Thursday, March 5, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 16

by: sympaticko

CHAPTER 16

K*** iba lang to', siguro kanina ko pa to' nasapak. Nanligaw ako kay Mariel nung araw pero hindi naman ako ganito ka-corny kay Huget.

Makatayo na nga. Hindi rin naman ako tatantanan ni Kevin eh. Mangungulit at mangungulit yan kahit anong gawin kong pag-iwas.

Tama naman ang sinabi ko, talagang hindi nya ako tinigilan.

____________________________________________


First day of school. Na miss ko ang pagiging estudyante. Na miss ko ang mga klasmeyts at mga kaibigan ko kahit na irregular student ako. Na miss ko din syempre ang mga professors. Kailangan ko pagbutihan ang pagaaral dahil graduating na ako. Priority ko muna ang studies ko this school year. Aalisin ko muna sa bokabolaryo ko ang salitang bolakbol at lakwatsya. Sana... Sana lang talaga mapanindigan ko to.

Maggie: “Hey Mr. Lopez kumusta naman ang bakasyon?”

Mark: “Okey naman Mags. Masaya.”

Maggie: “Halata nga eh. Todo smile ka kanina pa pansin ko.”

Mark: “Ikaw musta?”

Maggie: “Okey din. Hindi nga lang kasing-saya mo.”

Mark: “Oh bakit naman?”

Maggie: “Loveless buong vacation.”

Mark: “Owssss?”

Maggie: “Hindi ka naniniwala?”

Mark: “Nope.”

Maggie: “Bakit?”

Mark: “Sa ganda mo na yan. Impossible.”

Maggie: “Alam mo Mark tamang-tama ka sa basketball.”

Mark: “Bakit?”

Maggie: “Kalakas mo kasi mambola. Hindi ka parin nagbabago.”

Mark: “Kung kasalanan na ang magsabi ng totoo, makasalanan na pala ako.”

Maggie: “Wag ka ganyan Mark. Sige ka baka mainlove ako sayo.”

Mark: “Wag... Pigilan mo yan.”

Natawa naman sya. Haha. Eto ang namiss ko sa school. Ang dami kong pwedeng makausap. Hindi tulad pag bakasyon puro muka nalang ng mga kalaro ko sa basketball nakikita ko. Si Maggie pala classmate ko sa isa sa mga major subjects namin. Crush ko sya matagal na. Alam ko may boyfriend sya na anak ng isang bigating pulitiko kaya medyo dumidistansya ako dati pero ngayon na wala na sila ng aso este bf nya, mapapalapit na ako sa kanya ng husto. Teka may promise nga pala kami ni Mariel sa isat-isa. Magiging matatagag kami sa lahat ng oras kaya erase... erease... erase... Speaking of Mariel, ang tagal narin nya sa Saudi ah. Parang kailan lang nung umiiyak ako parang bata nung malaman kong maga-abroad sya. Ang bilis ng panahon. Tulad ng dati, madalang parin sya tumawag. Minsan nga ako na ang tumatawag para lang kumustahin sya pero madalas hindi nya nasasagot. Buti nalang may email kaya medyo okey narin.

Maggie: “Congrats nga pala Mark.”

Mark: “Para saan?”

Maggie: “MVP”

Mark: “Hehe. Tsamba lang yun. San mu naman nalaman?”

Maggie: “Ako pa.” sabay ngiti.

Mark: “Salamat.”

Maggie: “Treat mo ko.”

Mark: “Ha... eh... sige next time...”

Maggie: “Gusto ko mamaya.”

Mark: “Ha... eh... baka may gawin ako... saka wala ako dalang sasakyan.”

Maggie: “May dala akong sasakyan. Diba sa Concepcion High-way ka lang? Dadaan naman ako dun eh.”

Mark: “Oo. Uhmmmm. Sige. Saan mo ba gusto kumain?”

Maggie: “Mall nalang tayo. Dun nalang tayo maghanap.”

Anak ng... buti nalang kararating lang ng allowance ko. Hindi na ako naka-hindi sa kanya. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko.

Mark: “Same parin ba number mo?”

Maggie: “Yes. Call nalang kita maya.”

___________________________________________


Beep beep...


“Mark sino ba si St. Jude?”

“Basta santo yun. Sa kanya pinangalan ang school. Bakit?”

“Eh tinatanong ako ng prof namin eh. Sasapakin ko tong bading nato. Ako ang favorite tanungin.”

Napangiti naman ako. Kainit ng ulo ng mokong. “Easy lang. Daanin mo sa pacute mo tutal jan ka naman magaling eh. Ipakita mo yung killer smile mo.”

“Grrrrrrrr.”

“Goodluck.”

Hindi na sya nagreply. Naiimagine ko si Kevin na hindi mapakali sa upuan, natataranta. Haha. One week ago nung magpaalam sya sa parents nya para magtransfer sa school ko, akala ko talaga hindi na matutuloy eh. Ilang beses nya kinumbinsi parents nya pero ayaw talaga sya payagan ng mga ito. Since high school kasi sa Manila na sila nag-aral magkapatid tapos bigla-bilang lilipat dito sa province at graduating pa. Mabuti daw sana kung nun pa nya yun naisipan. Oo nga naman. Nagdahilan nalang si loko na kemo nire-recruit daw kasi sya ng isang fraternity sa school nya sa Manila kaya ayun sa wakas pinayagan narin sya. Kaloko noh? Nagsinungaling pa para lang payagan. Na-credit naman yung halos lahat ng subjects nya sa dati nyang school. Naka-enroll din sya ng isang subject sa ibang school para hindi sya mahuli. Hindi kasi offer yung subject sa school namin kaya naka crossed-enroll siya. Bale may pasok sya sa ibang school ng T-TH from 3-4:30 PM. Okey narin yun para naman sabay kami magmamartsa sa graduation at para narin sa mga parents nya. Ayaw daw nya ma-dissapoint ang mga ito.

“Kumusta first day?”

“Wala man lang akong kausap sa room kanina.”

“Sa una lang yan. Naninibago lang sila sayo. Transferee ka kasi saka baka natatakot sila lumapit sa gwapo.”

Tinignan nya ako ng masama. Yung tipong galit. Nakakunot ang nuo at nakasalubong ang kilay. Imbes na matakot ako ay natawa pa ako. Lahat ata ng gawin nito sa mukha nya, gwapo padin.

“Bagay pala sayo yung uniform ko ah.”

Ayan ngumiti na sya. “Oo nga.” pinahiram ko kasi muna sya ng dalawang uniform kasi ayaw daw niya isuot yung bagong bili at tahi na pinagawa nyang polo. Palalaban daw muna nya ng maraming beses para hindi mukang bago. Nakakairita daw kasi isuot kapag bagong bili. May school logo kasi yung parehas na school uniform namin kaya no choice, magpapagawa talaga sya.

“Hoy Mark baka naman iwan-iwanan mo ako dito sa school. Wala pa naman ako laging kasama.”

“Sus ikaw pa. Basta sayo nanginginig pa.”

Ang sweet namin... ang sweet namin na magkaibigan... First day nga pala namin as schoolmate ni Kevin.

Calling... Mags.

“Mark saan ka na?

“Dito lang sa tapat ng Admin building. Ikaw saan ka?”

“Ah... kalalabas ko lang sa last subject ko. Daanan na kita jan.”

“Wag na. Tatawagan na sana kita. May sasabihin kasi ako.”

“Ano yun?”

“Baka next time nalang kita itreat. May important kasi akong gagawin.”

“Ah ganon ba. It's okey don't worry Mark.”

“Thanks Mags.”

“Next time huh?”

“Yes. I promise.”

“Okey bye.”

“Bye.”

Hindi ko naman kasi maiwan si Kevin. First day namin to' as schoolmate tapos ipagpapalit ko lang sya sa isang Maggie. Ang dami nang ginawa para sakin ni Kevin. Nakakalula ang mga sakripisyo nya para sakin. Mas pinili nyang mapalayo sa mga kaibigan nya sa Manila dahil ayaw nyang malayo sa akin. Handa nyang isakripisyo ang paggraduate para lang makasamanya ako lagi. Ilang beses na syang napaaway dahil ayaw nya akong nakikitang nasasaktan. Lagi syang nariyan kapag kailangan ko ng isang kaibigan. Ako? Ano ba ang nagawa ko para sa kanya. Siguro oras na para makabawi naman ako.

“Kevin gusto mo Jolibee tayo, treat ko.”

Sa simpleng bagay na tulad nito masaya na si loko. Ang sarap tignan ang kanyang pagngiti na parang sobrang saya. Hindi sya maingay kung tumawa, actually puro smile lang sya kapag masaya pero madali mong mababasa sa mukha nya.

Nung una ko sya makilala akala ko suplado. Kwento nya sakin ganon din daw ang pakiramdam nya nun, yung tipong kumukulo ang dugo kahit hindi pa nya masyadong nakikilala. Palagay ko because of competition kaya ganon na lamang yung galit namin sa isat-isa nuon. Sino ba naman ang magiisip na ang dalawang aso't-pusa ay magiging mabuting magkaibigan, matalik na magkaibigan.

“Maiba ako. Diba irregular pa ang klase this week?” tanong nya.

“Medyo. Marami pa kasi ang nageenroll. Bakit mo naitanong?”

“Wala. Basta may plano ako.” ayan nakangiti na naman sya. Natatakot ako sa iniisip nya. Mukang may balak ang loko. Hindi ko nga lang alam kung ano.

“Nako Kevin kung puro kagaguhan lang yan, itago mo nalang yang plano mo.”

“Basta Mark.” kumindat sya. “Maaga ka gumising bukas. Susunduin kita sa inyo.”

“Bukas? May klase tayo.”

“Basta basta. Mga ala-una ng umaga.”

“Adik ka ba? Ala-una? San tayo pupunta.”

“Wag ka na maraming tanong. Basta ako bahala sayo.”

Kahit na hindi ko alam kung ano ang plano ni Kevin ay napa-oo nalang ako. Ala-una ng umaga? Adik ba? Mga five minutes pa ay nagdecide na kami umuwi ni Kevin. Maaga pa nagaya na agad sya umuwi dahil aayusin pa daw nya yung plano nya. Hindi na ako nagdala ng motorsiklo dahil delikado daw sabi ni Kevin. Kotse nalang daw nya ang gagamitin namin. Sa madaling salita, sya ang maghahatid sundo sa akin. Tignan natin kung makatagal sya. Dumaan kami sa Jolibee, this time dine-in na. Nakakahiya kasi kay yaya, baka sabihin nya ayaw ko mga luto nya dahil lagi nalang ako may uwing Jolibee. Paalis na sana kami nang may umupo sa aming tabi. Galing yung tao sa likod na kinauupuan ko kaya hindi ko agad napansin.

“Aha... may importante daw na gagawin.”

Nagulat ako.



Si Maggie pala...




Huli ka! 
Share:

0 comments:

Post a Comment