Roommate Romance Part 4
by N.D. List
FLASHBACK
CONTINUATION
Ginising
ako ng alarm ko ng alas otso ng gabi. Kinapa ko ang switch at binuksan
ang lamp shade at umupo muna at tumanganga. Si Mico ay himbing na
himbing pa sa pagtulog. Nakatihaya. Bukol na bukol ang malaking biyaya.
Tangina 'tong batang 'to. Pinagpala talaga. Pati titi mayabang.
Maya-maya'y gumalaw si Mico, nagkusot-kusot ng mata at tumingin sakin. "TL anong oras na?".
"Gabi na. Bumangon ka na dyan at papasok na tayo."
Nag-unat
sya at lumiyad. Lalo tuloy bumukol ang mayabang nyang tite. Tumayo ako
at binuksan ang ilaw. Pagbukas ko ng ilaw ay kinuha ni Mico ang extra
nyang unan at tinakip sa harapan nya. Tingnan mo 'tong mokong na 'to.
Akala yata nya pag-iinteresan ko pa ang titi nya.
Tamayo
ako at pumunta na ng banyo para maligo. Napansin ko ang drawer ko
malapit sa salamin. Ibang klase talaga ang anak mayaman. Kung dati ay
suklay at wax lang nakapatong sa drawer ko, ngayon ay halos mapuno na.
May shaving cream, after shave, lotion, paper towel at kung ano-ano pang
abubut. Yan ang mayaman. Andaming kalakal.
Paglabas
ko ng banyo ay natutulog pa din sya. Dahil nakatapis sa baywang ko ang
twalyang ginamit ko, kumuha ako ng isa pang twalya para magtuyo ng
buhok. Umupo ako sa kama nya at tinapik tapik ang pisngi nya. "Hoy!
Gising na!". Dumilat sya at ngumiti lang sakin. Tapos pumikit ulit.
Inalog-alog ko ang dibdib nya. Wala.
"Mico,
hindi ko pangarap maging yaya mo ha. Pag hindi ka tumayo ngayon dyan
mawawalan ka ng tirahan. Pag na-late ka mawawalan ka pa ng trabaho!"
"Heto
na nga!", biglang tayo nya ay nag-unat, nagkambyo ng naninigas na titi
at nagkamot ng ulo gamit ang dalawang kamay. Pasuray-suray syang pumunta
sa banyo.
Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay
iniisip ko kung ano itong napasukan ko. Sanay akong mag-isa lang sa
bahay. Walang iniintindi at malayang gawin ang lahat ng gusto. Kahit
lumabas ako ng banyo na isa lang ang gamit na twalya dahil hindi ko na
kailangan magtapis paglabas. Pwede akong maglakad lakad ng
nakabuyangyang ang tite.
Pinatay ko ang aircon.
Tahimik. Bigla akong napalundag at nagulat ng may malakas na nagsalita
sa likod ko. "TL, PAABOT NAMAN NG TWALYA!!!!!".
"PUTANGINA NAMAN MICO!!! BAKIT KA BA NANGGUGULAT!!!"
"Hahahahahaha.
Sorry, TL! Paabot naman nung twalya sa bag. Wala pala akong twalya
dito", hagalpak ni Mico. Nakalabas ang ulo sa pinto at medyo nanginginig
pa dahil pumapasok ang lamig sa banyo.
Kinuha
ko ang twalya at inabot sa kanya. Sinarado nya ang pinto. Tapos bumukas
ulit. "TL, yung isa pa pala. Yung kulay blue. Sa bag din".
"Tsk tsk tsk!"
Naupo
ako sa kama pagkabihis ko at inaantay syang lumabas. Lumabas sya ng
nakatapis din ang isang twalya at isa naman ay naka balabal sa balikat
nya. Inaayos nyang mabuti nakabalabal na twalya at ingat na ingat na
hindi makitaan ng nipples. Kutis mayaman talaga 'tong isang 'to. "Baby
fats" and all.
"TL, wag mo nga akong
tinitingnan ng ganyan. Hinuhusgaan mo ang baby fats ko. Pag ako
nagka-abs pati ikaw mapapayakap sakin". Mabilis syang nangalkal ng
damit, pumasok sa banyo at nagbihis. Pagkalabas ay mabilis na nag-ayus
ng buhok, pumili sa apat na pares ng sapatos at sinuot ang napiling
sneakers.
"O, TL. Ano pang tinatanga mo dyan?
Pag na-late tayo baka mawalan pako ng trabaho ng dahil sayo", sabay
labas nya ng pinto na tumatawa. Napangiti nalang ako at tumayo.
Sigh!
Sana'y
akong mag-isa sa tinitirhan ko. Ngayon ay may kasama akong batang
anak-mayaman na ngayon lang yata nahiwalay sa kanyang yaya.
Nung
naglalakad kami papunta sa lugar kung saan kami pi-pick-up-in ng
shuttle ay nadaan ulit kami sa kainan nina Camille. Napansin kong
sumisilip-silip si Mico sa loob ng kainan. Umakbay sya sakin.
"TL, maaga tayong magising bukas. Kumain muna tayo dito bago pumasok."
"Sige. Ikaw lang naman ang nahihirapang bumangon ng maaga".
Walang
naging problema si Mico sa trabaho. Madali nyang natutunan ang proseso
at madaling masanay kumausap ng mga customer. Maayus din syang makitungo
sa buong team na hawak ko at ganun din naman sila sa kanya. Madalas din
syang makakuha ng commendation sa mga nakakausap nya na customer dahil
bukod sa maalam sya sa service ng kliyente ay natural sa kanya ang
magsalita ng ingles.
As usual, nag-extend
nanaman ako at umabot ako ng kalahating oras pagkatapos ng shift bago
natapos. Paglabas ko ng office ay nakita ko ulit si Mico na kausap si
kuya Jov.
"O, andito ka pa. Diba binigay ko na sayo yung susi kanina", tanong ko.
"Wala naman akong gagawin dun, TL kaya inantay na kita."
"TL, daan tayo kina Camille ha. Dun nalang tayo mag-breakfast."
"Pwede din. Ayaw mo magbihis muna bago kumain? Mas gusto kong kumain ng mas komportable ang suot ko."
"Sige ayus lang. Bihis muna tayo."
Pagdating namin sa bahay ay nakita nanaman naman si Jael na nasa labas ang naggigitara.
"Oy,
jamming muna tayo. Puta OT kayo ng OT. Naggigitara ka ba, Mico? O baka
inuutusan mo lang isa sa mga katulong nyo na maggitara", pang-aalaska ni
Jael.
"Tsk. Si TL Ja, O! Lakas mang-asar. Oo medyo marunong ako."
"Ayos! Kunin mo yung gitara sa loob, pre." utos ni Jael sakin.
Kinuha ko ang gitara sa loob saka ko binigay kay Mico.
Nagsimula
syang tumipa at kumalabit ng string saka nya binutingting ng konti yung
kwerdas para itono ang gitara. Nagsimulang mag-pluck.
"Ayos ha!", pagbibilib ni Jael.
"Tangina
neto!", sabi ko. "Parang ikaw nalang ang anak ng Diyos ha. Binigay na
sayo lahat. Anak-mayaman! Makinis! Heartthrob! Talented pa!"
"Siguro malaki din titi mo ano?" gatong ni Jael. Tawanan kami ng malakas an ikinapula nanaman ni Mico.
"Tsk! Sina TL lakas mang-alaska. Nag joint force pa kayo. Kay Jepoy ba 'tong gitara na 'to?", iniba ni Mico ang usapan.
"Kay
kuya Jov yan. Yung guard natin. Minsan nagjajamming kami dito nun.
Hindi naggigitara yong si Jepoy, puro DOTA ang alam nun... saka babae."
"Oy dota. Miss ko na yan. Dota tayo minsan, TL."
"Oo
sige, kung gusto mo bukas after shift. Gamitin mo yung desktop ni Gab
may naka install naman dun. Hindi naman nya ginagamit yon. Apple boy yan
eh. Macbook parati ang gamit."
"Bakit, TL, nagsawa ka na ba sa dota?", baling sakin ni Mico.
"Hindi
naman nagdodota yan. Puro libro yan", sabat ni Jael. "Ako nga lang ang
gumagamit nong desktop na yon eh. Hahaha. Minsan nga dun nako sa kanya
natutulog pag sobrang init. Wala akong aircon eh. Kinukumbinsi ko pang
magpalagay si rich boy jepoy".
Masaya
kaming nagjamming ng halos isang oras. Puro Eraserheads, Rivermaya ang
mga binanatan namin. Halos pareho-pareho naman kami ng hilig ng music
nina Jael. Bumanat din kami ng Matchbox 20 at ilang Maroon 5 songs.
Hindi naman kami singer pero maayos naman kaming nakakakanta. Trip lang
talaga. Nag-aya si Jael na uminom kahit tig-dalawang bote lang ng
Redhorse pero tumanggi muna kami dahil nakapagplano na kami na kakain sa
kina Camille. Nagkasundo kami na sa weekend nalang uminom.
=======================
BALIK TAYO SA KASALUKUYAN...
May nadinig ako nagsasalita sa labas kaya lumapit ako sa pinto.
"Ano
pare? Ayus ka na dito? May susi ka ba? Mukhang hindi uuwi si Jepoy eh.
Tutuloy siguro yon sa bahay ng girlfriend nya. Libog na libog kanina sa
dance floor eh. Nakakahiya ang mga gago!", boses ni Jael.
"Ayus nako TL... may susi ako... Pahinga lang ako dito", boses ni Mico. Utal.
Matagal
na hindi nagsalita si Jael. Nung mga ilang sandaling wala nang
nagsasalita, naisip ko na baka umalis na sya kaya bubuksan ko na sana
ang pinto ng may biglang kumatok.
Nakita ko na nasa harapan si Jael pagbukas ko ng pinto. Maliit talaga ang mundo.
MAGSISINGIT LANG AKO NG FLASHBACK TUNGKOL KAY JAEL:
Dahil
siguro sa magkatabi kami ng tinitirhan, si Jael isa sa mga naunang
naging kaibigan ko sa Makati. Sya din ang pinakamadalas kong makasama.
Kasa-kasama sa break, after parties, out of town R&R ng office kung
saan-saan. Partner in crime. Wala sya masyadong bisyo. Hindi nagyoyosi,
hindi mahilig sa night out, konting inom. Well, hindi masyadong konti
pero namimili din sya ng kasama. May pagka-low profile din kasi ng konti
although magandang lalaki din at habulin. Tapat sa girlfriend at tipong
family man type pag nag-asawa na. Well, almost tapat sa girlfriend. May
mga pagkakataon din na may mga pinapatulan sya na hindi naman nya
tinatago sakin. Halos kinukwento nya lahat sakin. Alam naman kasi nya sa
tahimik akong tao at walang makakalabas pag kaming dalawa lang ang
nag-uusap. Siguro ay masasabi ko naman na naging magkaibigan kami.
Madali naman kasi syang pakisamahan kahit papano.
Problema
lang talaga ang pagiging mainitin ng ulo nya. Typical na lalaking hindi
magpapaisa. Hindi uurong sa away. Paminsan-minsan ay medyo selfish pero
considerate din naman.
Nung una ay medyo aloof
sakin si Jael. Ganon naman yata talaga. Pag bago ka sa opisina madalas
nahuhusgaan ka ng mga dadatnan mong empleyado. Ikaw ang bagong salta at
territorial ang pioneering employees. Outcast ka. Kaya minsan kailangan
ding iwasang magmarunong. Lie low. Pero eventually na-realize naman ng
karamihan na ayus naman akong makisama.
Siguro
nagsimula yung kompetisyon namin nung unti-unti akong napapansin sa
office. Unti-unting bumabango ang pangalan ko sa management. Siguro'y
dahil pioneering sya kaya nakaramdam din ng konting selos at inggit.
Nasa isip nya siguro na lagi akong napapaboran. Medyo unti-unting
naa-highlight din ang kakulangan ng maraming TL sa office nung magsimula
akong mag root cause analysis sa mga bagay na pumapalpak. Naging epal
ako sa paningin nila.
Mas lalong tumindi ang
pagkainis nya sakin nung nalaman nyang malaki ang agwat ng sweldo ko sa
kanya. Noon sya nagsimulang magparinig ng kung ano-ano sakin sa
facebook. Na pinagpiyestahan naman ng mga kabarkada nya sa office.
"Ang mga bakla talaga magaling sa management".
"Mag-ingat sa bading na maepal na kupal".
Kung
ano-ano pa ang mga status na nilagay nya sa facebook na naging dahilan
kaya hindi naging maganda ang environment sa office para sakin.
Nag-peak
ang galit nya sakin nung isa ako sa dalawang napromote na CCM at sya
naman ay kasama sa mga nag-apply na hindi pumasa. Hindi na kami
nag-uusap nung mga panahon na yon. Napakalaki ng galit nya sakin. At
dahil wala naman syang bala laban sa'kin, dinaan nalang nya sa paninira.
Pinamatinding
paninirang ginawa nya sakin yung pagkakalat nya may pagnanasa ako kay
Mico. In-imply nya na na-hire sya dahil ako ang nag interview at gwapo
sya. Binahay ko pa.
"Ang mga baklang gago, nag-aampon ng gwapo. Diba, Mico?".
Hindi
kumibo si Mico sa status na 'yon. Hindi din namin pinag-usapan. Pareho
naman naming alam ang totoo. Ni minsan ay hindi din ako nagkaroon ng
libog kay Mico. Mabait syang bata. Magalang. Natuwa ako na naging
malapit kami sa isa't isa na parang magkapatid. Higit pa. Masaya ako pag
uma-akbay sya sa'kin sa mall. Pag hinihintay nyako tuwing uwian. Kapag
hindi sila kumakain ni Camille sa eatery nila hanggat di ako dumadating.
Masarap kasama si Mico. Masarap yakapin. Guluhin ang buhok. Asarin.
Gulatin. Takutin. Masarap maging kapatid. Mapagmahal. Pero yun lang ang
naramramdaman ko sa kanya. Mahirap paniwalaan pero yun lang ang
nararamdaman ko sa kanya noon.
Nagkaroon ng
barkada si Mico na parati nyang kasa-kasama nung tumagal na. Mga barkada
na pareho nya ng hilig. Dota. Basketball. Babae. Mga bagay na wala
naman akong interes. Nakaramdam ako ng konting selos sa parehong paraan
na nalulungkot ang isang tatay kapag napapansin nya na mas gustong
kasama ng anak nya ang mga kalaro nya minsan. Iba ang saya nya pag
kasama nya ang kaibigan nya. Konsolasyon sakin na pagkatapos ng maghapon
na paglalaro, sa'kin pa din sya umuuwi pag gabi. Sa'kin parin sya
tumatakbo pag may problema. Sakin yayakap pag nasasaktan. Ako parin ang
kuya nya.
BALIK TAYO SA KASALUKUYAN:
Ilang
sandali kaming nagkatinginan ni Jael. Tinatantya ang isa't-isa. Ito ang
unang pagkikita namin ni Jael mula nung nagresign na sya sa office.
Hindi din ako sumama sa send off party nya.
Hindi
naman sya mukhang lasing. Yun ang maganda kay Jael. Umiinom sya para
makisama pero hindi nya pinababayaan ang sarili nyang malasing. Siguro
dahil din sa naka-motor sya parati. Kaya hindi din ako natatakot pag
umuuwi kami galing inuman at nakaangkas ako sa kanya.
"Pare...", basag nya. Tumango lang ako.
Tahimik ulit.
"Ikaw
na bahala dito", sabi nya sabay turo kay Mico. Saglit syang natahimik
ulit. Mukhang nag-iisip ng sasabihin. Hindi din nya siguro alam kung ano
ang sasabihin kaya nagpa-alam nalang din sya.
"Sige, pare..."
Bumaba
na sya at naglakad palayo. Mukhang wala syang dalang motor. Siguro
dahil nag-alala na baka malaglag itong lasing na 'to pag inangkas nya.
Habang
palayo si Jael, napaisip ako kung tinuring nya akong kaibigan. Kung may
halaga ako kahit konti sa kanya. Kung may kahit katiting man lang ba
syang pagsisisi si ginawa nya sakin. Kung ano man, si Jael ang isang tao
na kung pwede lang ay ayaw ko nang makita kahit kailan.
Nilapitan
ko si Mico para akayin papasok. Nung hawakan ko sya para i-angat,
pinilit nyang idilat ang mga mata nya, tumingin sakin at yumakap.
“Uy! Tara na!"
Siniksik nya ang mukha nya sa tiyan ko. Saglit akong natigil. Nag-alala ako na may makakita samin at magmukha kaming tanga.
“Uy, tayo na diyan! Lika na sa loob.”
Inangat
nya ang mukha nya at tumingin sakin saglit, tapos ay napapikit ulit sa
sobrang lasing. Nakatusok ang baba nya sa tiyan ko.
“TL, sorry sa mga nagawa ko… Tanggapin mo na ulit ako, TL”.
Saglit
ulit akong natigil. Itatayo ko na sana sya nang biglang nag ring ang
cellphone nya. Pinilit kong kuhanin nag cellphone nya sa bulsa para
tingnan kung sinong tumatawag. Si Josh. Sinagot ko na din.
"Hey, I've been calling since Thursday! What's goin' on???"
"Josh, Gab 'to"
"Uy, Gab! Kumusta? Si Mico? Ano bang nangyayari sa batang yan? Nung Thursday pako tumatawag ah."
"Tulog sya, bro, nakainom. May problema ba? Gusto mong gisingin ko?"
"Ah,
hindi na wag nalang, bro. Tawag nalang ulit ako bukas. Actually
kausapin din sana kita. Sa Makati kasi ako either next week or the week
after ng limang araw. Magche-check in naman ako sa hotel pero kung okay
sana sayo gusto kong sa inyo muna tumuloy. Namimiss ko din kasi ang
kapatid ko. Saka medyo nag-aalala din ako sa kanya. Nadadalas ata ang
inom. Hindi ka ba nila kasama? Iba na ba ang mga kabarkada nya dyan? May
problema ba sya?", Sunod-sunod na tanong ni Josh.
Hindi
ako nakasagot kaagad. "Sige, bro, ayus lang. Walang problema. Usap
nalang tayo next week. Text text nalang. Medyo busy din kasi ako sa
office the past couple of months kaya di ko din masyadong nakakausap si
Mico."
"Sige, bro. Pakisabi nalang kay Mico"
Pagka
end ko ng tawag ay nakita ko ang wallpaper ni Mico sa phone. Picture
naming apat nina Josh at Camille dun sa bahay nila sa Meycauayan kasama
ang lola nila. Nakaupo si Josh at ang lola nila. Nakatayo naman kaming
tatlo sa likod. Nasa gitna si Mico at nakahawak sa bewang ni Camille sa
kanan at nakaakbay naman ang isang kamay sakin sa kaliwa. Sinuksok ko
ulit ang cellphone sa bulsa ni Mico.
Tinayo ko
si sya at inakay papasok. Inupo ko sya sa kama nya at humarap ako sa
kanya. Napatingin sya sakin at nang makita nya ang mukha ko ay tinawag
nyakong kuya.
"Si Gab 'to!"
"Kaya
nga... Kuya kita diba... Ikaw ang kuya ko dito." Sinandal nya ang ulo
nya sakin. Nakadikit ang pisngi sa tiyan ko. Yumakap ulit sakin.
"Ano bang nangyayari sa'yo at nadadalas ang paglalasing mo ng ganyan?"
"Ayaw
mo kasi akong patawarin kuya... alam ko na nga ang mali ko eh...
nagsisisi nako. Mahal kita kuya. Namimiss na kita. Pabalikin mo nako
dito." pagmamakaawa nya.
Natahimik ako.
Nakaramdam nanaman ako ng awa sa kanya. Madalas wala si Jepoy sa bahay
at parating nasa girlfriend nya kaya malamang ay mag-isa lang syang
natutulog parati sa kabilang unit. Hindi sya sanay mag-isa. Baka
natatakot din. Ilang beses ko na syang nadinig na kumakatok pero hindi
ko pinagbuksan. Kunwari nalang ay hindi ko nadidinig.
Sinalo
ko ang ulo nya ng kamay ko at dinikit ang palad ko sa kabilang pisngi
nya. Ginalaw ko ang hinlalaki ko at masuyong hinahaplos mukha nya.
Bumuntong hininga ako.
"Ayus na tayo, Mico. Tigilan mo na ang kakainom ng ganyan. Ayos na tayo."
Pinilit nyang tumingin sakin. Nakatusok nanaman ang baba nya sa tiyan ko. Pinilit ngumiti.
"Tatanggapin
mo na ulit ako dito?" Buo na ang ngiti nya. Parang bata. Pumikit ulit.
Hindi ako sumagot. Hinawi ko ang buhok nya at tinulak palayo sa kanyang
noo. Sinuklay suklay ng daliri ko ang buhok nya. Paano mo matitiis ang
mukhang anghel.
"Ang sinabi ko lang ayos na tayo".
Matagal bago sya sumagot.
"Mahal mo bako kuya?"
Hindi din ako sumagot kaagad.
"Alam
mo naman na mahal kita kahit di ko sinasabi. Namiss din naman kita.
Na-dissapoint lang talaga ako. Pero hinahanap-hanap ko din ang
pangungulit at panggugulat mo sakin. Namiss kita. Masakit din sakin."
Buong
buo na ang ngiti ni Mico. Nagbalik ang ngiting parang kakainom lang ng
gatas sa commercial. Pagkatapos ay bigla syang ngumuso.
"Kung mahal moko kuya kiss moko."
Sinampal ko sya ng mahina. Lasing talaga tong isang 'to.
"Parang kang gago!" sabi ko.
"Tsk! Kiss lang eh. Mahal moko diba?"
"Tangina nito! Pag mahal may kiss?"
"Sus... sige na nga kuya paliguan mo nalang ako. Baby moko eh. Para hindi amoy lasing ang kwarto."
Bumuntong hininga ako. Kinalas ko ang yakap nya at dahan-dahan ko syang hiniga. Nakababa pa din ang mga paa sa sahig.
"Wag kang gagalaw dyan."
Tinanggal
ko ang pagkabutones ng polo nya. Tinanggal ko din ang pagkabutones ng
pantalon nya at binaba ang zipper. Pinasok ko ang kamay ko sa kaliwang
bulsa nya. Pagktapos ay sa kanan.
"Asan ang susi mo, kukuha ako ng damit mo sa kabila"
"Tsk! Brief mo nalang ang ipasuot mo sakin kuya. Gusto ko brief mo.", usal nya.
Hindi
ko sya pinansin. Kinapa ko ang maliit na bulsa nya at nakita ko ang
susi. Lumipat ako sa kabilang kwarto para kumuha ng damit.
Pagbalik
ko sa unit ko ay nakita ko si Mico na nakahiga parin sa ganong posisyon
pero wala nang damit. Hubo't hubad. Nakabuyangyang pati ang makinis at
malaki nyang tite. Siraulo talaga 'tong isang 'to. Naisip ko tuloy na
pinagtitripan lang ako ng gago.
Tumayo ako sa
harapan nya at pinagmasdan ko ang hubad nyang katawan. Makinis. Maputi.
Mapula ang nipple na dati ay tinatago-tago nya sakin. Nakikita ko ang
kilabot sa makinis nyang balat na dala ng lamig. Unti-unti na ding
nagkakahubog ang kanyang tiyan. Ilang buwan din syang sumama-sama samin
ni Jael bago pa kami nagkaroon ng problema. Ang dating tinatago tago din
nyang titi sakin ay nakabuyangyang na ngayon sa aking harapan. Malaki
kahit hindi galit. Maamo at makinis na titi. Ang swerte na Camille sa
isang to. Langit siguro ang naramramdaman ni Camille pag kinakain nya
ang titi ng artistahin at anak mayaman.
Pinilit kong hindi tamaan ng libog. Huminga ako ng malalim.
"Hoy, BUNSO!" sarcastic ang boses ko habang tinatapik ang binti nya.
"Tumayo ka na dyan. Paliliguan ka na ni KUYA".
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment