Eng21 (Part 11)

Eng21 (Part 11)
By: Cedie

XI. Let the Truth Come Out

Nagkatinginan ang mga kaibigan ng tumapat ang bote kay Jared. Sinimulan na ni Robert ang pagtatanong, "Jared, truth or dare?" "Truth", ang sagot ni Jared. Biglang nagisip ng malalim si Robert at biglang nagtanong, "Sino ang sa tingin mong pinakamalapit mong kaibigan dito sa barkada? Tutal simula pa lang eh madali lang ang gagawin mo." "Si Ced", sagot ni Jared. Nagulat si Ced sa kanyang narinig at maging si Kiko ay parang nabigla din. "Oh wala naman tanong kung bakit kaya paiikutin ko na tong bote", wika ni Jared. Pinaikot niya ang bote at tumapat naman ito kay Sarah. "Sarah, truth or dare?" "Truth din choice ko", sagot ni Sarah. "Who was your first kiss?", tanong ni Jared. "Ah, yung una kong boyfriend nung high school, hindi niyo naman kilala so turn ko na ngayon." Pinaikot ni Sarah ang bote at biglang tumapat ito kay George. "Truth", sinabi agad ni George. "Ok sige, may naka one-night stand ka na ba?", tanong ni Sarah. 

"Oo meron, nakilala ko lang siya dito sa school bago mag end yung sem, akala ko estudyante siya dito, nagmotel kame at may nangyari samen at pagkatapos nun hindi na kame nagkita." Natawa ang iba sa sinabi ni George at tinuloy nila ang laro. Pinaikot naman ni George ang bote at tumapat ito kay Isabel. "I wanna try Dare", sambit ni Isabel. "Sige, eto na, gusto kong halikan mo si Kiko for 10 seconds", utos ni George. Biglang napatingin si Kiko kay George, lumipat ang tingin ni Kiko kay Ced na nakatingin kay Isabel.

Kinalabit ni Isabel si Kiko at sinimulan niyang halikan ang binata. Nakapikit si Isabel ngunit si Kiko ay parang nagulat at nakadilat pa din. Matapos ang sampung segundo ay bumitaw si Isabel sa pagkakahawak kay Kiko at tumawa, "Oh ayan okey na ha, ako naman!" Pinaikot ni Isabel ang bote at tumapat kay Emily. Truth ang pinili ng dalaga at bago pa siya tanungin ni Isabel ay nagring ang phone nito at tumatawag ang Daddy niya, "Guys, I need to get this, balik ako after 20 or 30 minutes ha, sorry Dad ko kasi tong tumatawag." Tatayo sana si Kiko para samahan si Isabel ngunit pinigilan siya nito at sinabing manatili na lamang sa kwarto. Pagkalabas ni Isabel ay biglang nagsalita si Kiko. "Ok I'll give the question, Emily, sino ang crush mo sa aming lima?" Namula ng konti si Emily ngunit lakas loob siyang sumagot, "Si robert, kahit wala sa tono ang pagkanta niya, tingin ko masaya siyang kasama, pero crush ko lang siya dati, ngayon kaibigan na lang." Nagkantiyawan ang mga magkakaibigan at pinaikot naman ni Emilya ang bote. Biglang tumapat ito kay Kiko. Napangisi si Emily na halatang gusto nitong gumanti kay Kiko. "Kiko, truth or dare?" "Dare." "Habang wala si Isabel, lahat ng mangyayari dito ay hindi lalabas sa apat na sulok ng kwartong ito diba. Game. Gusto kong halikan mo ang taong pinakamahalaga sayo sa kwartong ito." Nagulat ang lahat sa sinabi ni Isabel pagkat naman ng lahat na si Ced ang bestfriend ni Kiko. Kinabahan din si Ced sa mga mangyayari dahil hindi niya alam ang gagawin kung sakaling halikan nga siya ni Kiko sa harapan ng mga kaibigan. Unti-unting lumapit si Kiko papunta kay Ced. Inangat ni Kiko ang mukha ni Ced, inilapit ni Kiko ang kanyang mukha at biglang siyang hinalikan nito sa noo. Nawalang bigla ang kaba ni Ced dahil sa ginawa ni Kiko. Napa awww ang mga magkakaibigan sa ginawa ni Kiko dahil akala nila ay kung ano na ang gagawin nito. "Haha, akala niyo ha, wala naman kayong sinabing parte diba, di kami talo ni bunso", natatawang sabi ni Kiko. Pinaikot ni Kiko ang bote at tumigil naman ito bigla kay Ced. Napalunok si Ced nang tignan siya ni Kiko sa mata at nagsimulang magtanong. "Bakit nilihim mo saken na close na kayo ni Via?", medyo mataas ang tono ni Kiko at parang seryoso niyang tinanong si Ced kahit hindi pa man nakakapili ang isa ng truth or dare. Sumagot naman si Ced, "Alam mong crush ko siya, pero hanggang dun lang yun dahil nung nagkasama kami sa quiz bee ay nalaman kong may boyfriend na siya. Teka bakit parang galit ka saken? May ginawa ba kong masama?", tanong nito. Hindi kumibo si Kiko at pinaikot naman ni Ced ang bote. Biglang natapat kay Kiko ang bote, pagkakataon na ni Ced na bumawi sa pagtatanong. Nagtanong na din naman agad siya bago pa man pumili ang kaibigan ng option. "Bakit ba galit ka saken? At bakit hindi mo sinabing niligawan mo pala si Isabel? Tapos ipapakilala mo siya samen biglaan na girlfriend mo?!", mabilis na tanong ni Ced pagkat konti na lang ay alam niyang maluluha na siya sa pagtatanong. Nagulat naman ang iba nilang kaibigan dahil nga sinabi sa kanila ni Ced dati na alam niya ang tungkol kay Isabel at kay Kiko. Dito nagkaroon ng seryosong usapan. Sinagot ni Kiko ang tanong ni Ced, "Hindi kame ni Isabel, nakiusap lang siya sa akin na maging boyfriend niya for 1 week dahil ayaw siyang tigilan ng ex niya." Biglang natahimik si Ced at siya namang pasok ng kwarto ni Isabel. Napansin ng babae na parang tahimik at gulat ang itsura ng mga magkakaibigan. "Kiko, sinabi mo na ba sa kanila? Sorry guys kung nagsinungaling kami sa inyo ha. Balak naman na talaga namen ni Francois na sabihin sa inyo ngayon, kaso parang wrong timing yata." Biglang nagsalita si Jared, "May itatanong ako sayo Ced, tungkol sa nakwento mo saken kanina habang nagiikot tayo. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makasama habang buhay yung taong may ipinangako sayo, gugustuhin mo ba na siya pa rin ang makasama mo?"

(Kanina habang naglalakad si Jared at Ced sa resort..)

"Ced, sabihin mo na saken yang bumabagabag sa loob mo. Kanina ka pa kasi tahimik dyan eh.", wika ni Jared. Nagdadalawang isip si Ced kung aaminin ba niya kay Jared pero sinagot niya ang mga tanong ng kaibigan, "Iniisip ko lang kung lahat ba ng pangako ng mga tao ay natutupad o hindi." Napaisip si Jared sa sinabi ng binata ngunit napagpasiyahan niyang wag nang ungkatin pa kung ano ang ibig sabihin ng kanyang kaibigan.

(End Flashback)

Muling natahimik ang lahat at napaisip sa tanong ni Jared. Si Kiko naman ay seryosong inaabangan ang sagot ni Ced. Huminga ng malalim si Ced at sumagot, "Oo, kasi mahalaga siya sa akin at hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nawala siya." Halong lungkot at saya ang naramdaman ni Kiko nang marinig iyon mula kay Ced. Nagmungkahi si Robert na itigil na ang laro para makapagswimming na ang mga ito. Nilipgit na ng mga magkakaibigan ang mga pinagkainan at nagbihis na ng mga damit na panligo. Naiwan muli si Isabel at Kiko sa kwarto at nagsilabasan na ang iba nitong mga kasama.

"Kiks, sorry kung nagkaron kayo ng di pagkakaunawaan ng bestfriend mo ha, pero meron din pala siyang ibang iniisip maliban sayo. Mukhang may taong nangako sa kanya na yun ang dahilan kung bakit mas nalulungkot siya ngayon. Sorry dahil imbes na samahan mo siya para makausap tungkol sa problema niya ay ako yung tinulungan mo. Sorry talaga.", malungkot na sabi ng dalaga. "Anu ka ba wag mo masyadong isipin yun, hindi naman labag sa loob ko na tulungan ka, alam ko naman na maaayos namen tong problema namen eh. Tara sundan na naten sila." Paglabas nila ng cottage ay hinanap nila ang mga kaibigan. Nakita nila ang lima na magkakasama sa pool at tinanong kung nasaan naman si Ced. Sumagot naman si Jared na andun si Ced sa may kabilang pool kung saan wala masyadong tao. Tumingin si Isabel kay Kiko at tumango, naintindihan ni Kiko ang ibig sabihin ni Isabel at tuluyan nang umalis si Kiko para hanapin ang kanyang kaibigan.

Nakita ni Kiko ang kaibigan na nakatayo sa gilid ng swimming pool at nakahawak sa metal bars. Lumapit siya dito at napatingin naman si Ced sa kanya. "Kamusta?", pangunguna ni Kiko. "Ok lang, kailangan kong maging ok", sagot ni Ced. "Bunso, lika upo ka muna dito, magusap tayo may gusto kong sabihin sayo", sagot ni Kiko. Umakyat naman si Ced at umupo sa tabi ni Kiko. "Sorry kung naging ganito ang trato ko sayo these past few days, hindi ko naman sinasadya. Well siguro sinadya ko nung una dahil nagselos ako kay Via." Nagulat si Ced at dun niya natanto kung bakit parang masungit ang kanyang bespren matapos ng kanilang quiz bee. Nagpatuloy si Kiko, "Nung nakita kong niyakap ka ni Via at niyakap mo din siya, nakaramdam ako ng selos dahil alam kong gusto mo siya kaya niyaya ko na sila Sarah na umalis dahil dun. Tungkol naman kay Isabel, totoo yun, gusto ko siya dati dahil maganda siya, pero hanggang dun na lang yun. Nang humingi siya ng tulong saken ay hindi naman ako tumanggi dahil mabait naman siya. Alam niya na ikaw ang pinakamalapit saken bunso. Na para na kitang kapatid kaya humingi din siya ng paumanhin sa ginawa niya." Magpapatuloy pa sana si Kiko para magpaliwanag ngunit pinigilan siya ni Ced, "Kuya, okay na ko, wag mo nang alalahanin. Siguro ngayon alam ko na talaga na mahal na kita. Hindi ko kasi alam kung bakit sa tuwing hindi kita nakakasama ay parang malungkot ako at parang nanghihina. Nung pinakilala mo saken si Isabel bilang girlfriend mo ay parang nadurog ang puso ko dahil sinabi mo saken na espesyal ako sayo at di mo ko pababayaan, natakot ako na..", si Kiko naman ang pinatigil si Ced sa pagsasalita, "Yung pangako ko sayo, kahit kelan hindi ko babaliin yun, mahal din kita bunso. Sapat na ang mga narinig ko para lalo kitang protektahan at hindi pabayaan." Niyakap ni Kiko si Ced at yumakap din naman si Ced sa kanyang bespren. Naging masaya nang muli ang dalawang magkaibigan sapagkat sila ay nagkaayos na. Niyaya ni Kiko si Ced na pumunta sa pool kung saan andun ang iba nilang mga kaibigan at pumayag naman ang huli.

Pagdating nila sa pool ay nakita nila ang mga kaibigan ngunit wala si Isabel at Jared. Paglapit nila sa pool ay tinanong nila ang iba kung nasaan ang dalawa. Biglang may sumigaw sa likuran nila at tinulak ang dalawang magkaibigan. "Wooo bati na sila!", sigaw ni Jared at Isabel. Nagtawanan ang magkakaibigan dahil hindi marunong lumangoy si Kiko kaya pumasan si Kiko sa likuran ni Ced. Si Ced naman ay marunong lumangoy at dahil sa matangkad naman ito ay abot pa din niya ang 6feet na lalim ng pool. Nagsaya ang magkakaibigan magdamag at nang matapos sila ay bumalik na sa cottage para magpahinga. Kinabukasan ay nagayos na sila ng mga gamit at naghanda na para bumalik sa Maynila. Isang okasyon na mahalaga para sa mga magkakaibigan ang paparating.

Itutuloy..

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.