Tuesday, March 24, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 36

by: sympaticko

CHAPTER 36


“Totoo ba yan?”

“Hehe.”

“Sige tawa.”

“Joke lang yun.”

“Ouch.”

“Hehe.”

“Punta ako jan.”

“Bakit?”

“Mag-usap tayo.”

“About saan?”

“Sa atin.”

“Wag na.”

“Bakit?”

“Nahihiya ako. Hehe.”

“Bugok.”

“Oo nga. Nahihiya ako.”

“Bakit ka nahihiya?”

“Sa sinabi ko.”

“Na?”

“Yung kanina.”

“Edi nahihiya narin ako.”

“Hehe. Sanay ka naman kasi magsabi nun eh.”

“Bugok! Sige na. Text ulit ako miya.”

Naalala ko, midterm examinations na pala next week. Nasan na nga ba ang mga notes ko? Nakalimutan ko, hindi nga pala ako naglelecture. Hahaha. Nagbukas ako ng books kaya lang nakalimutan ko na kung saan na kami naroon. Buset. Graduating nako pero bakit petiks parin ako.

Beep. Beep.

Busy ako. Mamaya ko nalang tignan. Tinatamad kasi akong abutin ang cellphone ko ilang metro ang layo sa kinauupuan ko.

Beep. Beep.

Istorbo. Hindi ako makaalis, nasa gitna ako ng isang madugong labanan... labanan sa Garena online.

Beep. Beep.

Sheet naman oo. Kakulit. Buset. Hinugot ko ang speaker ng computer, sinaksak ang headset para hindi ko na marinig ang istorbo.

May ilang minuto rin ang nakalipas, maya-maya pa ay dahan-dahang bumukas ang pintuan, nakakabigla. May biglang pumasok, nakaputi, mahaba ang suot, in short nakakatakot. Anak ng tokneneng akala ko kung sino, si yaya lang pala, namumula pa ang mga mata.

Binitawan ko ang mouse na hawak ko. Ako na ang unang nagsalita dahil mukang sabog pa este naaalipungatan pa si yaya.

“Oh yah wazzup?”

“Mark kanina pa sa labas si Kevin.”

“Ah ganon po ba. Nasaan na po siya?”

“Nasa labas. Ayaw pumasok. Gusto ata ikaw ang sumundo.”

Pipikit-pikit na si yaya. Mukha nasira ang kanyang malalim na pagkakatulog. Naawa naman ako bigla.

“Sige yah matulog kana ulit. Pacenxa kana. Pagpacenxahan mo na si Kevin. Bukas gumanti ka sa kanya, kurutin mo sa singit.”

Napangiti ko naman si yaya. “Sige na Mark. Labasin mo na si Kevin don. Kawawa naman, kanina ka pa nun hinihintay.”

Tumalikod na siya, naglakad na pababa. Ako naman ay tumayo narin, iniwanan ang computer, bumaba narin.

Nakita ko siya nakasandal sa kanyang kotse. May kadiliman ang kinalalagyan niya kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Habang papalapit sa kanya. “Oh bakit nandito ka? Gabi na.”

“Kanina pa nga ako dito eh.”

“Sorry nag-aaral kasi ako eh. Hindi ko napansin mga text mo.”

“Ah... ganon ba. Usap tayo?”

“Nanaman?”

“Iba to.”

“Siguraduhin mo lang Kevin. Nakakaistorbo ka sa pag-aaral ko.”

“Baka gusto mong papasukin muna ako sa bahay niyo?”

“Eh ikaw kasi eh. Kaarte mo. Pinapapasok ka ni yaya kanina, ayaw mo pa.”

“Eh akala ko kasi eh ano. Basta.”

“Ang dami mo pang sinabi. Sige tara na.”


Umakyat na agad kami. Nauuna ako, kasunod lang siya sa likuran, walang kibuan. Pagpasok sa kwarto, nakita ko agad ang nakabukas na computer. Naka open pa ang dota application, naka-connect at nasa room pa ng Garena online. Huli. Patay!

“Ah... nag-aaral pala ah. Baka nagdo-dota.”

“Kanina pa yan.”

“Lulusot ka na naman Mark.”

“Eh ano ba kasi ang pag-uusapan natin?” tanong ko para ibahin ang usapan.

“Pag-usapan natin ang tungkol sa atin.”

Hindi man diretso ang sagot niya, mukang alam ko na ang tinutukoy niya. Nahiya naman ako bigla.

“Ano sa atin?”

“Yung sinabi mo kanina.”

“Ah... yun ba.” Sheet. Buset. Sa tinagal-tagal namin na magkasama, ngayon lang ako nahiya ng ganito. Para akong pusang nahihiya sa daga.

Ayan na naman ang tingin niya. Nakakaloko. Nakakagago.

“Hindi naman na bago sayo diba?... na sabihin kong mahal kita. Bago ako pumarito para humarap sayo, ilang beses muna akong nagpabalik-balik sa harap ng salamin para kabisaduhin ang sasabihin ko para sayo... Kinausap ko ang sarili ko, humugot ako ng lakas ng loob. Alam mo ba Mark na ngayon lang ako tinamaan ng ganito, weirdo dahil sa isang lalaki ko pa yun naramdaman. Alam kong hindi ito dapat at kahit kailan maaaring hindi maging katanggap-tanggap sa mata ng karamihan pero handa na akong humarap sa kanilang lahat basta alam kong kasama kita."

Sheet ano ba sasabihin ko? Ano bang dapat na reaction sa lahat ng narinig ko? Panginuon tulong!

Epektibo naman pala ang pagtawag ko sa mga santo. Hahaha. Bigla akong nagkalakas ng loob para magsalita.

Lumapit ako sa kinauupuan niya. Inakbayan ko siya. "Pareng Kevin... gusto ko malaman mo na ganon din ang nararamdaman ko sayo. Mahal kita, mahal na mahal. Higit pa sa lahat mga babaeng nagdaan sa buhay ko. Katulad mo, nalilito din ako sa feelings ko dahil baguhan tayo pareho sa uri ng relasyong ito. Mahal kita ngayon at sigurado ako mamahalin parin kita bukas at gusto ko hanggang magpahanggang wakas pero... pero gusto ko na wag nating isara ang posibilidad na balang araw magka-kapamilya tayo parehas, magkaka-anak ka at ganon din ako." Sinalat ko ang kanyang mukha, napapikit siya. "Yang mukha na yan, yan ang mukha ng puso ko."

Dumilat siya. Ngumiti. Umaliwalas na muli ang kanyang mukha. Ang sarap tignan. Ang sarap sa pakiramdam.

"Ano na tayo?"

"Anong ano?" Hindi ko talaga nakuha ang tanong niya.

"Stat."

"Ah... Hehe... Edi bestfriend. Tsssk."

"Hahaha."

"Ano ba gusto mo?" tinignan ko siya, mata sa mata.

"Super bestfriend. Hehe."

"Ano ba yan nagmumuka na tayong mais... corniks..."

"Astig nga eh."

"Ano naman ang kina-astig non Kevin?"

"Basta... Uy tara labas tayo? Jollibee? Basketball?"

"Wag na yun. Gabi na. May naisip akong mas magandang gawin."

"Ano?"

"Mag-aral?"

"Naman Mark."

"Hindi. Ibang pag-aaral to." Ngumiti ako, kumindat ng todo.

"Ano?"

Hinubad ko ang aking pantaas na suot. Nakatingin lang siya, nanlaki ang mga mata at ang mukha... hindi maipinta.

"Pag-aaralan natin mabuti ang isa't-isa." sabi ko sa kanya. 
Share:

0 comments:

Post a Comment