Friday, March 13, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 25

by: sympaticko

CHAPTER 25

Rewind...

Baguio City...

“Mark.” bulong nya. Hinalikan nya ulit ako.

Magkayakap kami.

“Mahal na mahal kita Mark.”

Hindi ako sumagot. Hinalikan ko ulit sya, ang tagal. Ang tamis ng kanyang mga labi.

---ang nawawalang eksena---

Hinila ko ang kanyang sinturon at dumulas agad ang kanyang pantalon pababa. Hinawaka nya ako sa magkabilang balikat at itinalikod, niyakap ulit ng sobrang higpit. Hinayaan kong gumala ang kanyang mga kamay sa buo kong katawan. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, narating ko ang langit at palagay ko lumagpas pa ako dun.

“Mark nilalamig ako.”

Niyakap ko ulit sya ng mahigpit. “I love you Kevin.” bulong ko. Ito ang unang pagkakataon na nasabi ko yun sa isang lalaki nang totoo, walang halong biro.

Nauna akong lumabas ng banyo, basang-basa akong pumasok sa kwarto. Mabilis kong hinanda ang towel para ibigay sa kanya.

Magkatabi kami sa kama buong gabi.

Buong gabi din akong hindi pinatulog ng aking isipan. “Tama ba ang aming ginawa?”, “Bakit ganon?”, “Bakit nararamdaman ko ang mga bagay nato?”, “Sino ako?”, “Sino ba talaga ako?” , “Bakit?” mga katanungan na hindi ko mahanapan ng kasagutan.

_______________________________________________


Araw-araw kong hinanap ang sarili ko sa iba. Pinilit kong balansehin ang buhay ko sa pamamagitan ng mas pakikihalobilo sa ibang tao. Humanap ako ng ibang tao na lagi kong makakasama, makakausap maliban kay Kevin. Nahanap ko naman yun sa katauhan ni Maggie. Naging close kami pero bakit ganon, mas masaya parin akong kasama si Kevin. Hinanap ko si Mariel kay Maggie pero bakit kay Kevin ko yun natagpuan?


***********************************************

Rewind...

Ilang saglit pa ay umupo kami sa isang tabi, hindi kalayuan sa poste ng ilaw. Nung una medyo naiilang pa kaming magsalita pero sya na ang bumasag ng katahimikan ng panimulang “Sige ilabas mo yan, makikinig ako.” Nabubulol pa ako sa kaba nung simula pero nagawa ko naman ikwento ang lahat ng nangyari. Niyakap nya ako, tinapik sa balikat.

“Hindi parin sapat yan Mark para gawin mo yun pero pinapatawad na kita.”

“Salamat Maggie. Sorry ulit.”

---ang nawawalang eksena---

“Mark gabi na. Paalam ko kasi sa bahay, pupunta ako sa classmate ko, kapag ginabi na ako ng uwi, dun nalang ako sa bahay nila matutulog.”

“So paano ka ngayon?”

“Pwede ba sa bahay nyo nalang ako makitulog?”

“Ha?”

“Okey lang sayo?”

Hindi ko alam ang isasagot ko. Naisip ko bigla si yaya, baka kung ano isipin non sa akin kapag nag-uwi ako sa bahay ng babae.

“Mags wala ka bang kaibigan na pwede mong tuluyan?”

“Wala akong kilalang malapit dito.”

“Ah ganon ba? Gusto mo ihatid nalang kita sa inyo?”

“Mark gabi na saka sabi ko sa classmate ko ako makikitulog.”

“Mags okey lang sayo, hotel na lang kasi baka...” nahihiya ako.

“Okey lang Mark.”

Dala nya ang kanyang sasakyan at dala ko naman ang aking motor. Ako ang nauna sa daan at nakasunod naman sya. Nakakita naman ako agad ng isang hindi kalakihan pero maayos na matutuluyan, tutal ilang oras lang naman kami dun magi-stay kaya pwede na. Tinanong ko naman muna sya kung okey lang sa kanya ang place, sumang-ayon naman agad sya.

Sa buong gabi nayun, hindi parin naibsan ang aking kalungkutan. Iniisip ko parin si Mariel pero unti-unti ko nang natatanggap ang lahat.

Mapanukso ang gabi kasama si Maggie. Ginawa ko ang lahat upang maging tapat pero hindi ko napigilan ang aking sarili.

Maraming nangyari sa apat na sulok ng kwartong yun, sa loob ng magdamag kasama si Maggie. Sobrang init ng mga tagpo, ang init, nakakapaso.

Pero bakit ganon hindi ako ganon kasaya?

Ang sakit ng puson ko. Nanghihina pa ako pero pinilit kong bumangon... …

Masarap parin ang tulog ni Maggie. Magkatabi kami sa higaan. Tinitigan ko sya ng matagal, naalala ko si Mariel, si Kevin. Nagi-guilty ako sa mga nangyari. Naging marupok ako, nahihiya ako sa sarili ko. Pinagpalit ko lang sila ng ganun-ganon lang.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Naligo ako ng naligo, ilang beses kong sinabon ang buo kong katawan. Nandidiri ako sa mga ginawa ko.

Nagbihis na agad ako at umalis. Iniwan ko si Maggie sa motel ng walang paalam.

________________________________________________


Present...

Naka-upo lang ako sa loob ng balwarte ni Jollibee, dala-dala ang tinake-out ko, hinihintay ang reply ni Kevin. Lumipas ang ilang minuto pero wala parin syang sagot kaya minabuti ko na syang tawagan.

“The network you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later.”

Nag-stay parin ako sa loob, nakaupo mag-isa. Naghintay parin, nagbabaka sakali na mag-reply parin sya.

Beep. Beep.

Excited ako na tignan kung sino ang nagtext. Hindi si Kevin kundi si yaya.”Bakit kaya?” tanong ko sa sarili ko. Madalang lang kasi magtext si yaya at pag nagtext yun talaga buong-buo ang mga words, CAPITAL letters lahat. Narito ang actual text messages from yaya.

“Mark sn k? Uwi ka d2 haws now. Important.”

“Why yah?”

“Basta uwi kna. Wait kita. Ge bye.”

Ano kaya problema nun? Naghintay pa ako ng ilang saglit at nang halos isang oras na akong naka-upo at parang tangang naghihintay sa wala, nagdecide na akong umuwi. Ibibigay ko nalang kay yaya yung tinake-out ko.

Hindi agad ako makapasok sa bahay dahil sinusubukan kong pakiramdaman ang paligid. Mukang normal naman, parang dati lang kaya pumasok na ako. Nakita ko si yaya sa kitchen, inaayos ang lamesa. Mukang okey naman, nakangiti pa nga eh.

“Yah bakit po?”

“Oh Mark kanina ka pa namin hinihintay.”

“Namin?” pagtataka kong tanong. Nakita ko ang ayos ng lamesa, pang tatlong tao ang nakahanda sa hapag kainan.

“Basta” maikli nyang sagot.

“Yah dalawa lang tayo dito sa bahay. Bakit tatlo yung plato mo?”

“Ay oo nga pala. Yaan mo na yan jan. ililigpit ko nalang mamaya pagkatapos natin kumain.”

“Yah eto pala oh Jollibee para sayo.”

“Salamat anak. Bakit ang dami ata nato?” tuwang-tuwa sya.

Hindi ko na sinagot ang tanong nya. “Yah panik lang po ako sa taas saglit.”

“Wag na Mark, umupo ka na jan. kakain na tayo.”

Nakakahiya naman sa kanya, naghanda sya ng dinner para samin tapos dededmahin ko lang. Kahit hindi pa ako nagugutom, umupo na agad ako. Nagsandok na ng kanin si yaya, may juice at softdrinks pa at ang aming ulam, ADOBO.

“Yah lumulutang sa mantika adobo mo.” puna ko.

“Diba favorite mo yan?”

“Ha. Hindi ah. Si Kevin ang may favorite nyan.”

Biglang ngumiti si yaya kaya mas lalo pa akong nagtaka. Umupo narin siya sa harap, handa na kaming kumain.

Nagulat ako ng biglang may magtakip ng aking mga mata. Nanggaling yun sa likuran ko kaya hindi ko agad napansin. Ang laki ng kamay, nagawa nun na takpan ang halos buo kong mukha. Gawin bang bola ang ulo ko.

“Sino ba to?” naiirita kong tanong.

“Hulaan mo.” ang laki ng boses nya.

Buset gawin pa akong manghuhula. Pinilit kong alisin ang kanyang kamay pero ang lakas nya. Wa epek ang ginawa ko.

“Ayokong makipagbiruan.”

“Wala ka naman pala eh. Ang bilis mo sumuko.” nagbago ang boses nya, ngayon ay pamilyar na.

Bumitaw sya. “Putek parang nadurog ang aking mukha.” sabi ko.

“OA mo Mark.” umupo sya sa tabi ko. Para sa kanya pala ang plato na hinanda ni yaya. Kinuskos ko ang aking mga mata at ibinaling ang tingin sa kanya.


Takte si Kevin pala!


At naka school uniform pa ang loko... 
Share:

0 comments:

Post a Comment