Ninong Part 11

Ninong Part 11

“Wala na ang Mommy mo. Katatawag lang ng Ninong mo. Iniwan na nya tayo kaninang alas-kwatro ng umaga.” ang tugon ni Ninang.

“Hindi ko kayo maintindihan. Ano po bang sinasabi ninyo?” ang paghingi ko ng linaw sa nasabi ni Ninang.

Hindi agad makasagot si Ninang dahil sa paghagulgol niya sa iyak. Ako man ay nagsimula na ring umiyak. Si Giselle na lamang ang sumagot ng aking katanungan.

“Naaksidente sila kagabi. Ang Mommy at Daddy mo. Sinundo ng Daddy mo ang Mommy mo sa isang party ng opisina nila. Yun lang so far ang alam namin. Parang nabangga sila ng isang bus at grabe ang lagay nila kagabi. Kanina lang tumawag si Daddy ay sinabi nga na hindi na nakayanan ng Mommy mo ang natamo niyang pinsala. Wala na ang Mommy mo.” ang paliwanag ni Giselle na hindi na rin naipagpatuloy ang kwento dahil napahagulgol din siya sa iyak.

Nakuha ko na ang nais nilang sabihin. At ako naman ang napasigaw sa pagtawag ko sa pangalan ng aking Mommy. Tuluyan na rin akong humagulgol sa iyak.

“Eh ang Daddy? Kumusta na siya?” ang muli kong pagtatanong ng maisip ko si Daddy sa gitna ng aking pagdadalamhati ng mga sandaling iyon.

“Nasa critical condition pa siya. 50-50 chances din na makaligtas ang Daddy mo.” ang maikling tugon ni Ninang.

“Saang hospital po ba sila ngayon?” ang tanong ko na naman.

Matapos ibigay sa akin ni Ninang ang pangalan at address ng hospital ay agad na rin ako umalis. Sa pamamagitan ng taxi ay ilang minuto lamang at nasa hospital na ako. Agad kong ipinagtanong at hinanap ang silid na kinaroroonan ni Daddy. Sa hallway kung saan naroroon ang ICU na kanaroronan din ni Daddy ay sinalubong ako ng mga kinakapatid kong sina Kuya Gilbert at Gabby. Wala doon si Ninong dahil inaasikaso niya ang mga labi ni Mommy. Hindi rin ako pinayagan makapasok sa ICU upang malapitan ko si Daddy. Sa balikat ni Kuya Gilbert ko na lamang naibuhos ang aking pag-iyak. Wala kaming nagawa kundi maghintay pa sa ano mang sasabihin ng doctor.

Maya’t maya pa dumating na si Ninong. Ibinalita niya sa amin na naisaayos na niya ang pagbuburulan ni Mommy. Hindi ko na rin pwedeng masilayan ang mga labi ni Mommy dahil nasa funeral parlor na daw ito at tatawagan na lamang daw si Ninong kung ayos na ang lahat sa funeral chapel na napili ni Ninong. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na rin kaming napag-usapan ni Ninong. Hindi din ako napilit isama ni Ninong na mag-almusal ng mga oras na iyon. Nanatili na lamang akong nakaupo sa silid na kalapit ng ICU. Tila ba wala na akong pakiramdam ng mga sandaling iyon. Hindi ko na maramdaman ang pagkagutom o pagkauhaw. Nanatili na lamang akong nakatingin sa salamin na namamagitan sa aming kanya-kanyang kinalalagyan ni Daddy.

Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto.

“Hi. Kumusta na ang Daddy mo.” ang tanong ng taong pumasok.

“Emil, anong ginagawa mo dito? Papaano mo nalaman na nasa hospital si Daddy.” ang mga tanong ko kay Emil.

“Tumawag ako sa opisina ng Daddy mo at nabalitaan ko ang nangyari sa kanila ng Mommy mo. I’m sorry for what happened to your parents.” ang tugon ni Emil.

Hindi ko alam kung magagalit o matutuwa ako sa pagdating na iyon ni Emil. Subalit dala na rin ng aking paghihinagpis sa sinapit nina Daddy at Mommy ay bigla na lamang akong napayakap kay Emil sabay hagulgol sa iyak.

“Everything will be ok soon. Don’t worry. Kaya mo yan.” pilit pinapakalma ako ni Emil.

“I know. Pero wala na ang Mommy. Si Daddy naman ay hindi pa rin maayos ang lagay.” ang mga nasabi ko pa kay Emil.

“Don’t worry. I’m still here. And I will always be by your side. Promise ko yan.” ang nasabi naman ni Emil.

Kapwa kami naupo ni Emil sa isang sopa. Nakaakbay siya sa akin at nakasandal naman ang aking ulo sa kanyang balikat. Hindi ko talaga mapigilan ang pagluha sa tuwing maiisip ko ang nangyari sa aking mga magulang. Pero dahil na rin sa presence ni Emil ay kumalma din ang aking pakiramdam. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin sina Ninong at ang dalawa kong kinakapatid. Matapos kong ipakilala si Emil sa kanila ay napilit din ako ni Emil na kumain ng almusal kahit papaano.

Pabalik na kami noon ni Emil sa may ICU ng biglang napansin namin ang pagmamadali ng mga nurse at doctor papunta din sa ICU. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso na tila ba nararamdaman ko na may masamang nangyari na kay Daddy. Napatakbo tuloy ako at sumunod din si Emil. Subalit hindi pa man ako nakakalapit sa pintuan ay biglang lumabas si Ninong dala ang masamang balita na pati si Daddy ay binawian na rin ng buhay. Napasigaw ako ng marinig ko iyon at tila ba gusto ko na ring mamatay ng mga sandaling iyon. Niyakap ako ni Ninong na hindi na rin napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Si Emil din ay hindi na rin napigilan ang pagluha.

Simula ng umagang iyon hanggang sa mailibing ang aking mga magulang ay hindi umalis sa aking tabi si Emil. Ayaw nya sana akong iwan matapos ang libing dahil mag-iisa na ako sa aming bahay. Subalit kailangan niyang bumalik sa Baguio upang mag-attend ng kanilang graduation. Alam ko naman na importante iyon sa buhay ng isang estudyante. Kaya naman pinilit ko siyang mag-attend ng kanilang graduation. Nang matapos ang graduation ni Emil ay agad din siyang bumalik sa Maynila. Medyo nanumbalik na rin ang aking sigla ng dumating siya sa bahay.

“Kumusta ang graduation ninyo?” ang tanong ko sa kanya.

“Okey naman. Medyo maayos daw ngayon compare noong isang taon dahil hindi na pinayagan ang pagkuha ng picture sa may entablado. Yung official photographer na lamang ang nakalapit sa stage.” ang tugon naman ni Emil.

“Salamat pala sa paggabay mo sa akin. Hindi ko makakayanan ang lahat kung wala ka sa tabi ko.” ang nasabi ko sa kanya.

“Ganyan talaga ang nagmamahalan. Damayan sa lahat ng oras. Walang iwanan.” ang nasabi naman ni Emil.

“Totoo ba yan?” ang medyo pabiro kong naitanong kay Emil.

“Ikaw naman. Kailangan pa bang itanong iyan?” ang nasabi naman ni Emil.

“Nagkikita ba kayo ni Daddy bago siya namatay?” ang bigla kong naitanong sa kanya.

Hindi agad nakasagot si Emil.

“Please naman. Be honest naman sa akin kung talagang mahal mo ako.” ang pakiusap ko sa kanya.

“Yes, we did several times. The night of your Dad’s accident ay nagkita pa kami.” ang pagtatapat ni Emil.

“So it’s true that you and my Dad are having an affair. Bakit nyo nagawa sa akin iyon?” ang pagsumbat ko kay Emil.

“That’s not true. Humihingi lamang ako ng payo sa Daddy mo. Yun bang payo ng isang ama sa isang anak. Alam mo naman na hindi kami close ng father ko.” ang tugon ni Emil.

“Ganoon lang ba iyon? Eh, inaaabot kayo ng madaling araw sa pag-uusap. Pag-uusap nga lang ba ang ginagawa ninyo? Baka pati payo tugkol sa sex at actual na sex ay ginagawa ninyo?” ang panunumbat kong muli kay Emil.

“Ganyan na ba ang iniisip mo sa amin ng Daddy mo? Yes, I’ll admit. We did it once noon sa Baguio. I know gising ka noon at nakita mo kami. Pero yun ang first and last namin. And I’m sorry for doing it. Malakas kasi ang sex appeal ng Daddy mo. Hindi ako nakapagpigil.” ang paliwanag ni Emil.

“Sobrang bait ng Daddy mo. Maswerte ka nga sa kanya. Alam mo ba ng umuwi ako galing Baguio matapos kong malaman na makaka-graduate ako ay hindi man lamang natuwa ang aking mga magulang. Lalo na si Daddy. Gusto kong umalis agad sa bahay ng araw na iyon. Buti na lamang at nakausap ko ang Daddy mo. Sabik ako sa isang tatay. Nakita ko iyon sa iyong Daddy. Sorry kung masama pala para sa iyo ang nagawa kong iyon. Pero I swear, walang halong sex ang mga naging usapan naming.” ang dugtong pa ni Emil.

Sa mga paliwanang ni Emil ay nakumbinse niya ako na totoo ang kanyang mga sanabi. Ako naman ngayon ang nakaramdam ng pagkahiya sa aking paghihinala tungkol sa kanila ni Daddy.

“I’m sorry Emil. Nakapag-isip ako ng ganoon sa iyo. Sorry din po Dad sa paghihinala ko sa inyo.” ang nasabi ko sabay yakap kay Emil.

“It’s okey. Alam ko naman na nagawa mo yan dahil masama pa ang loob mo sa pagkawalang sabay ng iyong mga magulang. Don’t worry. I will always be here for you. And I will always love you.” ang nasabi naman ni Emil.

“Sorry again, Emill. I love you too.” ang nasabi ko na lamang sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay bigla niya akong hinalikan sa aking mga labi. Ang halikan naming iyon ay nauwi sa isang mainitang pagtatalik mismo sa sala ng aming bahay. Buti na lamang at walang bisitang dumating ng hapon ding iyon. Simula ng araw na iyon ay doon na sa aming bahay nanirahan si Emil.

Bago pa man nagbukas ang klase ay nakahanap na ng trabaho si Emil. Ako naman ay muling nagpalipat sa isang unibersidad dito sa Metro Manila. Nagsama kaming dalawa ni Emil na parang mag-asawa. Alam lahat ito ni Ninong kaya siya na rin ang naging gabay namin at hingian ng payo sa tuwing may suliranin kami ni Emil. Akala namin ay wala ng malaking problema ang darating sa aming dalawa. Muling nasubukan ang aming relasyon ni Emil ng magkita kaming muli ni Walt.

“Hi. Kumusta ka na? Yan ah. Tagalog na text message me.” ang biglang message na pumasok sa cellphone ko isang araw. Galing ito kay Walt. Oo nga pala naibigay ko ang number ko bago kami naghiwalay sa Baguio.

“I’m ok now. How about you?” ang text ko naman sa kanya.

“Daya mo ah. English text mo. Fluent na me sa Tagalog.” ang sagot naman ni Walt.

“Can I see you later?” ang dugtong na text ni Walt.

“Have class ‘til 6PM. Sorry.” ang sagot ko naman sa text din.

“It’s ok. I’ll wait. Where is your school pala?” ang text naman ni Walt.

Wala akong magawa kundi sabihin ang totoo kay Walt. Hindi na rin ako nakatanggi sa hiling ni Walt na magkita kami after ng pasok ko. Ganoon na nga ang nangyari. Paglabas ko sa gate ng school namin ay napansin ko agad si Walt. Mas mukhang naging attractive si Walt sa porma niya. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ng mga lumalabas sa gate si Walt. Lalo na sa mga kababaihan.

“Hi Walt. Nice to see you again.” ang bati ko kay Walt.

“I’m very much okey now. I didn’t enroll this semester. Busy with my modelling stints.” ang tugon ni Walt.

“Ganoon ba? So model ka na rin ngayon. Bigatin ka na pala.” ang biro ko kay Walt.

“Madalas sa ramp modelling ako. Fashion shows here and there. Some pictorials. Don’t have much time for school. Kaya I decided to quit school for the time being.” ang nasabi naman ni Walt.

“Uy, magaling na rin siya sa Tagalog.” ang biro ko kay Walt.

“Syempre naman. Filipino naman yata ako.” ang pagmamalaki ni Walt.

Habang nagpatuloy kami sa kwentuhan ay naglakad kami patungo sa pinakamalapit na fastfood. Matapos umorder ng pagkain ay nagpatuloy pa rin kami sa kwentuhan. Masaya ang aming kwentuhan na naputol lamang ng mag-text sa akin si Emil na kung nasa school pa daw ako ay dadaanan niya ako para sabay na kaming umuwi. Malapit na daw kasi siya. Nagpaalam agad ako kay Walt at muli akong bumalik sa harapan ng gate ng school namin. Ayaw sana akong paalisin ni Walt pero nagpumilit lamang ako. Di nga nagtagal ay dumating na ang kotse ni Emil at agad din akong sumakay.

“Take care bro. Si Emil ba yung sumundo sa iyo?” ang tanong ni Walt sa text message.

Marahil ay sinundan pa niya ako pabalik sa gate ng school namin at tiyak na nakita niya si Emil.

“Yes.” ang tanging text message ko kay Walt.

“O sino ba yang ka-text mo?” ang tanong ni Emil sa akin.

“Ah wala. Isang classmate ko na nagtatanong kung nakauwi na ako.” ang sagot ko kay Emil.

Akala ko ay hindi na muling mangungulit si Walt dahil alam na niyang maayos na kami ni Emil. Naikwento ko na rin kasi sa kanya si Emil noong may pag-aalinlangan pa ako sa kanya. Pero ngayon ay natitiyak ko na mahal na mahal ako ni Emil. Nang mga sumunod na araw ay panay tawag at text ni Walt sa akin. Sa tuwing kasama ko si Emil ay panay schoolmate ko ang palusot ko sa kanya. Isang araw ay nagpasya akong makipagkita muli kay Walt para pagsabihan siyang itigil na niya ang pagtawag at pagtext sa akin. Ewan ko bakit ko gagawin iyon. Marahil ay nagkakaroon na rin ng lugar sa aking puso si Walt. Sa kaunting panahon na nakasama ko kasi siya ay nakitaan ko siya na handa talaga siyang magmahal ng wagas. Subalit may commitment na ako kay Emil at sa panahong iyon ay si Emil ang aking pinili.

Nagkita kami sa isang mall na napagkasunduan namin isang hapon. Syempre research work ang dinahilan ko kay Emil upang hindi niya ako pagdudahan.

“Kumusta na ang friend ko? Mukhang happy sa lovelife niya.” ang panimulang bati ni Walt.

“Oo naman. Ikaw kumusta ang lovelife mo?” ang tanong ko naman sa kanya.

“Heto, zero pa rin until now.” ang tugon naman niya.

“Ows! Sinong binobola mo nyan? Ikaw pa na sobrang gwapo at modelo pa. Sigurado ako marami sa kapwa mo model ang nahuhumaling sa iyo.” ang biro ko naman sa kanya.

“You are wrong my friend. After my first relationship ay hindi na ito nasundan. Alam mo ba kung bakit?” ang nasabi naman ni Walt.

“Eh bakit naman?” ang tanong ko sa kanya.

“Kasi the person I’m in love with ay meron ng iba. Di ba that hurts?” ang bigla niyang sinabi.

Ewan ko pero kinabahan ako sa sinabi niya.

“Ikaw pa! Kayang kaya mo yun agawin. Sa ganda lalaki mong iyan. Tiyak ikaw ang pipiliin ng taong nagugustuhan mo.” Ang biro ko sa kanya.

“Ganoon ba?” ang tanging nasabi naman ni Walt.

“Oo naman.” ang pagsang-ayon ko naman.

“Ah ok. Do you love me? Let me rephrase it. Do you like me?” ang biglang itinanong sa akin ni Walt.

“Wala namang ganyanan. Wag naman ako.” ang sagot ko sa kanya.

“I’m dead serious. I really love you. It’s you that I want.” ang pagpupumilit ni Walt.

“You know that’s not possible now. I’ve already got someone else.” ang sabi ko naman sa kanya.

“You just told me that I could easily get the person I want.” ang sabi naman ni Walt.

“Not me.” ang tangi kong naisagot.

“Why not? I love you and you have to believe me. And that’s the truth.” ang pagsusumamo ni Walt.

“I just can’t.” ang nasabi ko naman.

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Walt sa kanyang nararamdaman sa akin. Alam ko din na deep inside of me ay may nararamdaman na ako kay Walt. Dahil ba sa mas attractive siya kaysa kay Emil? Ewan ko pero naguguluhan ako ng mga sandaling iyon. Kahit ganoon pa man ay hindi pa rin ako bumigay sa nais ni Walt.

“I’ll go now.” ang paalam ko kay Walt ng wala na akong maisip na maisagot sa mga katanungan niya.

“Wait don’t just leave me here.” ang pakiusap ni Walt. “I’ll drive you home para maaga kang makauwi.” ang dugtong pa ni Walt.

“No thanks. I can manage to go home alone.” ang aking pagtanggi.

“Please. If you really don’t have feelings for me then just let me drive you home. It is my pleasure to bring you home safe. Okey.” ang pagpupumilit ni Walt.

Sumang-ayon na lamang ako kay Walt. Pagsakay namin sa kanyang kotse ay agad na rin naming nilisan ang mall. Wala kaming imikan sa loob ng kotse at dahil gulong gulo din ang aking isipan ay hindi ko na inalintana kung saan dumadaan si Walt. Nabigla na lamang ako ng papasok na pala kami sa isang motel.

“Why are we entering this place?” ang bigla kong naitanong kay Walt.

“Don’t worry. Let’s just talk in private. Ok..” ang tugon ni Walt.

Nakakahiya naman kung tatanggi pa ako sa mga sandaling iyon. Nasa loob na kami ng compound ng motel at kausap na ni Walt ang isang attendant. Pinabayaan ko na lamang si Walt sa nais niyang mangyari. Pagkapasok na pagkapasok namin sa silid ay agad akong niyakap ni Walt sa likuran. Siniil niya ng halik ang aking batok. Pilit akong kumawala sa kanyang pagkakayapos. Pero unti-unting bumigay ang aking katawan at isipan sa nais mangyari ni Walt. Isang mainit na pagtatalik namin ni Walt ang sumunod na eksena sa loob ng silid na iyon. Marahil nga ay may pagtingin din ako kay Walt kaya ako pumayag sa nais niya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Taglay na yata niya ang isang perfect body ng isang lalaki at may kagwapuhan na talo pa ang ilang matinee idol sa pelikula. Idagdag mo pa dyan ang laki ng kanyang kargada. Sino kaya ang hindi maaakit kay Walt.

Matapos ang mainit naming pagtatalik ni Walt ay nagpahatid na rin ako sa amin. Akala ko ay tulog na si Emil at hindi na niya ako mapapansin sa pagpasok ko sa aming bahay. Kaya naman pumayag ako na maibaba ni Walt sa mismong tapat ng aming bahay. Laking gulat ko ng bumukas ang gate na hindi ko pa naman napipindot ang doorbell. Pinagbuksan ako ni Emil.

“Si Walter yun di ba? Yung pamangkin ni Mang Nestor.” ang tanong ni Emil.

“Ah ….. eh……. Sya nga. Kilala mo pala siya?” ang tanong ko naman sa kanya.

“Kilalang kilala.” ang tanging naisagot sa akin ni Emil.

Itutuloy...

credits to real owner

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.