Hospital Diaries (Part 1)

Hospital Diaries (Part 1)
By: Piero

Ako si Piero, 23 years old na ngayon, nangyari ito nung year 2008 nung makapasok ako sa trabaho sa ospital bilang nurse. Swerte na din na maituturing kasi kahit papaano natanggap ako sa trabaho kahit na wala pa akong masyadong experience. At the age of 19 dun ako natututo na mainlove kasi nung nasa college pa ako puro pag aaral lang inatupag ko kasi hindi naman kami ganun kayaman para sayangin ko ang scholarship na bigay sa akin. Bilang iskolar ng bayan halos walang binabayad sa school ang magulang ko kaya't ganun na lang ang pagsisikap ko na makatapos ng college.

Napasok ako sa isang sikat na tertiary level na ospital na located sa Quezon City. Dahil malapit na ang Philhealth Accreditation, kailangan nilang mag-hire ng mga nurses para mapunan ang required na dami ng nurse sa ospital. Naging masaya naman ako sa bago kong environment. Dahil na din halos ka-edad ko lang ang aking mga bagong katrabaho ay hindi ako nahirapan mag adjust, nagkaroon pa ako ng mga bagong kaibigan. Walang nakakaalam na ako ay isang bi pero mas mahilig ako sa mga babae nung mga panahong iyon kaya siguro walang nakapansin. Meron kaming lahing kastila kasi ang mga grandparents ko ay 75% Spanish na galing sa Bicol kaya halos lahat kaming magkakapatid at magpipinsan ay namana ang dugong kastila.

Habang lumilipas ang panahon mas nagkakaroon ako ng malalalim na pagtingin sa mga kasamahan ko at isa na dun si Bjorn. Si Bjorn ay matangkad six footer sya, kayumanggi at malaki ang katawan. Pansin mo agad na malaki ang katawan nya dahil halata sa mga braso nya na batak sa gym. Halos lahat ng mga kasamahan ko na babae ay nagkakagusto sa kanya, kahit na ako. Napansin ko din ang pagiging malapit sa akin ni Bjorn, at dahil dun natutunan ko syang mahalin. Minsan pa nakikipagpalit pa sya ng schedule para lang magkasabay kami sa shift pero syempre hindi ko naman iniisip na yun talaga ang dahilan kasi alam ko straight sya at imposible naman na magkagusto sya sa akin.

Dahil na din siguro sa pagiging close namin ng mga kasamahan ko ay madalas umiinom kami after work. Laging kasama si Bjorn, masarap syang kasama kasi makwento sya at hindi nauubusan ng kwento, sa amin sya ang life of the party. Dahil sa kalasingan at wala na din ako masakyan pauwi ay nag offer si Bjorn na sa unit nya na lang ako matulog, tutal off ko naman bukas at ganun din sya. Nang makarating kami sa condominium nya nagulat ako sa ganda nito. Very neat ang pagkakaayos ng mga gamit nya. Alam ko mag isa na lang sa bahay si Bjorn kasi ang mga magulang nya ay nasa London. Inaya nya ako pumasok sya kwarto nya at bigla syang naghubad ng damit pang itaas. Tila huminto ang oras nung mga panahon na yun dahil namangha ako sa ganda ng katawan ni Bjorn, well defined ang chest nya at abs, talagang nakakapanlaway pero nagtimpi ako kasi hindi tama at ayaw ko din naman magtake advantage.

Hinintay ko sya na matapos maligo at sumunod na din akong maligo. Pinahiram nya ako ng pantulog at pagkabihis nahiga na ako sa kama nya, tumalikod ako kasi medyo nacoconscious ako sa kanya nun. Hindi nagtagal nakatulog na pala ako, naramdaman ko na may mabigat na nakapatong sa dibdib ko, braso pala ni Bjorn yun nakayakap sa akin, hindi ko na inalis kasi nasarapan din ako sa yakap nya at nung gabing yun ako ang girlfriend nya.

Pagkagising ko wala na sa tabi ko si Bjorn, nang biglang bumukas ang pinto
"Gising na sleepyhead, nakahanda na yung breakfast" sabi nya habang nakangiti
"Sige sunod ako"

Pagkatoothbrush ko pumunta ako agad sa dining area at nagbreakfast kami, nagkakwentuhan ng mga nangyari nung inuman at kung anu ano pa. Mga 10am yun nang umalis ako sa kanila. Nag offer sya na ihahatid ako sa amin pero sabi ko wag na at baka may gagawin pa sya.

"Bjorn wag mo na ko ihatid ok lang ako isang taxi lang naman pauwi sa amin at salamat dahil pinatulog mo ako dito"
"Anytime basta ikaw, so kita kits na lang sa ospital"
Inihaid nya ako hanggang lobby at hinintay na makasakay ng taxi.

Nang mga sumunod na araw mas lumalim ang relationship namin ni Bjorn, alam ito ng mga malalapit kong kaibigan at alam din nila na mahal ko na sya, pero hindi ako umasa na magiging kami kasi may gustong ligawan si Bjorn nun na ayaw nyang sabihin sa akin. Simula nung ikwento nya sa akin yun napansin ko na umiiwas na sya sa akin. Tinext ko sya kung may problema sya at sinabi nyang wala daw at hayaan na lang sya muna. Dahil gusto ko din syang bigyan ng space ay hindi ko din na sya masyadong kinukulit. Halos hindi na kami magpansinan pag nasa trabaho at dahil dun nabaling ang atensyon ko kay Gerald, katulad ni Bjorn gwapo din Si Gerald, mas outgoing at maloko kaya natutuwa ako sa kanya dahil lagi kaming nagkukulitan at nag aasaran.

Sa tuwing makikita kami ni Bjorn na nag aasaran ay napapansin ko na masama ang tingin nya sa amin at halatang naiinis. Gusto ko isipin na nagseselos sya dahil sa atensyon na binibigay ko kay Gerald. Nagkaduty kami ng night shift at dahil tulog na ang mga pasyente ay maaga akong natapos sa charting at nagpahinga sa isang bakanteng kwarto. Binuksan ko ang aircon at nahiga saglit. Biglang pumasok si Bjorn at naghubad ng polo, naka sando na lang sya at muli kong nasilayan ang maganda nyang katawan. Hindi ko sya pinansin pero tumabi sya sa akin, akmang aalis na ako ng bigla nya kong hinawakan sa braso at sinabi

"I'm sorry kung iniwasan kita, please patawarin mo na ako, hindi ko na kaya nakikita kayong masaya ni Gerald, nagseselos ako"
"Bakit ka naman nagseselos?"
"Mahal kasi kita Pier at ikaw ang gusto ko"

Nagulat ako sa sinabi ni Bjorn, kinabahan ako at inisip ko na baka joke lang yun pero nakita ko na seryoso sya sa mga sinabi nya. Dahil sa bugso ng damdamin napayakap ako sa kanya at naghalikan kami. Napasandal ako sa pader at diniin nya ang katawan nya sa akin ramdam ko ang laki ng katawan nya, masarap kaming naglaplapan at napatigil kami

"Mahal din kita Bjorn matagal na kung alam mo lang" pagkasabi ko nun hinalikan nya ako sa noo at nagyakapan kami. Simula noon bumalik ang closeness namin ni Bjorn at tila nanliligaw na din sya sa akin. Lagi na kaming magkasabay sa duty at hinahatid nya ako sa amin. Masaya kami noon hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay nya

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.