Friday, March 6, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 17

by: sympaticko

CHAPTER 17

Buset si Maggie pala!

Parang wala akong mukha na maiharap sa kanya. Bakit ba kasi nagsinungaling pa ako sa kanya. Bahala na ilulusot ko nalang to.

“Oy Mags nandito ka pala.” ngek tinanong ko pa talaga.

“Oy Mark nandito karin pala.” Lumipat sya ng isang upuan kaya ngayon ay magkatabi na kami. Nakaharap kami kay Kevin. Tinapik nya ako sa likod ng mahina.

“Mags this is Kevin nga pala. Kaibigan ko.” tutal inulit lang nya ang sinabi ko, eto mag-usap kayo ni Kevin. Sumenyas ako kay Kevin patago. Tinitigan ko sya. “Saluhin mo ko.”

Kinuha nya ang kamay ni Maggie at nakipag-shake hands. “Hi I'm Kevin.” ang lakas ng loob ng loko.

Mukang kinilig naman si Maggie at wala tuloy nasabi.

Bago pa mapunta ang lahat sa kung saan-saan, pumagitna na ako agad. “Mags pauwi na talaga kami. Dumaan lang kami dito para hindi nako magdinner mamaya. Totoo yun, may important talaga akong gagawin.” mahaba kong explanation. Masyado bang defensive?

“Ooooops Mark hindi mo na kailan magpaliwanag. Ano ka ba that's okey. No need to explain.” nakangiti nyang tugon. Anag ganda talaga nya. Nakaka.... tooot...

Napansin ko na si Kevin ay nagmamasid lang sa usapan namin ni Maggie. Ilang sandali pa ay nakasama narin si Kevin sa usapan. Napasarap ang kwentuhan namin. Halos inabot pa ng fifteen minutes ang kwentugan. Mukang interested din si Maggie kay Kevin pansin ko.

“Mags, mauna na kami.”

“Okey Mark. Bye. See you tomorrow.”

“Bye.”

“And Kevin.”

Hindi na sumagot si kevin. Ngumiti nalang sya para magpaalam.

While driving... “Mark.”

“Bakit?”

“Gusto mo yung Maggie?”

“Oo.”

“Ah...”

“Joke lang...” sabi ko pero ang totoo ay oo.

“Ang ganda nya. Impossible na hindi ka mainlove.”

“Maganda nga sya pero ang gwapo mo naman.” tinignan ko sya habang nagda-drive, nakangiti.

Tinigil nya ang kotse at itinabi sa gilid ng high-way. Babawiin ko sana yung sinabi ko, sasabihin ko sana na 'joke lang' pero nakita ko ang reaction nya. Masaya sya. Nakikita ko yun sa mga mata nya. Tahimik lang sya habang tinitignan ako. Seryoso sya. Ilang minuto din nanatili sa ganong posisyon hanggang sa bigla syang ngumiti, ang kanyang super-duper killer smile.

“Walang bawian.” pinitik nya ang aking ilong. Mahina lang naman.

Imbes na bawiin ko ang sinabi ko, ginantihan ko nalang sya ng isang ngiti. Hindi ko alam kung ano ang meaning non sa kanya at hindi ko rin alam ang magiging resulta ng mga ginagawa ko pero wala akong pakialam. Basta nakikita ko na masaya sya, masaya narin ako. Maya-maya pa ay umandar narin kami. Napakatahik ng byahe namin. Mabagal lang ang takbo pero kabado ako. Ilang sandali pa ay nakarating narin kami sa bahay. Maaga pa, nasa alas syete palang siguro nang makauwi ako. Ibang-iba talaga sa oras ng uwi ko.

“Tara sa loob.” aya ko sa kanya.

“Sige hindi na. May gagawin pa ako eh.”

“Sigurado ka?”

“Yup.”

“Okey sige ba-bye.”

“Uy saglit.”

“Bakit?”

“Yung usapan natin ah? Ala-una. Susunduin kita.”

“Seryoso ba yun?” tanong ko haang nakakunot nuo. Nakahawak ako sa sa pintuan na nakabukas.

“Yup. Basta ala-una lumabas kana. Tiyak nandito nako sa gate nyo nun.”

“Okey bye.” lumabas na ako ng kotse at sinarado na ang pinto, medyo napalakas ata. Bumusina naman sya ng mahina habang papasok ako sa gate. Sumenyas naman ako bilang tugon.


Sheeeet naninibago ata ako. Ang aga pa kasi para sa uwi ko. Naabutan ko si yaya na nakaupo sa sala, nanunuod ng local news. Pilit nya ako pinakakain at pilit naman ako sa pagtanggi. Gulo noh? Hehe.

“Yah pag nagising ka sa busina ng kotse mamayang umaga, mga bandang ala-una, wag mo nalang pansinin.”

“Bakit Mark? Sino yun?”

“Basta yah. Matulog ka lang ng mahimbing.”

Nagtataka siguro si yaya sa mga sinasabi ko. Ang gulo naman kasi sa totoo lang. Bakit naman may bubusina sa harap ng bahay ng ganong oras. Haaaaaay.....

Nanuod lang ako ng replay ng laban ng Dallas Mavericks at New York Knicks sa NBA tv at nakatulog naman agad ako pagkatapos.

Ssssssssssssssssssssssssssz....

____________________________________________


Buset parang kaingay.

Binabangungot kaya ako.

Alam ko gising na ang diwa ko pero ayaw bumangon ng katawan ko. After fifteen minutes sa wakas nagawa ko din bumangon.

Oo nga pala may usapan kami ni Kevin. Teka anong oras na ba? Sheeeeet! Alas tres na pala. Sheeeeet talaga. Ang daming missed calls at text ang natanggap ko, lahat galing kay Kevin. Napabalengkuwas ako sa kama para bumaba. Lumabas ata lahat ng adrenaline ko dahil ilang segundo lang ay nagawa ko nang makababa. Agad kong binuksan ang ilaw sa harap ng bahay. Sheeeet umuwi na ata si Kevin. Nagulat talaga ako ng may makita akong kotse na nakaparada sa gilid. Nakita ko si Kevin nakaupo sa isang sulok malapit sa gate. Nilapitan ko sya.

“Sorry hindi ako nagising.”

“Ang tagal mo naman.” tama ba ang narinig ko? Hindi sya galit. Nakangiti pa sya.

“Alas tres na ah. Bakit hindi ka pa umuwi?”

“Sabi ko naman sayo hihintayin kita diba? 12:30 pa nga lang nandito nako eh.”

“Owsss.”

“Oo nga. Ayoko kasi na ma-late ako sa usapan natin.”

Nahihiya naman ako. Pupungas pungas pa ako. Hindi ko alam kung puro muta ba ako or what.

“Gayak kana.”

“Ha? Bakit?”

“May pupuntahan tayo.”

Sige sige. Bahala na. “Sige. Gusto mo ba pumasok muna?”

“Wag na. Hintayin nalang kita dito.”

Pumasok na agad ako sa loob. Diretso agad sa banyo. Hindi na ako naligo. Naghilamos nalang ako at nag toothbrush. Shorts lang ako panglakad at shirt na kulay yellow, naka tsinelas. Gulo-gulo pa ang buhok ko kaya nag cup nalang ako. Kinuha ko cellphone ko at hindi na ako nagdala ng wallet. Wala naman siguro kaming bibilin. Nakita ko yung ipod ko na nakasabit sa handle ng cabinet ko kaya dinala ko narin. Gagamitin ko yun in case na mangulit si Kevin, para hindi ko sya marinig.

Wala pang 10 minutes lumabas na ako.

“Ang cute mo naman.” pambungad nya. Sabi ko na nga ba eh mangungulit to.

“Ready?” tanong nya. Nakangiti.

Tumango lang ako. Nauna pa akong sumakay kaysa sa driver.

“Saan ba tayo pupunta?”

“Basta sumakay ka lang. Ako bahala sayo.”

Pinaandar nya na ang sasakyan. Unti-unting bumilis ang takbo namin hanggang sa napansin ko na palabas na kami ng Pampanga. Thirty minutes na kami bumabyahe kaya nagtaka na ako.

“Hoy saan ba tayo pupunta?” medyo galit na ako.

Hindi sya sumagot kaya inulit ko ang tanong ko.

“Saan tayo pupunta.” may kataasan na ang aking tono kaya unti-unti syang nag menor.

“Sa Baguio.” mahina nyang tugon.

“Ha?” ang lakas na ng boses ko.

“Oo sa Baguio. Hindi ka na makakatanggi kasi malayo na tayo.”

Oh my... Baguio? Kalayo!

“Wala akong bihisan.” sabi ko.

“Don't worry dinalhan na kita. May damit, shorts, jeans, brief, toothbrush, lahat. Kumpleto na.”

Hindi ko alam ang magiging reaction. Gusto ko magalit kasi hindi man lang nya sinabi pero mas nananaig ang kasayahan sa loob ko. Hindi ko alam ang plano nya pero... pero... basta...

“Pano yung pasok natin?”

“Irregular pa naman yun. Sabi mo nga kanina diba?” sagot nya.

Oo nga naman. Ako pala ang nagsabi non.

“Wala akong pera. Hindi ko dala wallet ko.” buti nga nadala ko pa cellphone ko. Takte.

“Diba sabi ko nga ako bahala sayo.” sagot nya.

“Kelan tayo uuwi?”

“Sa isang araw.”

“Hindi pwede. You mean 3 days tayo dun?”

“Yup.” lumingon sya sakin at ngumiti.

Oh men!

“Bakit hindi mo sinabi sakin to?”

“Kasi hindi ka papayag. Ibukas mo yung lights sa likod ng sasakyan. Tignan mo anjan lahat ng gamit natin.”

Binukas ko ang ilaw at totoo nga. May dalawang malaking travel bag duon. May tag pa parehas na Mark at Kevin. Halatang hindi handa! Hindi talaga handa si loko. Binuksan ko yung bag ko, may mga brief na naka-box pa, halatang bagong bili, may toothbrush, mga damit, shorts at jeans na sa tingin ko karamihan ay sa kanya. Napangiti tuloy ako.

“Oh may kulang ba.? Dumaan kasi ako ng supermarket kanina after kitang ihatid sa bahay nyo. Bumili na ako ng ilang gagamitin natin.” napapangiti pa si loko habang nagsasalita.

“May magagawa pa ba ako.” sagot ko.



“Wag ka mag-alala Mark ako bahala sayo. Siguradong mag-eenjoy ka.”





Bahala na... 
Share:

0 comments:

Post a Comment