Wednesday, March 4, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 15

by: sympaticko

CHAPTER 15

Oo nga naman mabaho na nga pala ako. Haha. Natawa naman ako dun. Ang tagal kong naligo. Siguro mga kalahating oras. Ang tagal kasi tanggalin ng clay sa buhok ko. Kailangan ko pa mag-shampoo ng ilang ulit.

“Ang tagal mo naman.”

“Eh ano ngayon.”

“Kasungit mo naman.”

“Matulog kana.”

“Ngayon nga lang ulit tayo nagkasama tapos patutulugin mo ako agad.”

“Ano naman gagawin natin? Gabi na.”

“Magkwentuhan tayo magdamag.”

“Adik ka ba. Antok na antok nako.”

“Kunwari ka pa eh. Kanina lang hanep ka makayakap sakin.”

Hindi ako sumagot.

Lumapit sya. “Eto oh yakapin mo ulit ako kahit gaano katagal mo gusto.” Nakaupo ako at sya naman ay nakaharap sa akin. Binukas nya ang mga kamay na para bang nangaanyaya para yakapin sya. Nakangiti si loko na may bahid pa-cute. “Totoo ba ang lahat ng ito?” sa loob-loob ko.

“Umupo ka dito. Tabi tayo.” sabi ko.

Agad naman sya umupo sa tabi ko. Sobrang close namin sa isat-isa. Nabigla nalang ako ng biglang may humalik sa kaliwa kong pisngi. Ang bilis nang pangyayari. Nagnakaw pala sya ng isang smack. Tinitigan ko sya at sya naman ay nakangiti lang habang nakikipag eye to eye contact.

“Para saan naman yun?”

“Para sayo.”

“May girlfriend ako.”

Hindi sya kumibo. Naging seryoso bigla ang mukha nya pero nakatitig parin sakin.

“May Mariel na ako.” dagdag ko.

“Edi aagawin kita sa kanya.”

“Paano kung mas piliin ko sya?”

Hindi ulit sya sumagot.

Masyado ko na ata sinasaktan ang damdamin ni Kevin. Mabuti siguro na wag muna namin yun pagusapan sa ngayon.

“Wag muna natin yan pagusapan. Tara labas tayo?” tanong ko sa kanya.

“Lalabas tayo? Nakapang-romansa ako.” sagot nya. Oo nga naman, naka boxer shorts lang pala si loko.

“Okey na yan gwapo ka naman.”

Sumimangot sya sa akin na parang bata. “Sige ka pag na-rape ako kunsensya mo.”

“Oo sige sige magpalit kana ng suot mo. Ikaw na mamili ng gusto mong isuot. Gusto mo mag americana ka pa.”

Lumapit sya sakin at bigla pinitik ang aking ilong. “Hmmmm ang cute mo!” Hindi naman kalakasan pero nakakainis. Agad na siya dumiretso sa cabinet ko para mamili ng isusuot.

“Ano masasabi mo? Gwapo na ba?” tanong nya habang nakaharap sa akin.

“Pwede na. Pwede nang pag-tsagaan.” tumawa ako. Sa totoo lang kahit anong isuot nya bagay sa kanya.

“Ikaw Mark kanina ka pa.” ngumiti sya na parang demonyo na ewan. Basta ang lakas ng dating sa akin.

“Teka palit lang din ako ng shorts.”

“Saan tayo pupunta?” tanong nya.

“Akala ko ba ililibre kita sa Jolibee?”

“Ah oo nga pala. May kasalanan ka nga pala sakin. Tapos saan pa tayo pupunta after?”

“Ikaw kung saan mo gusto?” sagot ko habang nagpapalit ng shorts.

“Basketball tayo? One on one. Hanap tayo ng court na paglalaruan”

Tumingin ako sa relo ko. “Alas dose na. Gabi na.”

“Natatakot ka ba? Kasama mo naman ako.”

“Sheeet kailan kaba mauubusan ng kayabangan?”

Ngumiti lang ulit sya.

“Okey sige. Ikaw magdala ng bola na gagamitin natin.”

“Yes boss!” maikling sagot nya.

Grabeng pagod to'. Naglaro na nga ako kanina sa finals tapos magbabasketball ulit. Hanep sa trip. Hindi kaya ako mamatay nato?

________________________________________


Take out lang ulit kami ng favorite order namin na B3, large coke, large fries, four orders. Napagkasunduan namin na after nalang ng basketball kakainin yung take out. Marami kaming napuntahan na basketball court pero walang lights o kaya naman nakasara na. Almost isang oras narin kami naghanap ng court ng sa wakas nakakita kami ng pwede paglaruan. Town plaza yun kaya open kahit gabi. Wala nang tao sa paligid pero lahat ng lights nakabukas.

“Kevin...”

“Ano?”

“Pano kung hindi pumayag parents mo na dito ka mag-aral?” alam ko naitanong ko na ito kanina.

Matagal sya bago makasagot. “Hindi ko alam...” yan din ang sagot nya kanina. Hindi nya alam.

Wala na akong masabi. Naubusan na ata ako ng sasabihin sa kanya. Honestly, nalungkot ako sa sagot nya. Maging sya pala hindi alam ang mangyayari sa gagawin nya.

“Sus halata ka na naman... Halata na super concern ka sakin... Kaya sayo ko eh... Wag ka mag-alala kahit anong maging desisyon nila, desisyon ko padin ang masusunod. Tara sige na maglaro na tayo. Patunayan mo na MVP ka.” Nauna syang maghubad ng suot pangtaas kaya gumaya narin ako. Half court lang kami, one on one. Napasarap ata kami ng laro. Hindi na namin namalayan ang oras.

“Mark?” tanong nya habang parehas kami na nakahiga sa floor ng basketball court, magkatabi at nakatingin sa taas, sa langit. Sobrang hingal na hingal kami at pawis na pawis.

“Oh?”

“May sasabihin ako sayo.” paputol-putol ang kanyang pagsasalit dahil narin sa sobrang pagod.

“Wag muna ituloy yan kung nonesense lang.”

“Hindi.”

“Anu yun?”

“I just want to be with you... Everyday... Every nignt... Every hour... Every minute of my life... “

“Ka-corny mo naman. San mo naman yan napulot?”

“Nabasa ko lang kanina sa facebook.”

Hinintay ko na tatawa o ngingiti man lang sya pero wala, seryoso ang mukha nya.


________________________________________


Alas kwatro na ng umaga ng dumating kami sa bahay. Halatang pagod parehas pero masaya naman. Umakyat na agad kami sa taas. Nagpahinga lang kami ng saglit at naligo ulit. Nauna syang naligo kaya nung matapos ako nakahiga na sya. “Grabe naman matulog to', konti nalang masasakop na buong kama ko.” Tinulak ko sya sa isang side para makahiga ako. Sobrang antok na antok na ako kaya pagkahiga, agad akong nakatulog. Ssssssssssssssssz.

_________________________________________


“Sheeeet ang sakit sa ulo. Anong oras na ba at parang kulang padin ako sa tulog?” unti-inti kong binukas ang aking mata. Nasisilaw kasi ako sa liwanag ng araw.

“Tanghali na.” malumanay na tinig ng taong nakaupo sa harap ko. Sheeeet si Kevin pala! Ano problema nato at pinanunuod ako habang natutulog. Smiling face na namn sya.

“Ano ginagawa mo?” tanong ko habang pupungas-pungas.

“Wala. Ang cute mo kahit tulog.”

Hindi ko sya pinansin. Pinikit ko ulit ang mata ko at niyakap ang unan na nasa tabi ko. Itutuloy ko nalang ang pagtulog ko tutal wala naman ako gagawin ngayong araw.

“Hindi ako nakatulog sayo Mark. Niyakap mo ako magdamag.”

Nagpapapansin lang yan kaya magpapatay malisya nalang ako. Kunwarin nakatulog na ulit ako.

“Mark.”

Ayokong sumagot.

“Mark.”

Kakulit!

“Mark....”

“Ano?”

“Ano ba ako sayo?”

Hindi ko talaga alam ang sagot. Sa totoo lang. Hindi ulit ako sumagot.

“Kasi ikaw... sobrang special sakin... nakaka addict...”


Naman Kevin! Nananaginip na naman ba ako?!


Ayoko na yata magising. 
Share:

0 comments:

Post a Comment