Sunday, March 8, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 19

by: sympaticko

CHAPTER 19

Nagising ako mula sa isang hindi magandang panaginip. Buti nalang hindi pala totoo. Pinunasan ko ang luha ko sa gilid ng aking mga mata. Kahit pala panaginip lang nadadala parin ang aking emosyon. Tulog na tulog si Kevin sa tabi ko. Hinipo ko ang kanyang nuo, ang kanya pisngi, ang kanyang braso... hindi na mainit hindi tulad kanina.

Maingat kong itinaas ang kanyang kanang kamay na nakapatong sa aking dibdib at dahan-dahan akong tumayo para hindi sya magising.

Sinilip ko ang labas, medyo tumitila na ang ulan. Ang lamig ng paligid, puro hamog sa paligid, basang-basa ang mga salamin na parang yelo sa lamig. Pumasok ako sa kabilang kwarto para kuhanin ang cellphone ko. May ilang text pero puro quotes lang. Alas kuwatro na pala ng umaga. Mabuti siguro na maghanda ako ng makakain namin ni Kevin. Nagpunta ako sa kusina, naka-prepare na pala ang dapat ay dinner namin kanina. Malamig na ang adobo ni Kevin kaya pinainit ko nalang yun. Hinanda ko na ang lamesa para sabay na kaming kumain.

Hinaplos ko muli ang kanyang buhok. “Kevin kain na tayo.” bulong ko.

Mukang okey naman na sya pero halatang nanghihina pa. Slow-mo pati ang pagbukas ng kanyang mga mata. Mapupungay ang mga yun kaya lalo ako naawa sa kanya. Ngumiti ako at gumanti rin naman sya. Pinipilit nyang umupo kaya agad ko naman syang tinulungan. Sinandal ko sya head board ng bed.

“Kevin teka lang, kukuha lang ako ng pamalit mo. Basang-basa ka na ng pawis.” tumango lang naman sya.

Pumili ako ng manipis na damit para presko. Pawis-pawis sya kahit na sobrang lamig ng paligid. Epekto siguro yun ng gamot na ininom nya kanina.

Ako na ang naghubad ng damit na suot nya. Pinunasan ko muna ang kanyang likod, ang kanyang dibdib, ang mga singit-singit bago ko pinalitan ng bagong damit.

“Akala ko ba malakas ka?” tinapik ko ang kanyang kanang pisngi.

Ngumiti lang ulit sya. Ang tamis-tamis ng smile nya, nakakatunaw. Tinulungan ko syang tumayo, nanginginig parin ang kanyang mga tuhod kaya inalalayan ko sya ng mabuti. Magkaharap kami na nakaupo sa hapag kainan.

Tumayo ulit ako para buksan ang tv sa sala, naghanap ng magandang channel at ayun meron naman, Myx at puro love songs ang pine-play. Tinantya ko ang volume para magkabuhay ang loob ng unit.

“Nice music.” sabi ni Kevin.

“You like it?” tanong ko.

“Yes. Favorite ko yan.” ngumiti sya. Kasalukuyang pine-play ang Love will keep us alive ng The Eagles. Oo nga pala, mga slow, love and senti songs ang favorite nya.

Kakaiba ang ambiance. Feeling ko nasa isang classy restaurant kami.
Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Sana ganito nalang lagi.

Tumayo ulit ako para tulungan syang kumuha ng pagkain.

“No need Mark. Kaya ko to.”

“Basta umupo ka lang jan, ako muna bahala sayo.”

Ngumiti lang ulit sya. Tumango. Ilang sandali pa ay kumain na kami.

“Masarap ba?” tanong nya.

“The best adobo in the world.” sobra ang niti nya, ang saya saya ng mukha nya. Ewan ko ba, sa totoo lang simpleng adobo lang naman yun, hindi naman super sarap pero may something na nagdudulot sa akin ng kakaibang saya. Adobo ala Huget is the best in the world!

Wala masyadong usapan habang kumakain kami. Hindi pala kailangan ng maraming kulitan at bolahan para maging masaya ang aming samahan. Kahit nakatikom ang aming mga bibig, nagagawa parin namin magusap sa pamamagitan ng aming mga titig. Mas epektibo pala yun.

___________________________


“Buong buhay ko lagi nalang ako namamalimos ng attention. Lagi ko pinapangarap na balang araw hindi ko na kailangan na maghanap pa ng tao para lang makasama ko, para lang maging masaya ako. Lagi nalang ako iniiwan sa buhay nato.”

Nakaupo kami magkatabi sa sofa sa sala habang nakabukas ang tv sa harap namin. Kinuha nya ang aking ulo at nilagay sa kanyang braso.

“Salamat Kevin dahil lagi kang nanjan. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya dahil may kaibigan akong tulad mo.”

_________________________________________________


“Hoy Mark gising na. Tanghali na.”

“Mamaya pa. Inaantok pa ako.” nakapikit pa mga mata ko.

“Marami pa tayong pupuntahan.”

“Mamaya na. Inaantok pa talaga ako.”

“Mahiya ka naman sakin Mark. Ako dapat ang nagpapahinga tapos ikaw naman ang tulog ng tulog. Pinilit kong gumising para lang paglutuan ka.”

Patay don! Ayan nangunsensya na si Huget. May point nga naman si loko, dapat ako ang gumagawa non. “Eh kung mabinat sya Mark?!” sabi ng konsensya ko.

Bumangon na agad ako. Sa sofa na pala ako nakatulog. Hindi na ako nagbago. Kahit nakaupo nakakatulog agad ako. Batugan ba?

“Bakit hindi mo ako ginising para naman nakalipat ako sa kwarto.” tanong ko sa kanya habang pupungas-pungas.

“Ang sarap ng tulog mo sa braso ko paano kita gigisingin? Nag-drama ka pa kasi kanina.” ayan nabuhay na naman ang ngiti nya, ngiting nakakagago.

Agad akong tumayo at diretso sa kwarto. Kinuha ang cellphone ko at tinawagan si yaya. Wala na akong nagawa kundi sabihin ang totoo pagkatapos ay ginayak ko na mga gamit kong isusuot. Nag-ayos ako ng sarili sa banyo. Sabay ulit kami kumain. Nagluto pala sya, A-D-O-B-O na naman. Yun lang kasi kaya nyang iluto kaya pagbigyan na natin. Pagkatapos ay gumayak na kami.

“Saan tayo pupunta?”

“Basta.”

“Ayan na naman yang basta nayan.”

“Marami tayong pupuntahan.”

“Okey ka na ba?”

“Tsssk. Masyado ka naman nagaalala.”

“Nataranta ako kagabi sayo.”

“Bakit naman?”

“Akala ko mamamatay kana.”

“OA mo naman.”

“Seryoso yun. Natakot talaga ako.”

“Eh mahina pala loob mo eh.”

“Sige ganyanin mo ko, kapag nilagnat-lagnat ka ulit mamaya pababayaan kita.”

“Ang cute mo!”

“Bakit ngayon mo lang ba nalaman?”

“Medyo.”

Sinakal ko sya ipit ang kanyang leeg sa kanang braso ko. Pinitik ko ang tenga nya at ang kanyang ilong na madalas nya ginagawa sakin.

“Nanghihina lang ako pero humanda ka pag nakabawi ako ng lakas.”

____________________________________________________


Nagpunta kami sa The Mansion, ayun picture picture. Pati yung guard sa gate tinitrip ni Huget. Utusan daw ba na maging photographer si manong guard. Ang ganda ng mga larawang kuha ni manong, sana naging litratista nalang sya. Hehe. Pansin ko iba ang titig nya kay Huget. Hehe. Naglakad lakad din kami sa paligid. Buti nalang at sumikat si haring araw.

Nag Botanical Garden din kami. Medyo nahirapan nga lang kami na hanapin ang lugar. Muntik na nga namin iwanan yung kotse sa Burnham park para mag taxi nalang para daw mas madaling makapunta sa lugar. Hindi yun magandang idea kaya hindi ako pumayag. Buti nalang after ilang ikot at maling daan, sa wakas natagpuan din namin ang hardin. Pumarada kami sa gilid ng daan at naglakad nalang kami pababa. Sobrang daming puno at ang lamig ng simoy ng hangin. Para kang nasa loob ng kagubatan sa ganda. Maraming pwede upuan at syempre ang libo-libong bulaklak sa paligid na nagdadagdag attraction sa lugar. Umupo kami ni Kevin sa damuhan at nagpahinga ng konti.

Dumaan din kami Camp John Hay pero hindi na kami duon nagtagal. Hindi na nga namin nakuhang bumaba ng kotse.

Alas kuwatro na ng hapon ng makapunta kami sa Mines View. Hindi gaanong karamihan ang mga turista kumpara kapag vacation. Ang dami namin naging pictures habang nakaupo sa konkretong harang sa bangin at nakaharap sa breath taking view ng Mines. “You look cute together” sabi ng isang banyaga na nakasabay namin habang nakaupo sa isang higanteng bato. Takaw pansin daw kami lalo pa't wala kaming mga kasamang girls. Tanong nga ng isa sa mga tindera malapit sa park, “Oh mga hijo nasan yung mga girlfriends nyo?” ngiti lang ang sinagot namin. Hindi nila alam kaming dalawa lang talaga ang magkasama. Hehe. Maraming tindahan ng kung ano-ano sa gilid ng daan. Ang dami kong gustong bilin pero wala naman akong pera. Ano kaya mabili para kay Kevin? Sheeeet bakit ba kasi ako walang pera! Buti nalang may naisip ako.

“Kevin maghiwalay muna tayo. May bibilin lang ako.”

“Ha? Wala ka naman pera diba?”

Oo nga pala. Hehe. Mali yung palusot ko. “Hmmm basta text text nalang tayo mamaya.”

“Kanina pa kita gusto alukin ng pera para naman may mabili ka kaya lang nahihiya akong gawin yun, baka kasi kung ano isipin mo.”

“Okey lang yun Kevin.” ngumiti ako. “Oh pano text text nalang?” dagdag ko.

Kahit nagtataka ay tumango nalang sya sa akin. Una akong umalis at tinungo ang direction kabaligtaran ng sa kanya.

Marami-rami naring hakbang ang aking nagawa pero hindi ko talaga mahanap. Alam ko nandito lang yun eh. Ayun sa wakas nakita ko rin.

“Manong magkano sangla nato?” inabot ko yung ipod classic ko na may 80G memory. Maingat naman ako sa paggamit kaya mukhang bago pa naman yun.

“Hmmmm. Apat na libo.”

“Ano?!”

“Ganyan lang talaga presyohan nyan.” sabi nya.

Sheeeet badtrip! Bigay pa naman to' ng nanay ko sakin nung Christmas. Gusto ko kasi bilan ng regalo si Kevin.


“Sige po deal!”



Bye-bye ipod! 
Share:

1 comment:

  1. Can't wait sa next chapter please uploader pakibilis po HAHAHAHA

    ReplyDelete