Monday, February 10, 2020

Ang Mga Dapat Kalimutan sa Bus Mo Iwanan Part 9

by: hegemony

Maraming dapat hingan ng paumanhin sa bawat dami ng dapat pasalamatan.

Sa loob ng dalawang taon walang nangyari sa buhay ko. Sa halip na bumuti, lalong rumagasa pababa. Para akong nagbinata ng paurong. Late bloomer, sabi nga ni Ram.

Lagi kong naiisip sisihin si Randy kumbakit ako nagkaganito. Simula nang imulat niya ako sa ganitong pamumuhay, nagkandamalas-malas na ako. Hindi naman ako ganito dati. At hindi ko maisip na magiging ganito ako.

Mabait si Randy. Kuya-kuyahan ko sa Dubai. Kung 25 ako noon, siya 35. Katrabaho siya ng pinsan ko. Noong wala akong mahanap na trabaho doon, pinatira niya ako sa apartment niya. Akala ko talaga intensyon lang niya ang tumulong. Nagtutulungan ang mga Pinoy doon sa Middle East. Kala ko ganoon lang. Kala ko rin, iisa lang ang mukha ng kabaklaan. Silang nagugupit at nagmamanicure sa maliit na parlor dati ni Nanay sa Pangasinan. Ganoon siguro kapag laki sa probinsya. Ngayon lang naman kasi nagsilabasan ang lahat sa kani-kanilang kweba.

Masyado siyang maasikaso kaya simula pa lang ay kampante na ako sa kanya. Tinulangan niya pa akong makapasok sa furniture shop sa Dubai. Doon ko natutunan ang magdesign-design ng mga upuan, aparador, mesa. Pati konting interior design natuto rin.

Sa mga day-off namin, lagi kaming umiinom ni Randy. Madalas road trip na nauuwi sa inuman. Napakamura ng gasolina doon. Mas mahal pa nga ang mineral water. Pareho kaming nangungulila sa Pinas. Ako sa mga kapatid ko, siya sa mga anak niya at asawa. Bukambibig niya lagi ‘yung Junior niya.

Mga tatlong buwan rin na ganoon lang. Wala akong kamalay-malay na may gusto pala sa akin si Randy. Nagkabiruan lang noong umiinom kami sa apartment niya. Sabi niya gusto raw niya ako. Kaya raw nagseselos siya doon sa receptionist ng opisina namin. Maganda kasi ‘yun. Bisaya.

Akala ko nagloloko siya. Kaya sinakyan ko na lang. Malakas pa ako uminom noon. Jack Daniel’s ata ang tinira namin.

“Hindi ako nagbibiro Dello. Gusto kita. Pwede ba ‘pag basag ka na ako na ang bahala sa’yo?”

Lasing na ako noon, pero alam kong seryoso siya.

“Game!” Hindi ko alam kumbakit ako pumayag.

Kinaumagahan hindi ko siya balak kausapin. Balak ko na ring sabihin sa kanya na lilipat na ako ng bahay. Pero pagising ko, pinagluto niya ako ng almusal. Breakfast in bed. Hindi ako umalis.

Kung maalaga siya noong wala pang nangyari sa amin, dumoble ‘yun pagkatapos nang gabing ‘yun. Alagang-alaga ako, hanggang umabot sa puntong nakadepende na ako sa kanya.

Dalawang taon kaming nagsama. Hanggang sa umagang ihatid ko na siya sa airport. Magmimigrate na siya kasama ang pamilya niya sa Canada. Matagal na niyang sinabi sa akin ‘yun. Isang taon pa lang kami alam ko na. Sabi niya ihanda ko raw ang sarili ko. Pero noong naroon na kami sa airport, hindi ko kinaya.

Kalahating oras kami magkayap habang nakatayo. Walang usap. Iyak lang ako ng iyak. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao, pero wala na ako sa sarili ko noon. Pagkaalis niya, nilakad ko mula airport hanggang bahay. Mga dalawang oras na lakad. Babae ang pinapaiyak ko, tapos umiyak ako sa isang lalaki.

Tumagal pa ako ng isang taon sa Dubai. Nagsimula na akong mag-explore. Iba’t ibang lahi ang nanligaw sa akin. Karamihan Malaysians. Pero iba pa rin eh.

‘Pag uwi ko sa Pilipinas, sabi ko hahanap ako ng tulad ni Randy. Nakilala ko si Edgar sa Fitness First. Kahawig niya si Randy. Ka-edad. Ilang buwan rin kaming nag-date. ‘Yun pala may partner na ang gago. Pitong taon na sila. Ang galing niya magtago. Pero matalik na magkaibigan pa rin kami ngayon.

Simula noon, hindi na ako nagseryoso. Pinagsabay-sabay ko sila. Maswerte na kung may tatagal ng isang buwan sa akin. Kapag nalalaman nilang may iba ako, umaalis sila. Akala nila siguro sineryoso ko sila. Pero si Ram. Iba siya sa kanila.

Ako walang pinag-iba. Babaero noon, lalakero ngayon.

Akala ko wala ng bukas. Ganoon naman sa ganitong pamumuhay, walang nagtatagal. Pahalagahan kung ano ang meron ngayon, kasi bukas, kukunin na sa’yo. Nakalimot na akong matagal kay Randy. Inenjoy ko na lang ang bagong mundong napasok ko.

Naubos ang savings ko sa gimik. ‘Yung pinatayo kong business na malaking computer shop nalugi. At dun nagsimula na ang kamalasan. Dalawang taon na rin simula magsara ang shop.

Pero nabuhay pa rin ako kahit wala ng pera. Marami namang sponsors eh. Maraming nag-alaga. Maraming tumulong. Marami rin flings on the side. Marami akong dapat hingan ng sorry, kasing dami ng dapat pasalamatan.

Sa Fitness First ko rin nakilala si Jay. Anak ng isa sa pinakamayayamang angkan sa Pilipinas. Hawig na hawig niya si Edgar. Kuya-kuyahan ko rin. Halos lahat ng Starbucks sa Pinas napagkapehan namin. Lagi kaming bumabyahe. Madalas kami sa Tagaytay. Sa Manila Polo club. Buhay mayaman ako.

Pero hindi ako makalandi noong kami. Hindi naman kami, wala namang usapan. Pero madalas doon lang ako sa condo niya sa Makati. Bawal lumabas. Masyadong praning. Abnormal. Wala nga ‘yung email address eh. Kapag lumalabas kami, laging dapat naka-polo. Kapag may kausap ako sa cellphone titingnan ang Log. Mabigat ang kamay ‘nun. Kalaking tao. Kapag natutuwa ang lakas manuntok sa braso. Kapag libog, puro kagat ang likod ko.

Anim na buwan rin kami. Pero hindi ko na siya inihatid sa airport. Na-trauma na ako sa mga eksenang airport. Kahit nga sa mga pelikula ayaw kong panoorin kapag may ganoong setting. Dalawang araw kaming nagkulong sa kwarto niya bago siya lumipad sa Ohio. Naroon ang lover niya. May business sila doon na kelangan niyang tutukan.

Pag-alis ni Jay, balik sa dating gawi. Hindi naman ako nagpapasponsor dahil lang sa pera. Minsan hanap ko rin ‘yung inaalagaan ako. May mga itsura rin naman ang mga sponsors ko. Late 30’s. Stable. Pamilyado. Malulungkot. Malilibog. Madalas company lang naman ang hanap nila. Samahan sila kumain, magshopping, kapag libog e di pagbigyan. Siyempre marami rin akong mga dinidate on the side. ‘Yung allowance ko, pinang-date ko sa iba. Siraulo talaga ako.

Kaya rin siguro ako nakarma.

At nakilala ko si Ram. Isang gabing kelangan ko ng diversion. Laging kelangan ng diversion. Marahil sa ibang panahon ko na isusulat ang mga detalye.

Casual sex lang dapat. Tipong SEB. Pinapunta ko sa Bliss. Nakatuwalya ako nang pumasok siya. Wala ng pakipot. 'Yun naman ang usapan namin eh.

Siya lang ang unang taong tumanggi sa akin. Daming kyeme. Sabi niya saka na lang raw, kasi baka hindi ko na siya gustong makita pagkatapos. Nagsinungaling ako, sabi ko hindi ako ganoon. Gusto ko siyang ikama eh.

May nangyari sa amin syempre, at akala ko tutuparin ko ang kasinungalingan ko. Pero hindi. Iba si Ram. Wala siya ngayon sa tabi ko. Dapat kinukwento ko ulit sa kanya ang talambuhay ko. At makikinig siya ng walang imik, kahit ilang beses na niya narinig. Nakasalampak siya dapat dito sa mailakabok na couch. Katabi ng bagong laba kong mga damit at boxers. Pero wala siya. At nalulungkot ako.

Si Ram. Mahal niya ako.  

Itutuloy
Share:

0 comments:

Post a Comment