Sunday, February 23, 2020

Most Valuable Player (A true to life story) Part 5

by: sympaticko

CHAPTER 5

Isinuot ko na ang green headband ko at inistrech ang mahabang medyas na pinahiram din sakin ni Kevin. Color black yun kaya feeling ko ako lang ang naiiba sa lahat ng nasa loob ng court, astig!

Natapik ng sentro ng kalaban ang bola, nag over-head passed sa kanilang guard na mabilis na nalibre at agad na nakapuntos.

Sheeeeeet bantay ko pala yun ah! Napakamot sa ulo si coach na nakatayo sa isang side ng bench.

Si Fronda ang naglabas ng bola para sa amin at ipinasa sakin. Mabilis ko naman naitawid ang bola sa half court. Showdown to' kaya magpapasikat ako. Ginawa ko ang signature move... signature move ni Michael Jordan my idol sa perimeter. Akala nyo siguro signature move ko noh? Hehe.

Nakita ko na humihingi ng bola si Kevin sa gilid ng perimeter court, labas ng 19 foot three-foot line, naka-ready sya para bumato ng three-points. I decided not to pass the ball instead I drove the ball inside kahit na bantay sarado yun ng mga kalabaw ng kalabang team, naka-zone defence kasi sila. Tumulak ako para sa power offence, konting tulak at hawi, nakapasok naman ako. Nang makalapit ako sa basket, agad akong tumalon at ni-release ng mabilis ang bola, hoping na makaka-kuha ng counted-foul.

Kapoooook! Sheeeeet block ako! Supalpal! Lumipad ang bola sa half-court. Akala ko volleybal na ang labanan. Sheeeet talaga. In my face! Ano ka ngayon Lopez!:grrr:

Ako naman, medyo nagbuwal-buwalan at humihingi ng foul kay ref. “Ref foul oh! Sabit na sabit ref.”
Pero ang totoo umarte lang ako na kunwari foul para naman hndi gaano nakakayiha.

Hindi ako pinansin ni ref at pinanindigan ang nauna niyang tawag.

“Tol okey lang yun. Next time gaganti tayo.” sabi ni Kevin habang tinutulungan akong tumayon mula sa pagkakabuwal.

Patay malisya lang ako at bumaba na agad ng court para sa defence.

Mabilis ulit naka-score ang kalaban. Naka 6 basket sila bago kami naka-basket.

Team A- 2 points, Team B-12 points. Si Kevin ang tanging naka-score samin.

“Sheeeeet kalahati na ng first quarter pero itlog parin ako!” bigla ko nasabi sa sarili ko.

Tumawag si coach ng time-out para subukan na putulin ang momentum ng kalaban.

“Guys ano nangyari? Ang daming nasayang na bola.” tanong nya. Alam ko ako ang pinatatamaan sa linyang yun.

Wala ni-isang sumagot sa amin. Malas talaga buset!

Announcer/commentator: “Back to the ball game!”

Coach: “Mark labas ka muna ha? Pahinga ka muna jan.”

Sheeeet naman oo, badtrip! Wala akong nasabi kundi okey.

Kevin: “Coach hindi pwede lumabas si Mark, kailangan natin ng mabilis na laban. Kung aalisin nyo siya babagal ang laro natin, maiiwanan tayo ng kalaban.”

Nagulat ako sa sinabi nya. Akala ko kasi matutuwa sya na mawawala ako sa game. Mas magagawa nya na kasi ang gusto nyang play na naisin nya. Sa totoo lang sang-ayon ako kay coach na ilabas ang isa sa amin at wag pagsabayin sa game dahil hindi talaga kame magka-play ni Kevin. May sarili syang diskarte bilang guard ng team at ako din meron.

“Sige pasok Mark, Kevin tulungan mo si Mark sa play” sabi ni coach.

“Okey coach ako bahala” tugon ni Kevin sabay ngiti sakin.

Wala akong reaction at hindi ako natuwa sa pagbalik sakin sa loob dahil pakiramdam ko kung baga sa pelikula supporting lang ang role ko at si Kevin ay ang lead actor, best actor! “Bakit ba ang malas ko ngayong araw nato” tanong ko sa sarili.

Pumito na si ref sa ikalawang pagkakataon. Isang pito pa may violation na kami because of delaying the game paalala ng announcer/commentator.

“W-I-N!” malakas na sigaw namin habang naka-ikot pabilog.

“Kevin ikaw magdala ng bola, ikaw gumawa ng play, support ako.”

“Sige Mark kung saan masaya puso mo.” Biro nyang tugon. Smiling face si loko.:love:

Mas naging epektibong play setter si Kevin sa nalalabing oras ng first quarter. Dumikit ang aming score sa kalaban. End of the first quarter 19 vs 24 ang score in favor to Team B. Naka 4 points naman ako at dahil yon sa assists ni Kevin. Naka 10 points sya, more than half of our total score. Aminado ako na magaling syang player. For the first time napabilid ako ng isang player na nakalaro ko na. Iba sya gumalaw sa loob ng court. Kaya nya diktahan ang game at makipagsabayan.


_____________________________________________________


Time: 3: 15 AM

“Tol gisng ka pa?” text ko kay Kevin. 
Share:

0 comments:

Post a Comment