Thursday, March 12, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 23

by: sympaticko

CHAPTER 23

“Kevin... minsan hindi naman kailangan ang materyal na bagay para maging masaya tayo. Hindi mo na kailangan na palitan ang bagay na wala na. Nawala yun dahil mas pinili ko na makuha ang mas mahalagang bagay.”

“Sorry Mark.”

“Kita mo pati sarili mong pera nagastos mo para lang dito. Akala mo ba gusto ko yun?”

Hindi na sya kumibo. Nakakaawa ang itsura nya kaya minabuti ko ng iliko ang usapan.

“Salamat Kevin.” pambawi ko.

“Kung saan ka masaya Mark Lopez III.”

“Babayarn ko to.”

“Gusto mo to?” *kamao*

“Basta wag matigas ulo mo.”

“Sige okey para matahimik kalooban mo, baka hindi ka pa makatulog nyan kasalanan ko pa.” ngumiti na sya.

“Pero pwede bang ten gives? Tssssk.”

“Hanep Mark iba ka talaga. Gawin ba akong Bumbay.”

“Hayaan mo na. Wag ka na umangal.”

Napakamot tuloy ng ulo si loko tapos nag devil look sya.

“Oh ayan unang hulog ko.” inabot ko yung sukli ni Jollibee sakin kanina.

Binilang nya. Dalawang twenty peso bill at seventeen peso coins na puro tig pipiso.

“Nako Mark wala na talaga ako masabi sayo.” todo ngiti naman si loko. “Open mo na yan. Marami nang songs yan.”

Binuksan ko yung ipod. Marami ngang songs na laman pero puro jurassic naman. Mas matanda pa ata sakin ang mga kanta. Hanep!

“Kanino ba to? Sakin o sayo?”

“Oh bakit na naman?”

“Wala. Gwapo ka kako."

______________________________________


Medyo dumadalas na kaming nagkakausap ni Mariel. Kapag off duty nya mas mahaba kaming nagkakakwentuhan sa YM. Marami daw pumoporma sa kanya duon. Sabi ko kapag nakakita sya ng mas higit sa akin, go na sya. Wag ko naman daw sya ipagtabuyan. Hehe. Syempre joke lang yun. Tumaba na sya kaya lagi kong niloloko tuwing magkausap kami. Mukang okey naman sya kaya masaya narin ako.

Si Maggie naman, close na kami. Lagi kaming magkatabi sa klase at lagi kaming magkasama lalo na pag laboratory. Marami silang similarities ni Mariel kaya siguro napalapit ako sa kanya ng husto. Mabait naman sya, yun nga lang medyo bastusin kasi kung gumalaw at pumorma kaya laging pinagtitinginan sa campus. Sa kanya din ako laging tumatakbo kapag wala akong assignment. Puro sablay naman kasi yung mga assignment na gawa ni Kevin kaya ayun.

Si Kevin naman, walang araw na hindi kami magkasama. Sa umaga sinusundo nya ako, sa tanghali madalas kami magkasabay mag lunch, sa hapon lagi ko syang bitbit sa tambayan ng HRM students, sa uwian lagi kaming naghihintayan at sa gabi madalas nasa bahay sya para manggulo este tumambay at madalas din kaming bumisita kay Jollibee.

______________________________________


Saturday, walang pasok. May basketball sana ako kasama ang mga kaibigan sa HRM pero mas pinili ko nalang mag stay sa bahay. Ewan ko ba parang medyo masama ang pakiramdam ko. Nag dota nalang ako at nanuod ng tv maghapon. Sa gabi nalang daw ako pupuntahan ni Huget dahil isinama sya ng parents nya sa isang family gathering. Meron naman daw sya uwing pasalubong para sa akin. Hehe.

Alas kuwatro na ata ng hapon. Maliligo na sana ako ng may biglang tumawag. Akala ko si Kevin pero si Mariel pala.

“Lopez kumusta?”

“Uy Napatawag ka? Akala ko nakalimutan mo na ako.”

“Pwede ba naman yun.”

“So ikaw, kumusta ka?”

“Okey lang. May sasabihin sana ako sayo.”

“Ano yun?”

Mabigat ang bawat kataga na binibigkas nya kaya alam ko may dinadala sya. Mas lalo akong kinabahan ng magsimula siyang humagulgol ng iyak, ang layo ng pagitan namin pero parang kasama ko lang sya. Ang bilis ng mga pangyayari. Nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Hinayaan ko lang na ilabas nya ang lahat ng luha nya. Nakinig lang ako at hindi nagsalita. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, sobrang kaba ang nararamdaman lalo na ng marinig ko na ulit ang boses nya.

“Siguro maganda kung itigil muna natin kung ano man ang namamagitan sa atin ngayon. Nahihirapan kasi ako na makapag concentrate dahil lagi kita naaalala. Iniisip ko kasi na kung lagi tayong may communication mas lalo akong maho-home sick, baka hindi ko kayanin at mauwi ako jan ng biglaan. Ilang months narin ako dito pero lagi parin akong dinadalaw ng sobrang lungkot. Matagal ko na tong pinangarap Mark dahil gusto ko bigyan muna ng magandang buhay ang pamilya ko. Pinangako ko sa sarili ko na pagsisilbihan ko muna sila bago ang ako. Kung itutuloy ko ang relasyon ko sayo baka hindi ko kayanin Mark, masisira lahat ng plano ko. You how much I love you Mark. Sana maintindihan mo.”

“Okey.”

Yan lang ang naisagot ko. Binaba ko ang telepono at biglang huminto ang mundo ko. Wala akong maramdaman, wala. Namanhid na ata ang buo kong katawan sa sakit, sa hapdi. Para akong sinakluban ng langit. Tumatawag ulit sya pero parang wala akong naririnig. Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil hinaharang ng isip ko ang sobrang emosyon na binabato ng puso ko. Hindi ko na kinaya, bumagsak ang luha ng isang Mark Lopez. Parang akong batang nagiiyak. Hindi ko ata kaya.

Ilang oras din akong nakatingin lang sa iisang direksyon, lumilipad ang isip ko, hindi ko alam kung saan patungo. Ilang saglit pa ay tumayo ako at dumiretso sa banyo. Naghilamos at tumingin sa salamin. Huminga ako ng malalim at sinabi sa sarili ko na kaya ko to. Ayokong tignan ang sarili ko bilang mahina pero sumasagi parin sa isip ko ang kalungkutan kahit pilit ko man itong labanan. Lumabas ako ng banyo, sana kaya ko na.

“Hello Mags. Saan ka ngayon?” text ko.

Nagreply naman agad sya. “Dito lang sa bahay. Bakit?”

“Pwede ba tayo magkita?”

“Ngayon na? Gabi na ah.”

“Oo.”

“Hmmm. Sige bihis lang ako.”


I checked my wallet. Ayun buti nalang may isa pa..


isa pang condom.. 
Share:

3 comments:

  1. Kudos sa writer ganda ng flow ng story. Sana lang wag masyado ireject si Kevin ni Mark. Pakibigyan ng pagseselosan si Mark lol

    ReplyDelete
  2. Pakibigyan ng pagseselosan si Mark kay Kevin. Lol

    ReplyDelete
  3. Kudos to writer ganda ng flow ng story. Pakibigyan din ng pagseselosan si Mark. Kawawa na masyado si Kevin e lol

    ReplyDelete