sa kanya na 16 yrs old na lalaki at gustong gusto daw syang maging bf at makatabi sa kama. Sa akin sya humihingi ng tulong at payo.

Ibinalita ko kay Blue na nagkabalikan na kami ni Diesel. Ang sagot nya ay “It’s good to know na kayo na uli” at dinagdagan pa nya ito na pakibura na daw ng number nya sa akin at buburahin nya na rin ang akin. Ito daw ang tama at makakabuti. Noong una ay ayoko sapagkat naging malapit ko na rin syang kaibigan pero naunawaan ko rin naman na gusto nyang lumimot sa mga masalimuot na nangyari. Nahiya din ako dahil nag away sila ng mama nya dahil sa mga naibunyag ko na pang lalagay ni Blue ng kiss mark sa leeg ng bf ko.

Naging mas maayos ang aming pagsasama ni Diesel. Kitang kita ko ang pagbabago sa ugali nya, sa mga kilos at mga pananalita. Kung dati ay maikli ang pasensya nya ay ngayon ay talagang sobrang haba na at ang lalim na rin ng pag unawa nya. Hindi ko na rin sya nahuhuling tumitingin sa iba. Pumupuslit pa rin ako sa kanila upang makitulog. Kung dati nung nagsisimula pa lamang kami ay kada punta ko ay may nangyayari sa amin, ngayon ay hindi na. Madalas ay kuntento na kami na magkatabi at magkayakap kami matulog.

Mag iisang taon na sana kami ng nagkalabuan kamini Diesel. Wala kay Diesel ang problema. Nasa akin ang problema. May sakit ako. Psychological ito. Hindi ko alam ang tawag ngunit gustong gusto kong humahawak ng ari ng lalaki sa publikong lugar lalong lalo na sa mga sasakyan. Ang hirap pigilin ng kamay ko. Ang hirap talaga. Madalas ay naglalanding sa hita o kaya naman ay sa mismong alaga nila.

“I don’t wanna do this anymore

I don’t wanna be the reason why

Every time I walk out the door

I see him die a little more inside

I don’t wanna hurt him anymore

I don’t wanna take away his life

I don’t wanna be a murderer”

Dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Diesel ay minararapat kong makipaghiwalay sa kanya. Nakokonsensya ako sa ginagawa ko. Mag bf kami pero humahawak ako sa ari ng kung sinu-sino. Ayaw nyang pumayag. Kung may nagawa daw ba syang mali o ayaw ko. Magbabago daw sya wag ko lng iwan. Ako naman, ang sinasabi ko lang ay nasa akin ang problema at wala sa kanya. Ayoko na sanang aminin sa kanya dahil masasaktan lang sya ngunit napilit nya ako. Sinabi ko sa kanya ang katotohanang may psychological problem ako upang makipaghiwalay sya. Natunaw ang puso ko dahil imbis na magalit sya at tuluyan akong hiwalayan ay inunawa nya ako. Tutulungan nya daw akong gumaling at wala daw sa kanya yung mga ginagawa ko dahil mahal na mahal nya ako. Kaya nya daw magtiis wag ko lng daw syang iwan at magtulungan daw kami upang magbago ako.

Hanggang ngayon ay kami pa rin ni Diesel. Ngayon ay hirap pa rin akong magcontrol ng sarili ngunit nabawasan na ng malaking pursyento ang panghihipo ko. Pero di ko na maalis sa sarili ko na hindi na ako ang karapatdapat sa pagmamahal ni Diesel. Pero ang lagi nyang sinasabi sa akin na ako ang pinaka malaking kasalanan na dumating sa kanya ngunit hinding hindi nya pinagsisisihan.

Sana ay nagustuhan nyo ang aking kwento. Alam kong hinding hindi ako magiging karapatdapat kay Diesel. Pero pinipilit kong magbago para sa sarili ko, sa pamilya ko at lalong lalo na para kay Diesel.
Share:

0 comments:

Post a Comment