Thursday, February 6, 2020

Ang Mga Dapat Kalimutan sa Bus Mo Iwanan Part 1

by: Hegemony

Kung may tagpo akong babalik-balikan sa amin ni Ram hindi ‘yun ang first movie namin. Hindi rin ang una naming pagniniig, o ang mga sumunod pa roon. Memoryado na ‘yun ng katawan ko, tulad ng kabihasaan niya sa bawat singit, bawat tupi ng balat, bawat kurba ng masel ko at ang tamang diin ng halik sa mga bahaging iyon para mapaliyad ako at mapakapit sa kumot, o sa unan, o sa kanyang braso.

Hindi rin ang kanyang halik na talaga namang mainit. Gumuguhit. Madalas sa gitna ng tequila shots sa kwarto ko, ginagawang niyang chaser ang labi ko. Minsan masakit sa sobrang higpit ng pagsipsip niya. Kumakaskas pa ang bagong ahit na bigote. Parang asong hindi pinakain ng tatlong araw. Pero babawiin niya ‘yun kapag umabot na sa tiyan ang alak. Masuyo niyang lalaruin ang lower lip ko. Ngingitian ako at sasabihing naaalala raw niya noong bata siya, sinisipsip niya ang hibla sa bulaklak ng suntan. Matamis raw tulad ng labi ko, pero kelangan ulit-ulitin kasi nakakabitin raw. Nauubos raw ang suntan ng kapitbahay niya, pero yung sa akin raw, hindi.

Pero hindi ang mga tagpong iyon ang gustong balikan. Kusa naman yung bumabalik sa mga gabing malamig at unan lang ang yakap ko. O sa mga pagkakataong may kasiping akong iba, ang mga alaala ng katawan niya ang nangingibabaw.

Gusto kong balikan ang tagpo sa kotse niya. Linggo ‘yun, siguro mga tatlong linggo na kaming lumalabas. Sa akin siya natulog noong Sabado. Nagpahatid ako sa Greenbelt para magsimba, bago siya sumibat pauwi. Bago umalis ng bahay, pinagsaluhan namin ‘yung tira naming Spring Chicken at Asian Spareribs sa ref. Tinake-home namin ‘yung hindi namin naubos noong Saturday dinner.

‘Yun ang isa sa mga Linggo na pati ang palo ng hangin sa rolled-down window ay sumisipol sa saya. Chill lang. ‘Yung araw tirik pero hindi masyadong mainit, nakikisama. Tahimik si Ram, as always. Hindi naman ‘yun kumikibo unless kausapin ko. Nasanay na rin ako sa katahimikan niya. Patago ko siyang sinulyapan habang hinihithit ang huli usok ng yosi ko.

“You’re beautiful”, sabi ko.

“Huh? San naman nanggaling ‘yun?”, gulat niyang tanong. Bihira ako magbigay ng spoken compliment. Madalas dinadaan ko sa akbay, sa patagong pisil sa kamay.

“Basta. Not traffic-stopping gorgeous. Hindi hot. Basta, beautiful is the word.”

“Oo na, ikaw na ang hot, ikaw na ang may abs, ikaw na ang macho, ikaw na lahat,” pabirong pagsusungit ni Ram.

Ngayon ko lang na-appreciate ng buo si Ram. Kumpara sa mga naka-date ko, mga fling, wala namang sinabi ‘to. Hindi ka mapapalingon ‘pag nakasalubong mo. Pero may itsura naman ang loko. Hindi naman ako papatol kung walang dating sa akin. Hindi sa pagyayabang, may iilan na rin akong na-date na models. Babae at lalaki. May isa pa nga nabulag ako, tranny pala, pero sobrang ganda, nakatatlong date kami bago ko nalamang operada siya. Sa kapihan ko nalaman yun, hindi sa kama niya. Buti na lang.

Kung hindi naman models, mga barako mga dinate ko. Mga tulad ko. Mga nakilala ko sa gym. Mga may asawa. Mga may girlfriend. Pero pag nasa kama na, hindi mo aakalaing iba pala ang trip. Ibang hagod pala ang hanap. Ibang butas pala ang gustong pasukin.

Si Ram, hindi barako. Hindi pa. Bata pa eh. Hindi naman bata as in twink. Saktong build lang. Saktong frame. May katawan pero hindi katawang binuo sa gym. May traces pa ng konting taba sa tiyan, pero nadadala naman niya. Pero wala ka akong mapiga na kabaklaan. Hindi naman sa ayaw ko sa mga malalambot. May mga kaibigan rin naman akong ganoon. Pero gusto ko ‘pag sa kama ‘pag babae, babae. ‘Pag lalaki, lalaki. Walang gitna. Walang gray area. Kung kaya mong itago, ayos lang. Basta ‘pag sa kama isa ka lang sa dalawa.

Nasa early 20’s lang siya pero kung mag-isip minsan iniisip ko mas mature pa siya sa akin. Kaya rin kami nagclick.

Pero ngayon lang tumama sa akin kung gaano siya naiiba sa mga nakasama ko na. Siya yung tipong hindi pansinin pero pag nakuha na ‘yung atensyon mo, hahanap-hanapin mo na. ‘Yung gandang hindi nakakasawa, hindi panlabas lang. Hindi nakakaumay. Hindi lang pang-kama.

“Ako na ang bida. Pero totoo, you’re growing on me”, sabi ko.

“Growing? Ano ko, cancer?” banat niya.

Nakita kong pinipigilan niyang ngumiti. Makintab ang pisngi niya. Siguro dahil hindi na kami naligo pagbangon. O afterglow ng ginawa namin kanina bago mag-almusal.

Siguro dahil na rin sa Heritage Park kami dumaan, at sobrang chill lang siya sa pagdridrive, bigla akong napatanong.

“Pag namatay ba ako, iiyak ka?”

“Syempre naman, hindi ka pa nga patay, pinapaiyak mo na ako.”

“Hiyang-hiya naman ako ‘dun.”

“Sigurado ako, ‘pag namatay ka, puro lalaki mo ang dadalo sa libing.”

“Gago.”

“Tapos magbibigay ako ng eulogy. Ganito ko sisimulan: Wala nang tatamis pa sa pagtawag sa akin ng ‘baby’ ni Dello. Tapos biglang may tatayo, sisigaw sa galit. ‘Walang hiya, baby rin ang tawag niya sa akin, ulol!’. Rarambol sa simbahan. Magkakagulo. Magkakapunitan ng damit, tapos ma-aarouse kami kasi ang ga-gwapo at ang mamacho ng mga lalaki mo. Mamadaliin namin ‘yung libing mo kasi maglilibing rin kami sa kama.”

“Grabe utak mo. Salamat ha. Ganyan pala tingin mo sa akin.”

“Joke lang, ‘to naman. Nagdadrama ka na naman kasi.” Kinuha niya ang kamay ko at pinatong sa kambyo.

“Dello.”

“O, bakit.”

“Pag may nakilala kang iba pagtapos ko, ikukwento mo ba ako?”

“Ano ba namang tanong ‘yan.”

“Di ba lagi mong nababanggit si Jay, o si Edgar. O si Randy, ‘yung una mo. Sa tuwing may pupuntahan tayong lugar na pinuntahan niyo, lagi na lang pangalan nila ang naririnig ko.”

“Selos ka?”

“Medyo. Pero no sense. Mahirap kalaban ang nakaraan.”

“Yun pala, eh.”

“Gusto ko, pag wala na tayo, well, assuming na tayo ngayon, o maging tayo in the future, gusto ko, itong tagpong ito ang babalikan mo at ikukuwento mo sa ipapalit sa akin.”

“Bakit naman?”

“Kasi sa panahong ito, may nagmamahal sa’yo. Kahit alam niyang hindi mo siya mamahalin talaga. Kahit alam niyang iiwan mo rin siya. Kahit alam niyang pinipigilan mong mahalin siya kasi balak mong ikasal sa babae. Magkaanak, mag-mall na may tulak na stroller. Manonood kayo ng fireworks festival sa MOA, karga-karga mo siya, habang ‘yung tumataba mong misis, nagfi-feeling maganda pa rin.”

“’Sus, ‘wag ka nga ganyan.”

“Teka moment ko eh. Alalahanin mo tong byahe natin. Itong paghahatid ko sa’yo. Ikuwento mo sa susunod sa akin. Sabihin mo, may na-inlove sa’yo. Kahit alam niya na may iba kang lover, mga fling, at pinagsabay-sabay mo sila. Gusto ko, pag narinig ng kukuwentuhan mo, humanga siya sa akin. Gusto ko sabihin niya, sayang, pinakawalan mo.”

“Tama na nga ‘yan. Sinimulan ko ang drama, tinapos mo naman. Happy Valentine’s ha,” hinigpitan ko ang kapit sa kambyo. Mas humigpit naman ang kapit niya sa kamay ko.

“Anong happy sa Valentine’s”, tanong ni Ram.

Ito ang tagpong babalik-balikan ko.

Itutuloy
Share:

0 comments:

Post a Comment