Friday, February 7, 2020

Ang Mga Dapat Kalimutan sa Bus Mo Iwanan Part 3

by: Hegemony

Isang taon na rin pala simula nang maghiwalay kami. Matagal na rin pala. Ika-18th month sana namin ngayon. Nasaan na kaya siya? Cannot be reached ang dati niyang number. Hindi naman niya na-uupdate ang Facebook niya.

Ayaw ko siyang kamustahin. Ayaw kong malaman na masaya siya na wala ako sa tabi niya.

Pero ayos na naman ako. Ngayon ko na lang siya naisip. Busy sa work. Last month lang promotion ko. May gusto pang pumiratang kumpanya sa akin. God has been good to me. Ang dami kong blessings. Bakit ko pa siya iisipin. Malamang masaya na rin ‘yun. Malamang kaliwa’t kanan ang mga boys and girls niya.

‘Yun ang hindi ko ma-take sa kanya. Sobrang flirt. Mabuti na rin siguro na ako ang lumayo. Hindi naman niya ako hinabol eh. Isa pa, dapat sila ang humahabol sa akin, hindi ako.

“Hindi ka mahal ‘nun. ‘Wag mo nang pag-aksayahan ng oras isipin.”

Nagulat ako. May nakaharang na kamay sa pinto ng elevator. Si Weirdo. Si Ram. Walang kaemo-emosyon ang mukha.

“Ground floor na, hindi ka ba bababa?”

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayang nasa ground floor na pala ako.

“Ah oo nga. Salamat.”

Dumiretso na agad ako paalis ng elevator. Rush hour na, 6PM. Mahirap nang sumakay.

“Sir! Pare! Teka.”

“Ha, bakit?”

“Nahulog ID mo. Eto.”

Tiningnan ko ang ID lace ko. Wala na ang ID ko dun. Maluwag na kasi ang pin 'nun. Pero hindi ko pinapalitan. Bigay kasi niya kasi sa akin ‘yun noong unang buwan namin.

“Ah salamat. Buti na lang.” Automatic na ang ngiti ko kapag nagpapasalamat.

“Wala ‘yun quits na ta’yo,” sagot ni Ram na blangko pa rin ang mukha.

“Marco. Ram pala, pasensiya ka na kaninang umaga, nagmamadali ako hindi ako nakapagpasalamat ng maayos.” Inabot niya ang kanyang kanang kamay.

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?”

“Ah kaya nga may pangalan sa ID diba? Lutang ka ah. Naiwan mo ata ang kaluluwa mo sa elevator.”

At nakita ko siyang ngumiti. Average na ngiti sa average na mukha. Matipid angngiti niya, pero sa sandaling ‘yun, napaka-genuine. Hindi praktisadong ngiti. Napakatotoo. Parang kalansing ng yelo sa baso.

“Kanina, naiwan mo rin naman kaluluwa mo sa bus.”

“Kaya nga quits na.”

“Nice to meet you Ram. Salamat ulit.”

Mahigpit ang handshake niya.

“Sige Marco. Una na ako. Tandaan mo ang sinabi ko kanina.”

“Alin.”

“Lutang ka talaga. Sabi ko, hindi ka mahal ‘nun. Kasi kung mahal ka ‘nun hindi ka niya dapat pinag-iisip ng ganyan”

At tumalikod na siya, diretso sa labasan ng building.

Itutuloy
Share:

0 comments:

Post a Comment