Sunday, March 22, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 34

by: sympaticko

CHAPTER 34

Bumalik ulit ako sa higaan. Gusto ko pa sana matulog pero naputol yun dahil sa isang malakas na katok. Tumayo naman agad ako para buksan ang pinto. Si Cris pala.

"Breakfast na."

"Gisingin ko lang si Kevin. Sunod na kami agad."

Isang matipid na ngiti lang ang sagot niya. Agad din siyang umalis para bumaba.

After breakfast, nagsimula na kaming gumayak para sa aming kanya-kanyang lakad. Sila tita, diretso sa work. Sila kuya Alex sa Laguna naman ang byahe para umuwi. Si Cris may lakad daw, hindi nga lang namin alam kung saan. Kami naman ni Kevin, gagala sa Metro maghapon.

Ilang hindi ko pa napupuntahang lugar sa Manila ang aming pinuntahan. Para akong turista na namamasyal sa sariling bayan. Buti nalang may kasama akong tour guide, si Kevin.

Sa MOA na kami nagkita-kita nila tita, dun na kami kumain at pagkatapos ay tuloy na kami sa CCP para sa isang pagtatanghal. First time kong manunuod ng musical, hindi ko man hilig ang ganung palabas, excited parin ako. Wala lang. Maiba lang.



Ginising ako ng isang kalabit, mula yun kay Huget.

“Naman. Mark wag ka matulog.”

Tumingin ako sa paligid. Gumala ang aking paningin 360 degrees.

Dumiretso ako ng upo, tumingin sa entablado... “Bravo... Bravo...” pumalakpak ako ng malakas, sunod-sunod.

Biglang nagtingan sa akin ang mga tao sa paligid, nabigla, mukang nagtataka lahat.

Inakbayan ako ni Kevin. Pasimple nya akong sinipa ng mahina sa paa. Nakalog ata ang utak ko. Nagising ata ang diwa ko. Sheet naalimpungatan lang pala ako!

Tumingin sa akin si Kevin, natatawa, hindi alam ang gagawin sa pagpipigil.

Umupo ako ng tuwid. Kinuskos ko ang aking mga mata. Inayos ko ang aking kwelyo. Takte nakakahiya!

“Mark pilitin mo. Wag ka mag-alala malapit natong matapos.” hindi parin mawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Sabi ko na nga ba eh. Gagawa at gagawa ako ng eksena. Buset!

Malalim na ang gabi ng matapaos ang palabas. Sa wakas!

“Nagustuhan mo ba Mark?”

“Yes tita. Sobrang ganda po. Wala akong masabi.”

Patago akong kinalabit ni Kevin. Minulagatan ng mata. “Loko ka Mark. Pano mo naman nasabi na nagustuhan mo eh ilang beses kang nakatulog.” bulong nya sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin.

Umiling siya. “Iba ka talaga Mark. Wala akong masabi sayo.” bulong ulit nya sabay ngisi ni loko.



“Mark samahan mo nalang si Cris sa bahay ha?”

Tumango ako. “Oo sige.”

“Mark baka bukas na ako makabalik. Baka kasi umagahin na kami sa daan.”

“No prob. Ingat nalang kayo sa byahe.”

Nasira kasi yung sasakyan nila tita kaya iniwan nalang nila yun sa isang shop para ipagawa. Ihahatid ni Kevin ang parents nya sa Pampanga, kinakailangan kasi nilang sumagsag para umuwi dahil may hinahabol ang mga ito na mga ilang mahahalagang bagay sa Probinsya kinabukasan.

Hindi na kami nagpahatid kay Kevin. Sumakay nalang kami ng taxi para tuloy-tuloy na sila sa kanilang mahabang byahe. Dumaan muna kami ni Cris sa isang coffee shop malapit sa bahay. Hindi parin sya masyadong makwento. Kung ano ang dinaldal at kulit ni Kevin siya namang tahimik ng kanyang nakababatang kapatid. Ako lagi ang bumabangka ng kwento. After almost an hour ng puro ako, sa wakas nag-effort narin si loko.

“Sabi ni brother magaling ka daw sa basketball.”

“Hindi naman masyado. Tsssk. Tara bola tayo minsan?”

“Baka kawawain mo lang ako sa loob ng court.”

“***** lang ako. Hindi ako kasing galing ng kuya mo.”

“MVP Mark Lopez III.”

“Hahaha. Most Vovo Player yun.”

Sa unang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti, tumawa.

“Hindi kayo magkamuka ni Kevin.”

“Mas gwapo ako sa kanya?”

“Hindi. Mas gwapo kuya mo.” diretso kong sagot.

“Ka-sweet mo naman. Nakuha mo pang magsinungaling para sa kanya. Hahaha.”

“Loko.”

“Ang cute nyo nga tignan eh. Para kayong magsyota.”

Natigilan ako ng ilang segundo. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Pinilit ko nalang tumawa. “Hahaha.” Iniliko ko nalang sa ibang daan ang usapan. “Nasan na kaya sila ngayon?” tanong ko para maiba lang.

“Oh namiss mo na agad... Kakahiwalay nyo palang kanina ah.”

“Patay don.”

“Hahaha. Sorry naman.”

“Uto karin pala. Akala ko Emo ka.”

“Ganon talaga.” tumawa ulit siya.

“Marami ka daw chicks sa school.”

“Torpedo nga ako eh. Hahaha.”

“Kajamming lang.”

“Alam mo ba naiinis ako sayo dati.” diretso nyang sambit. Ang talim ng kanyang tingin. Ang lakas ng dating nun sa akin.

“Bakit?” mabilis kong tugon.

“Lumipat siya ng school, iniwan niya ko dito mag-isa, mas pinili niyang makasama ka. May pagka-OA man to pero nainis talaga ako sayo kaya wag mo iiwan ang kuya ko kundi lagot ka sakin.”

“Kadrama.” hinipan ko ang kanyang mga mata, nahilam, kinuskos, namula.

“Oh para san naman yon?” kinukuskos parin nya ang kanyang mga mata.

“Yung tingin mo kasi.” sagot ko. “Ano alam mo?” dagdag ko.

Umiling siya. Matipid ang pinakawalan niyang mga salita kanina pero nararamdaman kong may laman yun sa kanya. Hindi ako sigurado.



Minor subjects nalang ang bubunuin ko para makagraduate. Mas marami na akong time para maglakwatsa este mag-aral. Ang bilis ng mga araw, parang kelan lang nung ako ay pumasok sa kolehiyo, ngayon gagraduate narin ako. Sana.

“Mark punta ka sa bahay mamaya. Dinner..”

“Bakit?”

“Birthday ko kaya.”

“Ah...”

“Hihintayin kita ha.”

“Try ko pumunta. May gagawin din kasi ako eh.”

“Nung birthday mo, pumunta ako sa inyo tapos ngayon tatanggihan moko?”

“Eh kasi...”

“Nako Mark ayan ka na naman... Hmmp.”

“Okey sige. Pupunta ako.”

Bigla siyang napaton, napayakap. Gaya ng dati, nakakabigla parin ang mga kilos niya.

“Asahan ko yan Mark ha. Isama mo narin si Kevin.”

“Hindi. May pupuntahan yon.”

“Ah... Ganon ba. Sayang naman. Akala pa naman ng mga friends ko pupunta siya kasama mo.”

“Mauna nako Mags. Kita-kits nalang mamaya.”

“Saan ka pupunta nyan?”

“Lunch.”

“Tara?”

“Ha?”

“Sabay na tayo.”

“Sige.”

Nagtext nalang ako kay Kevin na hindi na ako makakasama sa kanya para kumain.

Beep. Beep.

“Ganon ba. Hinihintay pa naman kita kanina pa.”

“Sorry talaga. May mahalaga lang kasi akong gagawin. Bawi ako sayo next time.”

“Okey lang yun. Ingat nalang.”

Sa labas ng school kami nag lunch. Marami na kasing tao sa food court ng school at isa pa maraming mata na nakatingin dun, baka kasi kung ano na naman ang sabihin nila. Dumiretso na siya sa bahay nila pagkatapos. Ako naman ay bumalik parin ako sa school, yun nga lang hindi para pumasok kundi para tumambay. Late na kasi ako ng thirty minutes sa nag-iisa kong subject sa hapon. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Maggie habang nagla-lunch kaya hindi ko na napansin ang oras. Hinintay ko nalang na makalabas si Kevin para sabay na kaming umuwi.

“Kevin... next time nalang siguro tayo manuod ng Saving Private Ryan. Marami pa naman pagkakataon.”

“Bakit?”

“May pupuntahan kasi ako mamaya. Baka late nako makauwi.”

“Bumili pa naman ako ng orig dvd kanina sa odysey. Naka-set up narin yung projector sa kwarto ko.”

“Ganon ba. Hmmm. Gusto mo mamaya? Agahan ko nalang na umuwi.”

“Ikaw. Nasasayo yun.”

“Text nalang ako sayo ha.”

“Agahan mo. Magluluto kasi ako ng adobo para sayo.”

“Hindi na. Wag ka na mag-abala pa.”

“Bahala ka. Teka saan nga pala punta mo?”

“Birthday.”

“Nino?”

“Maggie.”

“Ah...”

“Sige. Text nalang ako.”



“Mark sigurado ka ba? Kaya mo mag-drive? Nakainom ka.”

“Kaya.”

“Gusto mo dito ka na matulog?”

“May importante akong pupuntahan.”

“Ipahatid na kaya kita?”

“Wag na. Kaya ko to.”

“Salamat ha?” isang malutong na halik sa aking pisngi, nakakabigla, nakakagulat.

Lumabas na ako ng bahay nila. Baka kasi mas lalo pa ako mapainom sa loob kapag hindi pa ako umalis.

Umupo ako sa isalng gilid, nahihilo, nasusuka. Naparami ata ang inom ko. Pasado alas diyes narin ng gabi. Gustuhin ko man umuwi, hindi ko talaga kaya mag-drive ng motor. Umiikot na kasi ang aking paningin sa hilo dala ng tama ng alcohol.

“Kevin.” text ko sa kanya.

“Saan ka na?”

“Dito kila Maggie.”

“Gabi na.”

“Sunduin mo ko. Nahihilo na kasi ako. Natatakot akong mag-drive pauwi.”

“Oh sige. Jan ka lang. Papunta na ako.”

Ang bilis. Ilang minuto lang ay dumating na si Kevin. Pagbaba pa lang kotse, nasipat ko na agad ang seryoso nyang mukha. Nakaramdam ako ng konting takot hindi ko nga lang alam kung bakit.

Walang sabi-sabi, lumapit siya sa kinaroroonan ko, kinuha ang aking kamay, inilagay nya yun sa kanyang balikat at buong lakas niya akong inalalayang tumayo para isakay sa kotse.

Bago pa man makasakay si Kevin, nakita niyang palabas ng gate si Maggie kaya nilapitan niya ito. Nakikita ko silang nag-uusap mula sa aking kinalalagyan. Gustuhin ko mang bumaba, hindi ko magawa dahil sa hilo. Ilang sandali pa ay sumakay narin si Kevin, tahimik, wala kaming kibuan.



“Kevin sorry ha.”

“Wag ka na magsalita Mark. Matulog kana.”

“Galit ka ba?”

“Buhay mo yan. Gawin mo ang gusto mong gawin. Bahala ka. Kung masyado ka nang nasasakal... kumawala ka na.” 
Share:

0 comments:

Post a Comment