Tuesday, February 4, 2020

Kidnap Part 3 (End)

“Sorry ‘tol kung nabigla kita sa mga ipinagtapat ko sa iyo.” ang panimula ni Justin. “Eh, yun talaga ang nararamdaman ko para sa iyo. Masisisi mo ba ako.” ang dugtong pa niya.

“Pero, Justin, magkaibigan tayo. Higit sa lahat ay pareho tayong lalake. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa atin.” ang paliwanag ko sa kanya.

“Pwede namang sekreto natin ang lahat. Tayong dalawa lang ang nakakaalam.” ang sabi muli ni Justin.

“Mahirap Justin. May girlfriend ako. Ikaw meron din, di ba.” ang nasabi ko naman.

“Walang problema iyon. Kung gusto mo, ibe-break ko na siya.” ang hamon ni Justin.

“Huwag, pare. Basta….. ewan ko pare.” parang di ko na kayang magpaliwanag pa kay Justin at parang papayag ako sa gusto niya. “Pag-iisipan ko pare.” ang dugtong ko pa.

Nagpatuloy pa ang panunuyo ni Justin subalit wala akong binitawang commitment sa kanya. Naintindihan naman ako ni Justin at iginalang ang desisyon ko na pag-iisipan ko ang lahat. Nangako rin ako sa kanya na di ko na siya iiwasan. Simula noon ay lalong naging pursigido siya sa kanyang layunin sa akin. Minsang nag-birthday ang kanyang Mama ay isinama pa kaming tatlo nina Mommy at Daddy sa isang beach resort sa Thailand. Dahil doon ay naging malapit din ang aming mga magulang. Subalit lingid pa rin sa kanilang kaalaman ang nais mangyari sa amin ni Justin.

Isang araw ay nabigla ako sa isang balita na nakulong daw si Justin. Itinuro siyang mastermind ng isang grupo ng kalalakihan sa pagpatay sa isang lalaking estudyante sa kanilang eskwelahan. Pinuntahan ko si Justin sa kulungan dahil hindi pwedeng piyansahan ang kanyang kaso dahil kidnapping at murder ang isinampa sa kanya. Pilit kong inalam kay Justin ang dahilan subalit ayaw niyang magsalita sa akin. Halos hiyang hiya siya sa akin dahil sa mga pangyayari. Simula noon ay hindi ko na siya makausap kahit anong pilit ko. Sa simula ng kaso ay nag-piyesta ang dyaryo sa kanyang story kahit blanko pa rin ang lahat sa motibo ng pagkakapaslang sa estudyanteng iyon.

Lumipas ang mga araw at napawalang sala din si Justin. Paglabas niya ng piitan ay muli kaming nagkita. Awang-awa ako sa kanya dahil bumagsak ang kanyang katawan. Ang dating sigla niya ay di ko na makita sa kanya. Nais sana siyang pagbakasyunin sa Amerika upang makalimutan niya ang karanasan niyang iyon. Subalit nagpumilit siyang manatili na lamang sa Pilipinas upang makasama niya ako kahit paminsan-minsan.

Simula ng araw ng kanyang pagkawalang sala ay ako naman ang naging madalas bumisita sa kanilang bahay. Nais ko mang malaman ang katotohanan mula kay Justin ay hindi ko na nagawang itanong sa kanya ito. Ibig ko rin makatulong sa kanya na makalimutan niya ang naranasan niya sa loob ng piitan. Ilang Linggo din ang dumaan bago namumbalik ang dating sigla ni Justin. Naging madalas kaming gumimik kasama ang ilang common friends namin.

Akala ko ay mananatili muling payapa ang pagkakaibigan namin ni Justin dahil di na niya akong napilit na makipagrelasyon sa kanya. Hanggang sa isang araw ay may ipinagtapat siyang isang lihim sa akin.

“Sorry pare sa nagawa ko sa iyo.” ang panimula ni Justin.

“Pare, di kita maintindihan. Wala naman akong alam na kasalanan mo.” ang tugon ko naman sa kanya.

“Basta, pare, sorry talaga. Nagawa ko iyon dahil sa pagkahumaling ko iyo.” ang muli niyang nasabi.

“Ano bang pinagsasabi mo dyan, Justin. Walang kaso sa akin kung nagtapat ka ng saloobin mo sa akin. Ok na yun dahil naiintindihan mo naman ako kung bakit di ako pumapayag na makipagrelasyon sa iyo.” ang paliwanag ko naman.

“Pare, balitang balita ka noon sa campus ninyo at natatandaan mo ba ng lumaban ang school ninyo sa isang debate contest sa school namin, isa ako sa miyembro ng team ng school namin. Tinalo ninyo kami pero okey lang iyon dahil magaling naman talaga kayo lalo na ikaw. Simula noon ay naging obsessed na ako sa iyo. Pinasusundan kita noon sa mga bayarang detectives upang malaman ko ang lahat ng tungkol sa iyo. Pero sa tingin ko ay straight ka talaga kaya wala akong makitang dahilan para ako ay makapasok sa buhay mo. Kaya ko nagawa ang………….” ang kwento ni Justin na naputol ng humagulgol siya ng iyak.

“Pare, huwag ka dito umiyak. Baka kung ano ang sabihin ng mga tao. Tara muna sa loob ng kotse mo.” ang pakiusap ko sa kanya. Pumunta kami sa kinaroroonan ng kotse niya at sa loob ng kotse niya kami nagpatuloy ng usapan.

“Ano na nga ba ang sasabihin mo sa akin?” ang tanong ko kay Justin.

“Pare, sorry talaga. Kasi ako ang . . …..” muling naputol ang pagsasalita ni Justin dahil muli siyang humagulgol sa iyak.

“Ano ba naman yan Justin. Sabihin mo na ang nais mong sabihin. Alam ko na mahal na mahal mo na ako. Oh ano pang nais mong sabihin?” ang tanong ko sa kanya.

“Natatandaan mo ba ng may dumukot sa iyong mga kalalakihan. Ako ang utak sa pandurukot sa iyo.” sabay iyak ni Justin.

“Pare, nagawa mo iyon. Pere bakit, bakit?” ang paulit-ulit na tanong ko sa kanya.

“Sorry pare, pero pinagsisisihan ko na iyon. Sana nga ay napatunayan nila ako sa pagpatay doon sa isang estudyante para nabulok na lamang ako sa bilangguan o kaya ay mahatulan ng kamatayan.” ang wika ni Justin.

“Pati ba ang pag-suso sa aking alaga ay kagagawan mo rin?” ang tanong ko kay Justin.

“Sorry talaga pare, pero yun lang ang alam kong paraan para matikman kita. Nahumaling na ako sa iyo pare. Hindi ako pwedeng maging open sa ganoong bagay, pare. Kaya kahit sa dahas ay nagagawa ko iyon. Pero sa iyo lang talaga nahulog ang loob ko. Ewan ko pare, pero minahal na kita noong araw ng makita kitang nabugbog ng mga inupahan kong tauhan. Wala sa instructions ko ang bugbugin ka pero nagpumilit sila na para maging makatotohanan ang lahat. Awang awa ako sa iyo ng araw na iyon pero wala akong magawa dahil pati sila ay di nila alam ang tunay na pakay ko sa iyo.” ang pagtatapat pa ni Justin.

“In short, ginagawa mong laruan ang mga lalaking natitipuhan mo. At kung nabisto ka ay pinapapatay mo sila. Ganoon ba?” ang panunumbat ko kay Justin.

“Yung mga nauna sa iyo ay napatahimik ko dahil sa salapi. Pero ikaw….. Di ko alam kong bakit iba ang naramdaman ko sa iyo. Basta di ko magawang alukin ka ng salapi. Yung huli naman ay aksidente lamang iyon. Nagpumilit siyang tumakas kaya nabaril siya ng inupahan kong mga tauhan.” ang dugtong pa ni Justin.

Hindi na ako muling nag-usisa kay Justin. Sa halip ay lumabas ako sa kanyang kotse at lumayo sa kanya. Di na rin niya akong nakuhang habulin dahil mabilis din akong nakasakay ng taxi. Naguluhan ang aking isipan sa aking nalaman. Nagdadalawang isip ako kung isusuplong ko nga si Justin sa pulisya o pagsasabalengwala ko na lamang. Halos maligaw pa ang taxing sinasakyan ko papauwi sa amin sa malabong dereksyong aking ibinibigay sa driver. Pagdating ko sa bahay ay parang wala ako sa aking katinuan. Agad akong nagtungo sa aking silid ay hindi ko kinausap ang mga taong sumalubong sa akin. Nagkulong na lamang ako sa aking silid.

“Iho, may tawag ka sa telepono. Mukhang Papa ni Justin.” ang mga salitang gumising sa aking pagkakaidlip kasabay ng mga katok sa pintuan ng aking silid.

“Bakit daw po, Mommy?” ang tanong ko sa aking Mommy.

“Wala naming sinabi. Basta gusto ka niyang makausap.” ang tugon ng aking Mommy.

Lumabas ako ng aking silid at kinausap ko ang Papa ni Justin sa telepono. Napag-alaman ko na naaksidente pala si Justin at walang malay daw siya dahil sa pagkakabagok ng kanyang ulo. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang balitang iyon. Dali-dali akong nagtungo sa hospital kung saan naroroon si Justin. Sa isang ICU siya nakahiga at pili lamang ang pinapayagang makapasok doon. Pagpasok ko sa loob ng ICU ay pinakiusapan ko ang kanyang mga magulang na iwan muna kami. Kahit walang malay pa si Justin ay ipinahiwatig ko sa kanya ang aking pagpapatawad sa mga nagawa niya sa akin. At nang ibulong ko sa kanya ang mga katagang “I LOVE YOU Justin at magpagaling ka” ay bahagyang dumilat ang kanyang mga mata na may kasamang ngiti.

Iyon na pala ang huling ngiti ni Justin. Namatay sa Justin habang hawak ko ang kanyang kamay. Nais ko sanang sumigaw at sisihin ang aking sarili sa pagkawala ni Justin. Subalit napigilan ko ang aking sarili. Pero ang luha sa aking mga mata ay hindi ko napigilang tumulo.

“Paalam Justin. I LOVE YOU.” ang huling mga kataga na nabigkas ko bago ko binitiwan ang kanyang kamay at nilisan ang silid na iyon.

- WAKAS -
Share:

0 comments:

Post a Comment