Ninong Part 12

Ninong Part 12

Mas lalo akong kinabahan ng malaman ko na kilala niya si Walt. At halos hindi maipinta ang pagmumukha ni Emil. Parang gusto niyang magalit at sumbatan ako. Pero malamang ay nagpupumigil lamang siya. Guilty ako sa mga oras na iyon. At kung tatanungin niya ako ay sasagot ako ng katotohanan lamang. Pero hindi na niya nagawang usisain pa ako tungkol kay Walt. Buti na lamang at hindi pa ako nakapaghapunan. Kaya naman ng yayain ako ni Emil na sabayan siya sa pagkain ay nasabayan ko pa siya. Hinintay pala niya ako para sabay kaming kumain.

Nang mga sumunod na araw ay hindi pa rin tumigil sa kaka-text at katatawag sa cellphone ko si Walt. Classmate ko pa rin ang dahilan ko kay Emil sa tuwing kasama ko siya at magtetext o tatawag si Walt. Hindi ko na muling magawang pagsabihan si Walt na tumigil na. Kaya naman minabuti kong humingi ng payo kay Ninong.

“Hay naku. Sabi ko na nga ba. Kaya nga noong nalaman namin ng Daddy mo na nagkakaigihan na kayo ni Kuya Gilbert mo ay tutol kami. Yan talaga ang hirap sa ganyang relasyon. Buti kami ng Daddy mo ay maaga pa lamang nalaman na namin na maaring maging ganyan din kami kung seseryosohin namin ang aming relasyon. Sa ganyang relasyon, lamang talaga ang sex sa sangkap ng samahan. Idagdag mo pa ang physical na anyo ng partner mo. Madali tayong ma-fall in and out of love. Para bang damit na kung sawa ka na sa pagsusuot nito ay papalitan mo na lamang ito.” ang panimulang pangaral sa akin ni Ninong.

“Pero Ninong. Nagmamahalan naman kami ni Emil.” ang naisabi ko naman kay Ninong.

“Oo naman. Nadoroon na ako. Pero dapat mas naging tapat kayo sa isa’t isa. Maaari nyo naman pag-usapan iyon. Eh kung gusto mong may ibang katalik ay dapat sinasabi ninyo iyon sa isa’t isa. Kayo naman talaga ang nagmamahalan. Init lang ng katawan ang sex. Kapag nairaos mo na ay mawawala na rin ang init sa iyo.” ang dugtong pa ni Ninong.

“Pero Ninong, parang mahal ko rin si Walt.” ang naisingit ko na naman kay Ninong.

“Subukan mong makipagtalik ng ilang beses sa Walt na iyan. Mawawala din yang maling feelings mong iyan. Tiyak ako na mas magandang lalaki yang Walt na iyan kay Emil.” ang nasabi naman ni Ninong.

“Opo.” ang tugon ko naman.

“Nakita mo na. Tama ako. Huwag mong problemahin iyan. Lilipas din yan. Basta ipagtapat mo lamang kay Emil ang lahat.” ang pahabol na payo ni Ninong.

“Sige po Ninong. Susundin ko ang payo nyo. Salamat po.” ang pagpapaalam ko kay Ninong.

“Sa akin ba ay wala ka ng pagnanasa?” ang pabirong tanong ni Ninong.

“Kayo pa! Eh kayo nga ang nagbigay ng first experience ko sa ganito.” ang tugon ko naman sabay tawa.

“Ganoon pala eh. Wala ang mga tao sa bahay. Baka pwede mo akong tulungan na maibsan ang init ng aking katawan ngayon.” ang pakiusap ni Ninong sa akin.

“No problem po. Basta okey din sa inyo na sasabihin ko ito kay Emil.” ang sabi ko naman.

“No problem.” ang tugon ni Ninong.

Niyaya niya akong pumasok sa kanilang silid ay doon ko muling natikman si Ninong na unang nagmulat sa akin ng kakaibang karanasan sa sex. Tulad pa rin ng dati ay hindi pahuhuli ang katawan ni Ninong sa mas bata pa sa kanya. Ang kargada niyang kaunaunahan kong natikman ay wala pa ring kupas sa kalakihan niya at katakam-takam pa rin. Marahil nga ay may katagalan na rin na hindi nakikipagtalik si Ninong sa kapwa niya lalaki kaya naman nakailang putok kami ng araw na iyon.

Nang sumunod na araw ay pinaghandaan ko ang pagtatapat ko kay Emil ng tungkol kay Walt. Sabado noon ng magtatakipsilim at katatapos lamang naming maglaro ng basketball. Masaya ang aming naging laro nina Ninong at ng aking mga kinakapatid kaya iyon ang napili kong oras na kausapin si Emil. Subalit sa pag-uwi namin sa aming bahay ay naroon na sa tapat ng gate si Walt lulan ng kanyang kotse.

“Hello to both of you. Kumusta na kayong dalawa?” ang bungad ni Walt paglabas niya sa kanyang kotse.

“Hi Walter. We’re doing great. Ikaw kumusta ka na?” ang sagot ni Emil at tanong na rin kay Walt.

“I’m good.” ang maikling sagot ni Walt.

“Napasyal ka yata.” ang nasabi ko naman kay Walt.

“Walang magawa sa bahay and for the first time we don’t have shows this weekend. Sarap magpahinga.” ang tugon naman ni Walt.

“Please get inside.” ang anyaya ni Emil kay Walt.

“Ok. But wait I’ll just get something inside my car.” ang tugon naman ni Walt.

Kinuha ni Walt ang isang box ng assorted Japanese food at isa pang bucket ng fried chicken. Pinakiusapan pa niya ako na kunin din ang isa pang kahon ng beer. Mukhang pinaghandaan ni Walt ang pagpunta niya sa bahay.

“Parang alam mo na gutom na gutom na kami ni Emil ah.” ang biro ko kay Walt.

“Got ESP kaya I know na gutom na gutom na kayo after your basketball game.” ang nasabi naman ni Walt habang papasok na kami sa aming bahay.

Kinutuban ako sa nabanggit na iyon ni Walt. Mukhang alam nya na naglaro kami ni Emil ng basketball.

“How did you know that we played basketball?” ang tanong ko sa kanya.

“Just now. You’re in basketball jersey and you’re holding a ball.” ang tugon ni Walt.

“Oo nga naman.” ang biglang nasabi ni Emil.

Hindi ko malaman kung nagagalit si Emil sa pagdating ni Walt o nakikisakay lamang siya sa sitwasyon na iyon. Tumuloy kami sa loob ng bahay at iniaayos ang namin ang mga dala-dala ni Walt. Bago namin tuluyang hinarap ni Emil si Walt ay nagpaalam muna kami kay Walt na maliligo muna. Matapos kaming makapaligo ay tuluyan na rin namin kinausap si Walt habang umiinom ng beer. Nagsimula ang aming kwentuhan sa mga naging karanasan ni Walt bilang modelo. Naging bangka si Walt sa aming kwentuhang iyon. Subalit ng makarami na kami ng nainom na beer ay biglang naiba ang kwento ni Walt. Bigla niyang naikwento ang unang encounter nila ni Emil. Sa bibig mismo ni Walt nanggaling na naka-sex na niya si Emil.

Nang marinig iyon ni Emil ay hindi na niya pinabulaanan iyon. Hindi din niya akong makuhang titigan sa aking mga mata. Marahil tanda iyon ng kanyang guilt feelings. Guilty din ako kaya di ko makuhang magalit sa aking nalaman. Nagpatuloy lamang si Walt sa kanyang mga kwento na umabot din sa pagkwekwento ng karanasan niya sa akin. Ako naman ang hindi makaimik sa mga sandaling iyon. Ganoon na nga ang naging takbo ng aming kwentuhan. Si Walt na lamang ang panay kwento at kami ni Emil ay naghihintay na lamang maubos ang beer para kusa ng magpaalam si Walt. Buti na lamang at mukhang nakahalata si Walt sa aming pananahimik ni Emil at kusa na rin siyang nagpaalam kahit hindi pa ubos ang beer na dala niya.

Sa pag-alis ni Walt ay tahimik pa rin kaming nagligpit ni Emil ng aming kalat. Parang walang may gusto sa amin na magsimula ng usapan na maaring humantong sa sumbatan o awayan. Subalit hindi talaga ako nakatiis. Kaya ako ang unang nagtanong sa kanya.

“Sino bang nag-imbita kay Walt dito? At bakit alam niya na naglaro tayo ng basketball? Timing na timing ang dating niya ha. Mukhang yung dala nya ay pangsuhol sa isa sa atin. Kanino kaya?” ang mga tanong ko kay Emil.

“Ewan ko. Di ba ikaw yung nakikipagkita sa kanya. Bakit ako ang tinatanong mo?” ang tugon naman ni Emil.

“Ah ganoon! Pinagbibintangan mo ba ako?” ang tanong ko naman kay Emil.

“Wala akong sinasabing ganoon.” ang tugon naman niya.

“Bakit mo alam na nakikipagkita ako kay Walt? Siguro sinusundan mo na ako sa lahat ng lakad ko. Wala ka na bang tiwala sa akin?” ang panunumbat ko kay Emil.

“O kita mo na. Eh di umamin ka rin na nakikipagkita ka pa sa kanya.” ang nasabi naman ni Emil.

“Oo. Inaamin ko na nakipagkita ako sa kanya ng ilang ulit. Pero yun ay pinakikiusapan ko siya na tigilan na niya ako. Yun lang at wala ng iba.” ang paliwanag ko naman.

“Wala na nga bang iba pang dahilan?” ang pagdududa ni Emil.

“Nagdududa ka ba sa akin?” ang sumbat ko na naman sa kanya.

“For once and for all, admit it. You went to a motel one time. Eh ano bang ginagawa sa isang motel. Nag-usap lang kayo? C’mon, hindi ako bata na hindi alam ang ginagawa sa isang motel. Just admit it okey.” ang medyo galit ng pangungusap ni Emil.

“Okey, I admit. I’m sorry for doing it. I was just forced to do it. And I regret it.” ang aking pag-amin.

“So it’s true.” ang biglang nabanggit ni Emil.

“Yes. But it’s you that I love.” ang pagsusumamo ko sa kanya.

“Love ba iyon na nakikipagtalik ka pa sa iba? Anong klaseng love yun?” ang panunumbat na naman ni Emil.

Para akong sinampal sa nasabing iyon ni Emil. Di na ako muli pang nakasagot sa kanya. Nanahimik na lamang ako at iniwan ko na si Emil sa may kusina. Pumasok na lamang ako sa aming silid at nahiga sa kama. Hinintay ko ang pagpasok ni Emil sa silid. Hanggang sa makatulog ako ay hindi ko namalayan kung pumasok na siya. Sa aking paggising ay wala sa tabi ko si Emil. Bumangon ako at hinanap ko siya. Wala na siya sa bahay. Sa guest room mukhang natulog si Emil at maaga na lamang siyang umalis. Tinawagan ko siya sa celphone nya. Subalit mukhang pinatay na niya ito. Gusto ko na sanang mag-sorry sa kanya at aminin na ang lahat sa kanya upang magkaayos na kami. Subalit hindi ko alam kung papaano ko siya makakausap. Kaya naman nagdecide na naman ako ng ikunsulta kay Ninong ang aking suliranin.

Itutuloy...

credits to real owner

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.