Monday, March 9, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 20

by: sympaticko

CHAPTER 20

First time ko na magsanla sa buong buhay ko. Hindi naman kasi ako kinakapos sa pera at sunod naman ang layaw ko kahit papano pero iba ngayon. Gustong-gusto ko talaga bigyan ng surprise gift si Kevin hindi ko lang alam kung ano. Hmmmm siguro marami jan sa tabi-tabi.

Naglakad-lakad ako at nagpalinga-linga ng tingin. Ang daming pwede bilin pero wala akong makita na pwede ibigay kay Kevin hanggang sa mahinto ako sa isang tindahan ng silver. May pagka sosyal ang store at maraming lamang tao. Marami rin empleyado na agad tatanggap sayo.

“Sir para kanino po?” bungad ng sales lady na todo ngiti.

“Hmmmm.” wala akong masabi.

“Sino po ba pagbibigyan sir?” parang inulit lang nya yung tanong kanina.

“Someone special.”

“Wow! Swerte naman nya sir.” kagaling lang mambola ng hinayupak. Hehe. “Sir dito po.” dinala nya ako sa bandang harapan kung saan naroroon ang pinakamagaganda at pinakamamahal na desenyo.

“Miss pwede bang personalized? Gusto ko kasi lagyan ng itinials.”

“Yes sir pwede po. Maghihintay lang po kayo ng konti. Ano po bang klaseng silver?”

“No problem. Bracelet.”

Isa-isang kinuha ng sales lady ang mga sinasabi nyang magagandang desenyo pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang simpleng bracelet na hindi naman kalakihan. Tamang-tama lang yun para kay Kevin.

“Sir sigurado ka na dito?” nagtataka siguro sya dahil mukang hindi naman pambabae yung napili ko.

“Yes.”

“Sir ano pong design yung gusto nyo ipagawa?”

“Gusto ko lang palagyan ng itinials. Two letters lang. Bahala na kayo kung anong magandang design para dun.”

“Sir ano pong initials gusto nyo?”

“M|K” sinulat ko pa sa isang maliit na papel.

“Okey sir dito po tayo sa cashier. After nyo po bayaran, maghintay lang po tayo ng 10 to 15 minutes.”

“Okey. Thanks.”

Mabilis lang naman ginawa. Wala pang 10 minutes.

“Sir okey nagustuhan nyo?”

“Yup.”

“Todo smile ah. I'm sure magugustuhan yan ng girlfriend mo.”

Ngumiti lang ako sa kanya at excited na lumabas ng store. Tinawagan ko na si Kevin para mabilis, baka kasi hindi agad mabasa yung text ko.

“Hello Kevin... saan ka?”

“Nandito na sa kotse. Saan ka para mapuntahan kita?”

“Hindi na. Ako nalang pupunta jan.”

“Sure ka?”

“Yep.”

“Mukang masaya ka ah?”

“Hehe. Basta. Osige bye na. Papunta na ako.”

“Okey.”

Malayo palang ay nakita ko na si Kevin, nakangiti kasi sya nang makita ako papalapit. Nakatayo lang sya sa harap ng kotse nya, nakapamewang.

“Musta paglilibot?” tanong nya.

“At sino naman nagsabi na naglibot ako?”

“Wala lang. Ano naman ginawa mo kung hindi ka naglibot?”

“Wala lang. May mahalaga lang akong ginawa.”

“Mukang mahalaga nga kasi hindi mo ako sinama eh.”

“Sus nagtampo kapa. Tara na?”

“Oo nga gumagabi na. Lumalamig na.”

“Saan nga pala tayo next?”

“SM Baguio.”

“Wag na tayo magluto sa bahay ha. Dun nalang tayo sa mall kumain.” sabi ko. Baka kasi magluto na naman sya ng walang kamatayan adobo.

“Yes boss.”

___________________________________________


“Ang ganda ng place noh?” tanong nya habang nakaupo kami sa gilid ng Mall, isang maliit na restaurant sa taas ng mall na overlooking sa buong syudad. Ang daming lights. Ang ganda ng view, pamatay! In short romantic.

Tumango lang ako.

“Enjoy ka ba?” tanong ulit nya.

“Yup.” maikli kong sagot.

“Good! Order na tayo. Nagugutom na ako.”

Habang kumakain ay napansin ko na malalim ang iniisip nya kaya minabuti kong tanungin.

“Okey ka lang?”

“Mukha ba akong hindi okey?” ngumiti sya.

“Oo”

“Wala to. Wag mo ko alalahanin.”

“Basta sabihin mo lang ha.”

“Kaya sayo ko eh.”

___________________________________________


Sa bahay habang nagaayos ng mga gamit.

“Kevin”

“Oh”

“May sasabihin sana ako sayo.”

“Ano yun?”

“Wag ka magagalit.”

“Ano nga yun?”

“Wag ka muna magagalit.”

“Sige. Ano yun?”

“Kanina nung humiwalay ako sayo.”

“Bakit?” nagiisip sya. Pilit nya binabasa ang mukha ko.

“Sinanla ko kasi yung ipod ko.”

“What?! Diba nga sabi ko ako bahala sayo. Bakit kailangan mo pa magsanla?” patay galit ata sya.

“May gusto kasi akong bilin.”

“Yun naman pala eh. Nakakatampo ka naman. Nandito lang naman ako.”

“Iba kasi to Kevin.”

“Muka nga. Mukang sobrang importante para sayo at kahit ako hindi pwedeng malaman.'

Haaaaay buhay. Nagtampo pa si loko. Kung alam mo lang na para sayo yun. Ang pangit naman kung hihingi ako ng pera sa kanya para ibili sya ng regalo. Nahihiya ako na ilabas sa bulsa ko ang regalo ko para sa kanya. Hindi ko alam kung paano yun ibibigay. Tinawag ko na ata lahat ng santo para tulungan ako na magkalakas ng loob.

“Kevin.”

“Ano na naman?”

“Eto oh.” inabot ko sa kanya ang isang maliit na box na kulay blue. Nakapikit pa ako sa sobrang hiya.

“Ano to?” nagtataka sya.

“Buksan mo.” sabi ko.

Binuksan naman nya agad yun. Nagulat sya sa nakita nya. Ilang segundo syang natigilan. Ako naman ay tahimik lang, kumakabog ang dibdib.

Kinuha nya yun at tinitigang mabuti.

“What is MK?”

“Mark and Kevin.” sabi ko.

“Ahhh.”

“Nagustuhan mo?”

“Sobra.”

Hindi ko na namalayan ang sumunod na pangyayari, ang bilis. Hinalikan nya ako sa labi. Hindi ako lumaban. Hinayaan ko lang na maglapat ang aming mga labi. Parang huminto ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling yun.

Huminto sya sa paghalik. Lumayo naman ako. Tinitigan nya ako ng mabuti.



“I love you Mark.”
Share:

0 comments:

Post a Comment