Tuesday, February 4, 2020

Kidnap Part 2

“Pare, pasensya na pare at hindi na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo.” ang panimula ni Justin.

“Ok lang yun pare. Saan na ba tayo?” ang tanong ko sa kanya.

“Daan muna tayo sa bahay para makapagayos ka bago ka umuwi.” ang paanyaya ni Justin.

“Huwag na pare. Baka nag-aalala na ang aking mga magulang. Kailangan ko ring umuwi bago makapagreport sa mga pulis sa nangyari sa akin.” ang sabi ko naman kay Justin.

“Pare, pakiusap ko lang na patawarin mo na yung gumawa sa iyo nyan. Tutal nakalaya ka na at walang masamang nangyari sa iyo.” ang pakiusap ni Justin.

“Pare, hindi naman pwede ang ganun. Dapat pagbayaran nila ang ginawa nila sa akin.” ang pagpipilit ko kay Justin.

“Please lang pare. Nakikiusap ako sa iyo.” ang muling pakiusap ni Justin.

“Pero papano ang mga magulang ko na sigarado akong alalang-alala na sila sa mga oras na ito.” ang sabi ko pa kay Justin.

“Pare, please lang. Tiyak na madadamay ako kung magkakaroon ng imbestigasyon. Aaminin ko sa iyo na isa sa mga barkada ko ang gumawa nito. Napagkamalian lamang nila ikaw sa pagdukot sa iyo. Maimpluwensyang tao ang mga magulang niya kaya kahit ano ay tiyak na gagawin nila para mapawalang sala ang kanilang anak. Kung gusto mo ako ang kakausap sa kanila para mabayaran ka sa mga pinsalang naidulot nito.” ang pagmamakaawa ni Justin.

“Pag-iisipan ko pare.” ang tanging naisagot ko kay Justin.

“Tawagan mo na nga pala ang mga magulang mo para di na sila mag-alala.” ang sabi ni Justin sabay abot ng kanyang cellphone.

Tinawagan ko ang aking mga magulang pero sa halip na magsumbong sa nangyari ay nasabi ko na lamang na binigyan namin ng sorpresa ang isang kaibigan namin kaya nagpunta kami sa isang beach. Pagdating ko sana doon sa beach ay tatawagan ko sila. Pero walang signal ang cellphone doon. Nawala ko rin ang aking cellphone sa beach na iyon kaya gamit ko ang cellphone ng kaibigan ko. Ewan ko kung saan ko nakuha ang mga paliwanag na iyon. Pero parang naawa lang ako kay Justin kaya ko nasabi ang mga iyon.

Tumuloy muna kami sa bahay nina Justin. Nasa isang exclusive na subdivision iyon at napakalaki nito. Isang guard ang nagbukas ng gate at ilang maid din ang sumalubong kay Justin sa pagpasok namin sa bahay.

“Sina Mama at Papa.” ang tanong ni Justin sa mga maid.

“Sir, nakaalis na po.” ang tugon ng isang katulong.

“Tara, pare doon tayo sa silid ko.” ang paanyaya ni Justin. “Pakihanda pala kami ng makakain mamaya.” ang utos naman ni Justin sa mga maid.

“Ang laki ng bahay nyo pare.” ang nasabi ko kay Justin sa pag-akyat namin sa hagdanan papunta sa kanyang silid.

Hindi na sumagot si Justin at tinungo na lamang namin ang kanyang silid. Pagpasok namin sa loob ay binigyan niya ako ng tuwalya at iniabot din ang ilang damit niya.

“Magkasing laki naman tayo at magkasukat siguro tayo sa baywang.” ang sabi ni Justin.

“Medium ang t-shirt ko at 30 ang waistline ko.” ang sabi ko naman sa kanya.

“Tamang tama ang mga iyan. Yung brief pala ay bago lang iyan at di ko pa naisusuot at kahit nagamit ko na ay wala naman akong sakit.” ang biro ni Justin sa akin. “Sige pare, una ka ng maligo.” ang dugtong pa niya.

Pumasok ako ng banyo at sinimulan ko na ang pagligo. Wala na ang mga sakit sa aking katawan maliban lamang sa maliit na pasa sa aking pisngi. Sa aking pagligo ay naalaala ko muli ang taong sumuso sa aking alaga at akin na ring nakahalikan noong madaling araw. Ewan ko pero dahil sa naisip kong iyon ay sinimulan kong himasin ang aking alaga na noo’y nagsisimula ng magalit. Hanggang sa bumilis ang paghimas ko sa aking alaga at di nagtagal ay nagpasabog itong muli. Bigla kong naalaala na wala ako sa sarili naming bahay at baka naghihintay na si Justin na matapos akong maligo. Dali-dali ko ng tinapos ang paliligo ko. Pinunasan ko ang katawan ko ng twalya. Tapos ay itinapis ko ang tuwalya at lumabas na ako sa banyo.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko sa Justin na nakatapis na rin ng tuwalya. Noon ko napansin na alaga nya rin ang katawan niya tulad ko. Ang ganda ng hubog ng katawan niya at ang balat niya ay sobrang kinis at parang walang kabalihibo-balahibo maliban lamang sa kaunting buhok sa may gitna ng dibdib niya at sa ibaba ng kanyang pusod. Hawak niya ang telepono at tila abala sa kanyang kausap sa kabilang linya kaya napagmasdan ko ang kabuuan ng katawan ni Justin. Noon ko rin napansin ang kagandahang lalaki ni Justin. Kung sa tignin ko ay napakagandang lalaki ko na ay tila nagkakamali ako dahil sobrang kagwapuhan ang taglay nitong si Justin.

Pagbaba ni Justin sa telepono ay pumasok na din siya sa banyo. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin siya. Nakabihis na ako ng lumabas siya. Una niyang isinuot ang kanyang brief. Hindi pa man tuluyang naisusuot ang kanyang brief ay tinanggal na niya ang nakatapis na tuwalya. Dahil dito ay na-expose ang maputi niyang puwet na ni walang bakas ng peklat o kamot man lang. Di ko nakita ang kanyang alaga dahil nakatalikod siya sa akin. Matapos siyang makapagbihis ay bumababa na kami sa kanilang dining room na ubod ng laki din. Kasya siguro ang isang dosenang tao sa laki ng mesa. Nakahanda na sa mesa ang aming pagkain.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya. Nagpumilit siya na ihatid ako. Pumayag naman ako pero pagdating namin sa aming bahay ay hindi na siya bumaba ng kotse. Bago ako bumaba ng kotse nya ay tinignan ko muli ang pasa sa aking pisngi. Medyo hindi na ito halata at sana nga ay hindi ito mapansin ng aking mga magulang. Pagpasok ko sa aming bahay ay sinalubong ako ng aming nag-iisang katulong at sinabing pumasok na sila sa kanilang opisina ng malaman na okey na ako. Pumasok ako sa aking silid at maghapon akong natulog. Di ko na nakuhang pumasok pa ng araw na iyon.

Marami pa sana akong katanungan na nais itanong kay Justin subalit pagod na rin ang aking katawan at ang aking isipan. At ang higit sa lahat ay nakalimutan kong kunin ang numero ni Justin. Inisip ko na lamang na kung nais ko siyang tawagan ay kukunin ko na lamang ang nagregister na number sa telepono namin dahil may caller ID naman ito. Dumating ang kinagabihan at dumating na rin ang aking mga magulang. Buti na lamang at di nila napansin ang pasa sa aking pisngi. Naulit ko muli ang pagsisinungaling ko sa telepono kanina upang lalo silang maniwala sa akin at ng hindi na mag-usisa pa.

Simula ng araw na iyon ay naging tahimik ako at di gaanong palabati. Napansin ito ng aking mga kaibigan at classmates lalong lalo na ng aking girlfriend. Pilit kong ibinalik ang dati kong sigla pero paminsan-minsan ay naiisip ko ang nangyari sa akin. Dalawang bagay ang laging sumasagi sa aking isipan: ang pagkakadukot sa akin at ang isang sexual experience ko ng bihag nila ako. Subalit sa dalawang experience ko ay mas namamayani yung kakaibang experience ko sa sex. I am against pre-marital sex kaya ni minsan ay di ko pa nasubukan ang makipag-sex sa aking girlfriend. At lalong lalo na sa isang bayarang babae.

Dumating ang weekend ay hindi ako sumama sa kahit anong gimik ng aking mga kaibigan. Minabuti kong manatili na lamang sa bahay. Subalit ng gabi ng Sabado ay nagkaroon ako ng bisita. Laking pagtataka ko kung sino ito. Si Justin pala at dala-dala ang mga damit ko na naiwan ko sa kanila. Pinakuha ko naman sa aming katulong ang mga hiniram kong damit na matagal ko ng naisilid sa isang supot. Niyaya niya akong magmeryenda sa labas at agad naman akong sumama. Bago pa man kami nagsimulang magkwentuhan ay nakiusap siya na huwag na naming pagkwentuhan yung mga nangyari sa akin. Sinang-ayunan ko naman siya.

Masayahing tao din pala si Justin at kahit corny ang jokes niya ay nakukuha ko pa ring tumawa. Sa tingin ko ay pilit niya akong pinatatawa ng gabing iyon para mabaling sa iba ang aking attention sa halip na sa nangyari sa akin. Noon din tuluyang nagpakilala si Justin na tulad ko rin ay nag-iisang anak siya ng kanyang mga magulang at sunod din sa layaw. Kahit ganoon pa man ay hindi sumagi sa isipan niya ang masasamang bisyo. Parang gumaan ang loob ko ng gabing iyon sa pagkakaroon ko ng isang kaibigan na di nalalayo sa akin ang buhay. Maliban lamang sa sobrang yaman nila at kami naman ay medyo nakakarangya lamang ng kaunti sa buhay.

Hindi lamang iyon ang huling paglabas namin ni Justin. Naging madalas din ang aming paglabas-labas na lalong nagpalapit sa amin sa isa’t isa. Sa maiksing panahon ng pagkakaibigan namin ay nadaig pa niya sa pagiging close ang pinakamatalik kong kaibigan simula ng bata pa ako. Kahit ganoon pa man ay hindi ko nakakalimutan ang obligasyon ko sa aking girlfriend. Kaya naman wala akong naging problema sa aking girlfriend maliban na lamang sa aking mga kaibigan. Parang naagaw na ni Justin ang panahon ko para sa mga kaibigan ko. Pinilit ko pa rin hatiin ang ang aking panahon sa kanilang lahat ng walang sasama ang loob sa akin.

Subalit naging super bait at sobrang maalalahanin ni Justin. Halos naging hatid sundo niya ako sa aking pinapasukang school dahil magkalapit lamang naman ang aming mga eskwelahan. Minsan pa nga ay kasama namin ang aking mga magulang sa mga lakaran. In short, parang isang kapatid na ang naging turingan namin ni Justin. Pero nagbago ang lahat ng may ipinagtapat sa akin si Justin. Hingit pa daw sa isang kaibigan at kapatid ang turing niya sa akin. Mahal na mahal daw niya ako sa simula pa lang ng makilala niya ako.

Ito ay aking ikinagulat dahil lalaking-lalaki naman si Justin at alam ko rin na marami na siyang naging girlfriend. Sa kagwapuhan at kayaman ni Justin ay tiyak maraming chicks ang nagpapakamatay upang mapansin niya. Subalit iba pala ang itinitibok ng kanyang puso. Dahil sa aking pagkakagulat sa ipinagtapat ni Justin ay medyo iniwasan ko muna siyang makita. Malapit na rin sa aking mga magulang si Justin at syempre pwede na rin siyang labas pasok sa aming bahay. Kaya naman sa tuwing iniiwasan ko siya ay tiyak sa bahay na niya ako hihintayin. Gusto ko na sana siyang tapatin na hindi ako papatol sa kanya pero parang merong pumipigil sa akin na gawin iyon.

Hanggang sa isang araw at nag-usap kami ng masinsinan.

Itutuloy.
Share:

0 comments:

Post a Comment