Saturday, February 15, 2020

Mcdo Love Story Part 6 (End)

by: dinn 

Dumating na rin kami sa bahay sa wakas. AgaD kami tumuloy sa kusina para maupo sa upuan ng lamesa. Kasalukuyan namang nagsasalita si trixie habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref. habang inoobserbahan ko ang mga kilos ni trixie at nag-aantay ng mga sasabihin nya.

Alam mo babe naawa ako kay rj. Well, sabihin na nating nagulat ako ng pinagtapat niya na kayo nga noong una. I mean I cant imagine you guys have something .ang galing nyo magtago hindi ko akalain na dalawang ex ko pa ang nagkatuluyan. Funny, kasi iniwan nyo ko both para kayo naman ang maglokohan? Joke” ang salaysay ni trixie habang hinahaluan ng biro ang mga sinasabi.

Alam mo bang palihim kang sinusubaybayan ni ryan araw-araw. Mula ng huli niyong pagkikita umaali-aligid lamang siya ng di mo napapansin. Isang linggo bago ang nakatakdang pag-alis ni ryan papuntang state, nagsubmit daw siya ng imidiate resignation. Yun kasi ang gusto ng parents nya na isama siya sa states para siya ang maghandle ng business nila doon.

Those remaining days niya bago tumulak , halos itinoon niya ang pagmamatiyag sayo. Ang you know what he said? alam nyang hindi ka lumalabas ng bahay at alam nyang umiiyak kalage ng mga panahong pagkatapos ninyong maghiwalay. I really dont understand kung bakit pinahihirapan pa ninyo ang mgasarili nyo.i mean he could have done something better than being stalker right?
Bat di ka nalang niya nilapitan para icomfort kaniya. And he told me “that was the best thing to do para hindi na madagdagan pa ang mga paghihirap mo. He will never be far from you, he promised his self that he’ll make sure na walang mananakit sayo. Na walang sinu man ang maaaring umagaw ng atension mo.

And you know what? I was actually scared the moment he said na he’ll give his life para lang maprotektahan ka. Imagine? I was thinking that time that this guys sent from up above as your angel.
Not everyone has to earn that kind of care. Kung ibang tao lang ang nagkukwento sa akin, I could tell, im fallin to him. ^^ I don’t know, di ko sya nakitang ganyan ng kami pa. ni hindi ko nga naramdaman ang gan yang pagmamahal noong boyfriend ko siya.

Almost a week ka din nyang sinusubaybayan. Lucky for you, noong naaksdente ka nandoon siya sinundan ka nya. He was wondrin at that time kung saan kapupunta. Yun daw kasi ang kauna-unahang paglabas mo ng bahay. And while he was at your back on your way to mcdo, napangiti mo nga daw siya, till now favorite pa rin talga ang spaghetti ng mcdo.

He was there, nag cr siya sa mcdo after he parked his car. Sinundan ka niya ulet pag-uwi mo.he knows what happened to you. Naliligo ka nga ng sarili mong dugo dahil sa pagkakahampas ng ulo mo sa bakal saf front seat ng jeep. Binuhat ka niya at isinakay sa kotse nya, sabi nya hindi nya alam ang gagawin nya at that time habang isinusugod ka sa ospital. He always keep on tellin, please god. Please wag mong kukunin ang tamtam ko. Not now. Buti nalang at sobrang lapit lang ng ospital at agad kang inasikaso para dalhin sa icu.

He filed a case against the driver sa private vehicle na yun I don’t know what happend sa case na yun kasi di na naman niya nakwento, well actually lahat ng gastos ng ospital siya na ang sumagot at hindi talga ako .

di ba i told you that time na ako na ang nagbayad noon? The moment na sinundan ko si rj pagkalabas ng kwarto, he was cryin so hard. He keep on askin “why? Sa dinami-dami pwedeng kalimutan bakit siya pa?”

I feel for him. I understand and I know how he felt that time. Doon ko nakitan bumuhos ang luha niya. And that very moment niya pinagtapat ang lahat.

It was so hard for him na magpakilala bilang RAD JURICH , not to mention para hindi ka na mahirapan na alalahanin pa.but inside he was like begging for you to remembered him. But that was too impossible for you to remembered him as he barely understood your situation.

You gotten comatose for aweek and he was the only one on your side every night. Sya ang lageng nagvovolunteer na maiiwan sa hospital. Even if his not fellin well, he never leaves you.
He canceled his flight reservation at pina-una nalang ang parents nya. Nakipagtalo pa nga siya sa papa nya dahil wala naman na mangyayari sa kanya dito sa pinas. 

Inaanatay siya ng business nila sa states. He begged and asked to exetend his stay here in the phil for a couple of week kasi nga may aayusin siya.

Pinagbigyan siyang isang buwan para ayusin nga yun sinasabi niya. Alam mo kung anu yung sinasabi niya aayusin? It was you. Gusto nyang alagaan ka habang wala kapang malay.

He’s an extra ordinary man. On your second day, habang nasa coma kapa that was your 11 monthsary. Naikwento nya sa akin. May dala siyang take out ng spaghetti at mcfloat from mcdo and a letter attached sa may styro ng spagetti. I was there. I witnessed the moment he kissed your forehead and tellin how much he loves you and misses you. Magpagaling kana daw kasi andito na ang favorite mong food. While he was singing a phrase “TAMTA-RAMTAMTAM… and fallin his tears to his cheeks continued to sang the piece LOVE KO’TO”

it was very touching scenario from a guy like him. If only I could have recorded those moment siguro marerelaized mo kung gaano ka niya kamahal.”pagkukwento ni trixie habang tumutulo ang luha nito.
“Nasa sayo ang letter actually, napansin mo ba sa drawer mo? doon ko kasi nilagay yun. Nalulungkot ako sa mga nangyayari.and im sure na sobrang nahihirapan ka.same with ryan. Everynight nakakausap ko siya. He keep on calling me para magkweto ako sa mga nangyayari sayo. Naguguilty nga ako kasi hindi ko nababaggit sakanay si andrea. Mas makabubuti kasi sa kanya na hindi nya malaman about kay andrea. Tama na siguro ang pahirap na nararanasan nya.”dagdag pa nito.
“and if im not mistaken bukas pang 12 monthsrry nyo na.meaning 1 year na kayo.sayang nakasabay pa sa pag alis nya ang anniversary nyo. What will you do Erick?” tanung ni trixie sa akin.

Wala akong maisagot kay trixie ng mga pahong iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang tanging nagawa ko lamang ng mga panahong iyon at titigan siya habang nagsasalaysay at nagiisip ng gagawin. Saan ba ako dadalhin ng lahat ng ito. bukas anniversary pala naming. At kahit na hindi ko pa siya nakakausap tuloy tuloy parin ang pagmamahal niya sa akin.

Tumayo ako ng pagkaka-upo ko sa silya para pumunta sa kwarto kung saan nakatago ang sulat na sinasabi ni trixie.pagbukas ko ng drawer nakita ko ang singsing na pinagawa ko noong june. kinuha ko ito kasabay ng sulat na sinasabi ni trixie.

Maya maya pa pumasok si trixie ng kwarto. Dala dala ang basa na may laman na malamig na tubig.
“basahin mo na. anu ba nakalagay jan sa letter nay an.” Pag-uutos ni trixie na bakas namukha ang excitement nito.

Binuksan ko ang sobre para basahin ang nilalaman ng sulat. Nakasulat sa harap ng sobre and word na TAMTAM KO! LOVE KO ‘TO ^^ . sabay naming binasa ni trixie ang sulat.

MY TAMTAM ERICK ^^

Dated july 11
Hello tamtam ^^ , sa oras na binasa mo na itong sulat ko na ito alam kong wala na ako sa pinas. Wag mong isipin na iniwan kita at nilayuan. Ang toto hinding hindi ko magagawa na kalimutan kita. Nanjan lang ako sa paligid mo minamatsagan ka at binabantayan , ayo ko kasi mawala ka sa akin at ayoko ring may mangyari sayo namasama.

Habang sinusulat ko itong monthsary message ko sayo, kasalukuyan kitang pinagmamasdan.nandito ako sa tabi mo, at magdamag kong tinititigan ang mga ngiti mo sa labi habang natutulog ka ng mahimbing. Hindi ko makayanan na iiwan ka kahit isang minuto lang.

Ito ang unang gabi mo sa ospital.kina-usap kosi lord kanina na sana okay ka lang at wag ka niya pababayaan. Alam mo ba habang kargakarga kita noong isang araw, kinausap ko din si lord na kunin nya na lahat sa akin wag lang ang tamtam ko. Hindi ko kasi makakaya na mawala ang tamtam ko.
Kahit minsan hindi ako nawalay sayo. diba napaliwanag ko na sayo dati na may heart mark tayo? kapag maligaw ako naku Makita ko lang ang mcdo alam ko na kung saan ako pupunta ^^ hahanapin at hahanapin kita saan Kaman magpunta.

Oo nga pala, naalala mo ba yung sulat na binigay ko sayo na wag mong bubuksan haggat hindi umaabot ang 1 year anniversary natin. Malapit na pala yun isang buwan nalang. Pag nagising ka at nabasa mo na ito hawak mong sulat ngayun , buksan mo na iyon para mabasa mo kung anu ang nakalagay doon.

Sana tandaan mo na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang pinakamamahal ko at nagiisang tamtam sa buhay ko. Kung sakali mang dumating ang araw na magkahiwalay tayo, at kung talagang gusto mo ako makasama handa ko iiwan ang lahat para ipaglaban ka.
Mahal na mahal kita Tam

Tamtam ryan love ka niya. Mwah

Namumuo sagilid ng mata ang luha na kanina pa gusto pumatak . maya maya pay tumulo ang mga ito. Nagmamadali akong hanapin ang sulat na nasa lalagyan ng mga letters. Hinalungkat ko ang lagayan ng damit ko. Nakita ko din sa wakas ang sulat na ilang buwan nang nakakaraan sa pagkatago nito.anu kaya ang laman ng sulat na ito. matagal ko ng gusto itong buksan.

“Yan naba yung sulat sulat na tinutukoy niya? Grabe ha anu naman kaya laman nyan? Tagal na yan eh November pa yan di ba? Hmmm” pag –usisa ni trixie.

Agad kong binuksan ang sulat.

“wil you mary me? And be my tamtam forever?” ito lamang ang naksulat sa kapirasong stationary.
Bumuhos ang luha ko sa nabasa ko.

“oh my god! That was sweet. I never expect na yun ang laman ng sulat na yan. Almost a year mong tinago yan. It only showed and proved how much he put his trust to you. I mean kung ako yun, agad kong bubuksan yang letter na yan pagkatanggap without his consent. But look at you, now mo lang binuksan yan and you kept your promised not to read it unless its time to read it. Hindi siya magiging effective at mawawalan ng sense kung hindi mo sinunod ang instruction nya. Its a kind of promise between two people. Nakakaiyak sobra.” Sabi ni trixie

“trix, you have his number right? Can I borrow your phone. Ill try to call him.” Sabi ko kay trixie habang nanginiginig ang bose ko, and hoping it will work coz the last time na tinawagan ko siya out of coverage siya.

“yah may number ako niya kasi lage ko siya kausap sa fone. But can you just please pick up your phone first.kanina pa yan ring ng ring di mo ba naririnig?”sabay turo ng nguso ni trixie sa phone ko. Kanina pa pala nagriring ang phone ko. Baka si ryan itong tumatawag? Agad kong kinuha ang phone ko para sagutin ang call.

“hello sinu to?” bungad ko sa kabilang linya.
“hi, Erick! Si andrea to. Nakitawag lang ako. Kakarating ko lang ng bahay. Thanks pala sa treat. Hope everything is okay. Para kasing may malaking problema kang pinagdadaanan. “ sabi ng tinig sakabilang linya

“yeah, okay naman lahat.dont worry hehe” pagtatakip sa mga emosyon ko ng mga panahong iyon.
“i miss you. And you know what? Ayo ko ng itago ang nararamdaman ko sayo. Mahal na kita. I don’t wanna loose you. Sana maulit muli ang mga masasaya nating araw. Hope to see you soon hehe. O siya nangangamusta lang ako, atleast nasabi ko na ang nararamdaman ko sayo. Mwah”
Muli ko nanaman naramdaman ang pakiramdam ng umiikot ang mundo. Sa mga narining ko. Talagang sinusubok akong ng tadhana.

Umiigting ang pagkakaipit ko sa dalawang nag-uumpugang bato. Ito na ang tamang panahon. Sa hinaba-haba ng panahon na nakatago ang proposal ni ryan bakit ngayun pa nasabay sa araw na pagtatapat ng nararamdaman ni andrea.

“babe kausap ko na si rj sa kabilang line.” Ang pagtawag ng atensiyon nito sa akin.
“sino nga pala ang kausap mo sa fone?” pag-uusisa pa nito sa akin
“ah-e walayun si cerge lang” pagsisinungaling ko.
“hi!tamtam?” sabi ko sa kabilang linya na alam kong kanina pa nakikinig.
“hi tamtam. Buti naman at magaling kana at naalala mo na ako. Hindi ka na ba galit sa akin?” tanung ni ryan
“sorry!” sagot ko sakanya
“sorry san?sorry dahil hindi mo na ako mahal?ganun?okay lang yun alam ko naman yun. Baka may mahal ka ng iba siguro” ramdam ko ang panginginig ng boses ni ryan habang sinasabi niya iyon.
“sorry kasi ang sama sama ko.sorry kasi ako tong nanakit sayo. Sorry kasi am bobo bobo ko. Sorry kasi ang tanga tanga ko.sorry kung minahal kita higit pa sasarili ko kaya ko nagawa ang magselos.sorry kung bakit humantong sa ganito ang lahat” sabi ko sakanya.

“patawarin mo ako. Luluhod ako saharap mo kung kinakailangan. Ako naman ngayun ang handang iparamdam na mahal kita. Ako naman ngayun ang handang ipaglaban ka. Naalala mo ba yung sinabi ko noon?nasusundin ko kung saan ako Masaya? Ikaw ang kasiyahan ko.ikaw lang ang nakakagawa ng dahilan kung bakit mo ako napapangiti.”dagdag ko pa.

“you’ve said enough tam. Thank you akala ko aalis nalang ako ng hindi na tayo magkakayos. Maraming salamat.dininig din ni god lahat ng mga panalangin ko.” Tugon naman ni rj.
“hanggang ganun nalang ba yun? Di ba gusto mo akong makasama habang buhay. Di ba gusto mo akong maging asawa mo at magsasama ng mahabang panahon?kala ko ba kaya mo akong ipaglaban?kala ko ba kaya mo akong bigyan ng masayang buhay at magsasama tayo?anu yun puro lang ba iyon kasinungalingan? Pagyayabang lang ba iyon oh puro kasinungalingan din? Pagalit kong sabi sa kanya.

“tam aalis na ako bukas. Hindi ko na pwede I move ang date ng flight ko. Nag aantay na sila sa states. Galit na nga sila sa akin dahil matigas daw ulo ko. Puro nalang daw kalokohan ginagawa ko dito sa pinas. And to think na napilit ko sila na imove ang date ng flight ko ng nakaraan, binalaan ako na if hindi matuloy ang flight ko ngayun for sure uuwi ang parents ko para lang isama ako ng sapilitan at ipapadampot ako ng mga tauhan nila for sure.see the picture?”pagsasalaysay nito.
So balewala din pala ang lahat ng ginagawa ko na ito. Balewala din pala na tinawagan kita. Nakakainis. Kung alam ko lang na ganito sana tuluyan nalang ako nagka-amnesia.sana di nakita nalala para di na ako nasasaktan. Sana nakalimutan nalang kita ng tuluyan. Umasa ako sayo. Inasahan ko yung sulat mo na pinatago mo sa akin.”

Binaba ko na ang tawag ko sa kabilang linya. Hindi ko na napigilang umiyak ng mga oras na iyon. Yinakap ako ni trixie na noon ay nakikinig lang ng mga pinag-uuspan namin. Sa paraang iyon lamang ako madadamayan ni trixie. Alam naming parehas na wala na kami magagawa sa desisyon ni ryan.
Siguro sumuko na ng tuluyan si ryan dahil sa mga ngyari sa amin. Siguro tuluyan ng naglaho ang lahat ng mga pangarap niya sa amin. Nawala na rin siguro ang saysay ng lahat ng mga pangako niya noong una. Masyado lang siguro ako nag ambisyon ng isang perpektong relasyon. Sabagay libre nga lang naman talaga ang mangarap. Masakit lalo na kung umasa sa mga pangarap na akala mo madali lang makamit dahil abot kamay mo na naman ang lahat ng iyon.

Hindi ko naman talga hawak ang isipan ng tao. May kanya kanya tayong desisyon sa buhay. Alam ko naman yun. Anytime kayang magbago ang isip ng tao. Pero mahal ko talaga siya. Ganito pala ang pakiramdam ng iniiwan ng tuluyan. Yung pakiramdam ng harapharapan ka iniignore. Yung feeling na gusto mong ipagsiksikan ang sarili mo. yung feeling na gagawin mo ang lahat para lang makasama siya.

Paano kaya kung puntahan ko siya sa baguio? Paano kaya kung abangan kosiya sa airport bukas? Kaso hindi ko natanung kung anung oras ba flight nya. Hays paano kaya kung magpakamatay nalang ako? Total wala na naman silbi kung hindi ko rin siya makakasama. Para narin akong nasa impyerno sa pangungulila sa kanya kung laam kong nasa ibang lugar lang siya.

Maghahatinggabi na. hindi ko na naming namalayan ang oras. Sa dami ng nagyari ngayong araw parang gusto ko ng I fast forward kung merun lang ako kapangyariahan ginawa ko na. ganitong ganito din ang sinabi ni ryan noon. Tao nga lang naman talaga tayo. Patibayan nalang siguro ang labanan ng buhay sa pag-ibig . kung sino tatagal at kung sinu ang bibigay. Yung mga mahihina sila yung lageng nasasaktan,at yung mga malalakas ang loob sila yung lageng nagpapaiyak at nanakit.
Ilang oras din ang lumipas, namalayan ko nalang na nakatulog na pala si trixie sa kama ko.marahil sa sobrang pagod kaya hindi na natiis na pumikit. kasalukuyan naman akong lumabas para duon na magpahinga sa sala.doon na muna ako magpapalipas ng oras at gabi. Medyo nakaramdam narin ako ng pagod.

“tam?” tamtam? Tam ako to. Buksan mo ang pinto!”
Sobrang lakas ng kaba sa dibdib ng narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Laking gulat ko at animoy lumukso ang puso ko sa tuwa na naramdaman ko. Sa sobrang excite ko napatalon ako sa sofa na kinahihigaan ko. Agad kong binuksan ang pintuan para makita at mapatunayan na totoo bang si ryan nga ang tumatawag sa akin at hindi guni guni lamang.

Napayakap ako ng mahigpit sa kanya ng Makita kong si ryan nga. Halos ayaw ko na itong bitawan sa pagkakayap sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. Mangiyak ngiyak ako ng mga oras na yun at nanginginig pa ang mga bisig ko sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.

Napakihirap paniwalan na narirto siya ngayon at kayakap ko.samantalang kanina lamang at kakasabi niya na nasa baguio siya at aalis na siya bukas. Pero kung anu paman ang dahilan hindi naimportante iyon. Ang mahalaga nandito siya ngayun. Natahimik kaming dalawa at halos ayaw na naming pakawalan pa ang isat isa.

“tamtam ko..” sambit ko. Yun lamang ang nasabi ko ng mga panahong iyon. Ayoko na magsalita pa ng kung anu.sapat na ang tawagin ko siya ng ganun. Alam kong sa tuwing tinatawag ko siya ng tamtam ay ramdam niya kung gaano ko siya kamahal.

“tam..” sagot niya. Ganoon din siguro ang iniisip niya ng mga panahong iyon. Nagkakaunawaan kami kahit na pangalan lamang ang sinasambit naming.

Kinalas naman ni ryan ang pagkakayakap ko sakanya ng mga oras na iyon at dinakma naman niya ang magkabilaang pisngi ko habang nilalapit niya ang mukha sa akin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Habang tinitiigan niya ako sa mga mata ko na noon ay maluha-luha sa labis na tuwa na nararadaman.

“will you marry me and be my tamtam forever?” ang tanung niya na halos mautal pa sa pagkakasabi sanhi ng kagalakan na nararamdaman.

“wuy!sabi ko na nga ba nandito ka eh. Ikaw yung naring ko na boses kanina” nagulat kami sa narinig naming boses.boses iyon ni trixie agad naman kaming kumalas sa ginagawa namin ng mga panahong iyon.

“hay naku babe,panira talaga ng moment .okay na andun na kami eh. “tugon ko naman sa kanya.
“hay naku may nakalimutan ka, ito gamitin mo at ibigay mo sa kanya para mas romantic. At gusto ko makita kung paano ka magpropose”sabay abot sa akin ng maliit na box, yung pinagawa kong kwentas noon na dapat iregalo ko kay ryan.

“talino mo tlga babe di ko nalala to ah! Hehe thanks” sabay kindat ko sa kanya.
Kinuhako ang ang singsing at ipinasok ko ito sa kwentas.

“tam , accept this necklace as symbol of our love. ang singsing ay ako, at ikaw kapag nagsama ang dalawa mabuboo ang LOVE . ang kwentas naman para pag-ugnayin ang sarili natin sa pagmamahalan.”isinuot ko ang kwentas sa leeg ni ryan pagkasabi ko ng mga salitang iyon.
“I now pronounce the best couple ever “ ang pabibiro na sabi ni trixie
“O wala bang kiss jan?” pahabol nito.

Hinalikan ko si ryan sa pisngi. Kasabay naman nito ang paghalik niya sa mga labi ko. Alintana sa babaeng nakatayo sa harap namin. Sa bagay unti-unti narin naman kasi akong nasanay kay trixie.

Wakas.
Share:

0 comments:

Post a Comment