Monday, February 24, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 6

by: sympaticko

CHAPTER 6

Bago ko makalimutan i-kwento ang tungkol sa MVP award kanina before the exibition match, yes sakin napunta yung award.

Panalo pala kami sa laban kanina at nanalo din ako sa pustahan namin ni Kevin. Swerte ko naman. Nakahiram na nga ako ng sapatos sakanya, may libre pa ako. Sunod-sunod ang pag-puntos ko sa second, third at fourth quarter pero yun nga lang karamihan ay dahil sa assists ni Kevin. Hehe. Naka 26 points ako at karamihan ay jump shot, 15 points don ay galing sa three-points field goals. Si Kevin naman ay may 23 points at karamihan ay galing sa power offence at points sa steals.

Sabi ko nga, kalimutan na ang libre nya. Nakakahiya na masyado pero sobrang mapilit. May patampo-tampo pa na nalalaman. Hehe. Umoo nalang ako pero after ko sunduin at ihatid si Mariel nalang kako from duty. 10:30 PM na nayari ang game namin at ipina-uwi ko muna kila Kevin ang MVP trophie.

_________________________________


After few seconds tumawag sya. Nagtext kasi ako sakanya. Tinanong ko kung gising pa. Pasado alas tres na ng madaling araw. Inaantok na ako sa sobrang pagod.

“Hello tol pacenxa na talaga, late na kasi lumabas si Mariel sa duty tapos nag-aya pa na kumain. Napatagal ang kwentuhan, sorry talaga tol..” Mahaba kong paliwag sa kanya.

“I see so hindi ka na pupunta dito? Nagluto pa naman ako, ilang oras ako naghintay.” sagot nya.

“Tol sorry sorry, next time talaga promise. Gabi na kasi eh, nakakahiya naman sa inyo.”

“Mag-isa lang ako dito. Sige okey. Bye” Sabay baba ng cellphone.

Anak ng tilapia oo nagalit ata. Na-guilty naman ako bigla. Kasakit naman sa ulo nato. Hmmmmm. Napaisip tuloy ako. After 15 minutes nag-text ako sa kanya.

“Tol on the way na ako papunta jan” text ko sakanya. Pero sa totoo lang nasa kanto lang ako malapit sa street nila Mariel. Hintayin ko muna ang sasabihin ni Kevin kasi baka nagpapahinga na yun.

Bee. Beep. Kabilis magreply, adik siguro to sa text.

“Wag na tol baka napipilitan ka lang. :D” reply na.

“Sus ka-drama mo pre. Malapit na ako”

“Sinungaling ka tol, :rotflmao:. Paano ka naman makakapagtext kung nagda-drive ka ng motor?:bop:”

Oo nga naman Mark. Natawa naman ako sa text nya. Ilang oras palang kami magka-kilala pero feeling close na agad si loko.

“Ah basta malapit na ako pre. Bye na.” txt ko.

“Sige tol ingat.:)” reply nya ulit.

Saglit lang ang byahe ko. Dumaan kasi kami sa bahay nila kanina bago ako pumunta sa hospital para sunduin si Mariel para alam ko daw ang pupuntahan ko. Wala pa ata 10 minutes ang byahe kasi malapit lang naman yung bahay nila kila Mariel at isa pa wala ng sasakyan sa lansangan sa mga oras na yun.

Malaki ang bahay at elagante ang desenyo na halatang bahay pang-mayaman, maluwang ang bakuran na parang plaza sa dami ng lights at upuan. Hindi talaga ako naniniwala na wala syang kasa dito ngayon.

Nag-door-bell ako. Nag-door-bell ulit ako. Nag-door-bell at nag-door-bell at nag-door-bell.:grrr: Sheeeet tulog na ata ang loko. Isang door-bell pa aalis na ako. Gabi na takte nasa lansangan pa ako. Maya-maya lang titilaok na ang mga manok. Baka pagkamalan pa ako ditong akyat-bahay.

Pina-andar ko na ang motor ko para umalis nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay. Lumabas ang isang lalaki, hindi ko maaninag ang muka nya sa kinalalagyan ko dahil ilang metro din ang layo niya mula sa gate ng bahay. Nakadagdag pa ang mga ilaw na tumatama sa sa muka nya. Habang papalapit ang lalaki, unti-unti kong nakikilala ang muka. Si Kevin lang pala. Naka-ngiti na naman sya. Anong oras na pero parang fresh na fresh parin ang itsura ng loko. May pagka-owl kaya ito? Gising na gising sya sa kalagitnaan ng gabi.

“What's up bro? Napadaan ka.” tanong nya habang palapit.

Loko to ah. Ano sinasabi nato? sa loob-loob ko. Pinatay ko ang engine ng motor at bumaba.

Agad naman nya ako pinapasok at pinarada ko ang motor ko sa garahe nila katabi ang iba pa nilang sasakyan. May apat na four wheels duon at may isang big bike. Nahiya naman ang motor ko. Hindi ko na inusisa kung kanino ang mga sasakyan na naroon.

Hindi ko talaga inaasahana ang sumunod na eksena. Nabigla ako nang biglang umakbay si loko. Sabik na sabik sya na makita ako, sa tingin ko.

“Mr. MVP buti pumunta ka?” tanong nya.

Natawa ako sa pagkakatawag nya sakin, MVP daw. Haha. Naalala ko si Mariel kasi yun din ang tinawag nya sakin kanina pagkatapos ko ikwento ang lahat ng nangyari.

“Aray yung sugat ko!" drama ko.

"Ay sorry tol, napano nga ba yan? Kanina ko pa yan sana itatanongg eh. Yan ba ang bagong uso ngayon?" sabay kalas nya sa pagkaka-akbay sakin.

"Wala to pre, mamaya ko nalang iku-kwento sayo" paliwanag ko.

"Ah okey tol sabi mo eh."

Taee mo pre, ka-drama mo kanina. May nalalaman kapang patampo-tampo.” sabi ko.

Sumimangot sya. Ka-cute lang ni loko parang bata. Hindi ko talaga naisip na makakakilala ako ng isang lalaki na tulad nya. Iba talaga sya sa lahat ng nakilala ko. Iba talaga.

“Pre ka-muka mo pala si Gerald Anderson neh?” sabi ko. Wala kasi ako masabi sa antok narin siguro pero aminado ako na mala Gerald Anderson ang appeal ni Huget.

“Naman! Wala na bang ibang mas gwapo pa dun?” sagot nya. Nawala tuloy ang antok ko.

“Lakas!” Natawa naman ako.

“Tol magtatampo ako sayo kapag hindi ka kumain ng adobo ala Kevin Huget”

“Ha? Anong oras na tol, busog nako. Sige ka baka bangungutin ako nyan.” tugon ko.

“Shhhhhhh wag ka na tol tumanggi. Hindi ka na makakalabas dito kapag hindi mo tinikman yan”

“Sige sige.” Wala na akong ibang nasabi.

Ilang sandali pa ay nagpunta na kami sa dinner table nila na sobrang haba. Parang dinner table sa isang palasyo na napapanuod ko sa tv. Nag-umpisa na syang maglabas ng maraming pagkain, sobrang daming pagkain. Iba-ibang klaseng pagkain. Galing yung iba sa ref at yung iba sa oven, na pinainit nya. Huli nyang nilabas ang adobo nya na nasa kaserola pa. Yun lang daw kasi ang kaya nyang lutuin na pagkain, favorite daw nya yun. Ang dami kong nakain at lahat ng klase ay tinikman ko. Tungkol naman sa adobo ala Kevin Huget na pinagmamalaki nya? Oh nevermind! Sinabi ko nalang na masarap kahit hindi. Hehe. Basta, sa basketball at pagpapa-cute lang sya bagay wala nang iba.

“Pre salamat. Ang dami ko nang utang sayo. Yaan mo babawi ako next time.” sambit ko habang naghihikab. Inantok ata ako bigla sa dami ng kinain ko.

“Wala yun tol. Gusto mo bang makabawi? Tanong nya.

“Ano pre?” sagot ko.

“Dito kana matulog tol tutal bakasyon naman ngayon. Isa pa gabi na at wala akong kasama ngayon dito. Iiwan mo ba ako mag-isa?”

“Ha? Ah eh ih oh uh.”

“Wag ka mag-alala tol hindi kita re-rape-in promise.":D biro nya.

"Talaga pre? hehe. Sabi mo yan ah.:lol:" tugon ko tapos bigla kaming nagtawanan ng malakas.

"Teka hindi ko pala maipapangako tol pero I'll try.":D Mas lumakas pa ang tawanan namin. Imagine ang dalawang barakong basketbolero ay naglalandian. Haha. I never imagine na mangyayari to sakin.

"Pre baka paluin ako ng nanay ko pag hindi ako umuwi sa amin." :lol:biro ko.

"Anak ng tukneneng Mark ang dami mo naman dahilan. Ang laki muna."

"Sige bunong-braso nalang tao pre, pag natalo ako sige dito ako matutulog at isang linggo mo kong utusan" Hamon ko sa kanya.

Pero sa totoo lang kahit naman matalo ako sa dito, pagbibigyan ko parin sya na samahan sya ngayon dito sa bahay nila para matulog. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Wala lang, sigurado naman na panalo na ako dito. Kahit kasi hindi bato-bato ang katawan ko alam ko na batak ang katawan ko dahil sa paglalaro ng basketball sa loob na 12 years. Ako ata pinakamalakas sa bunong-braso sa class namin at pang-tatlo sa team kaya malakas ang loob ko na manghamon."

"Sige kung saan ka masaya bata ka." sabi nya.

Humarap sya sakin at bigla-bigla hinubad ang kanya manipis na damit pambahay.

Sabay ngiti ng todo-todo. Feeling siguro nang loko nasa isang pageant sya. Ipinagmayabang ang 6-pack-abs daw na hindi gaano halata dahil sa kaputian nya at ang kanyang biceps. Oo nga pala basketbolero nga din pala to, sanay to sa brasuhan sa court. Isa sa napansin ko, talagang may pagkaka-hawig sya kay Gerald Anderson ba yun? I'm sure sobrang dami na nitong pina-iyak na babae. Ang ganda ng facial features nya, matangkad, maputi, the smile, ang katawan, pagiging kengkoy-kalog, nakaka-bading sabi nga nila. Ganyan kasi ang malimit kong marinig sa mga kaibigan at team mates ko kapag napapansin nila ako. “nakaka-bading ka naman tol, pa-kiss nga.” Taeeee nasan na ba tayo?

“Tara pre umpisahan nayan, inabot na tayo ng siyam-siyam.” hamon ko sa kanya then nilapag ko na ang kanang braso ko sa dining table.

Nahiya ata ang loko dahil sa hindi ko pagpansin sa ginawa nyang pagpapasikat. Hehe. Ang lakas naman kasi ng tama ng taong to. Ilang sandali pa ay lumapit narin sya sa kinauupuan ko. Humarap at pinuwesto ang kanyang braso malapit sa kanina ko pang naka-abang na braso.

Kevin: “Tol lakasan mo ha baka antukin ako sayo?”

Mark: “Okey” sambit ko. Ang dami naman kasing che-che-bureche ng taong to. Ang daming patalastas.

Huminga ako ng malalim at binuhos ang lahat ng aking lakas sa kanang braso ko. Nang maramdaman kong may pwersa na ang braso nya, agad-agad kong sinubukan na itumba yun para mayari na agad.

Hmmmmmmmmmm. Kapooook! Ilang segundo lang ang tinagal ng bunong-braso. Ang lakas...


nya... Natalo ako.


“Tol pano?” tanong nya.


“May magagawa pa ba ako?” sagot ko.


“Ayos!” sabi nya. Sabay akap sakin.


Putcccha! Alila ako ng isang buong linggo!:grrr: 
Share:

0 comments:

Post a Comment