Friday, January 10, 2020

Pantasya Kay Dentista Part 1

by: koala

Hi pinoy gay stories!. Sana ma post niyo itong kwentong malibog. Matagal ko ng gustong magbahagi ng kwento sa inyo kaya this 2020, hindi na talaga mapapako hehe. Sana magustuhan ng readers niyo.

Ako si Fino. May ari ng isang Candy Corner shop sa isang Mall. Medyo maliit lang yung shop pero marami namang bumibili. Parang toy shop na rin kami dahil nagbebenta din kami ng mga malilit na laruan yung kasing laki ng mga key chains.. 

Kakatapos lang ng December kaya expected na naming bababa yung sales. Medyo dadalang na ulit yung bibili nito sa amin.. Hayss.

Teka may customer..

"Welcome" pagbati ko dito.. Tumango lang ito pero hindi manlang ngumiti. Naka tuxedo si kuya. Seryosong seryoso pa yung mukha. Mukhang masungit ung first impression ko sa kanya.. Kumuha ito ng basket then tumingin tingin sa shop. Then after ilang minuto tumungo na siya sa counter..

"Magkano lahat" tanong nito sakin.. Laking gulat ko dahil ang laman ng basket ay puro laruan na malilit.. Di ko maiwasang tumawa ng palihim dahil di mo aakalain na sa mukha at pananamit niya, yun yung mga bibilhin niya..

After niya magbayad umalis na rin naman agad ito..

Linggo... Off ko ngayon.. Naka schedule pala yung anak ko magpadentista today. Hiwalay kami ng nanay ng anak ko. In good terms naman kami after ma grant yung annulment na fi-nile niya kaya walang naging problema sa custody ng anak namin. Napagkasunduan namin na every weekend sakin magstay yung anak namin, then every weekdays naman sa kanya.

"Papa gising na.. " paggising sakin ng anak ko. 7years old na ung unica hija kong ito. Mabait at malambing.. At hindi nagtampo nung magkahiwalay kami ng mama niya.

"Opo nak, eto na babangon na" sabay halik at yakap dito... After naming maligo at magbihis pumunta na kami ng clinic para ipacheck yung ngipin ng anak ko..

"Kayo na po next Sir" sabi ng receptionist at dumiretso na kami sa kwarto kung nasan ang dentista.

Laking gulat ko na yung dentista dun ay yung lalaking bumili ng napakaraming laruan sa shop ko. Natatawa ako dahil sa napakaseryosong mukha nito malamang matatakot yung mga batang pasyente nito..

"Anak mo?" tanong nito..
"Oo doc" tugon ko naman dito.
"Ahh. Marahil nagtataka ka bakit ako nakaduty ngayon. Nagbakasyon kasi si Papa. Kaya ako muna yung naka duty habang wala siya..
"Ahh ganun ba doc" 

Mga 30minutes din yung tinagal ng check up ni Doc. Pagkatapos nun nagpasalamat na kami.

"Teka" biglang tawag nito samin
"Para sayo iha." Binigyan niya ito ng maliit na laruan.
"Wag kalimutan mag sipilyo araw-araw ha " dagdag pa nito.. Tuwang tuwa naman yung anak ko pagkatanggap ng laruan..

"Papa, ang bait ng dentista, binigyan pa ako toys no" masayang kwento ng anak ko habang pauwi kami.
"Mabuti naman nak di ka natakot." naging tugon ko dito. Sa isip ko kaya pala siya bumibili ng napakaraming laruan ay para magustuhan siya ng mga batang pasyente niya..

Ilang araw ang lumipas yung ngipin ko naman ang sumakit at ako naman ang bumisita ulit sa clinic. 

"Hi doc. Papabunot sana ako ng ngipin. Medyo matagal na kasi itong sumasakit.."

"Ganun ba.. Sige tingnan muna natin kung pwede ng bunutin.. "

At tiningnan niya ito at pumayag namang bunutin at niresetahan ako ng gamot pagkatapos.

"Salamat doc" paalam ko dito
"Teka" pagpigil nito sakin.
"Para sayo" at binigyan niya rin ako ng isang maliit na laruan. Natawa nalang tuloy ako.
"Huwag kalimutang inumin yung mga gamot ha" pagreremind pa nito sakin habang nakangiti. Mas lalo siyang pumogi pag nakangiti pala sa isip ko. At nagpaalam na ako..

Martes. Naka duty na ulit ako sa shop. 

"Welcome" ay si poging dentista pala ulit. ubos na siguro mga laruan nito..

"Magkano lahat?. tanong nito sakin..
"Teka doc computin ko lang" then habang nagcocompute..
"kamusta na ngipin mo, yung mga gamot nainom mo ba?
"yup doc okay naman, magaling ba naman yung dentista eh. pagbibiro ko dito..
"Mabuti naman"..tugon nito. 
"Swerte ng asawa mo sa yo Doc" pagbibiro ko dito. Ngunit nabigla ako sa naging tugon nito..

"Bakla ako". at pilyo itong ngumiti ito sakin.

Itutuloy
Share:

0 comments:

Post a Comment