Friday, March 20, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 32

by: sympaticko

CHAPTER 32

Ilang araw nalang sa wakas matatapos na rin ang OJT ko. Last program ko na at makukumpleto na rin ang required hours ng program namin. Sa wakas makakahinga na rin ako ng maluwag. Malapit na kasi pumasok ang second semester, my last sem in St. Jude University. Konting hinga nalang ng pagtatyaga para makamit ang inaasam-asam na diploma. Excited na akong makapagmartsa sa graduation.

Madalas, sabay parin kami ni Kevin pumasok sa umaga, sinusundo nya ako sa bahay. Hinahatid nya muna ako sa trabaho bago sya pumasok sa eskwela. Sa hapon naman, kanya-kanya na kaming diskarte para makauwi at sa gabi tambay lang kami ni Kevin kung saan-saan.

Kapag Saturday, maghapon kaming magkasama. Umaga palang nasa bahay na sya. Minsan sa bahay nila kami nagla-lunch at kapag dating ng hapon, bola naman ang aming inaatupag. Hanggang gabi magkasama parin kami, hindi mapaghiwalay, kung saan-saan nakatambay. Sunday ang tanging araw na hindi namin nasisilayan ang isa't-isa. Kasunduan namin yun para naman daw kahit papaano ay mamiss namin ang isa't-isa.


***********************************************

Magkatabi kaming nakahiga at parehas na nakatingin sa langit. Madalas akong tumambay sa rooftop kapag gusto kong magrelax. Bata pa lang ako ginagawa ko na yun, naging bihira lang nung ako'y tumanda. Si Kevin ang unang tao na dinala ko dun. Mula kasi sa kwarto ko madali kang makakapunta sa bubong gamit ang maliit na daan palabas sa bintana..

Maaliwalas ang kalangitan, walang gaanong mga ulap, nakasilip ang nakangiting mga bituin na mala-buhangin sa dami. Presko sa pakiramdam ang mahinang paghampas ng hangin na animo'y nangungusap. Tamang-tama lang ang liwanag na nagmumula sa buwan upang masilayan ang paligid, upang maaninag namin ang isa't-isa.

“Mark...” halos pabulong nyang tinig, mahina pero tama lang naman sa aking pandinig.

“Oh...”

“Ano plano mo after graduation?”

“Hindi ko alam.” mabilis kong tugon.

“Ah...”

“Ikaw?”

Umiling sya, huminga ng malalim. Matagal syang nag-isip. “Hindi ko rin alam.” natagalan bago sya nakasagot. “Kung hindi ako dumating sa buhay mo. May magbabago ba sa plano mo?” dagdag nya. Napakaseryo ng usapan, ayoko talaga ng ganun.

“Baka... Pwede... Siguro...”

“Ten years from now. Ano na kaya tayo?” isa pang seryong tanong mula sa kanya. Hindi talaga ako sanay. Madrama akong tao pero ayoko ng madramang eksena.

Umiling lang ako. Sa totoo lang ang hirap sagutin ng tanong nya.

“Mark sino ako para sayo?”

Hindi ko ata napag-aralan yun sa labing-apat na taon sa eskwela. Hindi ko nalang siguro sasagutin.

“Ang dami mo naman tanong.”

“Sagutin mo.”

“Unang lalaki sa buhay ko.”

“Hehehe.”

“Eh ako?”

“Ewan.”

Hinampas ko sya sa dibdib, kumabog, napalakas ata. Nilapitan ko agad sya. Hawak-hawak parin nya ang kanyang dibdib, mukang namamalipit sa sakit. Hinawakan ko sya sa balikat. “Kevin okey ka lang ba?” tanong ko. Medyo kabado narin ako sa kanya.

“Bulaga!” niloloko lang pala ako ng loko. Bigla syang ngumiti at pagkatapos ay tumawa.

Hinayaan ko lang sya tumawa ng tumawa. Mukang ang saya-saya ni loko kaya pagbigyan. Tahimik ko lang syang pinagmamasdan. Nang humupa ang kababawan ni Huget, ako naman ang bumangka.

“Kevin.”

“Mark.”

“Ikaw bakit hindi mo subukan magmahal sa iba... sa ibang babae.”

“Ayoko.”

“Bakit?”

“Hindi kasi nila ma-meet ang standard ko.” sabay ngiti ni loko.

“Lakas!” kainis. Buset!

“Mark.”

“Oh ano naman?!”

“Ano bang meron ka?”

“Ha?”

“Ano meron ka at bakit ako patay na patay sayo?”

“Hahaha. Ewan. Marami. Tsssk.”

“Mas gwapo naman sana ako sayo.”

“Yabang mo naman Huget...”

“Totoo naman di ba?”

Grrrr. Napalunok tuloy ako. Seryoso ang pagkakasabi nya kaya mas lalo pang kumukulo ang dugo ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ko natiis ang kayabangan ng taong to.

“Baka naman may ibubuga ka pa?”

“Ano?”

“Baka kako may ibubuga ka pang kayabangan jan. Sige na ilabas mo na lahat para maubos na.”

Tumawa lang sya, tawa ng tawa.

Bumangon ako, umupo, tumayo at sumunod rin naman agad sya.

“Tara na. Inaantok nako. Umuwi kana gabi na.”

“Ayoko. Dito nalang ako matutulog.”

“Wag na. Umuwi kana.”

“Kacute mo!” inakbayan nya ako, sinakal at pinitik sa ilong.

“Paano kalakas mong manlait. Buset ka.” binitawan nya naman ako agad.

“Sus nagtampo na pala. Sorry.” nilapit nya ang kanyang mukha, ngumiti, ginusot ang mukha, nagpacute, nagpaawa effect.

“Sige sige. Tara na at bumaba. Itigil na ang kabaduyang to.”

Nagukat nalang ako ng bigla syang nagnakaw ng isang halik, mabilis, sobrang bilis. Ginawa na nya yun dati pero hindi ko parin nahuli. Nabigla ako. Tinignan ko sya ng masama pero dinaan lang nya ako sa ngiti, nakakagago.

“Mark sya nga pala ano plano mo sa sem break?”

“Wala. Bakit?”

“May plano kasi ako. Tsssk.”

“Tumigil ka Kevin. Ayan na naman yang plano mo. Ayoko. Dito lang ako sa bahay.”

“Basta Mark.”

“Ano ba kasi yun?”

“Isasama kita sa Manila. Kumpleto ang pamilya. Ipapakilala kita, kila kuya, sa pamilya nya. Uuwi kasi sila. Andon din sila daddy at mommy at yung nakababata kong kapatid, hindi kasi kayo gaanong nagkakilala nung pumunta ka sa Manila nun. Ngayon sem break nila, I'm sure magkakasundo kayo.”

“Ayoko.”

“Sus. Basta.”

“Gaano ba katagal don?”

“Hmmm. Isang linggo.”




“Isang linggo?!” 
Share:

0 comments:

Post a Comment