Tuesday, January 28, 2020

Despedida Part 1 - An M2m Kantutan Stories

written and/or submitted by: m2m kantutan stories

Huling araw na ni Rene sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Isa siyang engineer na in-charge sa isang proyekto ng kumpanya sa may Ortigas Center. Biyernes iyon at huling araw na niya iyon dahil nag-resign na siya upang tumulak na sa ibang bansa para doon maghanapbuhay. Isang mataas na gusali ang project nilang iyon at halos dalawang taon na rin siya doon bilang head engineer. Maayos naman ang pamamalakad niya kaya maganda ang naging relasyon niya sa kanyang mga kasamahan at tauhan. Sa araw na iyon ay binigyan siya ng despida party ng mga kasamahan niya sa opisina.

Sa roof deck ng building na iyon ginanap ang despedida na kung saan naroroon ang swimming pool ng building at ang pinaka-clubhouse nito. Itong palapag na ito ang unang tinapos nila Rene upang maging showcase ng may-ari ng building sa pagbebenta ng mga condominium units sa building na iyon. Kaya naman doon nila naiispan gawin ang munting kasiyahan. Nagsipagdalo din sa salu-salo at inuman ang ilang managers na mula sa main office nina Rene. Syempre, lahat ng kasamahan at tauhan ni Rene ay nandoroon din. Subalit ng sumapit na ang 9PM ay isa-isa ng nagpaalam ang mga nagsipagdalo. Hanggang sa maiwan ang pinaka-assistant ni Rene, ang isa pang inhenyero ni Rene at dalawang tauhan nito at ang inhenyero ng isa sa mga sub-contractor sa building na iyon. Sumatutal ay anim silang naiwan.

Naisin man ni Rene na magpaalam na ay nahihiya siya sa mga kasamahan niya dahil sila naman talaga ang nagplano ng despedidang iyon. Mukha kasing nais pa rin nilang uminom ng uminom. Nang mapansin ni Albert (ang inhenyero ng subcontractor) na iilang bote na lamang ng beer ang natitira ay agad niya inutusan ang dalawang tauhan na sina Mark at Garbo na bumili ng beer. Si Martin (ang inhenyero ni Rene) naman ay iniabot ang susi ng sasakyan upang magamit ng dalawa sa pagbili ng beer. Nais sanang pigilan na ni Rene ang pagbili ay nagdalawang isip siya at pinabayaan na lamang niyang makaalis ang dalawa. Napansin ni Arnel (ang assistant ni Rene) na mukhang nag-aalala na si Rene.

“Boss Rene, may lakad pa ba kayo mamaya?” ang tanong ni Arnel kay Rene.

“Ah, wala naman. Kaya lang baka may masabi sa atin ang may ari ng building kung lalampas tayo sa ipinaalam nating oras ng paggamit natin dito.” ang pag-aalala ni Rene.

“Huwag kayong mag-alala, boss. Hanggang 10 PM lang sana ang permit natin, pero kinausap ko mismo yung may-ari noong isang araw na dumalaw siya dito at ipinaalam ko ang pagdiriwang nating ito. Kahit hanggang anong oras daw ay pwede. Yung litson pala boss ay galing nga sa kanya.” ang tugon ni Arnel.

“Kaso may pasok pa kayo bukas. Baka kagalitan kayo ng main office.” ang pag-aalala muli ni Rene.

“Eh, dito na lang kami matutulog upang paggising namin ay tuloy-tuloy na kami sa pagpasok.” ang tugon ni Arnel.

Nagpatuloy pa sila sa kanilang usapan. Kahit anong sabihin ni Rene upang mas maagang matapos ang kasiyahan nilang iyon ay may rason palagi si Arnel na sinisigundahan naman nina Martin at Albert. Di nagtagal at dumating na ang dalawang bumili ng beer. Nagpatuloy ang anim sa inuman at masasayang kwentuhan lalong lalo na sa mga naging experience nila sa construction. Nang lubusan ng mapanatag ang kalooban ni Rene dahil na rin sa mga paliwanag ni Arnel at dahil na rin sa nainom na beer ay noon niya napansin na pawang naggagandahang lalaki ang kasabay niyang nag-iinuman.

May asawa’t anak si Rene subalit alam niya sa kanyang sarili na may pagkasilahis siya. Marami na rin siyang tsismis na narinig na pinagdududahan ang kanyang tunay na pagkalalaki. Subalit binabalewala lamang niya iyon at hindi siya talaga nagbibigay ng pruweba upang patotohanan iyon. Gwapo at makisig ang assistant niyang si Arnel na may ilang pagkakataon ding nagbibigay motibo sa kanya. Subalit di niya ito pinapatulan sa inaakala niyang isa itong patibong upang tuluyang malaman ang tunay niyang katauhan. Nagkaroon man ng experience si Rene sa kapwa lalaki, pero naganap iyon ng wala pa siyang asawa’t anak. Kaya dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya ay pinigilan niya ang kanyang sarili.

Si Albert naman ay isang mestizo at tila isang artista ang porma. May pamilya na rin siya at nasa late-30’s na subalit wala pa rin kupas ang kagandahan lalaki nito. Ang bigote nito at makapal na balahibo sa kanyang mga braso ang nakakadagdag pa ng appeal nito sa mga kababaihan lalong lalo na sa mga kabadingan. Si Martin naman ay typical pinoy guy na may simpleng kagwapuhan subalit hanep din ang appeal dahil sa matipuno nitong katawan bunga ng regular ng pagbisita sa gym. Ang dalawang tauhan nila na sina Mark at Garbo ay mga naggagandahang lalaki din at matitipuno ang pangangatawan bunga ng kanilang trabaho. Si Rene ay hindi din pahuhuli sa kanilang lahat dahil may angking kagwapuhan ito at dahil mahilig din sa iba’t ibang sports ay maganda pa rin ang hubog ng kanyang katawan.

“Sir pwede ba kaming maligo ni Garbo sa swimming pool?” ang tanong ni Mark kay Rene.

“Nakita nyo ba yung signage ng pool na bawal maligo ang hindi nasa tamang swimming attire.” ang tugon ni Rene.

“Sir, gabi naman na at wala naman ibang tao dito maliban sa ating anim at yung mga naka-duty na guards.” ang nasabi ni Martin.

“So, ganyang na ba ang suot ninyo sa pagligo?” ang tanong na naman ni Rene.

“Sir, tutal tayo lang naman dito kaya pwede na kaming maligo kahit wala kaming damit. Para naman hindi na mabasa ang damit namin.” ang naging tugon ni Garbo.

“Sige bahala kayo kung yan ang gusto ninyo.” ang naging tugon ni Rene.

Tuwang tuwa ang dalawa sa narinig. Agad silang naghubad ng lahat ng suot nila. Nang wala ng saplot sa katawan ang dalawa ay hindi napigilan ni Rene na pagmasdan ang katawan ng dalawa lalong lalo ang kanilang mga ari. Kapwa tulog pa ang kanilang mga ari kaya hindi malalaman kung malaki o maliit lamang ang mga ito. Napansin si Rene ni Arnel na nakatingin sa ari ng dalawa kaya di rin napigilan ni Arnel na mangiti sa boss niya. Ikinahiya naman ito ni Rene. Kaya ibinaling na lamang niya ang pansin sa hawak na bote ng beer. Nagpatuloy pa rin sa kwentuhan ang apat at ang dalawang trabahador naman ay sarap na sarap sa paglangoy sa swimming pool kahit wala sila ni isa man saplot sa katawan.

“Akala ko ba Sir Albert ay gusto nyo rin maligo?” ang biglang naitanong ni Arnel sa inhenyero ng subcontractor nila.

“Ah, eh, okey lang ba kahit di rin ako naka-proper swimming attire. Magbi-brief lang kasi ako kasi wala akong nadalang trunks.” ang tugon ni Albert.

“Bakit ka pa magbi-brief, eh tayo-tayo lang naman ang nandirito. Hayaan mo sasamahan na rin kita sir na maligo ng hubo’t hubad.” ang nasabi naman ni Martin.

Itutuloy..
Share:

0 comments:

Post a Comment