Thursday, March 19, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 31

by: sympaticko

CHAPTER 31

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pagbuhos ng aking kalungkutan.

Sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas ang nakatawag pansin sa amin ni yaya. Parehas kaming napatayo mula sa pagkakaupo, tumingin sa isa't-isa.

“Mark silipin mo nga yun kung sino.” utos nya.

“Yah naman ikaw na. Birthday ko po ngayon.”

“Nako ikaw talagang bata ka.”

Agad naman naglakad si yaya papuntang pintuan para tignan kung sino yung nasa labas. Ako naman ay bumalik ulit sa pagkain.

“Mark may bisita ka.” natigilan ako sa pagsubo.

Kinabahan talaga ako ng marinig ko ang boses nayun ni yaya.

“Sino naman yun?” sabi ko sa isi-isip ko.

Nanlaki ang aking mga mata. Nakita kong papasok si Maggie kasama ni yaya. Naka fitted jeans at pink shirt, simple pero sobrang sexy. Nakangiti sya habang nakatingin sa akin, naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. May dala syang baloons, iba't-ibang kulay.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Nagsimula na akong mag-isip ng kung ano-ano sa utak ko.

“Happy Birthday Mark.” mahinhin nyang sambit pagkatapos ay inabot nya ang kanyang dala-dala.

Hindi ko man lang nakuhang tumayo at parang napipi bigla. Kinuha ko naman ang kayang binibigay. Nilapitan nya ako at tinapik sa balikat.

“Mark. Uy.”

“Napadalaw ka.” nabubulol na naman ako sa kaba.

“Birthday mo diba.”

“Ah.”

Kinuha nya ang silya sa tabi ko at umupo, nakaharap sa akin.

Nakahalata naman agad si yaya kaya saglit nyang pinutol ang aming usapan upang magpaalam. Iniwan nya kaming dalawa para makapag-usap ng masinsinan.

“May pasok ka ngayon diba?” tanong ko.

“Pumasok ako kaninang umaga. Wala ka kaya umabsent ako para puntahan ka dito.”

“Salamat.”

“May regalo pa ako sayo.”

“Ano?”

“Baby.” sabay ngiti.

Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain.

“Ha?” gulat na gulat kong sambit.

“Ayaw mo ba?” nakangiti naman sya.

Napalunok nalang ako sa sobrang kaba.

“Mark ang cute mo.” pinisil nya ang aking pisngi, napapikit naman ako.

“Maggie.”

“Joke lang yun.”

“Ha?”

“Matagal ko ng alam Mark pero mas pinili ko na hindi agad sabihin sayo.”

“Bakit?”

Dinasog nya ang kanyang upuan at mas lumapit pa sa akin.

“Gusto ko kasi na ikaw mismo gagawa ng moves para alamin yun. Pero hindi ganon ang nangyari, hindi mo man lang ako dinamayan, sinamahan or kahit itext man lang. Alam kong maahirap para sayo yun pero sana inisip mo na mahirap din yun para sa akin. Ikaw ang lalaki pero hindi mo pinangatawan yun Mark.”

“Sorry.” napayuko ako. Sapul na sapul ako sa sinabi nya.

“Haaaay Mark. Kung hindi ka lang kita ano eh kanina pa kita sinapak.”

“Anong ano?”

“Basta.”

Napangiti ako, ngiti hanggang langit. Bigla akong naging masaya, sobrang saya.

“Oy Mark twenty years old kana, hindi kana teenager ha. Ang laki mong damulag.”

Isang taon lang ang tanda sakin ni Maggie pero pakiramdam ko milya-milya ang agwat namin kung mag-isip. Siguro tama sya, dapat ko nang talikuran ang pagiging buhay bata, batang isip. Hehe.

Saglit lang sya namalagi sa bahay. Kumain lang ng konti at nagpaalam na agad. Isang friendly kiss naman ang sukli ko sa kanya.


***********************************************

Buong gabi lang ako nakaupo sa harap ng bahay, nakataas ang mga paa sa barendilaya. May pabugso-bugsong ulan parin pero hindi na ganon kalakas kumapara kanina. Pinagmamasdan ko ang bawat sasakyan na nagdaraan.

“Mark anak hindi ka pa ba papasok?”

“Yah mamaya napo. Nagpapahangin lang ako ng konti.” nakaharap parin ako sa labas, sa daan, sa mga nagdaraang mga sasakyan at si yaya naman ay nasa aking likuran, galing sa loob ng bahay.

“Napansin ko kasi na kanina ka pa jan nakaupo, kanina ka pa tingin ng tingin sa relos mo. May hinihintay ka pa ba?”

“Wala po.”

“Ah. Sige na anak, mauna na ako matulog. Happy Birthday ulit.”

Kumaway lang ako sa kanya, hindi ko na nakuhang lingunin pa sya.

Nanatili lang ako sa ganong posisyon ng ilan pang oras.

Alas onse na ng gabi nang magpasya akong pumasok sa loob para magpahinga.


************************************************

“Kaya pa?”

Napatigil ako sa pagod. Sobra ang hingal, parang gripo na pumapatak ang pawis ko. Tinignan ko siya, ganon din naman ang kanyang itsura, Halatang pagod na pagod din pero smiling face parin si loko.

“Oo naman.” hinahabol ko parin ang hininga ko.

Nilabas ko ang bola at ipinasa sa kanya, binalik nya sa akin at nagsimula ulit ang laban.

Ilang oras na kaming naglalaro ng basketball, one on one, halfcourt. Kung saan- saan kami nagpunta para lang humanap ng basketball court na hindi inulan. After 2 hours na hanapan, nakakita din kami, yun nga lang sa Bulacan, may kalayuan sa aming bayan.

Fifteen minutes before twelve, bago matapos ang aking kaarawan, dumating si Kevin sa bahay. Todo porma si loko na parang aakyat ng ligaw. Naka long sleeve pa sya pero casual style. May dalang cake, black forest at ang walang kamatayang Jollibee, four orders ng B3.

“Oh Mark walang iyakan ha. Talo ka na naman.”

Ang ngiting yun, ang killer smile ni Kevin Huget, ang lakas ng dating. Namiss ko talaga sya, sobra.

“Pinagbigyan lang kita.”

“Sus. Hanep ka nga mandaya eh. Tssssk.”

“Loko. Daya ka jan. yun ang tinatawag na matalinong paglalaro.”

“Ah kaya pala... kaya pala natalo ka... natalo ka ng tatlong beses. Tsssk.”

Sa tatlong set na game, ni-isa wala akong naipanalo sa kanya. Badtrip!

Inabot na kami ng umaga sa paglalaro ng basketball. Wala naman pasok kaya okey lang.


***********************************************

Ang tagal ko syang pinagmamasdan. Kahit na araw-araw, minu-minuto, kahit bawat sandali, hindi ako magsasawang titigan ang maamo at maganda nyang mukha.

Nakaupo lang ako sa kama, katabi nya. Kahit na sobrang pagod, hindi ko parin magawang matulog, gusto ko sya titigan ng buong maghapon. Nararamdaman ko ang kanyang hininga dahil sa lapit namin sa isa't-isa, mabigat, mabilis pero ang tamis parin ng itsura nya.

“Salamat Kevin sa lahat. Hindi ko man nasasabi sayo to madalas o kahit ni-minsan hindi, ngayon sigurado na ako sa sarili ko, sigurado na ako sa nararamdaman ko, mahal kita, mahal na mahal kita.”

Tulog man sya pero alam kong naririnig yun ng puso nya.


************************************************

Alas kwatro na ng hapon ng gisingin ko si Kevin. Ayaw pa nya bumangon. Hinatak-hatak ko pa sya para lamang magising.

“Ano ba yan Kevin. Grabe ka naman matulog.”

Nakaupo na sya sa kama pero hindi parin bumubukas ang kanyang mga mata. Naaalimpungatan yata.

“Maligo ka na para makakain na tayo.”

Ilang beses nya kinuskos ang kanyang mga mata bago dumilat, hihikab-hikab.

“Matulog pa tayo Mark.” hinawakan nya ang aking kamay.

“Mahiya ka naman Kevin. Alas kwatro na ng hapon.”

Ayun nakita ko na ang kanyang ngiti, nagpapacute na si loko.

Hinila ko na sya sa banyo para maligo.

“Hoy Kevin bumaba kana after mo maligo. Kakain na tayo. Hinanda ko narin yung mga bihisan mo jan.”

Bumaba na ako para ihanda ang mesa.

After thirty minutes bumaba narin sya, Gulo-gulo ang buhok, nakanguso, naniningkit ang mga mata pero ang gwapo.

“Mark kapag yan hindi masarap sige ka.”

“Loko ka. Hindi ako nakatulog para lang ipagluto ka.”

“Awwwww. Sorry sorry. Ano ba kasi niluto mo at kailangan mo pang hindi matulog?”

“Adobo.”

Agad siya lumapit sa akin. Nagulat nalang ako ng biglang yumakap si loko.




“Uy loko ka nakatingin sa atin si yaya.” bulong ko sa kanya.
Share:

0 comments:

Post a Comment