Mr. Bikini Open Part 1

Mr. Bikini Open Part 1

Good day sa lahat ng followers and visitors ng blog na ito. Hindi ako marunong magsulat ng kwento. Kaya PHM-LA SFERA ikaw ng bahala mag-ayos ng kwento ko. Gusto ko lang ibahagi sa mambabasang Pinoy ang isa sa hindi ko malilimutang kakaibang karanasan ko sa same sex. Nangyari ito ng ma-invite ako bilang isang judge sa isang patimpalak sa isang bayan na kung saan marami akong kliyenteng doctor. Ako pala ay isang med-rep. Isang doctor na organizer ng isang patimpalak na Mr. & Ms. Bikini Open ang nag-invite sa akin.

Pumayag ako na maging judge kahit malayo ang lugar sa Manila kasi schedule din yun ng regular visit ko sa mga kliyente ko sa bayan na yun. Magpapalipas na lang ako ng gabi sa isang hotel kung sakaling gabi na matapos ang patimpalak. Ginanap ang patimpalak sa isang sikat na bar sa lugar. Bago magsimula ang contest ay sinigurado ko din naman na nasa venue na ako para hindi nakakahiya sa nag-invite sa akin.

Bading ang doctor na client ko at isa sa organizers ng contest na iyon. Pagdating ko ay ipinakilala ako sa iba pang kasamahan niyang organizers. May ilang babae na mukhang sosyalera at madaming bading na sosyalera din. Pinakain muna ako ng dinner at may konting inuman bago sinimulan ang program. Sinimulan ang program sa pamamagitan ng pagpapakilala sa emcee ng programa. Isa itong local male DJ at may co-emcee siya na isa daw local beauty queen.

Matapos magpakilala ang mga emcee ay isa-isang tinawag ang mga hurado para umupo sa harapan ng entablado. Nang marinig ko ang pangalan ko ay naupo na ako sa harapan ng entablado. Noon ko din nakilala ang mga kasamahan ko pang hurado. May ilang pulitiko, may businessman at may tila baguhang lalaking artista. Pasensya na hindi ako mahilig sa local showbiz kaya hindi ko kilala itong bagitong artista na cute din naman sa personal. Actual ly katabi ko sya kaya alam ko na cute siya. Lumalabas tuloy ang pagkaberde ng dugo ko sa kanya. Pero hindi sa kanya ako nagkaroon ng magandang karanasan.

So ganoon na nga. Nag-start na ang program. Isang production number ng mga contestant ang una naming napanood. Nagpasiklaban ang sampung kalahok na lalaki at sampo din kalahok na babae sa suot nilang choice na swim wear. Simula pa lang ng contest ay gusto na nilang magpatalbugan sa kasuotan. Yung iba ay sobrang skimpy. Sa babae ay halos lumuwa na ang boobs nila at sa lalaki naman ay medyo dumudungaw yung pubic hair nila sa taas ng trunks nila. Doon ako naging mas interested na panoorin. May gamit din silang props para mas mapansin sila.

Sa sampung lalaki ay nabighani kaagad ng attention ko ang isang simpleng contestant pero astig ang tindig at hubog na katawan. Hindi sya bulky pero ang ganda talaga ng katawan niya. Hindi sya ang pinakapogi at hindi din sya ang crowd favorite. Malamang wala siyang dalang mga kasamahan sa audience kaya hindi malakas ang palakpakan sa tuwing rarampa siya. Ganun pa man ay mataas ang score na naibigay ko sa kanya. Candidate no. 9 pala siya sa mga lalaking candidate.

Nagkaroon ng talent portion. Simple lang na pagsayaw ang talent ng candidate number 9. Sa initial na question and answer portion ay ayos lang naman ang sagot niya. Nang matapos ang preliminary round ay kinuha na ang score sheets namin. Konting internission number muna. Then bumalik sa entablado ang dalawang emcee at tinawag ang tig-limang finalist. Buti naman at nakasama si candidate no. 9 sa finalist.

Nagkaroon muli ng pagrampa ang mga finalist. Pare-pareho na ang suot nilang trunks at bikini. Si candidate no. 9 para sa akin ang pinakadeserve na manalo. Sya ang naging bet ko. Dahil nga focused ang attention ko sa kanya ay napagmamasdan ko ng maigi ang buo niyang katawan mula ulo hanggang paa lalo na kung naka-pose na siya sa aking harapan. Bigla kung napansin na parang nakatabingi ang kanyang junior sa loob ng kanyang trunks. Lahat naman ng lalaking kalahok ay halata ang junior nila sa trunks. Pero si candidate no. 9 ay parang may kalakihan at naka-alas-tres ang position.

Napatitig talaga ako sa parte na katawan niyang iyon ng mag-pose siya sa harapan ko. Nagpansin nya yata ako at bahyagyang yumuko. Marahil ay nais nyang malaman kung ano ang tinititigan ko. Pagtingin niya sa akin ay napangiti na lamang sya sa akin. Sinuklian ko na rin sya ng ngiti.

Matapos rumampa ang mga finalist ay nagkaroon muli ng question and answer portion. Sa pagkakataong iyon ay ang mga candidate ang pumili ng gusto nilang hurado na magtatanong sa kanila. Nauna ang mga babae. Pero hindi ako napili na magtanong. Sumunod ang mga kalalakihan. Pangatlo si candidate no. 9 na pinili ako upang magtanong sa kanya. Nabigla din ako sa pagpili niya sa akin. Gusto ko syang manalo kaya naisip ko na wag bigyan ng mahirap ng katanungan tulad ng question ng ibang hurado. Pero baka naman sobrang dali ang maitanong ko at hindi din makumbinse ang mga hurado na panalunin siya.

“Do you have a girlfriend?” ang panimulang tanong ko.

“Sa ngayon po, wala po.” ang tugon niya.

“Ganito ang tanong ko kasi. If ever magka-girlfriend ka na, how do you want to be loved?” ang tanong ko.

Napansin ko agad na uneasy siya sa tanong ko so ayaw kong mapahiya siya. Kaya nag-follow-up question agad ako.

“Yun bang gusto mo ba eh mas mahal ka nya or mas mahal mo sya?” ang follow-up question ko.

“Sa palagay ko po, ang magmahal ay walang limitasyon at hindi nasusukat. Kapag nagmahal ako ay talagang pagmamahal ang ibubuhos ko. Sa tingin ko kasi kapag minahal mo ang isang tao at ipindama sa kanya ang tunay na pagmamahal ay tiyak na mamahalin ka din niya ng lubusan. Thank you po.” ang tugon ni candidate no. 9.

Nagpalakpakan ang mga tao. Napapalakpak na din ako. Actually nagustuhan ko ang sagot niya kaya ako napapalakpak.

Hanggang natapos ang question and answer portion. Isang intermission number naman ang naganap. Habang may intermission number ay pina-rank sa amin ang mga kalahok kung sino ang number 1 to number 5 sa amin. Yun ang magiging basehan nila ng mananalo. Tinanong ko ang organizer kung paano ang sistema na yun. Sinabihan ako na yung score na 1 ang highest kaya ang lowest average score based on our rating will be declared the winner and so on. Kapag may tie naman daw ay titignan nila yun score sa preliminary round at yung mas mataas ang mananalo. Naintindihan ko naman agad ang sistema nila.

Syempre si candidate no. 9 ang number 1 sa ranking ko.

Bumalik muli sa entablado ang mga emcee at pinaakyat na din ang lahat ng mga kalahok. Nagkaroon muna ng mga special awards bago inihayag ang mga nanalo. Syempre muli kaming pinasalamatang mga hurado. Naging excited din ako sa result ng contest. Hindi kasi namin alam kung sino ang nanalo. So wait lang ako sa announcemet.

Nagsimulang magbanggit ng winners ang mga emcee from fourth runner up down to the grand winner. Laking tuwa ko ng maiwan sa last 2 contestants si candidate no. 9. Gusto ko na sya ang manalo. Subalit nabigo ako. Naging first runner up lang siya. Medyo affected ako. Kaya pasimple akong nagtanong sa organizer ng mga score ng mga nanalo. Nalaman ko tuloy na sayang si candidate no. 9. Tie pala sila nung nanalo pero mas mababa ang score niya sa preliminary round. Masaya na din ako sa nangyari. Hindi nga sya ang crowd favorite pero sa tingin din pala ng hurado ay pwede syang manalo ng titulo bilang Mr. Bikini Open.

Hindi ako makapagpaalam sa client kong doctor. Niyaya nya pa kasi ako sa celebration sa bar din na iyon sa success ng timpalak. Hindi na talaga ako makakabalik sa Manila at kailangan ko na lamang mag-check in sa hotel. Nakihalubilo din sa amin ang mga contestant. Inaasahan ko na pati si candidate no. 9 ay tuluyan ko ng makikilala. Pero hindi ko sya makita sa grupo ng mga contentant. May ipinakilala sa akin isang babaeng candidate na sa tingin ko ay pwede kong ma-take-out. Pero nagkakamali sila. Mas prefer ko pa kung si candidate no. 9 ang tuluyan nilang ipakikilala sa akin. For sure ite-take-out ko sya. Nasabi ko sa aking sarili na tila bigo ako ng mga sandaling iyon. Minabuti ko na lamang lakasan ang loob ko na magpaalam sa client kong doctor kasi hindi na rin ako nag-eenjoy sa mga sandaling iyon.

Hindi na ako napigilan ng client kong doctor. Lumabas ako agad ng bar at pinuntahan ang aking kotse. Marami pa rin kotse sa labas sa gilid ng kalsada. Nasa kabilang side ng kalsada makaparada ang kotse ko. Bago ako tumawid ng kalsada ay napansin ko na may nakatayong lalaki na may bitbit na bag sa may sidewalk. Agad ko siyang nakilala. Sya pala yung candidate no. 9. Agad ko syang nilapitan.

“O bakit uuwi ka na? Nagkakasiyahan pa sa loob.” ang tanong ko sa kanya.

“Kayo pala sir. Ayos na ako sir. Gusto ko ng umuwi. Hindi naman ako mahilig uminom.” ang tugon niya.

“Ang galing mo kanina ah. Muntik ng ikaw ang top winner.” ang sabi ko sa kanya.

“Ok lang sir. Akala ko nga wala akong place. Mas magagandang lalaki silang di hamak sa akin.” ang sabi naman nya.

“O bakit ka nag-iisa? Wala ka bang kasama?” ang tanong ko naman.

“Nagpahatid ako sa kuya kong nagta-tricycle kanina. Sekreto lang namin magkuya ang pagsali ko. Pagagalitan ako sa bahay kapag nalaman nila ang pagsali ko. Sya nga ang hinihintay ko.” ang tugon naman niya.

“Malayo ba ang sa inyo?” ang tanong ko na naman.

“Opo. Nsa dulong baryo na yata kami ng bayang ito. Tumityempo lang po si kuya na makaalis sa bahay. Pero nakaalis na daw sya kanina pa.” ang sabi naman niya.

“Baka nasiraan siya sa daan.” ang sabi ko naman.

“Hindi ko po alam. Ayaw sumagot sa text. Baka wala na syang load.” ang sabi naman nya.

“Tutal wala pa naman ang kuya mo, tara muna sa loob. Babalik tayo sa loob kung gusto mo.” ang alok ko sa kanya.

“Wag na po. Hintayin ko na lang sya dito. Mahihiya yun magtanong sa bar kapag hindi nya ako nadatnan dito sa labas.” ang pagtanggi nya.

“Ah ok. Ako nga pala si Jules. Ikaw, ano na ba ang pangalan mo. Allen nga ba name mo?” ang pakilala ko at tanong na din sa kanya.

“Tama po. Allen Rodriguez po name ko.” ang tugon naman nya.

“Mas natatandaan ko kasi yung numero mo na nueve.” ang sabi ko naman.

“Ganun po ba.” ang sabi naman nya.

“Sige kung ayaw mo pumasok muli eh doon na lang tayo sa hotel na pagche-check-in ko uminom ng kape man lamang. Text mo kuya mo na doon ka na lang sunduin.” ang alok ko sa kanya.

“Nakakahiya naman po sa inyo.” ang sabi naman nya.

“No problem. Hindi din naman ako makakatulog kaagad. Ayaw ko sanang matulog sa hotel na yun. Parang haunted hotel yun. Pero yun ang pinakamalinis sa bayan nyo. Uwi na lang sana ako sa Manila. Pero no choice na ako. Baka makatulog na ako sa pagda-drive kong mag-isa papauwi sa Manila.” ang sabi ko naman.

“Tara na. Malapit lang naman dito ang hotel na yun.” ang alok ko muli.

Pumayag naman siya na sumama sa akin. Sumakay kami sa aking kotse at napunta na kami sa hotel. Nag-check in muna ako. Iniakyat ang bag ko at muli ko syang binalikan sa lobby ng hotel. Pagtingin ko sa cafeteria ng hotel ay madilim na sa gawing iyon. Tinanong ko ang receptionist at sinabing until 12 midnight lang po open yun. Kung gusto ko daw mag-oder ay dadalhin na lang sa room ko. So yun na nga ang ginawa ko. Umorder ako ng kape at pinasunod ko sa room ko. Sinabihan ko din ang receptionist na kung may maghahanap kay Allen ay tawagan lang ako sa room ko.

Itutuloy...

credits to real owner

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.