Tuesday, February 25, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 7

by: sympaticko

CHAPTER 7

Naman! Bakit ba kasi may naisip pa akong ganon. Sheeeet pahiya ako. Kalakas ni loko, easy lang para sakanya na itumba ang braso ko. Biliv na ako sakanya. Ang buong akala ko kasi ay lalampa-lampa lang sya nun. Ano ka ngayon Mark!

Nagsimula na akong magligpit ng mga pinagkainan ng bigla syang lumapit at hinawakan ang aking kamay para pigilan ako sa aking ginagawa.

“Tol no need, iwanan mo nalang jan mga yan. Masyado ka naman sabik magpa-alila. Akyat kana tol sa taas para makaligo kana. Sunod ako sayo. Yung may tag na Kevin sa door yung room ko, bandang kanan.” mahaba nyang linya.

“Sige pre. Sabay nalang tayo umakyat. Pahiramin mo ako ng damit at shorts ha, ulet.”

“Yes boss.” tugon nya.

After 5 minutes, umakyat na kami. Tatlong room ang nasa taas, sa kaliwa ay kwarto ng panganay na kapatid na may sarili nang pamilya at ang isa ay kwarto naman ng nakababatang kapatid na nasa Manila para mag-aral, nursing kasi kaya walang vacation. Tatlo lang silang magkakapatid at puro barako lahat. Naikwento rin nya ang tungkol sa parents nya na halos hindi daw napipirmis sa bahay dahil sa klase ng trabaho ng mga ito. Ano naman kaya yun? Hindi na nya naikwento dahil napansin nya na hihikab-hikab na ako sa gilid. Halata bang wala akong interest? Hindi ko naman sinasadya Kevin, next time nalang yang story telling mo at talagang gusto ko nang humimlay sa pagod at antok.

Napansin ko na bumaba narin ang energy ni tisoy. Malaki ang kwarto nya, mas malaki kaysa sa kwarto ko. Kapansin-pansin ang mga naglalakihang poster ni Kobe Bryant at LA Lakers sa kwarto. Feeling ko tuloy laging nakatingin sakin si Kobe. Haha. NBA addict din pala ang taong to. Magkalaban pala kami, ako maka-Lebron at sya obviously maka-Kobe. Sila kasi ang madalas pagtapatin sa mga discussions sa mundo ng professional basketball.

“Tol okey na ba to?” tanong nya sakin habang hawak-hawak ang jersey ni Kobe na pang-taas at mala boxer-shorts sa iksi na pambaba.

“Pang-romansa naman yan tol Pre okey na yan. Thanks.” biro ko.

Nauna na akong maligo sa kanya. May CR kasi sa taas katabi ng kwarto. Sandali lang ako naligo at sumunod naman agad sya. Hindi ko na sya hinintay matapos dahil nakatulog na agad ako.

Szzzzzzzzzzzzzzz.

Nagising ako alas tres na ng hapon. Guess what? Ako ang naunang nagising sa amin ni Kevin. Ang sarap ng tulog ni tisoy at humihilik pa. Para syang bata kung matulog. Ang sakit ng katawan ko kasi ang likot matulog ng loko. Ilang sipa at siko lang naman ang nakuha ko sakanya. Kung basketball yun naku malamang fouled-out na sya sa game sa dami ng foul. Hindi ko na yun pinansin lahat sa sobrang antok at pagod ko. Hindi ko na sya ginising at agad na bumaba na ako para umalis. Anong bahay ba to' bakit walang tao? Nag text nalang ako sa kanya na mauuna na ako para umuwi.

Diretso na ako sa bahay para kumain at magbihis. Pasado alas singko na nang sunduin ko si Mariel para mag-mall. Off-duty nya kasi ngayon kaya time naman namin mag-bonding. Na-miss ko talaga sya ng sobra.

Alas otso na kami nakauwi at naglaro pa ako ng basketball sa isang open court malapit sa lugar namin kasama ang ilang mga kaibigan. Gabi na akong nakauwi sa bahay. Nanuod pa ako ng replay ng huling laban ng Cleveland Cavaliers versus New York knicks sa season ng NBA.

Vacation ngayon pero nandito lang ako sa bahay. Two years narin akong hindi nakakapunta sa Canada para dalawin ang pamilya ko. Mas gusto kasi ng parents ko na ako nalang ang pumunta duon kahit once a year kesa sila ang umuwi dito. Mas tipid daw pag ganon kasi magastos ang pag-aaral ng dalawa kong kapatid duon. Haaaaay buhay. Ang lola ko naman wala rin. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa maraming oras. May girl friend nga ako pero saglit lang kami kung magkita at halos wala ring time sakin. Ano ba meron ngayon at ka-drama ko?

Beep beep.

“Tol gising ka pa?' text ni Kevin.

Hindi ako nag-reply.

Beep beep.

“Tol.” text nya ulit.

Sheeet kakulit lang.

“Oo tol pero antok na ako.” reply ko.

“Ganon ba tol? Uy hindi ko nakakalimutan ang pustahan natin ah.”

Oo nga pala anak ng tukneneng. Seryoso ba to'?

“Oo pre hindi ko naman nakakalimutan yun. Kelan ba ako magsisimula.?” tanong ko.

“Ngayon.” reply nya.

“Ha? Ano gagawin ko? Gabi na.”

“Diba may net ka?” tanong nya.

“Oo bakit?”

“Usap tayo tol sa YM ngayon. Eto email add ko kevinthepogihuget@yahoo.com, invite mo ko.”

Ano na naman kaya to'? Hanep sa trip si Huget.

“Sige pre tapusin ko lang tong pinapanuod ko. Give me 5 minutes.”

“Oki tol. OL na ako. Wait nalang kita.”

After 30 minutes, tama 30 minutes pa bago ako nag-online. Yung 5 minutes na sinabi ko ay naging 30 minutes.
Una kong binuksan ang Facebook at Friendster accounts ko, sobrang daming nag-add. Karamihan hindi ko kilala. Tapos binukas ko narin ang Yahoo Messager ko. After ko i-add si loko, 1 minute lang ata nang biglang mag-BUZZ.

kevinthepogihuget: BUZZ!

lopez_mark19: Anong drama mo?

kevinthepogihuget: Na-miss kita agad tol eh.:naughty:

lopez_mark19: Ha?

kevinthepogihuget: Inlove na ata ako sayo tol. :lol:

Kalakas ng tama ng taong to'. Wala sigurong magawa sa buhay. Sige masakyan nga ang trip ng loko.

lopez_mark19: Totoo? Hmmm. :lol:

kevinthepogihuget: May pag-asa ba ako tol?:rotflmao:

lopez_mark19: Taken na ako.

kevinthepogihuget: Okey lang sakin na third party. :love:

lopez_mark19: Uto!

kevinthepogihuget: Ano tol tayo na ba? :D

lopez_mark19: Hmmm. Thinking...

kevinthepogihuget: Waiting...

lopez_mark19: Yes.

kevinthepogihuget: Ayan tayo na. Easy boy ka pala.:love:

lopez_mark19: Antok nako. Out na me.

Hindi ko na sya hinintay na mag-reply, nag-out na ako. Inaantok na kasi ako. Yung about sa conversation namin ni Kevin ba? Wala yun. Trip lang namin yun. After a minute may nagtext.

Beep beep. Kevin.




“Goodnight baby.:D”



Ano kaya ang nakain ng loko at grabe sa trip? Hindi ko na nga rereplyan para matigil na. 
Share:

0 comments:

Post a Comment