Wednesday, September 11, 2019

KABET mo KABET ko - pinoy gay blog

by: credits to real owner
Nakita mo na ba ang partner in life mo? Ung soul mate mo kung tawagin at naniniwala kaba sa destiny? O ung ex mo na sampong beses na kau naghiwalay pero kayo parin bandang huli o ung ngaun mo lang nakilala pero mahal mo na sya at ung sa text o chat mo lang nakilala. Love moves in mysterious ways ika nga. Masarap magmahal at lalo na masarap masaktan pero sa bandang huli matututo ka sa nangyare. Pero ako iba ang istorya nang aking buhay pagibig. Isang kabit , mahirap pala noh? Ung tipong di mo alam san ka lulugar. At ung di mo kung tama ba ginagawa mo o dapat ba ipaglaban ang pagibig na hindi naman talga sayo. Ako pala si chris nangangarap na mabigyan nang lalaking aking mamahalin habang buhay. Ooops wala palang habang buhay hndi lahat permanent.
Paano ako naging isang kabit? Ganito un…..
Gabi na un nung nakauwi kami galing manuod nang cine. Kasama ko ang college friend ko na nuod at after that nagpasama sya sa may 7/11 sa may kanto namin meron syang ka meet. Pumayagnaman akong tulungan sya . after 10mins. May isang Moreno at hunk na lalake parang artista sobrang gwapo un nga lang bi. Kalahi kumbaga pero aus narin kase discreet naman sya. Nang nakalapit na sya saamin nagkiss sila nang friend ko sa lips nabigla ako napaisip ako na boyfriend nya un dahil wala naman sa mukha ung friend ko para magka boyfriend nang ganun kagwapuhang lalake. Pinakilala nya ako kay aaron nanlamig ang kamay ko at dahil nagshake hands kame parang nakoryenta ako at biglang nahilo may ganung effect dba bongga. Nang magpasya kameng umalis na. nagpaalam nako dahil iba ang direksyon nang bahay naming sa bahay nang friend ko. mukang matutulog si aaron sa friend ko. 
Kinabukasan pupunta ako sa may mall. Bibili ako nang mga gamit dahil malapit na ang pasukan naming. Nang nakabili nako nang mga gamit nagpasya akong mag coffee muna at mag chill sa starbucks mukang maraming tao sa araw na un buti nalang meron pang isang vacant seat at dun nga nagpahinga at nag coffee muna. Nang may biglang lumapit sakin at sabi excuse me naka reserve na to sbi ko naman ai sorry di ko kase alam tapos sbi nia aus lang share nalang tayo tutal wala din akong kasama sbi ko naman okay lang. at un di kami nag kakakibuhan nag tetext sya at nagtetext din ako. Pero napapatingin ako sakanya gwapo pala sya tisoy mapupula ang labi at mapupungay na mata maganda katawan at kutis mayaman. Walang bahid na mancha.
After 10 minutes bigla nya akong tinanong kung anong oras na pero alam ko naman meron syang suot na relo napangiti ako sakanya tinanong nya bakit ako ngumingiti sabi ko naman meron kang relo tapos tinatanong mo kung anong oras na bigla syang napatawa at sbi nya di mo kase ako kinakausap eh sbi ko naman wow nagdadate ba tayo tapos sbi nya hindi cge na nga magpapakilala ako, ako si Anthony . at un nagpakilala din ako hanggat di naming namalayan ang oras nang nagpasya na akong umalis dahil oras na at baka hinahanap nako sa bahay. umalis narin sya nang bigla nya akong inalok na sabay na kameng umuwi. Sabi ko naman kakahiya naman pero nadala ako sa pilit nya. Kaya aun sumama nako at gusto nya pa akong ihatid. Pero bumaba nalang ako sa may kanto namin. Nang pababa nako kinuha nya number ko at aun tinetxt nya ako araw araw at tipong gusto nya pang lumabas. Hanggat naging kame at dumating ang araw na nalaman kong kabit pala ako. Nakikipag hiwalay ako dahil di tama at niloko nya ako pero ayaw nya, nahihirapan na daw kase sya sa una nya. At un nga dumating na ang pinaka worst na nangyare nagkitakita kami.
Pumunta kame sa park nang subd. Nila at dun naghihintay kame. Nang biglang may naglalakad na gwapong lalake at nabigla ako na si aaron pala toh. Di ko alam ang gagawin ko nang hapon na un. Di ko lam san ako magtatago pero eto na to. Naglumapit si aaron namukahan nia ako. At sbi nia ikaw pala ang kabit . at nagalit ako sabi ko oo pero pinaglalaban ko to dba kayo nang friend ko nabigla si Anthony nagalit si Anthony sakin bakit daw di ko sinabi na alam ko na may ka relasyon si aaron. Ang sabi ko naman di ko alam na si aaron ang boyfriend mo. At biglang nakipagbreak si aaron kay Anthony. At lumuhod si Anthony sa harapan ni aaron nagmamakaawang wag syang iwan. Nagmuka akong tanga dahil si aaron dapat ang gumagawa nun hndi si Anthony.  Umalis ako at tumakbo palayo sakanila. At hinahabol ako ni aaron. Nang maabot ni aaron ang aking kamay sbi nia saakin tutal niloko ako nang boyfriend ko at niloko ko ang friend mo. Tayo nalang. Tutal tau din ung nasaktan ditto. Sabi ko sa sarili ko nasaktan?? Tayo?? Biglang lumuha ang mga mata ko yinakap ako ni aaron at hinalikan at sabay sabi ikaw ang dahilan bakit kami naghiwalay nang friend mo dahil ayaw nyang bigay ang number mo at sa twing kunukuha ko to lagi kami nagaaway dahil gusto kita dati pa. nabigla ako parang saakin umiikot lahat. Umalis ako nang walang pasabi.

Kinabukasan pumunta si Anthony sa bahay para humingi nang tawad , pinatawad ko sya pero ayoko na ang nang yari sakin. At si aaron lagging nagtetext ngunit di ako kumikibo. At dumating din ung time na nagmamakaawa si aaron at ako naman naawa pero natutunan ko din syang mahalin. Wala nakong balita kay Anthony magsimulang last pagpunta nya sa bahay at pati sa friend ko na magsimulang lumipat ako nang paaralan. Ngayon 1 year and 9months na kame ni aaron Masaya hindi masyadong nagkakaproblema.

Sabandang huli di natin alam kung sino ang para satin. Anjan na nga pero hindi pa pala.

No comments:

Post a Comment